1
"Maine, we have to add few more body guards for you.." Sabi ng Manager ko slash bestfriend nung college na si Patricia.
"But why? Okay naman na ang dami ng bodyguards ko. Dagdag na naman sa paswelduhin yan!" Litanya ko.
"And so? Di ikaw nagpapasweldo, ang network. As if naman may problema. Di mabawasan ang kayamanan mo!" Sagot ni Patty.
"E di wow! Ikaw na bahala. Tell Paolo, I need his services. May pupuntahan akong debut at 18 candles ako doon."
"Sige I'll call your Pao. Baka may booking sa ibang starlet. Alam mo na simula ng maging makeup artist mo, naging in demand."
"Tell him to cancel all his appointments. Ayokong magtry ng ibang makeup artist."
"Masusunod kamahalan!" Lumabas na si Patty para iwan ako.
Nandito ako sa kwarto ko while browsing the net. Nakita ko mula sa personal social media ko na nasa tunay kong pangalan na Dei Mendoza Capili(Which is hindi alam ng lahat dahil I am keeping it as a secret) ang mga ganap sa mga old classmates ko na madalas akong ibully at i-etsapwera sa mga activities ng school dahil ang pangit ko daw. Kaya naman ang mga pinopost ko sa account na ito ay puro pagkain at places na napuntahan ko para hindi sila magduda na ang Phenomenal Actress ng Millenium ay dating Ugly duckling. Itsura lang siguro nila kapag nakita nila ang itsura ko now. Malamang magugulat at magsisisi sa mga kawalangyaan nila sa akin dati. Ewan ko kung bakit ko naisipang iclick ang mga profiles nila. Siguro I just want to see kung kamusta na sila. Naabot ba nila yung mga matatayog nilang pangarap? Sila na laging nambubully sa akin.
Tanda ko nung iadd ko sila, halos isang taon bago nila ako iadd sa Facebook. Malamang napilitan lang. Sino ba naman ang gustong makipagkaibigan sa tulad kong ngetpa? Well again, not anymore. I am no pangit na.
I saw a post from Thea the Malditang Maarte na she is an accountant now. She is mayabang pa rin. Nakapost ang mga restos sa metro na nakainan na niya. Pati ang pictures nila ng current boyfriend niyang isang middle aged man. Malamang mapera. Social Climber kase ang puta.
Nakita ko rin ang profile nung Louise. Isa sa mga bully ko. Parang wala siyang trabaho at mukhang nagpabaya sa katawan. She's chubby na and based sa pictures niya ay may dalawa na siyang anak. At age 23, dalawa na anak niya? Must be maagang lumandi.
Then nakita ko rin sa FB ang isa sa talamak mang-api sa akin bukod kay Thea at Louise na si Julie. Oh wow! Akalain mong isa na siyang Architect. At take note, mahaba pa rin ang baba niya. Pero in fairness yung ilonh niyang busagra, ngayon matangos na. Malamang nagpanose lift. But anyway, maayos naman ang pagkakagawa sa ilong niya. Di halata ang tahi. Then hinanap ko kung sila pa nung bf niya dati na si RJ. Wala na pala sila nung number one crush ko na si RJ Faulkersonkase iba na ang nakaakbay sa kanya. At in fairness ulit, gwapo nakuha ang puta. Malamang di alam nung Ben na iyon na retokada ang Julie na yan.
Speaking nga pala of RJ asan na kaya iyon? Di ko makita sa FB. Malamang walang FB o sadyang iba ang pangalan.
***
Busy ako sa pagbrowse ng personal social media ko when Patty came back.
"O bakit?" Bungad ko.
"I have an applicant na for body guard."
"So? Ikaw na mag-interview. Ayokong makialam."
"No you won't! Ikaw ang mag-interview at sasamahan kita."
"E bakit kasama pa ako?"
"Ikaw kase makisama. Sa arte mong yan, ang dami mong kondisyones. Kaya ikaw ang humarap. Dinaig mo pa kaya si Kris Aquino sa kaartehan mo!"
"I'm not maarte!"
"Oh really?"
"Kaya pala kapag may nakipagkamay sayo, pinapahid mo sa damit mo ng pasimple yang kamay mo sabay kapag wala ng nakakakita e naglalagay ka ng alcohol."
"So nakita mo pa iyon?"
"Of course, ako ang kasama mo palagi. Basa na kita no!"
"Okay. Wait lang lalabas na ako. Paghintayin mo, maglagay lang ako ng lip tint."
"At bakit pa? Mag-interview ka lang naman!"
"E baka ikalat na pangit pala ako kapag wala sa camera. Ayokong mabash ano!"
"Sige na. Bilisan mo!"
Nagpahid ako ng lip at cheek tint. Naglagay din ng mascara at pabango.
Ng masiguro na ayos na ang itsura ko, lumabas na ako.
Only to be shocked sa tanang buhay ko..
Ang lalaking namahiya at dumedma sa akin seven years ago is waiting at the couch. Namumutok ang biceps at gwapong-gwapo sa dimples niya sa kaliwang pisngi ang nag-aabang sa akin.
"Good Morning Miss Mendoza. Richard James Faulkerson po at your service. Applying as body guard." Tumayo pa ito.
Nakikiramdam ako kung makikilala ako bilang Dei Capili. Pero it seems na hindi kase malayo na ako sa dating Dei. Kita na mukha ko dahil wala na akong tigidig.
"Good Morning. Sit down, Mr?
"Faulkerson po."
"Pokerson it is!"
"Faulkerson po."
"Whatever." Saglit ko siyang tinitigan at nag-isip. Pagkakataon ko ng makaganti.
May ngiting sumungay sa labi ko.
"Okay, you're hired!"
"Talaga po?"
"Ayaw mo ata e?"
"Gusto po! Salamat Maam!"
"Patty ikaw na bahala. I need an alone time." Iyon lang at tumayo na ako at bumalik sa kwarto.
Gwapo pa rin siya in fairness. Kaya lang may kasalanan siya sa akin kaya it's my turn to shine...
Goodluck na lang sa kanya!
A/N No proofread.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro