2
RJ's
Finally, natanggap na rin ako sa trabaho. Body guard for Miss Maine Mendoza, ang Phenomenal Star.
I can't believe na tatanggapin niya ako wothout further questions. Kaka-elib talaga!
Based sa sinabi ng pinsan kong si Jose Manalo na sobrang suplada at mahirap iconvince si Miss Maine ay mabusisi daw ito sa pagkuha ng body guards niya. Marami daw tanong pero sa akin wala naman. Must be, nabighani sa kagwapuhan ko.
Bakit nga ba ako napasok sa trabahong ito?
Isa akong Registered Nurse na hirap makapasok sa isang ospital. Nang makapasok bilang nurse, feeling ko hindi ako nababagay sa trabaho kase as time goes by, nakakabore na. Kaya I resigned and took the offer ni Kuya Jose na pumasok na body guard sa isang sikat na artista. Magdalawang taon na daw si Kuya Jose doon kahit naman suplada at maarte daw si Miss Maine pero nag-eenjoy siya sa work dahil kasama sila kahit saan pumunta ito. Mula Luzon, Visayas at Mindanao, kasama sila. Pwera lang kapag sa ibang bansa. Yun mga mapagkakatiwalaan lang ni Miss Maine ang naisasama, si Kuya Wally at Kuya Ryan na nameet ko na nung birthday ni Kuya Jose. Matagal na daw kase sila kaya sila lang ang isinasama. Priviledge nga naman. Pero kahit sa Pilipinas lang ako maisama, ayos na. At least libre sa laboy.
"Kamusta pinsan? Natanggap ka ba? Sinungitan ka ba?" Bungad ni Kuya Jose.
"Hindi naman ako sinungitan. Pero di mabigkas ng maayos yung apelyido ko. Pero okay lang. At least tanggap na."
"Good. So anu-ano tinanong sayo? Mahihirap ba?"
"Wala naman tinanong. Basta tanggap na daw ako."
"Nakapagtataka. Hindi siya ganun. Sa akin ang daming tinanong. Kesyo ilan na ang naging asawa ko, marunong daw ba akong lumangoy, kumakain daw ba ako ng ahas and the likes."
"Grabe! Walang tanong na ganun sa akin."
"Baka napogian sayo? Swerte mo brad. Baka type ka nun!"
"Di naman siguro. Pero ayos na yun. Buti di na ako tinanong. Basta tanggap na ako."
"E kelan ka daw magsimula?"
"Bukas agad. May taping daw para sa Teleserye bukas sa Makati. So sasabay na ako sayo."
"Good! Goodluck! Ayusin mo na agad ang mga papeles mo. Para maipasa na sa HR ng GMA. Alam mo na para sa sahod."
"Teka malaki ba ang sahod?"
"Malaki. Mas malaki kaysa sa sweldo mo sa ospital. O paano, kita na lang."
"Sige Kuya! Bukas na lang."
Umalis na ako. May taping daw mamaya si Miss Maine para sa Teleserye nila nung Sebastian Blake. Kaya waiting sila Kuya Jose ng Go Signal. Nagbeauty rest pa daw si Miss Maine.
Ang ganda niya. Ang pungay ng mga mata. Kaya lang, off limits siya. Artista siya samantalang body guard lang ako. Di pwede ang mala-Whitney Houston at Kevin Costner style ng lovestory sa The Bodyguard. Dapat alam ko ang lugar ko. Bawal mahulog sa amo. Lalo na at imposibleng mahulog sa akin si Miss Maine. Malamang sawa na iyon sa magagandang lalaki na nagkakandarapa na makalapit sa kanya. Ako pa ba ang aasa?
Teka OA ako. Bakit mainlove ang self talk ko? Imposible! Di ako artista. At di nababagay sa akin ang isang Maine Mendoza. That's a fact! Ika nga ni Eugene Domingo.
A/N New Characters to watch out for. Sila yung mga constant characters sa story. I hope you're enjoying.
No proofread.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro