Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

22

RJ's

We're already here sa Palawan. She is wearing her shades and a cap over her sexy sundress. Kung titignan kami, mukha kaming bagong kasal dahil magkaholding hands kami habang papasok sa aming suite.

Yes, I was the one who booked the hotel dahil ayokong matunton nung Josh kung nasaan si Meng.

Meng was calling Patricia. Pinatay kase niya ang phone niya habang pabiyahe kami dito. Nakita kase niya na tawag ng tawag na naman ang hayup na Josh na iyon.

"Patty, how was it?" Rinig ko na tanong niya.

"________"

"Okay. I bet buwisit na buwisit ang user na yun. Buti nga sa kanya."

"________"

"Great! Sige balitaan kita. I'll put my phone off para di ako matawagan nun. Basta tatawagan kita if ever. Ingat ka. Okay, salamat."

Iyon lang at ibinaba na niya ang telepono niya.

"Miss Pat?" Tanong ko.

"Oo. Kailangan kong makibalita."

"O kamusta daw?"

"Yun, sumunod sa Bora si Josh. And ngayon mamuti ang mata niya sa kahahanap sa akin."

Tumango ako.

"RJ, salamat talaga. Kundi dahil sayo, sira na ang bakasyon ko."

"Paano ka lalabas dito? Baka makilala ka." Pag-aalala ko.

"Ayos lang. Dito lang naman ako sa hotel. Tutal I came here naman to rest."

"Are you sure?"

"Yes. If in case someone notices me, I'll have to let the hotel sign an NDA."

"Okay. Good point. Pahinga ka muna. I'll order room service."

"Thank you."

Iniwan ko muna siya. She was arranging her things sa closet.

Naalala ko nung sumakay kami ng RoRo papunta ng Palawan. Oo nag-RoRo kami. Doon kase, alam kong di kami matutunton nung Josh na yun.

Pagdating naman dito, dahil sa iisa lang ang available room, she accepted it without resistance. Kaya magkasama kami sa kwarto. Magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman ko. Tuwa kase magkasama kami buong araw and kaba dahil baka di ako makapagpigil. Pero siyempre kailangan kong maging maingat at ayokong matakot si Meng. Hindi ako magtake advantage sa kanya. Not only if she begs me to.  Wow! Ang taas talaga ng tingin ko sa sarili ko. Pero As much as possible talaga, I'll keep my hands to myself.

***

"RJ, would you like to go out? Tutal naman gabi na and I guess di naman crowded ang resort na ito unlike sa Boracay." Tanong niya habang nakaupo kami sa couch infront of the TV passing time eating and holding hands.

"Would you?"  Tanong ko.

"Okay lang. Gusto ko kaseng maglakad sa tabing dagat."

"Paano yung disguise?"

"I'll wear my thick glasses. Remember, may salamin naman talaga ako. I'm wearing lang my contacts kaya di ko nagagamit."

"Okay. Mag-ayos ka na. Hintayin kita."

"No need. Ayos na ito." Nakashorts siya na super igsi sabay naka-cropped top na kita ang belly piercing niya.

Napataas ang kilay ko.

"O bakit?" Tanong niya.

"Miss, kapag boyfriend mo na ako, di ka pwedeng nakaganyan."

"What's wrong with this?" Tinignan niya ang suot niya.

"Please, magpalit ka na. I don't want to catch some attention diba?"

"Okay. Fine. Magpapalit na po." Nagdadabog man siya pero wala siyang nagawa kundi magpalit ng damit. Natatawa ako.

Paglabas niya ay nakajogging pants siya but same cropped top. Okay na iyon kaysa yung kanina.

"Satisfied?" Tanong niya with sarcasm.

"Much better." Hinila ko na siya para lumabas kami sa room namin. She was wearing her thick eye glasses with no make up, and a high ponytail sa hair niya. She looks younger and far from the Maine Mendoza that she is. She's more like Dei. My classmate. My nerdy classmate.

We went walking in the sand while holding hands.

"So? What are your plans?" Sabi ko.

"Eto, siguro magstay pa ng konti dito and then I'll go back sa Manila. Ikaw? Will you stay with me?"

"I would love to kaya lang, I need to be back within three days. May iopen akong branch ng resto."

"So you're into reastaurant business?"

"Yes. Lahat ng tao kumakain and I believe, depende na lang sa paraan ng pagluluto, lasa at affordability ng food nagkakatalo. So ayun, I decided to invest sa resto business with my lolo's inheritance package."

"Kaya ka ba nagresign sa akin?"

"Partially yes, and yung half is because I wanted to pursue you." Natahimik siya.

"Why me?" Bigla na lang niyang tanong sa kawalan.

"Because I like you. Maybe I love you even. I don't know. Kailangan ba may rason kung bakit mahal mo isang tao?" Sagot ko.

"I know. But then okay lang ba sayo yun may kahati kang audience? I mean yung mga fans minsan seloso. And their rooting for Josh and I kahit naman ayoko sa lalaking yun. Lahat ng leading men ibabash basta kapag hindi si Josh ang kapartner ko."

"Wala akong pakialam. It's not them that I want, it's you!"

"Fair point taken."

"And besides, they don't know who you really are. Ako kilala kita."

"Oh really?"

"Galit ka pa ba sa akin dahil sa maling nagawa ko before?" Remembering yun bullying nila Julie na accessory ako.

"Hindi na. I know you're a good person and I guess you deserve another chance."

"Thank you."

"RJ, please let's not talk about the past. It's already over. I don't want to think about it if I'm going to enter into this relationship. Ayokong magkaroon tayo ng pag-aawayan pa."

"I'm sorry. I really am. Pinagsisihan ko yung nangyari kahit naman wala akong alam. Pero, you mean to say, you're willing to enter into a relationship with me?" Hinarap ko siya. Magkaharap kaming dalawa. Nakatingala siya sa akin.

"Hindi mo pa rin ba nagegets?"

"Sorry. I do. Hindi lang ako makapaniwala. So does this mean, tayo na?"

"Magmumukha ba akong malandi kung sagutin kita ngayon?"

"Definitely no!" Mabilis ang sagot ko.

"Then so be it!"

"Really?" Makulit talaga ako. Sigurista.

"Yes."

"Pero Maine, sorry pa rin ha?"

"Stop mentioning it. Please?"

"Okay."

I hugged her and kissed her. Yun sweetest kiss ever. Finally she's my girlfriend. Ang swerte ko.

After a few minutes,
naglakad pa kami ng magkahawak kamay. I know hindi naging maganda ang nakaraan namin pero alam ko, alam niyang pinagsisihan ko na iyon.

"Maine, will you come with me pagbalik ko sa Maynila?"

"Why?"

"I'm not comfortable to leave you here. If you want, doon ka magstay sa condo ko."

"I'll think about it. Meron pa naman tayong three days to think about it. Pwede bang sulitin muna natin ito?"

"You're right. Come on, balik na tayo."

Nagbalik kami sa kwarto namin na magkahawak kamay. I just hope sumama siya sa akin dahil hindi ko siya maiiwan dito mag-isa. Lalo na at baka masundan siya nung Josh na yun. I will protect her. I promise myself that.

A/N No proofread.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro