Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

Isang malutong na tawa ang umagaw ng kanyang pansin nang matapos nyang makatayo sa pagkakadapa.

"Ang laki laki mo na Dylan. Lampa ka pa rin!" Natatawang asar sa kanya ng best friend nyang si Zoe. Hindi na lamang ito pinansin ni Dylan at kinuha ang kanyang gamit na nahulog at muling naglakad patungo sa kanilang classroom.

"Uy! Teka lang haha!" Natatawang sigaw pa rin ni Zoe. Hinabol nya si Dylan at 'saka ito inakbayan sa balikat na parang lalaki. Hindi pa nakapagpigil si Zoe at kinurot pa si Dylan ng matagal sa kanang pisngi.

Hindi na nakapagpigil sa inis si Dylan at hinarap si Zoe.

"Ano ba?!" Galit na tanong nito.

Sikat at tahimik na studyante si Dylan sa campus at lahat ng babae ay nagkakagusto sa kanya, kaya nagtataka sila sa biglang pagsigaw nito.

"Wala ka na naman bang mapagtripan kaya ako ang biktima mo?!" Napatigil si Zoe sa pagpisil ng pisngi ni Dylan at napayuko na lamang ito dahil sa kahihiyan. Naramdaman nyang marami na ang nanonood sa kanila at pinag-uusapan kung ano ang nangyayari.

Pero ng maisip nyang sya nga pala si Zoe Yaffeh Madrigal. Ang babaeng hindi nahihiya at ang babaeng gustong gusto ng atensyon ng lahat ay bigla syang napa-angat ng ulo at malawak na napangiti sa harap ni Dylan. Napailing nalang si Dylan. Dahan dahan syang napalunok dahil alam na nya ang sunod na gagawin ng kanyang best friend.

Napa-aray si Dylan ng malakas itong batukan ni Zoe. Napailing nalang ang mga nanonood dahil wala silang magawa para rito. Iba kasi ang ugali ni Zoe at mahirap itong kalabanin. Kung sabagay may pagka-boyish din kasi Zoe kaya lahat ng babae o mapalalaki pa man ay takot sa kanya.

Malakas at dahan-dahang pumalakpak si Zoe at humarap sa mga tyismosang nanonood sa kanila.

"Okay tapos na ang palabas. Bukas itutuloy, mag-sipag balik na kayo sa kanya kanya nyong lungga!" Natatawang utos ni Zoe habang tinataboy ang mga studyante. Mabilis namang umalis ang mga studyante dahil sa takot.

Humarap naman kaagad sya kay Dylan at nginitian nito ng pagkatamis tamis. Pero parang walang paki-alam si Dylan at mabilis na pumasok sa classroom nila.

"Sungit!" Sigaw ni Zoe kay Dylan at sumunod na rin ito.

Bata pa lamang ay sila Zoe at Dylan na ang laging magkasama. Hindi nila kayang paghiwalayin ang dalawa dahil sa sobrang higpit ng attachment nito sa isa't isa. Nasanay na rin si Dylan sa ugali ni Zoe na may pagka-boyish at grabe kung mang-asar at mang-trip. Araw-araw ba naman silang magkasama at hanggang ngayong nasa kolehiyo ay silang dalawa pa rin ang magkasama.

"Pst! Dylan!" Mahinang tawag sa kanya ni Zoe. Nasa harapan kasi ang guro nila at nagtuturo. Natatakot syang makita na nakikipagdaldalan sa terror slash boring na professor nya. Hindi pinansin ni Dylan ang tawag ni Zoe at patuloy itong nagta-take down notes habang nakikinig sa kanilang Professor.

"Dylan!" Mahinang tawag nya ulit pero hindi pa rin sya nito pinansin. Naghintay pa sya ng ilang minuto. Naiinis sya dahil wala syang makausap. Sobrang boring ba naman kasi ng pagtuturo ng professor nya at wala ng pumapasok sa utak nya maliban sa...

Sana matapos na ang klase nito.

Tinawag nyang muli si Dylan pero hindi pa rin ito lumingon. Kaya kinalabit nya ito ng kinalabit dahil nasa harapan lamang ng upuan nya si Dylan. Sa sobrang inis ay hindi nya na napigilang sipain ng malakas ang upuan ni Dylan.

"Ano ba?!" Galit na sabi ni Dylan at hindi nya napigilang mapatayo. Napatigil naman sa pagtuturo ang kanilang guro at nagsipaglingunan naman ang mga kaklase nya rito.

"Yes Mr. Rodriguez. What's the problem and you choose to interrupt my class?"

"Sorry Ma'am. Si Zoe po kasi sinipa ng malakas yung upuan ko." Nakayukong sabi ni Dylan. Galit na humarap ang professor nila kay Zoe. Pero bago pa magsalita ang kanilang guro ay mabilis ng tumayo si Zoe.

"Sinipa ko lang po yung upuan ni Dylan dahil sabi nya po ang boring daw po ng turo mo." Nakangusong pagpapaliwanag ni Zoe.

"Zoe!" Pigil ni Dylan dito. "I never said that!" Inis na sagot nito. Pasimple namang nginisian ni Zoe si Dylan.

"Maam oh! Binubulungan ako ni Dylan ang sabi nya totoo naman daw talaga na boring ka magturo." Pagsusumbong ni Zoe habang nakaturo pa kay Dylan. Napahampas naman ng noo si Dylan at wala ng nagawa.

"You two! Get out of my class, now!" Naiinis na sabi ng kanilang guro. Mabilis namang kinuha ni Dylan ang gamit nya at nagdabog pang lumabas. Samantalang si Zoe naman ay mabagal nyang kinuha ang gamit nya. Tinarayan nya pa ang kanyang mga tyismosang classmate at bago lumabas ay malawak nyang nginitian ang kanyang guro.

"Thank you Maam! Ang galing mo talaga magturo!" Naka-thumbs up pa na sabi ni Zoe sa harap ng professor nya at mabilis itong tumakbo palabas dahil nakita nya na tila ba sasabog sa inis ang professor nya.

Mabilis nya namang sinundan si Dylan na nasa malayo na.

"Hi Dylan! Kaya love na love kita e!" Sabi nya ng maabutan nya ito sa paglalakad. "Saan tayo pupunta?" Masayang tanong ni Zoe. Galit na humarap sa kanya si Dylan.

"Pwede ba! Huwag mo na ako idamay sa mga kalokohan mo. Kung feeling mo natutuwa ako dahil pinagbibigyan kita, hindi! Gusto kong mapag-isa. Lumayo ka sa akin!" Galit na sabi nito. Humakbang naman ng limang beses patalikod si Zoe.

"Oh ayan! Malayo na tayo sa isa't isa. Mag-isa ka na dyan sa pwesto mo."

"Ayaw kitang makita!"

"Edi pumikit ka! Basic!" Sagot ni Zoe.

"Ano ba! I'm serious." Naiinis na sabi ni Dylan.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Tsk! Wala kang kwenta!" Inis na sigaw nalang ni Dylan at nagpatuloy ito sa paglalakad. Pasimple namang napatawa si Zoe. Hindi nya mapigilang mapangiti dahil naga-gwapuhan sya kay Dylan kapag naiinis ito sa kanya. Bata palang kasi sila ay may gusto na si Zoe kay Dylan kaya ayaw nya talagang mapalayo sila sa isa't isa.

Pero nawala ang ngiti sa labi nya na may naglakas loob na babae ang lumapit sa taong mahal nya. Nakangiti ang babae na ito habang iniaabot ang hawak nitong papel kay Dylan.

Sino siya?

dugtong ni GreenCoated

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro