Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

16

Maine's

It's been three days since huling pumasok si RJ. Hindi ko alam kung bakit nabobother ako dahil hindi siya nagpapakita. Hindi ko naman matanong si Kuya Jose dahil ayokong bigyan nila ng kulay ang magiging tanong ko kaya naman deadma ako.

But then, ang pagkakataon nga naman. Kusang ilalahad sayo ang mga sagot sa sarili mong tanong.

I overheard Patty and Kuya Jose talking on behalf of RJ.

"Miss Pat, baka matagalan bago bumalik si RJ. May inaasikaso kase siya ngayon." Paalam ni Kuya Jose para sa pinsan niya.

"Ah ganun ba? Pero kulang tayo sa tao. Wala ka bang mairecommend habang wala si RJ. Laging namamob si Meng, ayoko naman na masakatan siya sa mga shows niya." Sagot ni Pat.

Nandoon kase ako sa mismong tent habang nagpapaayos at sila Kuya Jose at Patty ay naroon lang sa may pintuan ng tent.

"Hahanap ako Mam Pat pero sa ngayon wala."

"Sige. Papahanap ako kay Ryan." Sagot ni Pat. Akmang tatalikod na si Pat ng magsalita ulit si Kuya Jose.

"Miss Pat, isa pa ang sabi ni RJ, kapag daw natagalan pa siya sa aasikasuhin niya, pwede na daw po siyang palitan ng tuluyan. Nakakahiya daw kay Miss Maine."

Napasali na tuloy ako. Tumayo ako sa upuan ko at ako na lumapit kay Kuya Jose. Nagulat ang baklang Paolo dahil tinabig ko ang kamay niyang nagpapahod ng blush on sa akin.

"Ay deputa! Bigla ka na lang nanabig!" Sigaw ng bakla.

"Kiber!" Sabi ko.

"Kuya Jose, anong sabi mo?" Habol ko sa kanya. Di na nagsalita si Pat.

"Pinasasabi lang ni RJ matagal siyang mawawala. Ewan ko ba doon."

"May problema ba siya?" Tanong ko.

"Sa tingin ko wala naman. Kaya lang naging parang malungkot. Di ko lang alam."

"Malungkot saan?"Si Patty.

"Miss Maine, ikaw na magtanong sa kanya. Bigay ko number niya." Sagot ni Kuya Jose. As if naman maglalakas loob akong tawagan siya.

"Hindi na Kuya. Okay na. Kung ayaw na niya pumasok, okay lang. Madali naman akong kausap." Tumalikod na ako. Di alintana ang mga maiinit na tingin nila Kuya Jose at Patty.

"Pao, tuloy mo na!" Utos ko kay Pao as soon as makaupo ako sa harap ng salamin.

"Echosera con impakta! Halata ka day! Malungkot ka! Wala na si pogi. Pabebe ka kase masyado." Sita ni Pao.

"Excuse me naman diyan! E di umalis siya. For all I care!Tuloy mo na o sisantihin kita?" Banta ko kay Paolo.

"Mainit masyado ang ulo. Binibiro ka lang. And if I know, di mo ko kayang iterminate. Hello! Sa akin ka lang nagtitiwala! Chura nito!" Sagot ni Paolo. Matapang pa sa akin.

"Edi wow! Ikaw na magaling!" Sagot ko. Sumimangot na ako.

"Ang pangit ha.. Pahihirapan mo pa akong pagandahin ka! Umayos ka bakla!" Banta ni Paolo. Ngumiti ako ng pilit pero deep inside naiisip ko, bakit siya biglang aalis? Pero sana magbabakasyon lang siya. At hindi totally aalis. Pero bakit nga ba ako nagkakaganito? As if naman may magagawa ako. Bakit nga ba nagkakaganun ang Hudas na RJ na yun? Ang drama niya! Nakakairita!

Natapos ang trabaho ko ng lahat take one. Kapag bwusit ako, gusto ko tapos agad ang trabaho. Gusto ko ng umuwi at magkulong sa kwarto ko.

Gabi na ng makarating kami ng driver ko na si Mang Joey.

Pagod ako physically, idagdag pa ang pagkairita ko sa kapartner kong presko. Huwag na sana maulit na magkasama kami. Matapos lang talaga ang trabaho kong ito, papahinga muna ako.
Nakakapagod.

*****

It's been weeks. Nawalan na ako ng pag-asa na babalik si RJ. Siguro mabuti na rin iyon. Mahirap na. Papahulog na kaya ako. Ay hindi pala. Bumabalik pala yung atraksiyon ko dati. Kaya lang sa estado namin, di na maganda. I mean di yun estado na pera ang usapan. Yung estadong, amo at bodyguard. Ano? Mala-Whitney Houston at Kevin Costner sa The Bodyguard lang ang peg? Para ko ng sinira ang pangalang matagal kong iningatan sa showbiz para maibalita lang na pumapatol sa security niya. No way!

Pero deep inside, masakit. Bakit ako nasasaktan? Hay naku, ewan ko sa sarili ko.

Siguro nga mabuti na rin na di ko na siya bodyguard. Baka magkaroon ng chance. Wow! Chance talaga? Hoping pa rin pala! Bahala na. Kung magkrus ulit ang landas namin at sabihin niyang type niya ako, baboo sa pride! Gogora ako.

Pero ang tanong, type nga ba ako o assuming lang? Wala naman sinabi o wala man lang pinaramdam nung nandito pa siya. Baka sadyang mabait lang siya? Ano nga kaya? Ay, oo nga! Baka naman ako lang ang di nakamove on sa puppy love ko sa kanya kaya assuming lang na dahil maganda na ako ngayon, baka magustuhan na din niya ako? Baka lang. Oo baka lang. Hindi yun sigurado. So wala akong dapat iexpect.

Erase! Dapat alisin ko sa sistema ko yang si RJ.   Basta, bahala na.

****

Third Person's

"I suggest ligawan mo si Maine Mendoza para makabawi yang career mo na nakalaylay." Sabi ng manager.

Nag-isip ako. Kunsabagay, maganda si Mendoza.

"So what's the plan?"

"Ganito, a-attend ka sa gala night for the stars. And doon mo na simulan. Ikaw na bahala tutal naman diyan ka magaling. Make it smooth. Yung di niya nahahalata na it's only for a show. Para naman bumango ulit ang pangalan mo. Kailangan natin ng publicity. And one way to achieve that, makipagmabutihan sa phenomenal star." Bilin pa ng manager.

"Okay I got it! But make sure, makakabangon ang career ko. I want to be on the spot again."

"Pwes! Galingan mo acting. Sa tingin ko medyo aloof yang si Mendoza. Wala pa kaseng makalapit na aktor para manligaw. Butata agad."

"I will! You bet on that. Diyan ako magaling."

"So, see you sa gala night?"

"Siyempre! Time for a big shocking show!"

Naiwang nakatawa ang mahaderang manager. Nakakaamoy ng pera sa plano niya.




A/N Sorry to keep you waiting..

No proofread.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro