Chapter 3: his line
Chapter 3
Sunny's POV
Arghhhhh!!!!! Pag nakita ko talaga ulit sya papatayin ko na!
"Miss Cruz? Are you listening?" Tanong saakin ni madam vely, paano ba naman kasi nung iniwan ako ni oggy--este ni sino yun? Ahh basta! Yung sumama nalang saakin ay si madam vely ang mayordoma ng bahay.
"A-ahh opo." Sagot ko nalang, di talaga ako nakikinig sa sinasabi niya eh, lumilipad kasi yung utak ko sa epal na yun.
"Osya! Mag pahinga ka muna tas kung gusto mo pwede ka nang magsimulang mag luto ngayon." Ngumiti nalang ako at nagpasalamat, saktong nasa tapat na ako ng magiging kwarto ko nang huminto kami.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at bumungad saakin ang simple pero magandang kwarto. All white maliban sa kutson at mga Sapin, kurtina sa kwarto na color violet. Seryoso, anak ba ako rito?
"Mae sa tingin mo anong magandang lutuin?" Tanong ko sa isang kasambahay na kasing edad ko lang. Andito ako nayon sa kusina para sana mag luto.
"Uhmm." Di pa nya natapos ang sasabihin biglang pumasok si ogg---thunder. At anong ginagawa nya rito?
"Naligaw ka yata?" Diretsong tanong ko habang naghahanap ng maluluto.
"And what is our problem with that? Remember I'm still your boss." Boss?
"Di nga ikaw nagssweldo saakin eh." Sabi ko, tas lumingon na ako mula sa ref at.... Hulog ng mga langit ulan ba toh?
"Enjoying the view?" Paano ba naman kasi naka white sando at boxer short lang sya. Pawis. Na mula sa pisngi, leeg, collar bone, balikat, braso, sando. omg!
Bakit ang gwapo nya? At y-yung abs nya. Maygahd!
"H-ha?" Sa gilid ng mga mata ko nakita ko si Mae natatawa nalang, bakit naman?
"Huh, don't look at me maid, baka pumanget pa ako." Nagtatagalog sya?!
"What did you cook?" Sa pagkakataon na yon tuluyan na nga akong nabalik sa riyalidad.
"Masanay ka na dyan, ganyan talaga yan minsan nga di na bumababae." Sabi ni Mae ng nakalapit na sya.
"I want sinigang." Sinigang? Akalain mo nga naman, alam nya pala yon? Kaya mahina akong napatawa.
Pagkatapos nyang sabihin iyon tumaas na sya at bumaba lang ng malamang luto na ang ulam.
"Hey are you sure you didn't put any poison in here?" Tinaasan ko lang sya ng kilay habang nasa dibdib ko ang dalawa kong kamay, na parang nag sasabing anong sabi mo?
Nang tikman na nya iyon, "oh, nauna ka palang kumain thunder?" Hala.
"Hala sir sorry po, na kalimutan ko po kayong tawagin." Di ko alam na nakabalik na pala si sir, kaya napayuko nalang ako sa, kahihiyan. Kasi naman sun! Unang araw mo palang may kasalanan ka na agad.
"Its okay, sumabay ka na rin." Nakatayo lang kasi kanina habang itong lalaking oggy na toh sarap na sarap sa pagkain.
"Ilan taon ka na pala ihja?" Tanong pagkaupo ka sa kanang bahagi ni sir Derrick tas space na isa.
"17 po." At don nabulunan nga ang magaling na lalaki.
"What? 17?" Bakit sa sobra ko bang ganda mukha akong mas bata?
"I thought you're 32." Muntikan pa akong mahulog sa upuan ko dahil don. 32?! Sinusubukan tala ako ahh.
"Stop it, just eat, nabalitaan ko na wala ka nang pamilya diba?" At don na nabaling ang atensyon ko.
"Opo." Diretsahang sagot ko. Sus, sanay na ako sa mga tanungang ganyan.
"Anong grade mo na ba dapat ngayon?" Anong grade nga ba?
"Senior po, grade 11."
"Ok lang ba sayo kung ipagpapatuloy mo--"
"Ay di na po! I mean, kahit wag na po. Ok lang naman po kahit di po ako magpatuloy sa pagaaral." Ngumiti ako ng pagkalakilaki. Pinutol ko na ang sasabihin nya di dahil sa bastusan kundi syempre sabi nga nila, stay humble.
"Kala mo talaga yun yung sasabihin."
"A-arayy!!" Sigaw ni oggy. Tinignan nya ako ng nakakamatay na, tingin. Huh Buti nga sayo.
"Oh, thunder anong nangyari?" Hala lagot, baka magsumbong sya kay sir. Lagot talaga sya saakin pag ginawa nya iyon.
"A-ahh wala, may ipis lang kasi akong biglang nakita." Nakita? Napailing nalang ako.
"Ihja marunong ka bang mag chess?" Napalingon agad ako ng binanggit nya iyon. Chess?
"Bakit ho?" Buti nalang di na umangal si oggy.
Pagkatapos niyang itanong iyon tumungo kami sa activity room niya. Ang laki! Pwede na nga yata maging first floor ng bahay
Billiards, chess, badmenton na gamit, ibat ibang klase ng bola ang nakahilera sa may dugo Sa kanan ko. Tas yung parang may ihahagis ka sa may bilog na nakadikit sa ding ding sorry di naman ako naglalaro niyang eh.
Basat malawak! Nabalitaan ko pang may field sila sa likod ng bahay para sa mga laro pang field!
"Kung pipili ka ng magiging ikaw sa isa sa mga parts ng chess para protektahan ang hair ano iyon at bakit?" Isa sa mga parts? Bakit parang familiar?
Kanina ko pa iniisip ang tanong na iyon. Ano nga ba ang pipiliin ko? Nang tinanong nya saakin yan di ako nakasagot kasi ano bang klase ng tanong yan? Buti nalang at may tumawag sakanya na sinasabi ng may emergency meeting daw sya at next time niya nalang ako tatanungin ulit. Dahil sa kakaisip ko sa sinabi ni sir Derrick nakatulugan ko na ito.
"What will you choose, being a Queen/king or being a normal people?" Tanong ng isang lalaki sa babaeng naka dress na pink.
Nasaan ako?
Kasalukuyan akong nasa harap ng dagat kaharap ang dalawang ito.
"Uhmm, of course being a Queen!" Sabi ng babae habang inilalagay ang kamay sa baba na parang nagiisip isip pa.
Ngumiti ang lalaki.
"Why?" Tanong nito.
"Because if you're a ruler you get what you want, then if you're a normal human you'll gonna be easily killed." Habng narito ako nalaman ko nalang na nakikinig ako sakanila.
Tama siya, in short power.
Pero umiling lang ang lalaki.
"How about you daddy?" Tatay nya?
"Me? I'll choose being a normal people, human." Normal? Eh madali ka lang naman mamamatay pag ganon eh.
"Huh? Why? Why do you want to be a normal person if you can have all the things that you want."
"You believe in nothing is impossible right?" Tumango ang babae.
"Then, pag ruler ka lahat ng possible sa mata ng normal na tao magiging impossible saiyo. Besides, being a normal living thing will have a normal living." Punto nya ba ay....
Kapayapaan?
Tinuloy nya. "Pag normal ka, may kalayaan ka. Ano bang magagawa mo sa kapangyarihan kung saan bawat galaw mo nakabantay si kamatayan? Parang tayo, we're not normal. We have power, like queen and king's. Because for me? Being normal is nothing can compare. Just believe in god. That's the most special thing that we can do." Tas humarap sya sa dagat habang nakaupo sa buhangin habang nakatukod ang dalawang kamay sa likod.
"I don't get you."
"Soon baby, you'll know the meaning of God. Meaning of normal people."
"Sunny..." Dahan dahan kong minulat ang mata ko ng nakarinig ako ng katok galing sa pinto.
Arghhh nung oras na ba?
"Wait lang!" Sabi ko ng di parin tumitigil ang katok.
10:45 am.
Parang akong hinahabol ng zombie dahil sa pag mamadali ko. Anak ng ilaw naman oh!
"Saan na yung damit ko?!" Dahil sa pagmamadali ko halos nagkadulas dulas na ako. Halaaaa lagot talaga ako! Bat ba kasi ako nagising ng tanghali na?!
"4 hours and 50 minutes late." What the...
Saktong paglabas ko ng pinto at pag punta agad sa sala, isang lalaking nakasalo ng lahat ng biyaya sa tao ng kagwapuhan ay sa tingin ko nasalo nya.
Yung kulay, lips, balikat, uniform niya. Sa tingin ko yata nasa bahay na ako ng mga hunk.
"Staring without permission?" At don na nga ako nakabalik sa katinuan.
"I-im sorry for being late sir t-thunder." Yes thunder. Mas lalo pa yatang dumagdag ang kagwapuhan niya ng naamoy ko ang pabango niya, pati na yung uniform niya!
"Nakakain ka n-na ba?" Medyo nautal pa ako nang nagtanong sakanya dahil di parin ako nakakamoveon sa kagwa--kapangintan niya.
Ngiumiti sya ng mapangasar pero shit! Yung ngiti niya.
Yumukod siya ng kaunti papunta saakin para bumulong. "Tsk. Kung naggwapuhan wag magpahalata, baka mafall ako sige ka."
"Sunny?" Yung ngiti niya. "Sunny, uy!" Yung pabango niya, yug itsura niya at y-yung yung s-sinab---
"SUNNY!"
"Ayanggwapomo!" Napasigaw ako dahil sa lakas ng sigaw ni mae. Yung kaedad ko na babaeng maid den rito.
"Ano bayan Mae!" Kasalukuyan akong nakaupo sa upuan Sa kusina pagkatapos umalis ni thunder.
"Sino ba kasi yang iniisip mo?" Di ko nalang siya sinagot at agad ng nagayos ng nakita ko si thunder, oo si thunder na papunta na saa--dito.
"T-thunder." Sunny wag ka na nga ng mautal!
Ito na naman siya lumapit saakin tas bigla syang yumuko. Paano ba kasi tangkad nya tas hanggang dibdib niya lang ako. Napalabi tuloy ako sa naisip ko.
"Staring again huh?" Napalunok ako bigla.
"I'm gonna go now. Baka gabihin ako tell that to dad." At don tinitigan ko sya sa mata. Gosh yung mata nya! Dapat pala di nalang ako tumingin.
"B-bakit ko naman sasabihin?" Yan nanamn yung ngiti na yan.
"Malay mo akalain mong maaga ako uuwi." At doon lumayo na sya saakin at pumunta sa pinto. Aalis na yata.
At bakit ko naman aakalain o in short umasa na maaga sya uuwi? Gusto kong itanong yan pero inunahan niya ako at sa sinabi niyang iyon natulala ako.
"Baka kasi umasa ka
Masaktan ka pa."
~~~~
A/N: wohhh ano yon thunder?
"Baka kasi umasa ka, masaktan ka pa."
Sana alll, thunder akin ka nalangggg
Pls voteee
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro