Chapter 5
Dylan's POV
"Dylan si Reighn ito." Rinig kong sabi sa kabilang linya.
"Reighn." Tanging sambit ko. Napabuntong hininga ako.
"Saan mo nakuha ang number ko?" Tanong ko.
"Kay Hayden." Sagot nito. Ilang segundo rin ang naging katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Reighn/Dylan!" Sabay naming tawag kaya natawa kaming pareho.
"Ladies first." Nakangiting sabi ko. Narinig ko pa ang pag-buntong hininga nya bago sya nag-umpisang magsalita.
"A-Ano hmm... Tungkol kay Zoe."
"What about her?" Diretsong tanong ko. Naalala ko na naman tuloy si Zoe. Kung ano ang naging kalagayan nya sa Hospital pagkatapos ang aksidenteng iyon. Sana ay okay lang sya.
"Is she okay?" Tanong nya. Binalikan ko naman yung pag-uusap namin kanina. Alam kong nasaktan sya dahil doon sa nangyari at nagagalit sya dahil mas pinili ko pa si Reighn sa kanya. Isa pa, ayaw nya akong makita.
"I don't think so." Tanging sagot ko.
"What do you mean by that? Ako ba ang dahilan?"
"No!" Mabilis kong sagot. "Wala kang kasalanan. It's just that I have a problem with her. Bestfriend problem to be exact."
"Ahh okay. Pero Dylan, gusto ko pa ring mag-sorry sa nangyari. I'm so sorry, Dylan."
"This is not your fault, Reighn. Mahal kita kaya kailangan kitang protektahan." Mabilis kong sagot kaya huli na bago ko mabawi ang sinabi ko.
"M-Mahal mo ako?" Tanong nya na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Pero kalauna'y napangiti rin ako. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ang nararamdaman ko sa taong mahal ko. Siguro kung kasama ko si Zoe ngayon ay isang malakas na batok ang ibibigay nya sa akin at aasarin ako na...
Ang torpe biglang umamin.
"Dylan?" Tawag nya kaya napabalik ako sa diwa.
"Reighn." Kinakabahang tawag ko rin.
"Totoo ba yung narinig ko? Mahal mo ako?"
"You're right. I'm inlove with you, Reighn." Nakangiting sagot ko.
"P-Paano?" Tanong nya.
"Remember, it was your brother's birthday. Yung mga panahong yun nasa highschool palang tayo. Ayun yung unang beses na nakita kita and I was shocked kasi kapatid ka pala ni Hayden, hindi nya kasi kinuwento sa akin na may kapatid pala syang babae. In the middle of the party, nakita kita doon sa isang sulok na nagmamasid sa mga taong nasa paligid mo. Nakita ko rin kung paano ka niyaya ng mga tao but you keep saying no. And that moment I noticed that you are shy. Ilang minuto siguro akong nakatingin sayo nun. Hindi siguro tingin ang matatawag ko nun, dahil nakatitig na ako sayo noon ng matagal. Tapos bigla kang napalingon sa direksyon ko at nagtama yung mga mata natin. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko pa mapigilang mapatulala ng bigla kang ngumiti sa akin. You are my love at first sight, Reighn."
"Dylan." Tawag nya sa akin pero hindi pa rin ako tumigil at nagpatuloy sa sinasabi ko.
"After that day, lagi na kitang hinahanap kay Hayden. He keeps saying, he don't know kaya nainis ako sa kanya. May mga araw na nakikita kita pero naguguluhan ako kung bakit lagi mo akong iniiwasan sa tuwing lalapitan kita. May isang beses na nakausap kita pero saglit lang iyon at hindi na naulit pa. Laging ganun ang routine natin sa tuwing makakatagpo ang landas natin. And then one time nalaman ko nalang na umalis ka na pala ng bansa. Wala man lang akong kaalam-alam. Pero on that day, I promise to myself na kapag magtatagpo na naman ang landas natin sasabihin ko na talaga ang totoong nararamdaman ko na mahal kita."
"Dylan, can I have a favor?"
"Anything my love. What is it?"
"Can you love me forever?" Bigla akong napangiti sa tanong nya.
"Of course, Reighn. I love you."
"I love you too Dylan. Hindi ako makapaniwala na ganito na pala ang nararamdaman mo sa akin. Akala ko aasa lang ako ng matagal. Akala ko kasi girlfriend mo si Zoe kaya lumayo na ako." Pagpapaliwanag nito. Ngumiti ako at 'saka napailing.
"Tadhana na talaga ang gagawa ng paraan para pagtagpuin tayong muli." Tanging sagot ko. Narinig ko naman ang tawa nya sa kabilang linya kaya natawa rin ako.
"Ang korni mo pala."
"Minsan lang yan. Sagarin mo na haha!"
Third person's POV
Pagkatapos ang aminan sa pagitan nila Dylan at Reighn ay lagi ng magkasama ang dalawa. Para silang magnet na mahirap paghiwalayin. Ilang araw na rin ang nakalipas nun at nakalabas na ng Hospital si Zoe.
Sa tuwing makikita nya na magkasama ang dalawa ay hindi nya mapigilang mainis dito. Lalo na sa tuwing nakikita nyang sweet ang dalawa. Naiinis pa rin sya kay Dylan, pero mas naiinis pa rin sya kay Reighn. To the point na gusto nya na itong kalbuhin.
Paano ba naman kasi, pati ang nag-iisang bestfriend nya na si Dylan ay inagaw pa sa kanya. Yun na lang ang tanging taong kayang pagtiisan ang ugali nya pero nawala pa. Parang kinalimutan na lamang sya pagkatapos ng nangyaring aksidente sa kanya.
Naiinis din sya sa tuwing maiisip na sila na palang dalawa. Hindi man lang nagawang mag-kwento ng kaibigan nya sa kanya. Hindi nya nalaman ng maaga edi sana nakapaghiganti pa sya doon sa babae. Alam nya kasing mahihirapan na syang kalabanin si Reighn sa kadahilanang lagi ng magkasama ang dalawa.
"Nakakainis!" Sigaw nya. Habang binubunot ang mga damo. Yun na lang ang tanging paraan nya para mailabas man lang ang inis nya sa dalawang naglalandian sa harapan nya. Naiinis sya na naiinggit. Dahil yung tao pa na yun ang nagustuhan ni Dylan, samantalang sya naman ang laging kasama nito simula nung maliit pa sila. Bakit hindi nalang sya?
Para syang tangang nakatitig ng masama sa dalawa habang bumubunot ng damo. Pinagtitinginan sya ng ibang dumadaan sa kanya pero yung dalawang kaharap nya ay hindi man lang nagawang lingunin sya.
"Guys!" Napalingon naman sya sa taong tumawag sa kanila. Nakita nya ang isang lalaking ngiting ngiti habang papalapit sa kanila. Si Hayden Ellery. Ang kapatid ni Reighn. Nagsilingunan naman ang dalawa kay Hayden at nagbatian silang tatlo. Mas lalo syang nainis na hindi man lang sya pinansin kaya hindi nya mapigilang mapatili ng malakas. Dahilan para mapalingon sa kanya ang lahat.
"Ano ba! Ano ba! Ano ba!" Paulit ulit na bigkas ni Zoe sa kanila. "Para naman akong multo dito na hindi nyo pinapansin." Inis na sabi nito.
"Uy, Zoe! Nandyan ka pala." Tawag sa kanya ni Hayden. Tinarayan nya naman ito dahil para na namang itong tangang nakangiti sa kanya. Palibhasa bata palang sila ay mas gusto na ito kay Zoe. "Anyway guys! Invited kayo sa birthday ko ah! Pumunta kayo. And remind ko lang. No gift, no entry doon! Hahaha." Napatawa naman sila Reighn at Dylan sa sinabi ni Hayden. Pero si Zoe lang ang tanging may mukha na nakabusangot.
"Sure." Sabay na sabi nila Reighn at Dylan. Napalingon naman sila kay Zoe at hinihintay ang sagot nito.
"Oo na! Pupunta na ako, leche!" Sagot nito. Nagtawanan naman ang mga lalaki. Samantalang nakangisi lang si Reighn kay Zoe.
---
Ito ang araw ng kaarawan ni Hayden at ginanap ito sa kilalang Hotel na pagmamay-ari ng mga Ellery. Lahat ng mga kakilala nito ay nagsipagdayo sa nasabing kaarawan. Kita ang mga mamahaling suot nito na mapapansin mo na nagmula pa sa mga kilalang designers ng bansa.
Pumasok ang magkasintahan na si Reighn at Dylan. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanila. Ang mga ibang babae ay naiinggit dahil sa nalamang balita at ang iba nama'y natuwa dahil hindi nito nakatuluyan ang kanyang sadistang bestfriend. Which is mortal na kaaway ng mga kababaihan sa campus.
Nasa kalagitnaan na ang party ng bigla silang mapalingon sa entrance ng hotel. isang babae na sobrang ganda ang naglalakad doon. Sari-saring bulungan ang naririnig ni Zoe habang papasok sya. Mga bulong na nagtatanong kung sino sya at namamangha dahil sobrang ganda ng suot nya at ng ayos nya.
Pasimpleng napangisi si Zoe na wala ni isang makilala sa kanya. Lahat ng lalaki sa party ay gusto syang lapitan at yayaing makasayaw. Pero wala syang balak na sumayaw hangga't hindi sya niyaya ng taong mahal nya.
Umupo sya at tumingin sa mga taong nakatingin din sa kanya. Nagsasayawan ito pero ang mata ay nakatingin lang sa kanya. Para syang Dyosa na tinitingala ng lahat.
Pero nawala ang ngisi nya sa labi at biglang sumikip ang dibdib nya ng mapadako ang tingin nya sa kanila.
Dugtong ni GreenCoated
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro