Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Mula sa bulsa ay kinuha nito ang papel na pinunit niya dahil sa matinding selos na nadarama niya kanina. Nagulat man ay hindi niya ito ipinahalata sa babaeng nasa harapan na kung makatingin sa kanya ay parang lalamunin na siya ng buo at buhay. Magsasalita pa sana siya nang bigla itong sumigaw.

"What the hell is wrong with you?" tanong nito na pinanlakihan siya ng mga mata. Kung may laman pa sana iyong baso niya ng juice ay nasabuyan na niya ito ngayon.

"What the hell is wrong with me?" itinuro pa ni Zoe ang kanyang sarili habang nagtatanong rito. Tumayo na rin siya at nakipagtaasan ng kilay kay Reighn. Nakaagaw na sila ng atensiyon sa mga studiyante na nasa loob ng canteen. Kabi-kabilang bulungan ang naririnig ni Zoe na lalong nagbibigay sa kanya ng init ng ulo.

"May problema ka ba sa akin, bitch?" mahina lang pero alam niyang narinig iyon ng kaharap. Para na itong bulkan na sasabog anumang oras.

"At nakuha mo pa talagang magtanong ng ganyan ha? Bakit? Sino ka ba sa akala mo para manira ng bagay na hindi naman sayo ibinigay? Gusto ko lang ipaalam sa'yo na kay Dylan ko ibinigay itong sulat at hindi sayo!" nanggigil na sabi nito. Gustong matawa ni Zoe sa hitsura nito pero mas nangingibabaw ang inis niya dito at sa tingin niya isang kalabit lang nito ay mauupos na ang pasensiya. Will, inakala niya talaga kanina na isa itong mahinhin at mabait na dalaga pero dahil sa eskandalong ginawa nito ngayon ay napatunayan niyang hindi ito puwedeng makalapit nang tuluyan sa Dylan niya. Bitch!

"Tapos ka na? Katamad Kang kausapin!" ayaw niyang mapahiya nang tuluyan sa mga kapwa niya studiyante kaya nagpasya siyang umalis. Tatalikod na sana siya nang biglang hablutin ni  Reighn ang buhok niya kaya muntik na siyang ma out of balance sa ginawa ng babae sa kanya.

"Huwag mo akong talikuran kapag kinakausap kita ah!" napahawak siya sa kamay nito na pilit hinihila ang buhok niya. Gusto talaga nitong babaeng ito na pasabugin siya. Puwes pagbibigyan niya ito.

Gusto mong sumikat, bitch!

Rinig niya ang mga tilian ng mga students na nakatingin sa kanila. Nagdilim na ang paningin niya para rito. Hinarap niya ito at walang ano-ano ay nakipaghilaan na ng buhok dito.

"Walang hiya ka! Wala kang karapatan na gawin sa akin ito. Baguhan ka lang dito babae ka!" Humihiyaw ito sa bawat hila na may lakas sa mga hibla nito.

Walang laban si Reighn sa kanya dahil mas matangkad naman siya rito at mas malakas siya. Natigil sila sa kanilang ginagawa nang marinig nila ang boses ni Dylan na puno nang galit.

"Stop!" Makapangyarihang sabi nito. Saglit na napatigil si Zoe sa paghihila ng buhok ni Reighn, mabilis niyang tinapunan ng tingin si Dylan at nang magtagpo ang mata nila ay bigla nya itong nginisian.

Binalik niya ang tingin kay Reighn na sobrang gulo ng buhok at may mga kalmot sa mga braso at mukha. Umalingawngaw sa loob ng canteen ang isang malakas na sampal ni Zoe kay Reighn.

"Serves you bitch!" mataray na sabi ni Zoe. Hindi na napigilan ni Dylan ang kanyang nararamdaman nang makita ang ginawa nito. Bigla niyang nilapitan si Zoe at tinulak. Pero hindi niya napansin na napalakas pala ang tulak niya dahilan para mauntog ang likod nito sa dulo ng lamesa at napatumba ito.

Nagsihiyawan naman ang nakakita sa nangyaring pagtulak. Pero imbis na tulungan si Zoe sa pagkakatayo ay walang tumulong sa kanya. Ang lahat ay nagsisitawanan sa nangyari.

"Bagay lang 'yan sa kanya."

"Masyado kasing mayabang."

"Bitch!"

Iba't ibang bulungan ng mga studiyante. Napaismid na lang si Zoe. Hindi makikitaan ng reaksyon sa mukha ni Dylan. Parang hindi siya nakonsensiya dahil sa pagtulak niya nito nang malakas. Mabilis namang nilapitan ni Dylan si Reighn at tinanong kung okay lang ba sya.

Masakit ang naramdaman ni Zoe sa malakas na pagtulak ni Dylan sa kanya pero mas nanaig pa rin iyong sakit na naramdaman ng puso niya nang mas pinili ni Dylan ang babae na iyon kaysa sa kanya. Napangisi si Zoe. Hindi niya alam kung si Dylan ba ang gumawa sa kanya nu'n. Hindi kailanman nagawa ni Dylan na saktan siya. Ngayon niya lang ginawa iyon at iyong babaeng nagngangalang Reighn ang dahilan.

Parang hindi nasaktan at tumayo si Zoe. Hindi niya pinansin ang mga studiyanteng nakatingin nang masama sa kanya. Ramdam niya ang pagsakit at pagkirot ng parte ng likod niya na tumama sa lamesa.

Napatingin siya kila Dylan at Reighn. Nakita niya pa ang sekretong pagngisi ni Reighn sa kanya pero hindi sya nagpatinag at sa abot ng makakaya niya ay tinaasan niya ito ng kilay.

Tsk, hindi pa tayo tapos babae!
Sabi nito sa isip at 'saka tumalikod.

Habang nakatalikod si Zoe at naglalakad palayo ay napansin ni Dylan ang dugo sa likod nito na siyang  parami ng parami.

Kasalanan ko iyon.
Sabi niya sa kanyang isip. Maglalakad na sana siya para  habulin si Zoe nang marinig niya ang pagdaing ng babaeng kasama niya kaya mas pinili niya munang gamutin ang sugat ng babaeng iyon. Pagkatapos ay pupuntahan niya na lang kanyang kaibigan.

Nawalan na ng gana si Zoe na pumasok sa huling subject nila. Iyong ibang mga studiyante na nadadaanan niya ay napapatingin sa kanya. May iba na may pagaalala sa mga mukha ang makikita at itong iba naman ay makikitaan ng inis at tuwa dahil sa nangyari sa kanya. Wala ring naglakas ng loob na lapitan siya. She doesn't even care kung ano mang kabalbalan ang mga iniisip nila. May nararamdaman siyang init na likido sa kanyang likuran pero sa isip niya pawis lang siguro iyon. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa bigla na lang ang panlalabo ang paningin niya. Pakiramdam niya ay matutumba siya anumang oras. Huminto siya saglit at kinuha ang panyo niya sa kanyang bulsa. Pinunasan niya ang kanyang pawis sa mukha.

"Zoe!" alam niya kung sinong nagmamay-ari ng boses na iyon. Napangiti siya at nilingon ito.  Nakita niya ang paghakbang nito patungo sa direksiyon niya pero bago pa ito makalapit ay tuluyan nang nagdilim ang paningin niya.

Pagkatapos gamutin ni Dylan ang mga galos at kalmot sa katawan ni Reighn ay nagpaalam na siya dito.

"Kailangan ko munang hanapin si Zoe," alam niyang nasaktan niya si Zoe sa ginawa niyang pagtulak dito pero hindi niya iyon sinadya.

"Tinanong ko lang naman siya kung bakit niya pinunit iyong sulat na ibinigay ko sa'yo... Tapos bigla na lang niya akong inaway."

Iyon ang sabi ni Reighn sa kanya kanina. Nakita pala nito ang ginawa ni Zoe doon sa papel at nasaktan iyong dalaga. Gusto niyang kausapin si Zoe para malaman kung bakit niya ginawa iyon kay Reighn.

Nagpasya siyang habulin ang dalaga para humingi na rin nang tawad sa kasalanang nagawa niya. Nabahala siya nang makita ang maraming dugo sa likurang bahagi ng damit ni Zoe

"Zoe!" tawag niya sa dalaga. Nakita pa niyang ngumiti si zoe sa kanya nang lingunin siya nito ngunit bigla na lamang itong nawalan ng malay.

Agad niyang tinakbo ang kinaroroonan ni Zoe. Sobrang putla ng mukha nito. Agad niya itong binuhat at itinakbo sa kanyang sasakyan. Dadalhin niya ito sa malapit na hospital ng kanilang paaralan.

Ayaw niyang dalhin ito sa clinic ng kanilang school dahil sa mga ibang mga studiyante na alam niyang makikiusyoso na naman. Gusto niya ng tahimik na buhay sa loob ng school pero dahil kay Zoe nagiging magulo ang buhay niya. Nanginginig ang kamay niya nang haplusin ang mukha ng kaibigan.

"Please, wake up." nausal niya habang mabilis na nagmamaneho.

dugtong ni MaryDeJuan

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro