Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four

~♥~

YANA'S POV...

Ring... ring... ring...

Umagang umaga sino bang tumatawag?! Minulat ko nang konti ang mata ko at kinuha ang phone ko.

Chimchim ♥
calling...

Nanlaki ang mga mata at agad akong napa-upo sa kama ko. Oh my goodness! Nananaginip parin ba ako?!

Hindi ko naman first time makatanggap ng tawag mula kay Jimin pero tuwing tatawag siya, parang first time lang! Oo! Ganon ka-lakas tama ko sa kanya!

Napa-ubo ako at inalis lahat ng plema na pwedeng makasira sa boses ko.

*ehem-ehem*

Napahawak ako sa leeg ko at klinaro ang bituka ko.

"Hello?" Sagot ko. Hinga ka, Yana. Mamaya di ka pa nasisikatan ng haring araw, patay ka na.

"Goodmorning!" Bati ni Jimin. Napangiti agad ako ng abot langit. Talagang good ang morning kasi sinumilan ko ang umaga ng kausap ka!

"B-Bat ka napatawag, Jimin?" Tanong ko. Miss na ba niya ako agad? Ayieee, 'to naman magkakasama na nga kami kahapon.

"Andito kasi kami nina V at Kookie sa labas ng apartment mo. Kanina pa kami kumakatok." Sagot niya. Agad nawala ang ngiti ko at napalitan ng gulat. Biglang nag-freeze ang mundo.

"WHAT?!" In-end call ko na yung tawag at agad bumangon. Narinig ko naman si Jungkook mula sa labas na sumigaw ng, "Noona, may balak ka pa bang pagbuksan kami?"

"Teka lang! Magpapalit lang ako!" Sigaw ko habang nakaharap sa malaking salamin sa kwarto ko.

Wow. Ang aga-aga, nag-goodmorning agad yung kapangitan mo, Yana.

Agad kong binuksan ang cabinet ko at kumuha ng bra at pajama. Tumakbo na ako papuntang frontdoor habang sinusuot ang bra at pajama ko.

"Hi." Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang tatlong lalakeng balot na balot ang mukha. Nakikilala ko parin naman sila dahil sa Height at kulay ng buhok nila.

"Noona, baliktad yang pajama mo." Tinuro pa ni Jungkook ang pajama ko.

"Eh pano ba naman, nambubulabog nalang kayo ng bigla bigla sa bahay ng taong natutulog." Sagot ko. Inirapan lang ako ni V at Jungkook at tuloy-tuloy na silang pumasok.

"Gwiyeopta. (Cute.)" Sabi ni Jimin at pinisil pa ang pisngi ko bago siya pumasok.

Agad naman silang sumalampak sa sofa ko at sinindi yung TV.

"Ano bang sadya niyo dito?" Tanong ko habang nakapa-meywang.

"Madami kasing pagkain dito. Tinamad magluto si Jin hyung e." Sagot ni Jimin. Napabuntong hininga nalang ako.

"Tsaka miss ka na daw ni V hyung, noona." Pamimilosopo naman ni Jungkook. Binato siya ni V ng tsinelas at sinamaan ito ng tingin.

Tinignan ko yung oras sa cellphone hindi ko namalayang hawak ko pala. 11:43 am na pala. Nasapian na ba ako ng espirito ni Suga at halos 10 na akong natulog?

"Kumain na ba kayo ng lunch?" Tanong ko at umiling-iling sila. Buti nalang at nakapag-grocery ako kagabi after ng fansign nila, kundi pati ako gugutumin.

"Sige ipagluluto ko nalang kayo." Sabi ko at dumiretso na ng kusina.

"Noona, gusto ko ng bulgogi." Pumasok nang kusina si Jungkook at umupo sa kitchen table.

"Sige." Sagot ko.

"Pagod ka yata, noona. Gusto mo tulungan kita?" Tanong nito habang pinapanood akong naghahati ng cabbage.

"Di ka naman marunong mag-luto eh." Sagot ko. Tumawa lang siya at kumuha din ng kutsilyo. Nakita kong kaya niya naman maghati ng spring onions.

"Noona, pwede bang magtanong?" Parang inosenteng bata si Jungkook. Tumango ako as a response.

"Saan nagsimula yung pagaaway niyo ni Suga hyung? Ever since pinakilala ka ni V hyung sa amin, naging madaldal na si Suga hyung tuwing aasarin ka niya." Sabi nito. Nagkunot naman ang noo ko.

Madaldal na yun? Eh limang words lang ata yung lumalabas sa bibig niya tuwing kausap ako. Puro pangaasar pa. So meaning to say, nung wala pa ako, pipi siya ganun? Charot lang.

"Ganito kasi 'yon." Tinignan ko ng diretso si Jungkook at nakita kong excited siyang pakinggan ang kwento ko.

"Naalala mo nung first time kong pumunta sa dance studio niyo? Diba wala si Suga nun kasi nagbanyo siya. Ako naman, dahil highschool senior palang ako nun, naka-uniform pa ako. Naki-banyo din ako dati kasi nga ano... ano... n-nireregla ako." Nahihiyang kwento ko. Eh lalake si Jungkook e tsaka bata pa siya. Pero parang wala siyang idea kung ano yung word na 'regla' kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagkukwento.

"Saktong nasa labas ako ng pintuan ng mga lalake nang biglang nag-text sa akin yung isang barkada ko. Sabi niya gusto niya daw makita yung BigHit kaya humingi siya ng favor na picturan ko daw yung entertainment niyo. Pero habang nagpipicture ako, saktong bumukas yung pintuan ng cr ng mga lalake at lumabas dun si Suga. Syempre ayun, tinawagtawag niya akong sasaeng, trespasser, at kung ano ano pa. Nagpatawag pa siya ng security at pinadampot ako. Buti nga't dumating si Jin oppa kundi nasa selda parin ako hanggang ngayon." Kwento ko. Tumango-tango naman si Jungkook.

"Kaya pala. Nag-apologize ba si Suga hyung sayo?" Tanong niya. Umiling nalang ako. Di uso sa kanya mag-apologize.

"Pero alam mo Yana noona, ikaw lang ata yung pinagaaksayahan niya ng madaming laway tuwing magkausap kayo. Sa amin kasi, halos di namin yun mapagsalita. Except nalang kung about sa trabaho namin." Sabi niya. Tinaasan ko nalang siya ng kilay.

So nageeffort pala siya ng sobra para lang talunin ako. Sorry siya. Kahit bigkasin pa niya lahat ng salita sa mundo, ako parin magwawagi. Bwahahaha!

"Syempre ayaw niyang matalo sa akin." Sabi ko with smirk pa. Nagkibit-balikat nalang si Jungkook at nagpatuloy sa pag-hahati ng spring onions.

After ko magluto with the help of my new kitchen assistant, Jungkook, inihain ko na ito sa dining table ko at tinawag sila.

"Kain na!" Sigaw ko at nagsi-upo na kaming apat. Tumabi sa akin si V samantalang magkatabi naman sina Jimin at Jungkook.

"Asan yung apat? Yung mga hyung niyo?" Tanong ko habang naglalagay ng rice sa mangkok nila.

"Si Jin hyung at JHope hyung nasa dorm. Si Suga hyung nasa studio niya, nagsusulat ng mga kanta. Si Rm hyung naman may pupuntahan daw tsaka baka daw magabihan." Sagot ni Jimin. Tumango nalang ako. So wala nga silang sched today.

"Napansin ko lang, si Rm hyung madalas siyang may pinupuntahan. Minsan di niya sinasabi kung saan. Nagaalala na nga ako e baka mamaya magkaroon ng controversy." Sabi ni V at nagpatuloy na sa pag-kain. Nagkunot naman ang noo ko.

Saan naman kaya pupunta si Namjoon oppa?

"Eh kayo, wala ba kayong planong gawin o puntahan ngayong araw na 'to bukod sa panggugulo niyo dito sa apartment ko?" Sarkastikong tanong ko.

"Meron actually, susunod naming guguluhin yung si Suga hyung sa studio niya. Sama ka, noona?" Pagiimbita ni Jungkook. Tumaas at bumaba pa yung kilay niya na parang may magandang plano. Nginitian ko naman ang matalinong maknae.

"Gusto ko yan." Sagot ko at ngumisi kaming dalawa. Pinektusan naman ako bigla ni V. Aray naman!

"Mamili naman kayo ng guguluhin niyo. Gumagawa kayo ng ikamamatay niyo e." Sabi ni V. Inirapan ko naman siya.

"Sana sinabi mo yan sa sarili mo at sa kanila bago kayo pumunta dito. Jusko, takot kayo kay Suga pero sa akin hindi? Takot kayo sa matandang unano na 'yon? Sa palagay ko nga may rayuma na 'yon ngayon dahil sa sobrang oversleep niya! Tsaka kung babatukan niya man kayo, di kayo maabot nun. Sa tangkad niyong yan, kakailanganin niya ng hagdan." Sabat ko. Sakin matatakot si Suga.

I will make myself his nightmare for eternity.

"Pano naman ako? Siguradong mapapatay ako ni Suga hyung." Sabi naman ni Jimin. Oo nga pala, halos magka-height lang sila.

Tumawa naman si Jungkook na dahilan para batukan siya ni Jimin.

"'Wag kang mag-alala. Mas-cute ka naman sa kanya. Mas madami kang rason para mabuhay." At nginitian ko si Jimin.

Nginitihan niya naman ako ng sobrang sweet na halos straight line nalang yung mga mata niya. Cute.

After naming kumain, pinaghugas ko na ng pinggan si Jimin at V. Syempre naman, kami na nga ni Jungkook nagluto e.

Naligo na ako para maghanda sa paninira ng araw ni Suga. Lumabas na kami ng apartment at nakita kong may puting kotse sa labas ng apartment ko.

"May kotse ka na Jungkook?" Napatingin ako kay Jungkook na siya lang ang may lisensya sa kanilang tatlo.

"Kotse ni Writer noona yan. Ninakaw ko lang." Sagot niya habang nakangiti pa ng pagkalaki-laki. Napabuntong hininga ako at binatukan ko silang tatlo.

"Mga pasaway kayo. Inutusan niyo pa yung maknae! Sige pag nagalit si Writer eonnie ulit sa inyo, bahala kayo." Sabi ko at sumakay nalang ako sa passenger's seat.

Sumunod naman sila agad at nag-drive na si Jungkook patungong BigHit kung nasaan ang studio ni Suga.

Excited na akong malagasan ng buhok yung matandang unanong yun sa sobrang inis.



●●●●●●●●●●●●●●●●●
AN/

Naka-update din ako sa wakas! Baka bukas po or sa monday ia-update ko ulit yung next chapter!

PS: about dun sa meme sa taas, di ko po talaga alam kung ba't ko nilagay yun. In terms of memes po kasi, si V ang bias ko hahahahaha!

Love y'all! ;*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro