Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

"Hindi na ba kita mapipigilan nak? " Bungad sakin ni Mama habang nag-iimpake ako ng mga gamit.

Dalawang linggo akong tulala at lumuluha,  siguro sapat na iyon para naman magpakalayo-layo at ituloy ang buhay ko.

"Sorry Mama huh? Kailangan ko pang-umalis dahil sa Dylan na yun." Akala ko wala ng luha pero bakit gan'on napapaiyak na naman ako, letche namang luha 'to oh.

"Halika ka nga dito". Pumunta ako kay Mama at niyakap niya ko ng napakahigpit. Bakit masarap yung feeling pag niyayakap ka ng mama mo? Parang lahat nalang ng problema mo gumagaan.

" Everything will be okay. Huwag ng umiyak, ang pangit mo kapag umiiyak. "

"Mama talaga. I love you Mama, mag-ingat ka po dito huh? Wala ako para bantayan ka." Ang hirap din naman kapag wala ang Mama ko sa tabi.

Nakokonsensya na talaga ako sa paglilihim ko sa kanya. Dahil ang buong alam lang ni Mama ay nasaktan talaga ako dahil kay Dylan kaya ako pupunta kay Papa sa Canada.

"Mama, sumama ka na kaya sa'kin para one big happy family na tayo ni Papa." Malayo si Papa sa amin ni Mama kasi siya yung nagpapatakbo ng business sa Canada. Si Mama naman yung nagpapatakbo dito sa Pilipinas, and also Dylan's parents is one of their partners sa kompanya.

"Alam mo namang kailangan ako dito baby. " Alam ko naman 'yon at nauunawaan ko na para sa akin naman ng lahat ng ito kaya nagsisikap mga magulang ko.  Kaya ayaw kung sayangin ang lahat ng pagsisikap nila ng dahil lang sa letcheng pagmamahal na yan.

Dahil sa nangyari noong gabing iyon, parang gusto ko ng patayin nalang sarili ko dahil sa kahihiyan. Pero lahat ng iyon wala akong pinagsisihan dahil kay Dylan ko ibinigay ang lahat.

Sobrang sakit lang talaga na kinamumuhian ka ng taong mahal mo. Yung feeling na ikaw ang may kasalanan sa lahat ng 'to.

Ginusto ko ang lahat ng iyon, pero ginusto din naman ni Dylan yun. Kahit bukang-bibig niya si Reighn.

Magpakasaya na silang dalawa,  ayoko ng humadlang pa sa pagmamahalan nilang dalawa. Kasi kung sila, sila talaga. Kung kami naman, kami talaga.

Tinulungan na ako ni Mama sa pag-iimpake. Pagkatapos naming mag-impake ay kumain kami sa labas.  Padespedida sakin ni Mama. Bukas ng maaga na kasi yung flight ko papuntang Canada.

I will miss my Mama kung pwede lang hindi na umalis eh, pero kailangan dahil sa pusong 'to.

Kinabukasan, hinatid na ako nina Mama at parents ni Dylan sa NAIA.

"Happy Trip Hija. Mag-iingat ka huh? " Tita Lain said. At niyakap niya ako, pati na din si Tito Ric. Hindi alam nina Tita at Tito ang tungkol samin ni Dylan. Mabuti ng wala silang alam para naman hindi na sila magtanong pa.

Matapos kaming magyakapan at iyakan, pumasok nako sa loob.

Pagpasok ko sa loob, napabuntong-hininga nalang ako. Alam kong tama ang pinili kong lumayo. Dahil sa huli't huli ako din yung masasaktan. Mas okay na tong lalayo habang maaga pa kasi pagpinagpilitan ko pa yung sarili ko masasaktan at masasaktan lang din ako. I'm ready to face the new life,  new home, new people and of course my new journey.  Dahil sa pagpunta ko ng Canada, ibang Zoe na ang makikilala nila pagbalik ko dito sa pilipinas.

Four years later

"Mommeyy!  Mommeyy!  Aym sow essayted to go to Mama Lola in peylepins ! Yeheey!". Masayang sabi ni Dykeil habang inaayos ko yung gamit niya.

" Huwag makulit kay Mama Lola okay? "Payo ko kay Dykeil dahil sobrang hyper talaga niya parang hindi napapagod tong bata na to. Kahit papaano tinuturuan ko din siyang magtagalog.

"Yess mommeyy, I wiyl be a gooyd boy to Mama Lola. " Ang cute-cute talaga ng baby ko. Hays,  kahit din naman papaano may magandang resulta yung kagagahan ko. When I gave birth to Dykeil akala ko hindi ako handa na maging ina. Pero ng ibigay siya sa'kin ng doctor, nagbago ang pag-iisip kong hindi ako handa.

"Miss Madrigal? Its a boy!" Sabi ng doctor at inabot sakin yung baby.

"My baby" Mahinang sambit ko ng iabot sakin ang baby ko.

He's so little; his hands, his cute fingers and everything. He's so cute. "My baby" sambit ko ulit. He's my precious one. I could feel his heart beats. Parang sa kanya na umiikot ang mundo ko. Kahit noong una hindi ako handa, pero when I saw him, parang gusto kong maging isang ina. Gusto kong alagaan yung baby ko. I want to give him my unconditional love.

His eyes, lips, the shape of his face nagmana talaga kay Dylan. Hays, grabe talaga ang dugo nila Dylan.

My baby, he is my everything. My Dykeil Ian Madrigal.

Dylan's POV

Ngayong araw ang dating ni Zoe. Simula ng umalis siya sa bansa hindi na kami nakapag-usap pa. Wala akong mukhang ihaharap sa kanya matapos ang nangyari samin. Ayokong sisihin siya dahil alam kong ginusto ko din yon.

Kaya ngayon nagvolunteer nalang akong magsusundo sa kanys dahil may emergency meeting sina Tita Abby, Mama at Papa.

Habang naghihintay ako kay Zoe dito sa arrival area, hindi ako mapakali kaya nilalaro ko nalang yung shades sa kamay ko.

"Ladies and Gentlemen! The plane from Canada will arrives in 10 mins. Please clear the area. Thank you!"

After 10 minutes. Finally, dumating na din yung hinihintay ko.

Hindi na talaga ako mapakali dahil after 4 years hindi kami nagkita o nagkausap man lang.  Ano na kayang hitsura ni Zoe? Mas lalo kaya siyang gumanda ?O boyish pa rin tulad ng dati.

Zoe's POV

"Mommeyy!!  Wheyre heyre! Wheyre hyre! Peylipins!! " Napatawa nalang ako sa pagsasalita ng anak ko puro talaga siya may "Y".

"Daddeyy Freyd! Mama Lola liyves heyre!" Hinawakan niya kamay ni Alfred na tumatalon. Si Alfred siya yung close friend ko sa Canada, siya yung tumulong sakin magmove on. Hahaha pero seryoso, he's the one kung bakit nakaya ko ang lahat .

Siya yung naging kasangga ko sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Anak siya ng bestfriend ni Papa kaya naging close na rin kami. Alam ko namang may gusto siya sakin, hindi ako manhid para hindi maramdaman iyon. Pero ayoko munang pumasok sa relasyon at naiintindihan niya ang lahat ng iyon.

Pinasama ko siya sa pilipinas dahil yun ang bilin sakin ni Papa.

Nang makapasok na kami sa arrival area para kunin yung mga bagahe namin. Napahinto ako ng magtama ang mga mata naming dalawa. Mas lalo siyang gumwapo pero hindi yun dahilan para hindi ko siya makilala. He is the older version of Dykeil.

"Dylan. "Mahinang sambit ko pero alam kong narinig ako ni Alfred.

Agad siyang pumunta sa kinaroroonan namin. Nakangiti siya habang naglalakad papunta sa'min.

" Hi. " Bati niya sakin ng makalapit na siya sa'min.

" Hello."

" Mommeeyy!!  Whoys that? " Agad akong napatingin kay Dykeil gayun din si Dylan.

" Mommy?? " Sambit ni Dylan na takang-takang tumingin kay Dykeil.

" Ah!  Baby he is your Tito Dylan. " Ramdam ko ang pagkatulala ni Dylan,  siguro dahil sa nalaman niyang may anak na ako.

"Dylan this is Dykeil my baby and this is Alfred. " Pagpapakilala ko sa kanila.Tumingin si Dylan kay Alfred na parang masama yung tingin.

" Hi Tiyto Daylan! "Bati ni Dykeil kay Dylan. Tumingin ulit si Dylan kay Dykeil na parang nagtataka. Lord alam kung mali na hindi ko sila pinakilala sa isa't-isa nagiging unfair na ako pero hindi pa ito yung tamang panahon.

" Daddey Freyd ! I waynt ayce creyme!" Ice cream agad Dykeil? Masyado na talagang spoiled brat ito sa Daddy Freyd niya. Ninong ni Dykeil si Alfred kaya Daddy tawag niya sa kanya.

" Daddy?" Agad na naman akong napatingin kay Dylan na naka kuno't-noo. Diyoskolord, di pa tamang panahon.  Pero sa nakikita ko kay Dylan parang may gusto siyang sabihin na di niya masabi.

"Anak natin siya Dylan" gusto kong sabihin yon pero di ko magawa.

Dugtong ni chrisanann

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro