Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eight

~~♥~~

YANA'S POV...

Ilang araw na din ang nakalipas simula nung pumunta kami sa condo ni Rm oppa at yung Zeira'ng yun.

Nagmamadali akong naglalakad papuntang BigHit na dala dala yung takteng pizza na pinabili ni Jin oppa. Balak ko pa naman magpa-spa ngayon!

*ding*

Napatigil ako sa paglalakad at binasa yung natanggap kong text.

---------------------------------------------------

From: Worldwide Ugliest

Yah! Nasapian ka ba ng espirito ng pagong? Gutom na ako! Huhu.
-

-------------------------------------------------

Siya na nga itong nanira ng beauty treatment ko sa spa, ganto pa siya mag-pasalamat? Aggressive akong nagtype ng reply.

---------------------------------------------------

To: Worldwide Ugliest

You're welcome!
-

-------------------------------------------------

Padabog kong binalik sa bag ko yung cellphone at tumuloy na ako sa loob ng BigHit. Saktong pagbukas ko ng pintuan ng dance studio, bumungad sa akin yung pinaka-iinisan kong mukha.

"Zeira." Dikta ng utak ko. Bakit ba siya andito? At talagang magkatabi pa sila ni Jimin. Hindi na nahiya, lakas ng loob niyang pumasok dito sa BigHit, e tatak JYP siya.

Nagkaroon ako ng konting goosebumps at uminit ang anit ko dahil sa inis. Oo! Anit ko. As in scalp! Nakakainit ng ulo.

Tinutukso pa sila nina JHope oppa! Aba, ineenjoy naman niya yung pandidiin nila kay Jimin sa kanya! Akala mo kung sino...

"Hindi naman maganda." Bulong ko sa sarili ko na siniguradong dapat ay narinig din niya. Nawala agad yung mga pabebe niyang ngiti at matalim na tumingin sa akin.

"Coming from you." Confident niyang sagot. Oo! Galing talaga sa akin! Halata namang mas may potential pa akong maging model kesa sa babaeng yan!

"Atleast ako hindi piggy." Tinaasan ko siya ng kilay. Tignan mo nga yung katawan niya, parang di uso yung diet sa entertainment nila.

"Coming from you." Naka-smirk niyang sabi. Kulang ba siya ng pinag-aralan at 'coming from you' lang ang alam?

"Pretentious." Sabat ko na diretsong nakatingin sa mga mata niya.

"Who."

"Ikaw." Agad kong sagot. Napa-smirk naman siya. Eh totoo naman. She's just pretending to be all nice, kind, at pa-damsel in distress para lang pansinin siya ni Jimin. And to think na nagwowork nga yung ganong kapekeng ugali niya kay Jimin. Nakakairita.

"Oh sorry, dear. I'm not pretentious." Nakasmirk niyang sagot. Kung pwede lang manapak... kung pwede lang talaga.

"Alam mo ang landi mo." Diretso kong sagot sa kanya habang padabog kong linapag yung slice ng pizza sa mesa.

"Hindi ako. Ikaw." Kalmadong sabi niya. Hindi ba siya natatakot sa mga sinasabi niya?

"Talaga? Eh nilalandi mo nga si Jimin." Sagot ko. Sino sa atin ang malandi ngayon? Alam ni Jimin at aware siyang ine-entertain siya ni Zeira. Kitang kita din ng mga mata ko kung gaano siya nag-eenjoy sa mga petty words ni Jimin!

"Hindi ko nilalandi si Jimin. Ikaw nga nilalandi mo lahat ng members." Sagot naman niya. Napabuntong hininga nalang ako habang nag-smirk. I can't believe what I'm hearing right now.

I mean... alam niya ba ang meaning ng landi? Ang definition, meaning, example, or simulation? Clearly, ang meaning lang naman ng landi ay Choi Zeira!

"'Wag tayong maglokohan dito, Zeira." Matalim akong nakatingin sa kanya.

"Uh guys?" Napatingin kaming lahat kay Jimin. Basta boses niya, papansinin ko agad.

Bigla naman akong nasampal ng katotohanang kanina pa pala kami pinapanood ng lahat.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Rm oppa. Dumiretso siya sa mga gamit niya at nagliligpit na ito.

"Una na ako. May gagawin pa ako e." Sabi ni Rm oppa at kinuha ang gamit niya.

"Sama na ako." Sabi naman ni Zeira. Dapat lang. Ayoko nang makita yung pagmumukha niya.

"Hindi pwede. Mag-commute ka nalang o dikaya magpahatid ka sa kanila." Sabi ni Rm oppa at tinuro yung mga ka-members niyang abala sa pagngunguya ng pizza.

Umalis na si Rm oppa at nagtinginan lang kaming tatlo nina Jimin at Zeira. Napatingin sa akin si Jimin at napabuntong hininga. Binalik niya ang tingin niya kay Zeira at tinapik niya ito sa balikat sabay binigyan pa ni Jimin ng 'reassuring' smile.

Napa-smirk nalang ako sa nakita ko. So ako pa talaga nagmukhang masama dito? Kinuha ko nalang yung bag ko at lumabas ng dance studio. Narinig ko pa ang pagtawag ng mga Bangtan sa akin pero dirediretso na akong lumabas.

Tama na... masakit na.

Saktong bababa na ako ng hagdan nang biglang may naghablot ng braso ko.

"Yana." Tumaas agad ang balahibo ko sa boses niya. Hindi dahil takot ako sa kanya, kundi dahil matagal na niya akong hindi kinakausap.

Hinarap ko siya at agad na nagtama ang tingin namin. Ang mga mata niyang ngayon lang ulit kalapit ko makikita.

"Ubusin mo 'to." At inabot niya sa akin ang isang paperbag. Nagkunot ang noo ko at titignan ko na sana yung laman. Kaso bigla ulit siyang nagsalita.

"Pagod na akong makita yung mukha mong galit. Gusto ko makita ulit yung mukha mong naiinis tuwing inaasar kita." Pakiusap niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

H-Humihingi ba siya ng... tawad?

"Huh?" Ang tanging lumabas lang sa bibig ko. Gusto ko kasing klaruhin kung magaapologize ba talaga siya.

"Sorry." At binitawan na niya ang braso ko at agad bumalik sa dance studio.

What... just... happened...?

Nag-sorry siya. Nag-sorry na siya. Ang Min Yoon Gi ng BTS ay nag-sorry.

SAYANG! HINDI KO NAI-RECORD! KAILANGAN YUN SA WORLD HISTORY AT GUINESS WORLD RECORDS!

Natawa ako sa sarili ko dahil sa sorry niya. Parang baliw tuloy ako dito sa hallway habang tumatawa ng mag-isa.

Napansin ko naman yung paperbag na hawak ko. Sinilip ko agad yung laman at masasabing kong... wala nang mas lalawak pa sa ngiti ko.

"MOBI!" Tili ko nang makita ko ang tatlong malalaking chichirya ng Mobi sa loob ng paperbag!

"Pinapatawad na kita, unano." Sabi ko sa sarili ko at napangiti na parang baliw.

SUGA'S POV...

"Sorry." At agad na akong pumasok sa dance studio.

Wow! Min Yoon Gi. Congratulations, nasapian ka ng espirito ng anghel.

"Hyung! Anong nginingiti mo jan? Practice na tayo!" Tawag sa akin ni Jungkook. Agad kong inalis yung ngiti ko at sinamahan na sila sa pagsasayaw.

Matapos ang practice, nagsi-ayos na kami ng mga gamit namin. Bigla namang binalibag ni V yung bag niya sa tabi ko at nagliligpit ng mga gamit niya ng padabog.

Nakatingin lang sa amin yung mga members at halatang binabantayan kami. Gusto ko mang tapusin ang away namin ni V, wala parin akong responsibilidad para mag-sorry sa taong 'to.

"V, tara na." Aya ni Jimin sa kanya. Biglang kinuha ni V yung bag niya sa tabi ng bag ko ng marahan, dahilan para mahulog din yung bag ko.

"Yah." Kalmadong tawag ko sa kanya. Napatigil naman siya sa paglalakad at hinarap ako. Nag-smirk lang siya na parang sinasabing, 'what's up?'

The nerve of this kid.

"Pagod na akong patulan yang pagiging immature mo, Taehyung." Sabi ko habang diretsong nakatingin sa kanya. Napabuntong hininga siya at lumapit ng ilang hakbang papunta sa akin. Pero hinarangan ni Jungkook si V gamit ang kamay niya.

"Hyung." Sabi lang ni Jungkook habang nakaharap kay V.

"Talaga? Eh yung immature na pagpapaiyak mo kay Yana? Buti 'di ka napagod 'dun." Sarkastikong sabi nito. Inirapan ko nalang siya. Wala ako sa mood para sa ganito.

"Taehyung, tama na!" Sigaw ni Jin hyung.

"Kung talagang gusto mong maging masaya si Yana, itigil na natin 'to." Sagot ko sa kanya. Mas matanda parin ako at hyung parin ako ni V. Kaya dapat lang na ako ang may responsibilidad para pagsabihan siya.

Napabuntong hininga si V at tumango nalang.

"Gusto ko lang linawin na naiinis parin ako sa ginawa mo, hyung. Ayoko na ulit makitang umiyak si Yana. Lalo na't kung isa sa inyo ang dahilan." At lumabas na siya ng dance studio.

So... okay na nga kami? Hindi kasi malinaw e kung okay na nga ba kaming dalawa.

"Yah, hyung. Nakapag-sorry ka na ba kay Yana?" Tulak sa akin ni Jimin. Napatingin silang lahat sa akin.

"Oo." Sagot ko. Tumango silang lahat at tinapik ang balikat ko.

"Sayang di ko nakita." Reklamo ni Jungkook at hinatak na ako palabas ng BigHit.

Ano bang bago kung nag-sorry ako? Mukha ba akong demonyo at di ako capable na mag-sorry? Tsaka si Yana na yun.

Ayoko din naman siyang nakikitang... umiiyak.

Lalo na't ako yung dahilan. Nung time na nakita ko siyang umiyak, I realized something...

She's amusing to tease, yes. But too precious to be hurt.

Kaya hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung masaktan ulit siya ng dahil sa akin.




•••••••••••••••••••••••••••••
AN/

So yung picture po sa multimedia, imagine'n niyo nalang po na si Hwang Yana yun. If nagtataka kayo kung bakit si Jennie yung kinuha kong sim para kay Yana, basahin niyo po yung Series#1 na "My Idol Got Me Pregnant" By @jjiminiology.

Thank youuuu ;*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro