19
RJ's
I saw Maine sa bar dito sa Boracay. I've been staying here for almost three days na dahil inimbitahan ako ng kaklase kong Konsehal sa lugar for a short vacation.
She's still beautiful. I watch her habang mag-isang umiinom sa bar.
Sinadya kong sundan siya para magkita kami. Hindi iyon aksidente. I wanted to see her close. I still am hanged up sa narinig kong di siya papatol sa akin. Maybe because of the situation namin dati bilang security and boss or sadyang she does'nt like me. It pains me to know na wala pala akong pag-asa kahit naman kapag kasama ko siya beyond work e malapit na kami sa isa't-isa. I intend to court her noon kaya nga ako nagbalak magresign para mawala yun hindrance sa pagitan namin only to know na she does not like me in return and she is currently seeing that asshole Josh Marco. So I gave up without a fight.
Until ngayon, I am not over her. And I guess I will not, for now.
Sinundan ko siya and pinalabas kong nabunggo ko siya. Buti rin pala ginawa ko yun kundi napahamak siya doon sa gagong lalaking pilit siyang isinasama.
I offered to bring her to her suite. Gusto ko pa siyang makasama.
And she did not decline. Good, at least may panahon pa ako para yayain siyang mamasyal if ever sa ibang araw.
"Are you okay?" Tanong ko. Tahimik kase siya habang papunta na kami sa suite niya.
"I am..Yes. Why?"
"Tahimik ka kase. Asan sila?"
"Bakasyon ko. I wanted to be alone."
"How about yun Josh ba yun? Bakit di mo kasama?" I don't want to mention that asshole's name talaga. I feel disgusted.
"Ah e... may trabaho siya."
"Ah okay..Maine?"
"Ano?"
"How long will you be here? I mean magtatagal ka ba dito?"
"Bakit? Medyo."
"Ah okay."
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nasa elevator na kami. Wala ng mga salitang lumabas sa bibig namin.
Hanggang sa tumunog na ang elevator signalling na nasa floor na niya kami.
Una siyang lumabas at sumunod ako.
Ng nasa tapat na kami ng pinto ng suite niya ay tahimik pa rin siya. Kaya naman I initiated a conversation.
"Maine?"
"Rj?"
"Can I? I mean can we?.." Ang lakas ng kaba ko habang nagsasalita. Nabubulol pa ako.
"Ano yun RJ?"
"Si Josh? Kayo na ba?" There. I said it. Di ko na kayang tiisin. Gusto kong malaman kung sila nga ba.
"Ha?" Tanong niya.
"I'm sorry wala akong karapatan na tanungin ka. Forget about it.."
"Okay."
Akmang papasok na siya ng pinto pero di ko na kayang tiisin. Hinila ko siya at niyakap.
"RJ?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.
Matagal bago ako nagsalita pero di ko siya binitawan.
And then di ko na napigilan ang sarili ko ng mapadako ang paningin ko mula sa mata niya papunta sa kanyang mga labi na nakabuka ng bahagya.
I kissed her.
Una idinikit ko lang ang labi ko sa kanya. Napapikit ako sa sarap na dulot nito. Parang kuryente na dumadaloy sa buong katawan ko. I was the best.
And then I felt her hold my shirt sa likod ko. She is responding.
It was a 1 minute kiss with small tongue movement between us pero I gave my all for that kiss.
Nung tapos na, idinikit ko ang noo ko sa noo niya. Nakapikit pa rin kami pero unti-unti kong idinilat ang mga mata ko habang nakadikit pa rin ang noo namin sa isa't-isa.
"Meng? I'm sorry if I kissed you.." Sabi ko.
Then bigla siyang napatingin sa akin ng may pagkagulat. Nakita ko na napalayo siya ng bahagya pero di ko siya hinayaan na makalayo.
"I'm sorry I kissed you, but I did it because I want to.. I like you, matagal na." Sabi ko sa kanya. Hinaplos ko pa ang mga pisngi niya na parang kinakabisado ang buong kagandahan niya.
"Magsalita ka naman. Natatakot ako." Sabi ko.
Pumikit siya. Matagal. Akala ko di niya nagustuhan ang ginawa ko. Nakamasid pa rin ako sa kanya. Naghihintay sa sagot niya.
And then ngumiti siya.
Dumilat at tumingin direkta sa aking mga mata.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tanong niya.
"I'm sorry. Akala ko kase ayaw mo. Baka magalit ka dahil sa estado natin."
"I know.."
"Let me show you I like you.. Will you accept?" Sabi ko.
"Hmmmm...."
"Meng? Please? Wala akong pakialam kay Josh!"
"Walang kami ni Josh. He is not my boyfriend!"Deklara niya. Sumilay ang malaking ngiti sa aking mga labi. Hinalikan ko ulit siya ng madiin. Ibinuhos ko sa halik na yun ang tuwa at ligayang nararamdaman ng puso ko sa mga oras na ito.
"Thank you."Sabi ko.
"For what?"
"Dahil alam ko may pag-asa ako."
"Di pa ba obvious, hinalikan mo na ako. You got my real first kiss."
"What? Really?"
Tumango siya habang nakapikit dahil alam kong nahihiya siya sa akin.
"Uhuh.. Huwag kang tumawa! Nakakainis ka!"
"I'm just happy. Papayag ka na ba?"
"Saan?"
"Na ligawan kita?"
"Di pa ba talaga halata?"
"You mean to say pumapayag ka na?"
"Ay naku! Nakakainis ka!" Pinilit niya akong itulak habang nakasimangot.
"Sorry! Oo na. Alam ko na." Hinila ko naman siya para di siya makalayo.
"RJ, doon tayo sa loob. Baka may makakita sa atin. Nakakahiya, baka madyaryo tayo." Doon ko naisip, di nga pala siya ordinaryong tao. Artista siya. At sikat!
Pumasok kami sa kwarto niya. Pero di ko iniisip gumawa ng di tama. Inirerespeto siya lalo na at nalaman kong ako ang unang nakahalik sa kanya.
Ang saya ko. Finally, may chance na ako. I hope, maging maayos ito. I'll make sure of that.
A/N Happy Sunday kahit maulan at baha pa rin..
No proofread.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro