Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Mababakas sa mukha ng dalawa na parehong inlove ang mga ito sa isa't-isa. Nakaguhit sa bawat labi nila ang matatamis na ngiti habang nagkakatitigan at magkahawak ang mga kamay.

Nasasaktan si Zoe sa nakikita kaya ipinikit niya sandali ang kanyang mga mata.

Kalma ka lang Zoe! Sabi ng kanyang isipan at dahan-dahan ulit niyang binuksan ang kanyang mga mata. Pero napamura na lang siya nang makita na nakayakap na ang mga braso ni Dylan sa maliit na baywang ni Reighn at ang kamay naman ng dalaga ay nakalingkis sa mismong batok  ng binata.

"Shit! Shit!" mura niya. Pakiramdam niya sinasaksak ang puso niya nang paulit-ulit dahil sa natutunghayan niya. Agad niyang kinuha ang isang wine glass na nasa kanyang tabi at inubos nang diretso ang laman nito. Uminit ang lalamunan niya bigla at rumihestro sa mukha niya ang pait dulot ng lasa ng ininom niya.

Nakita niyang napatingin sa gawi niya si Reighn at sandali siya nitong tinititigan na para bang kinikilala kung sino siya. Hindi agad siya makikilala Ng iba sa unang tingin lang. Agad itong ngumisi sa kanya nang mapagtanto kung sino siya. Mas lalo nitong inilapit ang katawan kay Dylan dahilan para ang dibdib nito ay mapadikit nang husto sa dibdib ni Dylan. Lalong nag-init si Zoe sa nakikita. Pinaningkitan niya ito ng mga mata.
Gusto niyang sugurin si Reighn sa gitna ng bulwagan at kuhanin si Dylan mula rito. Gusto niya ang atensiyon na  ibinibigay ni Dylan para kay Reighn. Gusto niyang agawin si Dylan. Gusto niyang ibalik ang lahat sa dati pero nalalabuan na siya sa nangyayari ngayon. Parang lumalayo na nang tuluyan si Dylan sa kanya. Dapat nga na dinaanan siya nito sa kanilang bahay kanina pero mukhang nakalimutan siya ng binata at dumiritso na ito sa mismong party. Ang sakit isipin na dahil kay Reighn ay nakakalimutan na nito ang pagkakaibigan nilang dalawa.

Walang ibang magawa si Zoe kun'di ang maghintay na pulikatin si Reighn sa gitna ng dance floor at matapos na iyong sayawan. Alam niyang iniiwasan ni Reighn na makita siya Dylan kaya panay ang pakikipagtitigan nito sa binata at kapag lilihis ito ng tingin papunta sa direksiyon niya ay agad nitong hinahaplos ang mukha ng binata para bumalik ang atensiyon nito sa kanya. Gusto niyang makita siya ni Dylan at makita ang reaksiyon ng mukha nito.

May dumaan na isang waiter na may dalang isang tray na laman ay mga wine. Tinawag ito ni Zoe at kumuha siya ng dalawang glass.

"Thank you," nakangiting sabi niya rito. Hindi agad nakasagot ang lalaki at nakatitig lang sa mukha niya. Iyong inis niya tuloy ay dumuble.

"Don't look at me that way! Nakakairita! Alis na!" Pagtataboy niya sa lalaki. Parang natauhan naman ito at humingi pa ng tawad bago umalis.

"Tch!" wala siyang pakialam kung tinitingnan siya ng mga ilang panauhin na andoon. Kung gusto niya ring maglasing, walang mangingialam.

Nakita niya si Hayden na masayang naglalakad patungo sa direksiyon niya. Kumaway siya rito pero hindi niya makuhang ngumiti dahil sa nararamdaman niyang selos para kay Dylan at sa kapatid nito.  Agad niyang inilagay ang wine glass sa labi niya, inamoy at inubos ang laman nito.

"Hello, beautiful. Puwede ba kitang maisayaw?" sabi ni Hayden habang nakatunghay sa kagandahan niya. Tumingin siya sa nakalahad nitong palad. Sinabi niya kanina na ayaw niyang sumayaw hanggat hindi pa siya sinasayaw ni Dylan pero mukhang kailangan niya munang ibaling ang atensiyon sa ibang bagay para hindi tuluyang mawala ang mode niya ngayong gabi.

"Sure," hinawakan niya ang kamay ni Hayden at pumunta sila sa gitna para sumayaw.

"Happy birthday, Hayden." Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa balikat ng binata.

"Thank you, Zoe... Hindi kita agad nakilala. You look so beautiful tonight." Naramdaman niya ang magaang paghawak ni Hayden sa maliit niyang baywang. Guwapo itong si Hayden at marami ring nagkakandarapang mga babae sa school nila pero hindi niya ito gusto kahit pa sinabi nito noon na may gusto ito sa kanya. Nakaukit na kasi sa puso niya ang pangalan ni Dylan. Tanging si Dylan lang.

"Thank you, Hayden. Ang guwapo mo rin ngayong gabi." Walang kagatol-gatol niyang saad dito.

"Kanina ko pa napapansin..." ani ni Hayden. Matangkad si Hayden kaya tumingala pa siya para matitigan ang mga mata nito. Nakangisi na ito sa kanya ngayon. Kumunot tuloy ang noo niya. Ipinilig nito ang ulo at alam niya kung sino ang tinitingnan nito.

"Nakatingin ka lang kay Dylan at Reighn simula pa kanina. Anong nasa isip mo, Zoe?" bigla nitong tanong na ikinatigil ng kanyang paghinga saglit.

"Anong ibig mong sabihin, Hayden?" tanong niya pabalik dito. Ngumiti ito sa kanya.

"Nagseselos ka sa kapatid ko, hindi ba? Nakikita ko sa mga mata mo, Zoe." Sabi nito na seryoso ang mukha. Ano ba ang sasabihin niya? Sasabihin ba niyang tama ito at nagseselos nga siya at nagagalit kay Reighn. Alam niyang kagaya ni Dylan ay poprotektahan nito si Reighn mula sa kanya dahil kapatid niya ito.

"Nagkakamali ka ng iniisip, Hayden. Masaya ako para sa kanilang dalawa." Pagsisinungaling niya. Hindi niya puwedeng sabihin dito sa ang tunay niyang nararamdaman.
Nakatitig lang ito sa mga mata niya nang ilang segundo tapos ngumiti sa kanya.

"Masaya ako ngayon kasi nakikita ko ang kapatid ko na masaya kasama si Dylan. Ilang taon ring hindi ko siya nakita na ganyan kasaya. Mula noong maghiwalay ang parents namin at dalhin siya ni Mommy sa America, hindi ko ulit narinig ang kasiyahan sa boses niya---"

"Anong gusto mong iparating sa akin, Hayden? Diretsuhin mo ako." Tila ba pinipiga ang puso niya sa loob.

"I love my sister so much, Zoe... Sana maging masaya ka rin sa kanilang dalawa at supurtahan mo na lang si Dylan. I know it's hard for you right now to accept it. Pero kailangan mong tanggapin na hindi na ikaw iyong priority ni Dylan kun'di ang kapatid ko na." Sabi ni Hayden na kakikitaan ng sobrang seryosong mukha.

Gustong magsusumigaw ni Zoe. Gusto niyang sabihin dito na sa kanya lang si Dylan at hindi niya ito tuluyang ibibigay sa kapatid nito. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ni Zoe nang marinig iyon. Napahigpit ang hawak niya sa balikat ni Hayden. Gusto niyang umiyak. Paano ba siya magiging masaya kung ang kasiyahan niya ay pagmamay-ari na ng iba?

"I'm trying, okay? H-hindi ganoon kadali ang lahat, Hayden. Nasanay ako na laging katabi ko si Dylan. Hindi man siya masaya sa akin pero natitiis niya ako... T-tapos ngayon---" hindi niya napigilan ang boses niya na pumiyok. Kinagat niya na lang ang kanyang labi para pigilan ang nararamdaman niya at ang luha na nagbabadyang tumulo sa mga mata niya.

Naramdaman niya ang marahang paghawak ni Hayden sa ulo niya. Napapikit na lang siya nang mapagtanto niya ang ginawa ni Hayden. Inilagay nito ang ulo niya sa dibdib nito. Doon kusang tumulo ang mga luha niya. Kung alam lang ni Hayden ang tunay na nararamdam niya kay Dylan, malamang magagalit na ito sa kanya at hindi na siya kakausapin.

Ilang minuto ang nagdaan at nagpasya na silang dalawa ni Hayden na maupo na muna. Nakita nila sina Dylan at Reighn na kasama ang mga ilang kakilala nila.

"Kuya!" tawag ni Reighn sa kapatid nang makita ito. Agad nabaling ang tingin ni Zoe kay Dylan na mataman na nakatitig sa kanilang dalawa ni Hayden. Bumaba ang tingin nito papunta sa kamay ni Hayden na nakahawak sa kanyang baywang.

"Nag-eenjoy ba kayong lahat sa
party ko?" nakangiting tanong ni Hayden sa mga kaibigan niya. Sumagot ang mga ito at ang iba ay tumango na lang.

Hindi maiwasan ni Zoe na mapapasulyap sa gawi ni Dylan. Hindi man lang sila mabigyan ng pagkakataon na makapag-usap. Laging nakakapit ang mga kamay ni Reighn sa braso ni Dylan. Matindi na talaga ang selos na nararamdam niya. Mukhang wala namang balak na pansinin pa siya ni Dylan kaya binuhos niya lahat ang selos na nararamdaman niya sa alak.

Dugtong ni myjeilapad

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro