Chapter Fifteen
~♥~
YANA'S POV...
Umagang umaga at pinagchichismisan namin ni Zeira kung bakit ayaw namin sa Blackpink. That fact just made me and Zeira became closer to each other.
Kailangan kong mag-focus sa sarili ko from now on. Para hindi ko na maramdaman yung naramdaman ko kagabi.
Dumiretso na kami ni Zeira sa gazebo para sa celebration 'daw' ng success ng Blackpink at BTS comeback at sa farewell party na din dahil sa wakas! Uuwi na din sila mamaya!
Agad uminit ang ulo ni Zeira nang madatnan niyang nilalandi na naman ni Jennie si Rm.
"Easyhan mo lang." Bulong ko kay Zeira para pakalmahin siya. Grabe kasi yung hawak niya sa sandok e.
"Pigilan moko friend baka ma ihampas ko sa kanya tong sandok." Gigil na sabi ni Zeira at natawa nalang ako.
Inagaw ko yung sandok na hawak niya at pinagpatuloy nalang yung niluluto niya. Mamaya kasi baka lagyan niya 'to ng lason dahil sa galit niya kay Jennie. Madamay pa kami.
"Jiwoo, paabot nga ako nung kutsilyo." Utos ko at inabot agad sa akin ni Jiwoo yung kutsilyo.
"Enebe. Stop it! Hindi naman ako sexy eh!" Rinig ko. Sigurado akong si Lisa ang nagmamay-ari ng pabebeng boses na yun. Hindi ako pwedeng magkamali.
Napatingin ako sa swimming pool at nakita kong panay ang dikit niya kay Suga habang nagtatawanan silang dalawa sa swimming pool.
Hindi na nahiya. Wala talagang preno yung pagiging malandi ng babaeng 'yan! Manhid ba siya? Wala man lang siyang konsidirasyon sa naramdaman ni Suga nung iniwan niya ito!
"Aray..." Agad kong nabitawan ang kutsilyo dahil hindi ko namamalayang nahiwa ko na pala yung daliri ko imbes na yung spring onions.
"Oh my God! Yana, are you alright?!" Sigaw ni Jiwoo nang makita niya yung daliri kong may umaagos na dugo.
"Anong nangyari?" Tanong ni V at lahat tuloy ng attention ay napunta sa akin.
"I-I'm fine. Okay lang ako." Sabi ko saka ko tinago yung daliri ko sa likod ko. Ayokong ma-udlot ang celebration na 'to dahil sa akin.
"This is not okay." Nagulat ako nang biglang sumulpot si Suga at hinablot yung kamay ko. Itinaas niya ito para makita ng lahat.
Nanlaki agad ang mga mata ng lahat ng tao sa gazebo nang makita nila ang dumudugong daliri ko. Medyo nararamdaman ko na yung hapdi ng konti.
"Sabing okay lang ako e." Hinablot ko ang kamay ko pabalik at dumiretso sa main hall para kunin yung first aid sa counter.
"Excuse me, Miss?" Tawag ko sa staff sa counter.
"How may I help you, ma'am?" Tanong nung staff ng naka-ngiti.
"May first aid ba kayo dito? Can I borrow it?" Tanong ko.
"Yes ma'am. Meron po." Tumango ito at nangalkal sa cabinet na nasa likod niya.
"Heto po." Iniabot niya sa akin yung first aid box. Kukunin ko na sana ito nang biglang may umagaw.
"Thank you." Sabi ni V at hinatak ako papunta sa upuan ng main hall.
Pinanood ko lang si V na binubuksan yung first aid box at kumuha ng bulak saka ito nilagyan ng alcohol.
"Kahit kailan, napaka-clumsy mo." Sabi niya saka niya dinampi yung bulak na may alcohol sa sugat ko. Napangiwi ako sa hapdi.
"Kaya ko naman gamutin sarili ko, V." Pagrarason ko. Ayoko kasing mag-abala siya o sila.
"Tumahimik ka na lang." Sabi niya at sinunod niyang linagyan ng betadine yung sugat ko.
"Dati rati, ako yung ginagamot mo tuwing napapa-away ako nung high school tayo." Nakangiting sabi ni V. Naaalala pa pala niya yun?
"Bakit ka na nga ulit napapaaway dati?" Natatawang tanong ko.
"Gwapo kasi ako. Daming naiinggit." Simpleng sagot niya. Nasapian ba 'to ng epirito ni Jin oppa?
"Matakot ka nga sa sinasabi mo." Pangaasar ko ng tumatawa.
"Eh sino ba ang Top 1 Most Handsome Faces in the World nung 2017?" Nakataas pa ang isang kilay niya nang tanungin ako.
"Ewan ko sayo. Tigilan mo ako sa kayabangan mo kung ayaw mong ipainom ko sayo 'tong alcohol." Pagbabanta ko at nagtawanan lang kami.
7:18 pm.
Nagtipon-tipon na kaming lahat dito sa dinning hall, including Blackpink, para kumain. At hindi ko alam kung makakakain ba ako dahil katabi ko ngayon si Lisa.
"Aren't you gonna eat, Yana?" Tanong ni Lisa sa akin. Napatingin ako sa kanya at nginitian niya ako. Kung hindi lang namin kaharap si Suga...
"I lost appetite." Tipid kong sagot.
"Ang sarap kaya ng pagkain, noona. Pano ka mawawalan ng gana?" Tanong ni Jungkook.
"Busog pa ako." Simpleng sagot ko at nag-walk out.
Dumiretso ako ng bar at nag-order ng lemonade. Pampalamig lang. May lemonade din kasi silang sineserve dito, hindi lang puro alak.
"Kuya, may sineserve ba kayong snacks dito?" Tanong ko sa bartender. Medyo parang ka-edad ko lang yung bartender kaya kinukuya ko nalang.
"Pasta lang po ang meron, maam." Sagot nung bartender. Umorder ako ng isang pasta para di ako malipasan ng gutom.
"One pasta for the beautiful young lady." Sabi ng bartender saka niya linapag sa harap ko yung pasta. Wow, well-plated.
"Heartbroken siguro kayo 'no, maam?" Tanong nung bartender. Napakunot ang noo ko sa tanong niya.
"'Pano mo naman nasabi yan?" Tanong ko saka ako nagsubo ng pasta.
"When a girl comes in a bar alone, quiet, and doesn't check her phone, heartbroken sila." Sagot nung bartender. Napaka-FC din ng bartender na 'to a. Pero mas okay na yon para may kausap naman ako.
"Hindi naman ako heartbroken. Wala lang ako sa mood." Sagot ko dito. Tumango nalang yung bartender at nagpatuloy ng pagpupunas sa mga wine glass.
"Kuya, pwede bang magtanong?" Tanong ko sa bartender. Hinarap niya ako at tumango. Kailangan ko talaga ng kausap ngayon e. Daldal ko kasi.
"If binalikan ka ng ex mo na pinagpalit ka over sa career niya... babalikan mo din ba siya?" Tanong ko.
"Hmm... depende. Kung maganda naman yung reason niya nung pinili niya yung career niya over sa akin, malaki yung chance na babalikan ko siya." Sagot ni Mr. Bartender.
So... malaki yung chance na babalikan niya din si Lisa?
"Maganda ka naman, ma'am. You can have any guy you want." Tuloy nito.
"Any guy but him." Bulong ko sa sarili ko at hindi ko na din alam kung anong nangyayari sa akin. Kung bakit si Suga ang tinutukoy ko.
Do you love him, Yana?
"Hindi ko siya mahal, diba? Sabihin mo nga sa akin na wala akong nararamdan para sa kanya. Hindi ko siya gusto." Nakatingin ako ng diretso kay Mr. Bartender.
"Kung sino man yang tinutukoy mo ma'am... wala kang nararamdaman para sa kanya." Sagot nito. Napabuntong hininga ako.
"Kung ano man yang nararamdaman mo ma'am, in denial ka." Sabi nito.
Hindi ko na namalayan ang oras at 10:55 na pala ng gabi. Malamang tulog na yung mga yun.
Lumabas na ako ng bar at dumiretso sa kwarto namin. Nadatnan kong tulog na sina Jiwoo at Zeira. Tumabi na ako kay Jiwoo at hihiga na sana nang biglang nagvibrate ang tiyan ko.
"Hindi pa ba sapat yung pasta?!" Bulong ko sa tiyan ko.
Bumangon ako ulit at pumunta ng convenience store ng hotel. Pumasok na ako ng elevator at pinindot yung ground floor. Bakit ba kasi nasa 1st floor pa yung tindahan dito.
Saktong pagbukas ng elevator, nakita ko yung Blackpink na kasama si Suga sa main entrance ng hotel. Bakit ba kasi nakaharap ang elevator na 'to sa labas?!
"Bakit kasama niya yung anacondang 'yun?" Bulong ko nang lumabas ako sa elevator.
Mukhang nagpapaalam na si Lisa dahil nakahawak ito ng maleta. Yung ibang Blackpink naman nasa kotse na kaya si Suga at Lisa nalang ang naiwan doon.
Nanlaki ang mata ko sa sumunod na nangyari.
Hinalikan siya ni Lisa.
SUGA'S POV...
Andito ako ngayon sa main entrance at hinahatid na si Lisa pauwi. Tumigil kami sa labas ng main entrance para mag-paalam.
"I wish I could spend a lot of time with you, oppa." Naka-pout na sabi ni Lisa. Kahit kailan talaga, cute parin siya.
"Don't worry. Magkikita ulit tayo." Pagsisigurado ko sa kanya.
Hindi siya kumibo. Instead, kumapit siya sa balikat ko para makanakaw ng halik. Sh*t. Yung puso ko!
Her lips...
Tutugon na sana ako sa mga halik niya nang biglang nag-flash sa utak ko yung mukha ni Yana sa bus nung muntik na kaming maghalikan.
Wtf is happening to me?
"Oppa." Nagaalalang tumayo ng maayos si Lisa at hinarap ako.
"Hindi mo na ba ako gusto?" Tanong niya ng diretso. Napatingin ako sa kanya.
Bakit naisip ko bigla si Yana?!
"Of course not. Ano bang klaseng tanong yan?" Sagot ko.
"Then why didn't you respond?" Tanong uli niya. Bakit nga ba? Dati dati, mabilis ako tumugon sa mga halik ni Lisa.
"Nabigla lang." Simpleng sagot ko. Tumango nalang si Lisa at nagwave saka ito sumakay sa kotse.
God, I miss her already.
Umakyat na ako papuntang kwarto. Pero bago pa man ako makapasok, sinalubong na ako ni JHope sa hallway ng 7th floor.
"Suga! Anjan ka pala e. Kanina pa kita hinahanap." Sabi ni JHope. Kumunot naman ang noo ko.
"Tara mag-laro tayo nina Yana." Aya niya at inakbayan ako papasok sa kwarto. Maglalaro? Ano namang lalaruin namin sa ganitong oras?
Nadatnan kong nasa terrace yung Bangtan kasama si Yana at may mga 20 na bote ng soju sa mesa.
"Suga! Sali ka!" Nakangiting tawag ni Yana. Nagkunot ang noo ko.
Nakakapanibago yung sigla ni Yana. Lasing ba siya? Umupo nalang ako sa tapat ni Yana.
"Bakit andito si Yana?" Bulong ko kay Jungkook na katabi ko lang.
"Kumatok siya kanikanina lang. Ang dami niyang dalang soju. Maglalaro daw kami kasi di daw siya makatulog." Sagot ni Jungkook. Tumango nalang ako sa kanya.
"Ano bang lalaruin natin, Yana?" Tanong ni V. Napangisi si Yana bigla. That's so creepy.
"Yah." Tawag ko kay Yana. Napalingon siya sa akin at tinilt ang ulo niya ng bahagya.
"Naka-inom ka ba?" Tanong ko ng diretso.
"Oo. Pero mas malakas tolerance ko sa alak keysa sa inyo." Sagot niya at nginitihan pa ako. Nagpabuntong hininga nalang ako at umayos ng upo.
"Ang tawag sa game na 'to ay..." at nagdrumrolls pa si Yana gamit ang kamay niya. Lasing ba talaga siya? Mukha siyang naka-inom e.
"Truth or Drink."
●●●●●●●●●●●●●●●●●
AN/
*Lisa in the multimedia ♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro