Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fourteen

YANA'S POV...

Andito na ako sa kwarto ko at hinihintay na madatnan ng antok. Hanggang ngayon, di parin ako makatulog dahil sa mga nangyari.

Yung sa dinning hall...

Yung sa cottage...

At yung sa van...

Bakit ba ako nag-ooverthink ng mga bagay? Andito ako sa Jeju para magrelax.

Andito ka sa Jeju para mag-enjoy, Yana.

Ipinikit ko nalang ang mga mata at umasang dadatnan ng antok. Ayokong magkaroon ng eyebags dahil sa kakaisip 'no.

KINABUKASAN...

Three days lang palang magiistay ang Blackpink dito sa resort. Nakangiti akong pumunta sa main hall ng resort at nakita doon si Jiwoo at Zeira na nakatayo sa isang gilid. Nilapitan ko naman sila agad.

"Eonnie. Anong meron?" Pagtatanong ko kay Jiwoo dahil parang isang spy si Zeira kung makasilip sa Bar counter ng resort. Nagkibit balikat lang si Jiwoo.

"Bes baka matunaw na nyan sila Rm at Jennie." Sabi ni Jiwoo kay Zeira. Napalingon ako sa Bar counter at magkatabing naka-upo nga si Rm oppa at Jennie. At mukhang nagkaka-igihan.

"Eh Tignan mo oh! Nilalandi niya si Rm!" Sagot ni Zeira na parang nanggigigil. Kumunot agad ang noo ko. Hmm?

Ano naman kung nilalandi siya ni Jennie? Hindi ba dapat, maging masaya si Zeira dahil may lovelife na din sa wakas ang pinsan niya?

"Bakit? Diba pinsan ka lang naman ni Rm?" Tanong ko kay Zeira. Napalingon siya sa akin at medyo natahimik. Napipi ba siya?

"Meron ba kayong hindi sinasabi sa amin?" Tanong ko uli. Parang may kutob kasi akong merong tinatago 'tong si Zeira. Although, we're friends and I'm not expecting worst things from her anymore.

"Hindi magpinsan si Rm at Zeira." Sabat bigla ni Jiwoo. What? Did I misheard, Jiwoo? Hindi magpinsan si Rm at Zeira? So... they lied?

"Huh? Eh magpinsan daw sila sabi nilang dalawa." Pagsasagot ko kay Jiwoo.

"Oo---" Naputol ang sasabihin ni Zeira nang biglang sumagot si Jiwoo.

"Paano naman sila magiging magpinsan kung si Rm yung ama ng anak nila?" Confident na sagot ni Jiwoo.

WHAT...?

Parang biglang nagreboot ang sistema ako dahil ang hirap intindihin yung sinasabi ni Jiwoo. Naguguluhan tuloy ako.

So... hindi magpinsan si Rm oppa at Zeira. Instead, naka-buo sila. How the hell did that happened? Anong... Bakit... Paanong...

"Si Rm ang ama ng pinagbubuntis mo, Zeira?" Tanong ng isang boses. Agad naming hinarap ang pinagmulan ng boses at nakitang nakatayo yung Bangtan sa harap namin.

Uh-oh...

Mga ilang oras din ang nilikom namin sa gazebo para pakinggan ang explanation nina Rm at Zeira.

[A/N: Kung nabasa mo yung FF Series #1 na nakay @jjiminiology, madali mong maiintindihan ang story nina Zeira at RM!]

Ngayon ko lang nalaman na si Zeira pala yung nakabangga ko dun sa fanmeet na naganap dati. At yung reunion card na napulot ko ay ang punot dulo kung bakit nabuntis si Zeira. Lasing silang dalawa.

At ngayon lang din namin nalaman na may secret girlfriend si Rm oppa. Although hindi na kami nagtanong about doon at hinayaan nalang si Zeira at Rm oppa na magdesisyon sa mga buhay nila.

Dahil sa pangyayari at sa mga mabibigat na revelations, naisipan nalang namin ni Jiwoo na pumunta sa spa. Si Zeira kasi, inimbitahan ni Jimin ng date.

Don't get me wrong. Wala na akong nararamdamang selos. Jimin is still my bias. At dahil bias ko siya, I will respect and support his decisions dahil yun ang magpapasaya sa kanya.

"Ah... sarap!" Ani ni Jiwoo habang finufull body massage nung masahista. Nandito na kasi kami ngayon sa spa at nakahiga habang nagpapa-full body massage.

"Alam mo Yana, may hawig ka kay Jennie." Sabi nito. Napangiti agad ako sa sinabi niya. Siguro pang 99999999 na siyang tao na nagsabing kamukha ko si Jennie.

"Yeah right. I get that a lot." Sagot ko naman.

"Ano nga palang surname mo ulit? Sa tuwing ikukwento ka kasi ni Jhope oppa sa akin, Yana lang ang binabanggit niya." Tanong niya.

"Hwang. Hwang Yana." Sagot ko. Tumango naman si Jiwoo.

"Oh, hey. You're here din pala." Napalingon kami ni Jiwoo sa boses at nakitang nakatayo sa pintuan ng massage room si Lisa.

Bakit ba sa lahat ng pagkakataon na pwede siyang umeksena, sa tuwing nagrerelax pa ako.

Nginitihan ko nalang siya ng tipid. Humiga na siya sa kama at nagpamasahe.

"How long are you guys going to stay here?" Tanong ni Lisa. Napalingon ako kay Jiwoo at inexpect na siya na sumagot. Ayoko kasing kumausap ng linta.

"One week." Tipid na sagot ko. Si Jiwoo kasi nawalan din ng mood kaya sinarado yung mga mata niya at nagtutulog-tulogan.

"How sad. I wish we could spend a lot of time together but our schedule is very tight. You know, mahirap maging sikat e." Casual na ani niya. Pinagmamayabang ba niya yung career niya? Tsaka kung maka-english siya kala niya hindi ko naiintindihan.

"I'm really not interested in showbiz industry. I keep my life peaceful, and private as possible." Sagot ko naman. Kung palaliman lang ng english, mauunang dudugo yung ilong niya kapag ako ang hinahamon niya.

"You're not intrested in showbiz but you stick like a magnet all the time to BTS, the most popular boyband in the world, to be exact." Sabi nito. Medyo offensive na yung mga sinasabi niya hah. Ako? Magnet? Baka yung BTS yung tinutukoy niya. Magnet ng mga pagkain sa apartment ko.

"I've been with them even before they debuted. Even before Taehyung and Jin auditioned at Big Hit. And I know, you know that fact." Sagot ko sa kanya. Gigil niya na ako! Parang gusto ko siyang imasahe hanggang maputol yung mga buto niya.

"Of course. I've been in a relationship with Suga for 2 years before debut. I know a lot about you, Yana." Ani niya. Nginitihan ko nalang siya as a response. Kailangan talagang sabihin yung sa kanila ni Suga? Antipatika.

Piliin niya ng maigi yung mga sinasabi niya dahil baka magkaroon ng crime scene dito sa massage room.

"And I want my Suga back." Pagpapatuloy niya. Napatingin ako sa kanya at nagtama ang tingin namin.

This two-faced b*tch.

Alam niya ba yung sinasabi niya? As far as I know, klinaro dati ni Lisa kay Suga na mas pinipili niya yung carrer niya as an idol. Samantalang, nagtiis lang si Suga na pagtakpan yung relationship nila kahit nagdebut na sila as BTS.

"I hope you don't mind." Sabi ni Lisa habang naka-smirk. Masama ang kutob ko sa mga sinasabi niya. May plano yata 'to.

"Sure. As long as you don't bother me." Ngiting sagot ko. Nginitian niya ako pabalik at ipinikit na ang mga mata niya para magrelax totally.

Huwag siyang kampanteng babalikan siya ni Suga. Hindi ko hahayaang mapasama ulit yung kaibigan ko. Kahit papaano, may pinagsamahan parin naman kami ni Suga. I'm still obliged to provide the best for my friend.

8:22 pm.

Andito na kaming lahat sa dinning hall para mag-dinner. Sakto namang dumating na si Zeira at Jimin galing sa kung saan man sila nag-date.

Mukhang seryoso talaga si Jimin kay Zeira.

After ng dinner, nagsibalik na kami sa mga kwarto namin. Natulog agad si Zeira dahil bawal siyang magpuyat. Ako naman, naghilamos muna ako.

Saktong nabasa ko na ng tubig yung mukha ko nang ma-realize kong ubos na yung sabon. Ang malas naman ng vacation na 'to.

Lumabas ako ng banyo para magtanong ng sabon pero tulog na si Jiwoo at Zeira. Ayoko naman silang istorbohin.

"VVIP room pero pulubi sa sabon." Bulong ko sa sarili ko at lumabas ng kwarto.

Kinatok ko yung pintuan nina V. Mukhang gising pa sila dahil ang dami kong naririnig na ingay.

"Oh, Yana." Pambubukas ni JHope oppa. Napansin kong sumilip si V at Jin oppa.

"Pwedeng makahingi ng sabon? Ubos na kasi yung sa akin." Tanong ko.

"Sabon daw." Sabi ni JHope at agad bumangon si Jungkook para kumuha ng sabon sa banyo.

"Noona, oh. Nakakaputi yan." Sabi ni Jungkook nang iabot niya sa akin yung sabon.

"Maputi na ako!" Pangiirap ko sa kanya. Tumawa lang silang lahat.

"'Di pa ba kayo matutulog?" Tanong ko kay Jungkook na nakatayo parin sa harap ng pintuan.

"Hinihintay pa namin si Suga hyung e. Naka-auto lock kasi 'tong pintuan. Naiwan niya pa yung key card. Baka ma-lock siya dito sa labas." Sagot ni Jungkook habang kinakamot ang batok niya. Nagkunot ang noo ko. Saan naman nagpunta si Suga sa ganitong oras?

"Asan ba siya?" Tanong ko kay Jungkook.

"Kumatok dito kanina si Lisa. Sinundo niya si Suga hyung. Malamang, baka nagkakabalikan na yung dalawa." Sagot ni Jungkook.

Chineck ko agad ang oras at 10:49 na ng gabi. Ano naman kayang gagawin nung dalawa sa ganitong oras?

Napahawak ako sa dibdib ko dahil bumalik na naman yung unusual na feeling. Yung hindi ako makahinga at sumisikip yung dibdib ko.

"Noona, okay ka lang?" Nagaalalang tanong ni Jungkook. Bumalik ang tingin ko kay Jungkook at tumango ako agad.

"Ok lang ako. Goodnight." Pamamaalam ko at bumalik na ako ng kwarto.

Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito?! Ano ba, Yana! Ano bang nangyayari sa akin?

Parang feeling ko, na-traydor ako, nasaksak sa likod, napagtaksilan at kung anu ano pa. I shouldn't be feeling this way!

I shouldn't be hurting this way.

Ano bang sumapi sa akin at parang ang sensitive ko sa pain?!

Hindi ko namalayang may mainit na liquid na dumadaloy pababa sa pisngi ko. Ano 'to?!

Wala akong nararamdaman para kay Suga. Pero bakit ako umiiyak ngayon?

Hindi ako nagseselos. Pero bakit ang bigat bigat ng pakiramdam ko?

Bakit?!

●●●●●●●●●●●●●●●●●●

A/N

Sorry guys. Alam ko salbahe ako. BABAWI TALAGA AKO PROMISE!!!

MWA ♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro