Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Five

~♥~

JUNGKOOK'S POV...

Nakarating na kami sa BigHit at kitang kita ko sa mukha ni Yana noona ang excitement.

Minsan delusional ako kaya iniisip ko na siguro 10% ang pagkasabik niyang makita si Suga hyung pero 90% ang chances na nabubwiset siya rito.

"Min Yoon Gi hyung!" I shouted as we enter his studio. May ginagawa siya sa computer niya. Composing, maybe.

He turned his head at nakita niya kami. His face turned to a smug when he saw Yana noona, as usual.

It's english! Wow, Jungkook! They won't call me Golden Maknae for nothing! At sinelf pat ko ang sarili ko.

"Akala ko no pets allowed. Pano nakapasok yan?" Turo niya kay Yana noona na parang isang hayop.

Ayan na naman, nagsisimila na naman ang dalawa. Pero exciting 'to. Maliban sa boxing, ang away nina Yana noona at Suga hyung ang isa sa mga gusto kong pinapanood.

"Akala ko nga din. May nakapasok palang pusa." Sabat naman ni Yana noona. At biglang nagswitch sa staring contest.

Ako lang ba o parang may nakikita akong kuyente sa pagitan nila?

"Andito lang kami para makipagusap. Wala kasing ginagawa sa bahay. Si Jin hyung at JHope hyung busy sa paglalaro ng VR." Sabi ni V hyung at umupo na kaming tatlo sa couch. Si Yana noona naman, umupo sa upuan ng piano.

"Kukuhanan ko lang kayo ng maiinom." Tumayo si Suga hyung at kumuha nga ng maiinom.

"Kailan kaya kayo magkakabati ni Suga hyung?" Tanong ni Jimin hyung kay Yana noona habang kaming dalawa ni V hyung ay busy sa pagtu-twitter.

"Yan ang tanong na kailanma'y hindi mabibigyan ng sagot." Sabi ko habang nakatingin parin sa screen.

"Mismo." Nagsecond the motion naman si V hyung.

"Mabait naman si Suga hyung e." Sabi ni Jimin hyung hyung kay Yana.

Tinaasan naman naming dalawa ni V hyung ng kilay si Jimin. Napatingin siya sa amin at nagtataka kung bakit namin siya tinitignan ng ganon.

"Mabait ba 'yon? Pag tulog, oo. Ginising ko nga siya nung isang araw dahil halos 20 hours na siyang tulog. Nag-alala lang naman ako kasi mamaya baka patay na pala. Pero yung paggising ko sa kanya nung araw na yun, ako yung muntik nang mamatay." Sabi ni V hyung. Tumawa tawa nalang kaming tatlo sa kwento niya.

Matapos ang ilang segundo, dumating na si Suga hyung na may lang apat na coffee. Binigyan kami ni Suga hyung ng kape.

"Salamat." Malaking nakangiti si Yana noona.

Kukunin na sana niya yung last na kami sa kamay ni Suga hyung nang pinangunahan siya ni Suga hyung sa pag-kuha.

"Anong 'salamat'? Kumuha ka ng sayo." Pagsusungit ni Suga hyung.

At ayun na nga, nagpapatayan na naman sila sa pamamagitan ng pagtititigan nila.

Padabog na tumayo at umalis si Yana noona para kumuha ng sa kanya.

"Hyung, ba't di mo kinuhanan si Yana?" Tanong ni V na parang naiirita.

Minsan sa sobrang pagiging delusional ko, naiisip kong may gusto parin si V hyung kay Yana noona.

"Diba she hates black coffee? Yun lang naman available sa cafeteria natin e." Sagot nito. Napatingin ako kay V hyung at napabuntong hininga nalang ito.

Pero yung thought na alam ni Suga hyung kung anong ayaw ni Yana noona hits a spot.

"Tungkol saan naman yang kinocompose mong kanta, Suga hyung?" Sinilip ko yung paper niya binasa yung lyrics.

[A/N: Gawa gawa ko lang po yung lyrics sa baba. Isipin nyo nalang na yan yung kinompose na lyrics ni Suga. Thank youuu.]

You're eyes so bright, cute monolids.
You're nose so tiny, can you breath?
You're hair so silk, like Sadako.
I love it when you whine while I tease you. Kiss you. Touch you. Love you.

Music is not for you.
But I made a music for you.

Deep down I know you care for me.
You even stare at me in my sleep.
Just wanna confess to you.
Bae, I love you.

Is it just me, or yung kanta ni Suga hyung is hindi talaga dedicated sa mga Armys?

"Ang pamilyar naman ng tinutukoy mo dito, hyung." Sabi ko at inagaw niya agad sa akin yung papel.

"Na-inspire ako sa mga Armys." Palusot niya.

Oo, na-inspire ka kay Yana noona.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na si Yana noona na may hawak na juice. Umupo ulit siya sa upuan ng piano.

"Marunong ka ba mag-piano?" Tanong ni Jimin hyung sa kanya. Oo pala 'no. Magpinsan sila ni Jin hyung. Magaling magpiano si Jin hyung e.

"Medyo. Nung nag-piano lesson kasi dati si Jin oppa, pinilit ako ng parents ko na sumama kaya may alam ako sa pagpipiano. Kaso, hindi ko talaga mahanap yung interest ko sa music." Sagot ni Yana noona. Napatango nalang kami.

"Tugtugan mo kami, noona!" Nakangiting request ko.

SUGA'S POV...

"Tugtugan mo kami, noona." Nakangiting sabi ni Jungkook. Marunong ba talaga siya?

"Huh? Wala akong alam na kanta e." Sabi niya. Baka hindi niya talaga alam magpiano.

Inagaw bigla ni Jungkook yung kinocompose kong kanta kanina. Nanlaki ang mata ko dahil ibinigay niya ito kay Yana.

"Yan o. Kaya mo naman magbasa ng notes, diba noona?" Tanong ni Jungkook. Kumunot ang noo ni Yana.

"Ano namang kanta 'to?" Tanong ni Yana habang binabasa yung mga notes.

Pusang inang malutong, pinagpapawisan na ako. Hindi niya naman siguro mahahalata.

"Kino-compose ni Suga hyung. Di pa tapos actually." Sabi ni Jungkook. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Mapapatay ko na si Jungkook.

"Hmm? Eh bakit 'Y' yung title?" Tanong niya ulit. Nanlaki ang mga mata at tumitibok ng mabilis yung puso ko.

"Initial yan ng pangalan m---" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Jungkook at ako na ang sumagot.

"Pangalan ko. Yoon Gi." Sagot ko. Sinamaan ko naman ng tingin si Jungkook.

Patay ka sakin mamaya, Jeon Jungkook.

Tumango nalang si Yana at inilagay ito sa taas ng piano. Huminga siya ng malalim at tinugtug na niya yung mga notes na nilagay ko.

[A/N: Imagine niyo nalang po na yung beat ng piano ay yung nasa Multimedia ng chapter na 'to. Mas maganda kapag pinapakinggan niyo habang nagbabasa kayo hihi ;)]

Nagsimula na siyang tumugtog at hindi nakapagtatakang marunong nga siya. Kuhang-kuha niya yung mga notes na iniligay ko.

Yung kantang yan, dinededicate ko talaga sa mga Armys. Pero habang sinusulat ko yung mga lyrics kanina, hindi ko maalis sa utak ko yung imahe ng isang babae.

Hindi ko alam kung paano ko maaalis yung thought na yun kaya ginawa ko siyang kanta. Sigurado naman akong hindi si Yana ang tinutukoy.

It may look like her, pero sa pagkakaalala ko sa babaeng naiisip ko, hindi ko makita ang buong mukha niya. Tanging ang ilong, mata, at buhok lang niya ang naiisip ko.

Kung siya man yung babae na laging tumatatak sa isip ko...

Sira-ulo na ako nun.

I mean bakit ko naman siya iisipin? Si Hwang Yana na wala nang binigay sa buhay ko kundi stress? Mas lalake pa sa akin kung manamit? Talo pa ang nakikigyerang Leon kapag galit? Walang sense of music? Daig pa ang Prinsesa ng United Kingdom kung pumili ng pagkain?

No way. Siguro mga kapalpakan niya, iisipin ko pa.

"Hyung."

Tignan mo nga siya, kung makatitig sa akin parang binabaon na niya ako sa lupa. Di ko tipo yung mga babaeng sobrang adik sa staring contest.

"Suga hyung!" Tinapik bigla ni Jimin yung balikat ko. Bigla akong nagising sa realidad. Kanina pa pala tapos si Yana at kanina pa ako ng iisip ng kung anu-ano.

"Kung makatitig ka kay Yana, parang hinuhubaran mo na siya." Sabi ni Jimin. Nanlaki naman ang mata ko at liningon ko si Jimin.

"Eww!" At sabay pa kami ni Yana. Umarte pa ito na parang nasusuka. Tumawa lang silang tatlo at umalis na.

"San kayo pupunta?" Tanong ko.

"Magbabanyo ako. Si Jimin at Jungkook, kukuha lang daw ng snacks sa cafeteria." Sabi ni V at umalis na. Si Jungkook at Jimin naman sumunod.

Napalingon ako kay Yana na hanggang ngayon umaarte paring nasusuka.

"Eh kung buhusan ko ng mainit na kape yang bituka ko para tuluyan ka nang sumuka? Kala mo naman maganda." Sabat ko habang kunwaring ibubuhos yung hawak kong kape. Iniripan niya ako.

"Kung makatitig ka sa akin kanina. Pinagpapantasyahan mo ako 'no?!" Sabi niya at tinuro turo pa ako.

Saan niya naman nakuha yung confidence niya at natanong niya sa akin ang ganong klaseng bagay?

"Pagpapantasyahan ka? Gising ka ba? I'm Suga. S. U. G. A. Lead Rapper ng BTS. I don't fantasize on lower class people like you." Sabi ko.

Napatikom ang bibig niya at napatingin siya sa akin ng blanko. Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil mukhang natunganga na siya.

Bigla siyang tumayo at sinamaan ako ng tingin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Ano, cat got your tongue, Yana?

"I'm Hwang Yana. A low class type of girl. Pero kahit kailanman, hindi naging mababa at cheap ang respeto ko sa isang tao. Sana kung gaano kataas yang tingin mo sa sarili mo, ganon kataas ang moralidad mo. Kung meron man in the first place." Sabi niya at umalis na ngstudio ko. Napatahimik at napatigil ako.

What now, Suga? Cat got you're tongue. Real hard.





●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
A/N:

Hey guys! Ayun na nga naka-update din sa tamang oras. Exam na pala namin bukas kaya wag mag-expect na makakaupdate po ako agad. Ayaw po bumagsak ng lola niyo lol hahahahaah.

Anyways, salamat ng marami sa votes! Hope you guys enjoy it!

Love y'all! ;*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro