Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

27

Maine's

Nakakapagod na araw.

After nang dinner with Kuya Butch, kanya-kanya na kaming umuwi. Sumabay na ako kay RJ dahil doon naman ako nagstay sa condo niya.

"I guess it's time na bumalik na ako sa condo ko. I'll continue my vacation sa bahay because I don't want to disturb you anymore."

"You're not, you know that."

"Alam ko naman. Kaya lang kase gusto ko rin naman makapagsettle doon after ng nangyari."

"Ayaw mo na ba ako kasama?"

"Of course not. Pwede ka naman pumunta doon or minsan ako pupunta dito."

"Sigurado ka ba? Kase ako, ayoko pa. Will you stay pa for another day. Gusto ko lang na makasama ka pa."

"Grabe ka naman magdrama, RJ. Para naman aalis na ako at di babalik. Uuwi lang ako, ano ka ba!"

"Please, stay with me muna kahit two days pa?"

"Okay, okay. Huwag ka ng magdrama diyan."

"Thank you." Napakaclingy naman ng lalaking ito. Pero ang cute niya.

We just cuddled in bed before sleeping, talking about certain things about us at yung future ng aming relationship.

Hindi ko sinabi kay Kuya Butch ang name ni RJ because ayokong pati siya ay madamay, let him have his privacy. Alam ko kase na katakut-takot na bash ang aabutin niya sa mga fans namin ni Josh.

About Josh, wala pa rin balita sa whereabouts niya. Nagtatago marahil or baka naman nag-iisip ng mga pangbawi sa revelations ko. Alam ko takbo ng utak ng taong iyon pati ng alipores niya, hindi nila matatanggap ng ganun lang ang ginawa ko. Nag-iisip ang mga yun ng counter attack. And ihahanda ko na ang sarili ko sa gagawin niya.

I need this very short getaway para may lakas ako sa inilulutong kalokohan ng kampo ni Josh.

I've also talked to Patty kung ano ang gagawin namin. We'll fight head on sa kampo ni Josh.

Isa pa ang management, ngayon ko malalaman kung gaano kalakas si Josh sa kanila at nakukuha niya ang simpatya ng mga ito para mapasunod sila sa mga gusto niya.

Sabi ni Patty, basta kung anong gagawin nila, we will answer depending on their moves.

I will stick to what I know is true. Iyon ay ang wala kaming relasyon.

****

"Babe, tutal naman uuwi ka na bukas sa condo mo, will you please come with me. Let's forget the world today ang enjoy."

"Saan tayo pupunta?"

"Magroadtrip tayo. Wala akong gagawin ngayon. I finished it already kahapon. My time is all yours today, babe." Kinilig ako.

"Saan ba?"

"Kung saan tayo dalhin ng paa natin."

"Wow! Suicidal? Walang plano? As in whatever comes ganun? Ang galing, babe!"

"Ang kaligayahan natin today, dapat di planado.  As in kung ano madaanan natin, bahala na."

"Sige. I trust you naman." I do trust him kaya I'm willing to risk anything today. Anyway, this is only for today.

Gumayak kami and nagdala lang ng good-for-today extra clothes. Basta bahala na kung saan abutan.

We were on the road by eight in the morning going North.

I'm just in my cut-off jeans shorts and a white V-necked shirt. Samantalang si RJ ay nakaripped jeans that hang low sa kanyang mid section which I find sexy kase yung happy trail niya bakat sa manipis na gray shirt niya. Can't help but bite my lip.

"Do you wan't to eat babe?" Tanong niya.

"I want coffee. Pwede ba tayong dumaan sa isang coffee shop?"

"Sure babe. Kaya lang ako lang ang bababa. Ayoko na pagkaguluhan ka."

"Okay babe."

So bago kami makalayo sa Metro Manila, he bought me coffee and a chocolate chip cookie, as for himself meron siyang Iced Caramel Macchiato.

I let him sip his drink while he is driving. Hawak ko kase iyon habang nagdrive siya.

Malayo na ang nararating namin, halos nasa Subic na kami ng umulan ng malakas.

"God, ang lakas ng ulan. Paano yan? Tumigil kaya muna tayo at masyadong delikado." Suhestiyon niya.

"I think we should. Mas mabuti ng mag-ingat. Pero saan tayo titigil?"

"Teka hahanap muna ako ng hotel na pwede natin tigilan. Hindi ko nacheck na may bagyo pala. I'm sorry. My lapse."

"Okay lang. Di mo kasalanan. We'll be okay."

Tumigil muna kami sa gilid ng daan at naghazard. Zero visibility talaga. Ang dilim ng langit. Kailangan muna namin palipasan ito. Napakalakas ng ulan. Siguro naman medyo hihina mamaya-maya. Saka na namin ipagpatuloy ang pagbiyahe sa paghahanap ng maari naming tigilan.

"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin.

"Medyo. Pwede ba pakihinaan ang aircon. Nilalamig ako." Sabi ko. Nakashorts lang kase ako at tshirt.

Hininaan niya ng aircon at pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko.

"Nilalamig ka pa ba?"

"Ayos na ako. Kanina kase nung nasa Maynila tayo mainit at maganda ang panahon kaya di ako nagdala ng jacket. Next time, I'll bring jacket na rin. You'll never know kung kailan uulan at lalamig ng ganito." Natawa siya sa akin.

"You're funny babe. Kahit naman wala kang dalang jacket, pwede naman ako ang maging jacket mo." Sabi niya. Napatingin tuloy ako sa kanya at nakita ko ang ngisi niyang nakakaloko.

"Tsatsansing ka lang. Huwag na." Ako din ngumisi ng pang-asar.

Makalipas ang trenta minutos, medyo humina ang ulan kaya naman nagpatuloy kami sa pagbiyahe pero di na kami lalayo. Mahirap din makauwi mamaya dahil may bagyo nga.

Nakatagpo kami ng hotel sa Subic. Sa Kabayan. Maayos naman ito. Mukhang may iilang turista ang nakacheck in. Buti na lang dala ko ang salamin kong makapal at ang sumbrero ko. Kundi makikilala ako.

Nagpatiuna si RJ na magbook ng room. Nakaupo lang ako sa may lobby para hintayin siya. Nagtakip ako ng diaryo sa mukha para di ako makilala. Nakamasid sa paligid ko kase baka may makahalata na ako si Maine Mendoza.

After fifteen minutes, hawak na ni RJ ang keycard kaya inalalayan na niya akong pumunta doon.

Kabado man at baka may makakilala sa akin, I just hope wala. Ayokong  maiconnect nila sa interview ko ang sitwasyon namin ni RJ ngayon. Mahirap na. Di ngayon ang oras para ipangalandakan ko ang mukha ng boyfriend ko. Di pa ako handang ipakilala siya sa mundo, hindi dahil nahihiya ako sa naging estado namin kundi dahil madamot ako. Gusto ko munang masolo si RJ. Lalo na at gwapung-gwapo siya, di maikakaila na baka makuha pa siyang model o artista. Lalo na ngayon na may sarili na siyang negosyo.

I hope this typhoon go away soon. Alam ko na kailangan ko na rin bumalik sa bahay ko. Whether I like it or not.

A/N No proofread.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro