Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

21

Maine's

Nagising ako sa patuloy na pagring ng phone sa hotel.

Who on earth would call me using the hotel telephone? My God! Baka natunton na ako ng walangyang Josh na yun.

I looked at the clock, it was only seven in the morning. Hindi pa ako gaanong nakakatulog. Parang sasandali ko pa lang naipipikit ang mata ko.

I pick up the phone. Hoping it's not Josh.

"Hello?"

"Hello Miss Mendoza, a certain Patricia Tumulak is in the phone who wants to talk to you. Will I connect it  to your room phone?" Tanong ng operator.

"Tell her to call my personal number, please?"

"Sure Miss Maine." Ibinaba ko na ang telepono. Naalala ko na in-off ko ng phone ko dahil sa hayup na Josh na yun kaya siguro di ako macontact mni Patty.

Ilang minuto lang ay nagring na ang cp ko.

"Hello?"

"Hello Meng. We need to talk!" Sabi ni Pat. Parang may problema.

"About what?"

"Josh." Kumulo na dugo ko. Di talaga papatalo ang hayup na yun.

"What did he do?" I ask.  Irritation evident in my tone.

"He was interviewed this morning in a morning show. Pinalabas niya na may LQ kayo dahil nagseselos ka sa ex-girlfriend niya na si Janina kaya ka lumayo muna. And he said susundan ka niya kahit saan ka pumunta para patunayan sayo na ikaw lang ang gusto niya."

"Hayup! Ang galing magtahi ng kwento. What else?"

"He's on his way there." Tuluyan ng tumaas ang dugo ko.

"Paano niya nalaman na nandito ako?"

"I guess the management knows your whereabouts. I don't know."

"I need to leave now. Ayokong abutan niya dito."

"Saan ka pupunta?"

"I need to think. Sige na. Aayusin ko na ang mga gamit ko and hahanap ako ng paraan para makatakas."

"Okay. Pero may isa pa."

"Ano na naman?"

"May nag-upload ng pic mo. It shows na may lalaking nakayakap sayo."

"I was almost raped kagabi."

"What? My God Meng umuwi ka na dito. Hindi dapat na mag-isa ka."

"Pat don't worry."

"Paano ako di mag-woworry? Umuwi ka na!"

"Nandito si RJ to protect me."

"RJ?"

"Si RJ na bodyguard ko."

"Did you...?"

"No! Di kami magkasama. Nagkita lang kami. Sige na Pat. I know what to do now. I'll check out the hotel para di ako makita ni Josh."

"Be careful Meng. Basta call me if ever."

"I will. Thanks. Gotta go. Ayoko abutan ng hayup na yun!"

Pagkababa ng telepono. Inayos ko kaagad ang gamit ko. I took a quick shower. And after twenty minutes I'm on my way.

I check my room at baka may naiwan ako. Nung masiguro na ayos lahat ang gamit ko ay lumabas na ako sa kwarto.

I went back to the reception para sa isurrender ang keycard ko and to pay may bill. It's only two days na nandito ako tapos ngayon sinira na ng walangyang Josh na yun.

Habang naghihintay ako sa reception hawak ang maleta ko at nakasukbit ang backpack ko, kinakabahan ako na baka narito na ang hayup na Josh na yun. Palinga-linga ako.

Buti na lang di rin ako nagtagal sa reception. Nalulungkot ako dahil di man lang ako nakapagpaalam kay RJ na aalis na ako.

I told the reception na if ever somebody asked about where I am, especially Josh, sabihin na nagcheck out na ako and pabalik na ng Maynila. I need to do that para di ako masundan ni Josh.

Dahil sa gutom, I decided to eat sa McDo. Medyo malayo din iyon sa Discovery Suites, nagtricycle pa ako.  Iyon lang ang lugar na alam kong di ako matutunton ni Josh dahil di siya mahilig sa fastfood. Nagsuot ako ng shades at cap para di ako makilala. I hope wala ngang nakakakilala sa akin.

Nanghihinayang ako dahil di ko nakuha ang number ni RJ. E di sana, may tutulong sa akin.

Where to? Yan ang tanong ko habang nandito sa Mcdo at umiinom ng kape ko.

Nawawalan na ako ng pag-asa. Dapat na siguro akong bumalik sa Maynila and give my own statement na walang kami ni Josh. Pagod na ako sa pagprepretend. I'm irritated kase I feel helpless sa gitna ng bakasyong ito dahil sinira ng  user na Josh na yun. Hayup talaga.

Matapos ang halos dalawang oras ko dito sa Mcdo, I decided to go to the airport sa Kalibo. Siguro naman, sa Caticlan si Josh magland, and I don't want that to happen.

Lumabas na ako sa fastfood para sumakay ng tricycle papunta sa pantalan para makabalik na ako. I'm hoping na di kami magkasalubong ni Josh doon. I hope he's already here o hindi pa nakakadating sa Boracay. Wherever he is, I hope di kami magkita ngayon.

I was about to ride the trike when somebody came to me.

Si RJ.

"Are you running away?"

"RJ?"

"Saan ka pupunta? Nagbago na ba ang desisyon mo about us?" Tanong niya na may lungkot.

"No! I need to leave."

"Why?"

"Si Josh.."

"Nandito yung hayup na yun?"

Tumango ako.

"Come. Sumama ka sa akin at itatago kita sa kanya."

Pinaalis niya ang trike na sana ay sasakyan ko. Inalalayan niya ako at hinila ang bag ko.

"Malapit lang yung transient na tinutulayan ko dito. You can stay there."

"Salamat RJ."

"Don't be. I need to do this."

"Pero, pwede na akong bumalik sa Maynila."

"I'll protect you."

"I know. Thank you."

Naglakad kami. Nakashades naman ako at cap. Di mo mahalata na si Maine Mendoza ako dahil hindi naman ako nakaglam-up tulad ng nakikita nila sa telebisyon. Mukha lang akong ordinaryong turista kasama ang boyfriend niya. Nangiti ako sa isipin na iyon. Boyfriend talaga?

Namatyagan ko si RJ ng mga oras na ito, he was so handsome. Kutis artista sa puti at mamula-mulang labi. Mas mukhang artista pa siya kay Josh.

Sandali lang kami at nakarating din kami sa transient na tinutuluyan niya.

"Ikaw lang mag-isa?"

"Yes."

"Akala ko kasama mo yung mga kabarkada mo?"

"They went back to Manila kanina lang. Magbreakfast lang ako diyan sa Mcdo ng makita kita."

"Oh.."

"Dumito ka na lang para di ka makita nung Josh."

"Okay lang ba?"

"Of course. Ikaw pa ba?"

"Salamat."

"Welcome."

"RJ, thank you talaga. Knight in Shining Armor kita. Kung di mo ko nakita, malamang di ko na alam ang gagawin ko." Sabi ko.

"Can I be honest?" Nakaupo kami sa couch sa maliit na sala ng transient na ito.

"What?"

"Actually, kanina pa kita sinusundan. Pupuntahan kita sa hotel suite mo nung makita kita sa reception."

"Bakit di mo ako nilapitan?"

"I want to observe you."

"Bakit?"

"Gusto kong tignan yung babaeng tinitibok ng puso ko." Namula pisngi ko. Grabe kilig ko. Abot-langit.

"Akala ko tatakasan mo ako. But then nakita ko yung worry sayo, kaya sinundan kita hanggang sa McDo pero di ako nagpapakita."

"Para kang stalker?"

"Parang ganun na nga. Pero nung nakita ko na mukhang babalik ka na sa Maynila, I need to talk to you."

"Bakit?" Grabe na pula ng pisngi ko sa kilig.

"Di ako papayag na di ko makuha ang number mo o sabayan ka bumalik sa Maynila. Yayain kita dito para sabihin sayo na sasamahan kita pabalik." Nangiti ako.

"Gagawin mo iyon?"

"Oo. Gusto mo na ba bumalik sa Maynila?"

"Ayoko pa."

"Gusto mo ba magstay pa dito sa Boracay?"

"Gusto ko man, kaya lang I'm not safe here?"

"Bakit? Dahil ba sa akin?"

"Of course not!"

"Then why?"

"Si Josh.."

"Okay. So saan tayo pupunta?"

"Sasamahan mo ako?"

"Yes. Kahit saan."

"Let's go sa isang adventure." Sabi ko.

"Paano? Lilipat tayo ng lugar?"Tanong niya.

"Yes." Nakita ko ang ngiti sa kanya. Nag-isip siya.

"I think I know what to do."Masayang sabi niya.

"Ano?"

"Basta. Sumama ka na lang sa akin. Aayusin ko na ang gamit ko and then we'll go."

"Rj, Thank you!" Sabay yakap at halik sa labi niya.

"Para saan?" Alam ko nagulat siya. Ako man ay nagulat sa boldness ko.

"For this. For helping me."

"No need to thank me. I will do this again and again."

"Bakit?"

"I think I love you na.."





A/N No proofread.






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro