Chapter Eighteen
~♥~
SUGA'S POV...
Pagkatapos mag-walk out ni Yana, walang kumibo sa aming apat na naiwan sa restaurant. Binitawan na ni Jiwoo si V at ganon din si Jin hyung sa akin.
"Hahanapin ko lang si Yana." Rason ni Jiwoo at lumabas na ito. Natahimik ulit kaming tatlo.
"Siguro naman hindi ko na kailangang ipamukha sa inyo kung anong naging kasalanan niyo sa pinsan ko." Ani ni Jin hyung at lumabas na din ito.
Madalas mang asarin ni Jin hyung si Yana, alam naming lahat sa grupo na kaya niyang makapatay 'pag may nanakit sa kaisa-isang babaeng pinsan ni Jin hyung.
Naiwan kami ni Taehyung dito sa loob ng restaurant. Tahimik kaming dalawa at nagnanakawan lang ng tingin. Hindi ba siya magsasalita? Siya naman may kasalanan lahat ng 'to e.
"May gusto ka ba kay Yana?" Diretsong tanong ni V. Hindi pa pala siya nakakapag-isip ng matino. Malakas parin ang kulo niya sa akin.
"Ano bang klaseng tanong yan?---"
"Sagutin mo yung tanong ko, hyung." Pagpuputol niya. Napalunok ako dahil alam ko sa sarili ko ang sagot at ayokong sabihin yung totoo kay V.
Sa totoo lang gusto ko ding malaman kung anong sagot sa tanong mo, Taehyung.
"Nagbalikan na kami ni Lisa, V." Sagot ko.
"Oo o Hindi?" Tanong niya ulit. Hindi ba niya ako gets? Iniiwasan ko na ngang sagutin yung tanong niya.
"Hindi." Sagot ko. Syempre hindi yan ang sagot. Wala akong ibang choice kundi sagutin siya ng hindi.
Hyung parin ako ni V at obligasyon kong protektahan siya, kabilang na doon ang nararamdaman niya. Lalo na't gusto niya si Yana.
Tumango si V at umupo siya ng maayos.
"Gusto kong malaman kung ano ba talagang nangyari sa inyo kagabi, hyung." Sabi ni V at alam ko kung ano yung tinutukoy niya.
"Nung hinalikan ako ni Yana, lahat ng iyon ay dare lang. Kung nakita mo talaga kaming naghalikan kagabi, siguro alam mo rin wala ni isa sa amin ang tumugon." Pagpapaliwanag ko at kitang kita kong nakatingin ng diretso si V sa akin na handang makinig.
"Lahat ng nangyari kagabi ay isang pagkakamali lang, dala ng alak." Patuloy ko.
Tumango si V at bigla siyang tumayo. Lumapit siya sa akin saka niya tinapik ang balikat ko.
"Mahal ko si Yana, hyung. Sapat na sigurong rason iyon para dumistansya ka sa kanya." Sabi nito.
Kung sinasabi niyang dumistansya ako kay Yana, hindi ko iyon magagawa. Lalo na't napaiyak ko na siya ng tatlong beses. Kakainin ako ng konsensya ko kung patuloy kong sasaktan si Yana.
"Alam mong hindi ko magagawa yang sinasabi mo, V. Kaibigan ko si Yana." Sagot ko sa kanya. Napabuntong hininga si V at tinanggal yung kamay niya sa balikat ko.
"Alam ko. Pero ang gusto kong limitahan mo, ay yung nararamdaman mo. Lalaki din ako, hyung. Nakikita ng mga mata ko kung paano ka tumingin kay Yana." Sabi niya. Napalunok ako sa sinabi niya.
Hindi ko naman gusto si Yana. At mas lalong wala akong balak ligawan siya. Ganito lang ako sa kanya dahil... espesyal siya.
"Naiintindihan ko." Tumango ako kay V at lumabas na ako ng resto. Ayokong maabot pa sa kung ano yung paguusapan namin. Baka kasi may malaman pa akong magpapabago sa pakikitungo ko kay Yana.
RESORT...
"Hyung. Kain na tayo." Pagyayaya ni Jungkook sa akin ng dinner.
"Wala akong gana. Magsu-swimming lang ako." Pagpapaalam ko at dumiretso na ako sa pool area ng resort.
Sakto, walang tao at makakapag-isip ako ng maayos. Tinanggal ko na yung pantaas ko at tumapog sa pool.
Simula ngayon, kailangan ko nang magfocus kay Lisa. Tama si V. Kailangan kong dumistansya para hindi mabuo yung kung ano man ang nararamdaman ko para kay Yana.
Pero kahit ganon, hindi parin magbabago yung pagaalala ko sa kanya. Hindi ko parin kayang pigilan ang sarili kong hayaan siya. Lalo na't nagkahalikan na kami.
"Kung ako sayo, hindi ko na papatagalin ang panahon para humingi ng tawad kay Yana."
Halos humiwalay ang kaluluwa sa katawan ko nang biglang sumulpot sa likod ko si Jungkook na nakatayo sa gilid ng pool. Muntik ko tuloy namura ang maknae.
"Sa susunod, wag kang manggulat." Pagrereklamo ko. Tinaas niya lang ang kilay niya at umupo para ilublob yung paa niya sa pool.
"Alam mo hyung, yan ang problema sayo e. Masyado kang mabagal kumilos. Yan tuloy, nauunahan ka ng iba." Sabi nito. Nagkunot naman ang noo ko. Ano bang pinagsasasabi neto?
"Nauunahan? Hindi naman ako nakikipag-compete sa kahit sino." Ani ko. Tumawa lang ng tipid si Jungkook.
"Ewan ko sayo, hyung. Ang manhid mo." Sabi nito at tumayo na para umalis.
Manhid? Ano namang ibig sabihin non? Ano bang kailangan kong maramdaman o makita? Sino ba yung tinutukoy niya?
Bago pa ako magkaroon ng migraine sa kakaisip, lumangoy nalang ako sa pool hanggang sa maubosan ako ng gana.
"Yana."
Muntik na akong makalunok ng tubig sa pool sa narinig ko. Hindi lang dahil sa pangalan na sinabi, kundi ppati boses.
Inangat ko ang sarili ko sa tubig at humarap kela V at Yana na naguusap ngayon sa gilid ng pool.
Mukhang hindi naman nila ako napapansin o nakita kaya hindi ko nalang pinaalam ang presensya ko dito sa pool.
"Hindi ko sinasadyang maging immature sa mga sinasabi ko kanina." Ani ni V.
Hindi ko tuloy maiwasan hindi pakinggan ang pinaguusapan nila. Masisisi niyo ba ako? Ako nauna dito sa pool e.
"Hindi mo sinasadya? Alam mong mali ka pero ginawa mo parin, V. At alam mong may masasaktan pero tinuloy mo parin. Dahil ano? Dahil sa galit mo kay Suga? Dahil sa insecurity? Selos? Yun ba 'yon?" Tuloy tuloy na tanong ni Yana.
Hindi pa naman ito yung tamang panahon para kausapin si Yana. Tiganan mo oh, umuusok parin yung ulo niya.
"Concerned lang ako sayo. Lumaki na tayo simula nung sanggol pa tayo, Yana." Sagot naman ni V.
Konti lang din ang alam ko sa childhood ng dalawang yan pero totoong kapapanganak palang nila sa mundo, magkaibigan na sila.
"For Pete's sake matanda na ako, V. Mas matanda pa ako sayo ng ilang araw. Kaya ko ang sarili ko kahit babae pa ako. I can make decisions of my own without anybody's permission." Ani ni Yana. Biglang natihimik si V at napayuko ito.
"Nasa 20's na tayo, V. We're not getting any younger anymore. Act your age." Patuloy ni Yana at tinapik ang balikat ni V. Tumango tango lang si V hanggang inangat nito ang ulo niya at hinarap si Yana ng diretso.
"Since adults na nga tayo gaya ng sabi mo, at suitor mo ako. Siguro naman deserve kong malaman ang sagot sa tanong ko." Sabi naman ni V. Nagkunot ang noo ni Yana at nagpameywang ito na parang naghihintay ng tanong.
"Anong tanong?" -Yana.
"Alam kong malakas ang tolerance mo sa alak kaya hindi ka mapapatumba ng limang bote lang ng soju." Pagsisimula ni V. Ano namang pinupunto ni V?
"So...?" -Yana.
"Bakit mo hinalikan mo si Suga nung gabing yun?" Diretsong tanong ni V.
Nanlaki ang mga mata ni Yana. Ganun din ang mata ko. Hindi pa ba sapat yung sagot ko kay V kanina?
"A-Ah..." Umiiwas lang ng tingin si Yana. Pero...
Parang gusto ko ding malaman yung sagot.
"Kasi..." Nauutal na sabi ni Yana.
Bakit ba hindi niya masagot? Akala ko ba hinalikan niya ako dahil hindi ko tinuloy at iniwan ko siya sa Van.
"Ano?" Tanong ulit ni V. Na-pressure si Yana ng husto pero napabuntong hininga lang siya para pakalmahin ang sarili.
"Ginawa ko yun kasi..." Ani ni Yana. Kasi ano? Nakakainis naman ang babaeng 'to. Mahilig siyang bumitin.
"Kasi takot ako na baka nagugustuhan ko na si Suga." Sagot niya.
Nagkunot ang noo ko. Takot siya na baka may gusto siya sa akin? Kung hinalikan niya ako, hindi ba yun mas lalala?
"Gusto ko lang malaman kung totoo ba yung nararamdaman ko. Pero nung hinalikan ko siya..." Ani ni Yana. Ayaw niya talagang diretsuhin lahat ng sinasabi niya.
"Wala akong naramdaman." Tuloy ni Yana.
Wala talaga siyang naramdaman kasi dampi lang yun. Tsaka umiyak siya sa harapan ko na sobrang ipinagtaka ko. Pakiramdam ko tuloy guilty ako.
"Hindi mo kailangang unahan ang nararamdaman mo, Yana. Malalaman mong gusto mo ang isang tao kahit tinitignan mo lang siya sa malayo." Seryosong sabi ni V.
Nanlamig bigla ang mga tuhod ko. Seryoso talaga siya kay Yana. Sana lang talaga't 'wag niyang hahayaan na umiyak ulit ito.
"Pero kung ano man maging desisyon mo, susuportahan kita. Kung saan ka masaya, hindi kita pipigilan. At kung masaktan ka man... pwede mo akong takbuhan any time." Sabi ni V ng nakatingin siya ng seryoso kay Yana.
Napayuko lang si Yana at napahawak ng mahigpit sa magkabilang bulsa ng shorts niya. Bigla naman siyang hinatak ni V saka niya ito yinakap.
Tumlikod na ako bago pa man may iba pang mangyari. Linubog ko nalang ang ulo ko sa tubig para bigyan sila ng privacy.
Mga ilang segundo ang lumpas nang iangat ko ang ulo ko para huminga. Napansin kong magisa na si Yang nakatayo at umalis na si V.
Pinagmasdan ko ng maigi si Yana habang nakatunganga siya sa kung ano mang tinitignan niya.
Napapitlag ako dahil bigla nalang siyang nagtanggal ng Tshirt at shorts niya! Hindi tuloy ako mapakali dito sa tubig dahil tinatanggal na niya din pati yung mga ipit sa buhok niya.
Linublob ko nalang ulit ang ulo ko sa pool bago pa man may makahuli sa akin at pagkamalan akong manyakis.
Narinig ko ang sound ng tubig na nag-splash. Ibig sabihin, lumangoy din siya.
Tsaka bakit pa ba ako magtatago?!
Iniangat ko ang ulo ko para huminga at nagtama agad ang mga mata namin. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat lalo na't magkaharap kami at di siya gaanong malayo sa akin.
"Huwag kang sisigaw." Pagpipigil ko sa kanya dahil sobrang gulat ang mukha niya.
"Kanina ka pa ba jan?" Tanong ni Yana. Nagkibit balikat lang ako. Baka mamaya sabihin niyang manyakis ako o di kaya chismoso.
"Sumagot ka." Paguutos ni Yana.
"Naglalaro ba ulit tayo ng Truth or Dare dito?" Tanong ko. Nagkunot ang noo ni Yana. Kailangan kong ibahan ang topic bago pa niya malaman.
"Anyways, tapos na ako magswimming. Sayo na 'tong pool." Sabi ko at lumangoy na ako para umahon sa hagdanan.
Hinablot ko yung tuwalya at Tshirt ko sa upuan at naglakad na ako palayo sa pool. Pero bago pa man ako makaalis sa pool area...
"Suga!" Tawag sa akin ni Yana. Tumalikod ako para harapin ko siya at nakatayo na siya sa lupa. Napalunok ako sa view.
Naka two-piece bikini siya ng white. Kitang kita mula dito sa kinatatayuan ko ang toned na four pack abs ni Yana. Medyo hindi ako naniniwala sa abs niya dahil sobrang takaw niya kumain. Tsaka yung collarbones at balikat niyang nakakasilaw sa kinis.
Yung cleavage niya...
Huwag na tayong dumating doon. Basta hindi ko alam na may tinatago pala siyang ganyang katawan.
"Tama ka. Let's stay as friends. Not bestfriends, not as siblings, or a stranger. Just friends." Sabi ni Yana.
Medyo nagprocess pa ang utak ko sa sinasabi niya. Friends? Ano namang ibig niyang sabihin?
"Hindi na natin kailangang mag-asaran pa. Lalo na't bumalik na si Lisa sayo. Sana maintindihan yun." Ani niya.
Ah... I get it. Fine, kung yun ang gusto niya.
"Hindi ba friends naman talaga tayo in the first place or more like an acquantance? What's there to change?" Tanong ko saka na ako dumiretso sa kwarto.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nabwiset sa sinabi niyang 'just friends'.
Just friends? Pero hinalikan niya ako. Just friends? Pero nangungulit siya lagi sa akin. Just friends? Pero winewelcome niya ako sa apartment niya.
So ganun ganun nalang? Isasantabi niya yung closeness na meron kami dahil lang official na manliligaw na niya si V at nagkabalikan na kami ni Lisa?
Kung yun pala ang desisyon niya in the first place, bakit may pahalik-halik pa siyang nalalaman?
Fine, let's just be friends.
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
AN/
Sooooooo, wala akong masabi hahahahaha! ALAM KO SALBAHE AKO! Lagi ko nalang silang pinagaaway na tatlo. Pasensya na po bobo ang author niyo lmao.
Saranghae ♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro