Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17

Maine's

I was at the studio for a commercial shoot today.

It's been five days simula ng mag-absent si RJ. I guess, he already gave up. Wala akong magagawa kung ayaw na niya. Tutal naman, underemployed naman talaga siya sa pagiging security ko compared sa pagiging lisensiyadong nurse. Kaya kung sumuko na siya, might as well sumuko na rin ako sa paghihintay na bumalik pa siya sa trabaho.

Teka nga, bakit ako apektado? Hanggang ngayon, di pa rin ba ako makamove on sa katotohanang umalis na siya? Hello! Ano, bitter ex ang dating? Excuse me naman diyan, walang kami. Hindi ko naman siya gusto diba? Diba nga?

Hay naku! Bakit ang lakas ng dating mo Faulkerson? Hanggang ngayon ba naman? Matagal ko ng ibinaon ang puppy love ko sayo. Oo, aminado ako dati iyon! Nung pangit pa ako. Pero iba na ngayon. Kahit ilang lalaki, makukuha ko na. Pero di rin! Kung yung hayup na Josh na yun na nagpaparamdam, may patext pa kuno kahit alam ko naman na palabas lang, di ko matipuhan, yun iba pa kaya? Bakit ba? Ang laki ng problema ko! Ano ba yan?!

Self talk ako ng self talk. Nabatukan tuloy ako ni Pao.

"Huy! Kanina ka pa nakatingin diyan sa salamin. Pero wala ka naman tinitignan." Sita ni Pao.

"Wala! Simulan mo na nga! Gusto ko ng matapos yan ng makauwi na ako."

"Wow! Kanina kala mo maamong tupa. Ngayon ang angas? Ano yan?"

"Basta Pao, wala ng tanong. Tapusin mo na yang pag-aayos sa akin ng matapos ko na shoot na ito at ng makauwi na ako. Pagod na ako no!"

Sumabat pa ang Ursula.

"Madame, pansin ko nga, lagi kang malungkot. Bakit? Dahil ba kay pogi?" Si Ursula.

"Leche! Isa ka pa! Tantanan nga ninyo ako!"

"Sinabi mo Madame e. Pero nandiyan na si Tisoy. Kaya smile ka na.  Kasama ni Kuya Jose." Pahabol ni Ursula.

Di ko maitanggi ang pagkinang ng mga mata ko.

"Aysus! Ayun naman pala. Kaya naman pala malungkot at tila na lang laging nireregla, si Tisoy lang pala ang hinahanap. Jusko, malamang kumikibot na naman ang tinggil nitong amo mo, Ursula." Dalahira talaga ang bunganga ni Pao.

"Shet! Manahimik ka!" Sagot ko lang.

Nagliwanag talaga ang mood ko pero siyempre, ako lang ang nakakaalam. Di ako papahalata kaya todo simangot pa rin ako.

Nagbalik siya? Talaga lang? Wow na wow!

Matapos akong ayusan ni Pao, nagkunwari akong lumabas ng dressing room para kumuha ng tubig.

"Saan ka pupunta?" Harang ni Pao.

"Sa labas bakit?"

"Ows? Sisilay ka lang uy!"

"Echoz! Sisilay ka your face! Iinom ako ng tubig."

"E di sige. Pero susundan kita."

"Tigilan mo ako bakla ha! Sasampalin na kita!"

"Ahahaha! Pikon!"

Lumabas ako at kunwari pupunta sa catering. Deadma kuno pero ang mata ko, umiikot.

Nakita ko ang object of my sight. Aba nangayayat. Nagkasakit kayang talaga? So hindi pala dahil sa narinig na di ko siya type kaya nagpaalam umuwi. Now I know, hopiang di mabili pala.

Nabago ang mood ko. Naiirita ako.

Bakit?

May karapatan ganun?

Teka nga, self talk ulit.

Meng, tandaan mo, di mo type! Di ka rin type at lalong di kayo pwede. Langit at lupa ang dating. Wow, judgemental!

I mean, di pwede. Security and Amo? No way Josè!

Ang tanong, type ka ba? Di porke artista kang sikat, magugustuhan ka. Hoy gising!

Hanep si self. Sama sa sarili niya.

Pero totoo naman.

Sinasaktan ko lang ang sarili ko.

Teka makapag-hello nga muna. Charing lang kuno na nangangamusta. Makita ko kung namiss ako. Tutal naman ako lang ang nakakaalam ng personal battle ko against sa feelings ko, might as well saktan ko sarili ko. I mean, titignan ko lang naman kung talagang type ako. Mag-Hi ako. Bahala na.

Lumapit ako kuno kay Kuya Jose para utusan kong bumili ng Mogu- mogu. Kunwari craving ako sa Lychee.

"Kuya, pwede pabili sa grocery?"

"Ano yun Meng?"

"Ako na lang Miss Maine."

"Hindi. Si Kuya Jose na lang. Mogu-mogu Kuya. Dalawang one liter. Okay lang."

"No problem."

"Salamat. Hingi ka ng pera kay Ursula." Kunwari papaalis na ako. Hintay kong kausapin ako pero deadma. Kakainis.

Tumalikod na ako sa kanya ng bigla siyang magsalita.

"Miss Maine?" Slowmo na talikod ko. As if may background music.

"Yes?" Paarte kunong tanong.

"Magpapaalam na po talaga ako, hanggang ngayon na lang ako. Tapusin ko lang po itong araw na ito sa inyo, pero bukas di na ako papasok." Nalungkot ako. Para akong sinaksak ng kutsilyo sa dibdib. Kaya lang dahil artista ako, pinilit kong ngumiti.

"Ah ganun ba? Sige salamat na lang. Pakuha mo na lang last sweldo mo kay Pat. Mamaya nandito siya." Sabi ko at patalikod na. Ayoko nang itago pa ang lungkot ko sa kanya kaya tumalikod ako. Mapapahiya ako.

"Miss Maine?" Ayan na naman. Gusto ata akong ingudngod sa putikan ng lalaking ito. Maiiyak na nga ako o!

"Bakit?"

"Salamat. Sana magkaibigan pa rin tayo."

"Ah yun ba? Oo naman. Kakaklase naman kita dati kaya okay lang."

"Talaga?"

"Oo nga. O sige na, magsimula na yun shoot. Ingat ka na lang at goodluck!" Pinilit kong magpakasaya sa desisyon niya. Ganun talaga. Pero at least, concentrate na ako sa trabaho. Wala ng distraction.

Pero malungkot ako. Nasaktan..






A/N Dinner na po. Mamaya ulit!

No proofread.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro