7
RJ's
As usual inutusan na naman ako. Gusto ata ng babaeng ito na pahirapan ako.
Lahat ng klase ng pwede niyang iutos sa akin, pinagawa niya. Buti na lang amo ko ito. Kung hindi nilayasan ko na.
Sabi ni Kuya Jose mabait naman daw si Miss Maine. Siguro daw may buwanang dalaw kaya ang lakas ng topak.
Kunsabagay, nagpabili kanina ng mangga at asin na madaming sili. Tapos nagpabili ng ice cream. Maya-maya kape naman. Daig pa naglilihi.
Ah siguro nga, may buwanang dalaw dahil pinabili ako ni Ursula ng Tampons. Muwanhg ko ba doon. Akala kung anong gamot iyon. Jusko, hiyang hiya ako. Taas noo pa akong nagtanong sa Mercury drug kung meron silang Tampons na iyon. Akala ko tabletas. Hindi pala. Replacement para sa napkins pala iyon. Namula tuloy ang kutis labanos ko. Kaya nung lumabas ako sa Mercury, nakayuko ako. Natatawa pa kase yung Pharmacist sa akin.
Hay mahirap din pala ang bodyguard pero maganda ang sahuran dito. Kaya ko ng mapagtapos si Riza. Eversince kase na mamatay si Mommy, ako na ang nakatulong kay Daddy. Paaralin pa kase si Riza at Angel na mga kapatid ko. Kaya ko pa naman magtiis.
Pero parang di na niya ako nasisinghalan. Pero yung utos nandoon pa rin. Ayos lang,madali lang naman ang iniuutos. Huwag lang naman yung pagbili ng tampons at napkin. Kalalaki kong tao, bumibili ako ng ganun. Nakakahiya naman sa biceps ko.
*****
Nakaupo ako sa gilid habang nagbabantay kami nila Kuya Jose ng lapitan ako ni Paolo. Yung makeup artist ni Miss Maine.
"Huy Faulkerson!"
"Bakit po?"
"Maka-po ka naman! Bata pa ako."May paghawi pa ng invisible na buhok papunta sa tenga. Juskopo! Di ako pumapatol sa bakla.
"Uutusan po ba ako ni Miss Maine?"
"Hindi."
"E ano po?"
"Yung po! Nakakainis ka na papi ha!" May landing sabi nito ni Paolo.
"E ano?"
"Yayain sana namin ikaw na sumama mamaya sa gimik. Alam mo na may pakain si Madame."
"Ako lang ba?" Tanong ko.
"Sali kami diyan bakla!" Sabi ni Kuya Wally.
"Hindi kayo kasama. Kami lang."Sagot ni Paolo.
"Isusumbong kita. RJ huwag kang maniwala sa baklang yan. Baka gahasain ka lang niyan. Hoy Paolo! Di kasama si Madame! Pauso mo lang yan!" Pananakot naman ni Kuya Jose.
"E di wow! Kayo na!" Sabay ngiwi ng mukha si Paolo.
"Sinasabi ko na nga ba! Bakla ka talaga!" Si Wally.
"Oo na! We no kung bakla? Magandang lalaki naman ako kung lalaki ako." Sagot ng Paolo. Nakikinig lang ako sa kanila. Parang stand up comedians kase sila.
"So pangit kami? Wally pigilan mo ako!Bubuntalin ko ang baklang ito!" Si Kuya Jose. Umakma pang susugod pero di naman kumikilos dahil dalawa kami ni Kuya Wally na pumipiit.
"Tse!"Irap ni Paolo. Biglang labas ng tent ni Miss Maine.
"Ano yan? Nagkakagulo kayo?" Sabi nito.
"Kase yang baklang yan pasimuno ng kalokohan dito e! Ayaw kami isama sa pakain mo daw Miss Maine." Nakairap si Paolo at si Kuya Jose at Kuya Wally ay naka-porma na akala mo susuntok.
"Ako magpakain? Kelan?" Si Miss Maine.
"Diba girl? Diba?" Hinarap ni Paolo si Miss Maine.
"O sinasabi ko na. Pauso mo lang yan." Si Kuya Wally.
"Ah okay..Yun ba? Sige mamaya. Itreat ko kayo. Pasasalamat na rin kase binabantayan ninyo ako." Sabi ni Miss Maine.
"O diba? Napahiya kayo ni Panot ano? Kayo kase madumi utak." Pang-aasar pa ni Paolo.
"Pigilan mo ako sasampalin ko yang baklang yan!" Si Kuya Jose.
"Tama na yan. Paolo huwag mo silang asarin. Kuya Jose, Kuya Wally relax na. Niloloko lang kayo ni Paolo. Hoy Pao, umayos ka. Puro kayo away. Magkasundo nga kayo." Awat ni Miss Maine.
"Hmmmp! Doon na nga ako kay Patty!" Nagwalk out ang Paolo.
"Pasensiya na po." Si Miss Maine nakapagtataka. Mabait pala ito.
Pumasok na siya sa tent. May ilang sequence pa na kukuhanan kaya medyo matatagalan pa kami dito.
"Mga Kuya, cool na.." Sabi ko.
"Yang mga bakla talaga di mapagkakatiwalaan!" Si Kuya Wally.
"Sinabi mo pa! May balak sayo ang baklang yun. Akala naman niya papatulan mo." Si Kuya Jose.
"Tama na po. Di ako pumapatol sa kapwa ko lalaki. Pero nakikipagkaibigan naman ako sa mga bakla. Kaya huwag kayong mag-alala."
"Good. Mamaya sama tayo ha? Mamantikaan naman ng iba ang bibig ko. Di yun pagkain lagi sa catering." Di Kuya K
Jose.
Biglang sumungaw ang pag-asa na tuluyan ng babait sa akin si Miss Maine. Napangit tuloy ako.
Mas maganda pala siya paghindi parang tigre ang pag-irap at simangot sa mukha niya.
A/N No proofread.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro