Chapter 1
Chapter 1: Una
"UMALIS kayo rito! Walang lugar sa bayang 'to ang pamilya ng mga mamamatay tao!" nanlilisik na sigaw ni Aling Manding at pinagbabato ako ng bulok na kamatis.
Mabilis kong pinagkrus ang braso at prinotektahan ang ulo. Ramdam na ramdam ko ang bawat lapat ng bulok na kamatis na napipisa sa ulo at katawan ko kada bato ni Aling Manding.
Masakit at nanatili ang sakit sa parte kung saan tumatama ang kamatis. Kahit bulok at sobrang hinog na nito ay parang bato itong tumatama sa maliit na katawan ko.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi at pinigilang huwag tumulo ang luha sa maraming taong nakasaksi. Gusto kong malusaw sa kinatatayuan dahil alam kong pinagpipyestahan na ako ng mga tindero at mamimili sa nakaaagaw na sitwasyon ko sa pagitan naming dalawa ni Aling Manding.
I can smell the putrid smell of those tomatoes all over my body right now. I wanted to cry, but I don't want to look like a loser in front of them. Hindi p'wede, hindi rito.
"Hindi ho kami mamamatay tao," I defended.
Mas lalong bumakat ang galit sa mukha ni Aling Manding ng magsalita ako. Kung siguro ay parang nasa telebisyon ang tagpong 'to, baka umuusok na ang magkabilang tenga niya at ilong.
"Sino ba ang aako sa kasalanang nagawa nila? Wala! Salot kayo! Umalis kayo ritong mga kriminal!" taboy pa niya at dinuraan ang lupang inaapakan niya. "Letse! Panira ng magandang araw!"
"Huy! Manding baka bigla ka na lang humandusay r'yan dahil pinagsalitaan mo ng 'di maganda 'yan. Mahirap na at baka ikaw na ang isunod nila," kunwaring bulong ng isang tindera pero halata namang pinariringgan ako.
Disgusto ang pagtapon niya ng tingin sa kabuuan ko at mapanuyang tinalunton ng paningin niya mula paa hanggang sa mukha ko.
"Hindi naman ho kami kriminal at hindi ho mamamatay tao ang pamilya ko. Set up lahat ng 'yon kaya nadiin ang papa ko!" mangiyak-ngiyak na tanggol ko.
I clenched my fist as I suppressed my tears to fall down, pero hindi ko na talaga mapigilan pa ang sarili. My face was full of tears, freely gliding on my cheeks.
Nailibot ko ang tingin at nahuli ang karamihang nagbubulungan sa katabi nila na halatang-halata naman na ako ang pinag-uusapan.
Sinisiringan ako ng iba ng masasamang tingin na kulang na lang yata ay humandusay ako sa paraan ng paninitig nilang lahat. Napahikbi ako at mahigpit na napahawak sa plastic na dala at tuluyang tumakbo palayo sa kumpol ng mga taong mapanghusga.
Dahil na rin sa pagmamadali ay may pangilan-ngilan akong nababanggga sa daan.
"Lintik! Bulag ka ba?!" galit ng sigaw ng mama na puno ng bigote at sinuyod ako nang matalim na tingin. Naglaglagan ang iilang patatas na nasa supot na hawak niya at gumulong sa mamasa-masang daan ng palengke. "Bwisit!" pahabol niya pa.
"S-sorry po. . ." utal na paumanhin ko at napayuko sa kahihiyan ng mas lalong nagsitinginan ang mga kalapit na mamimili. Dali-dali kong pinulot ang mga patatas sa daan at inabot iyon sa mama. "H-Hindi ko po kayo nakita. . ."
Hindi pa rin makuha-kuha ang matalim at inis niyang tingin sa 'kin. Pahablot niyang kinuha ang patatas sa mga kamay ko at walang pasalamat na umalis sa harap ko. Sinadya pa niyang banggain ang balikat ko na naging dahilan para mapadaing ako sa pwersa ng pagkabangga niya.
I bit my lower lip. Ibang-iba ito sa buhay na nakagisnan ko. Hindi ko lubos maisip na ganito pala ang buhay sa mundo.
All my life, I have lived with comfort and warmth. Nakukuha ko ang mga gusto ko sa isang iglap. I can own what I wish to request with a flick of a finger.
Now, I've realized that a person is nothing without money and power. If you don't have money, talo ka sa buhay. Talong-talo ka.
Walang respeto ang mga tao sa 'yo dahil mahirap ka. Isang sipa ka lang ng madumi nilang paa.
Napakahirap pala maging mahirap, sobrang hirap. I realized that poor people suffered for unfairness in this world. Laging may pera ang panalo sa mundo.
How I wish I'd cherish those abundances that my parents showered on me. How I wish I could take back time for me to realize this life lesson sooner.
Pinunas ko ang manggas ng damit sa pisnging napupuno ng luha ng mapalayo ako sa palengke.
Binuksan ko ang palad at bumungad sa 'kin ang iilang piraso ng barya. Halos singkwentang barya-barya na lang ang natitira at wala pa akong pang-ulam na nabili.
Napatitig ako sa supot na naglalaman ng bigas. Isang kilo lang ang nabili ko dahil pilit kong pinagkakasya ang isang daang pisong kita ko sa karindirya ngayong araw.
Ano na namang uulamin ngayon namin ni mama? Ayoko namang asin na naman ng uulamin naming dalawa. O hindi kaya ay mainit na tubig na ginagawa naming sabaw at lalagyan ng kakaunting asin para magkalasa ang kanin.
Naglakad ako at nagpalinga-linga para makakita ng karendiryang nagtitinda ng affordable na presyo ng ulam.
Ilang tindahan pa ang napagtanungan ko dahil ang mamahal ng ulam nilang lahat hanggang sa makakita ako ng tig kinsi pesos na talong.
Masaya kong binili ang dalawang pirasong talong at humingi ng libreng sabaw ng nilaga. Malugod niya naman akong binigyan at wala akong chismiss na narinig na ako ang bida.
Siguro ay hindi nila alam at iyon ang pinagpapasalamat ko.
"Maraming salamat po, manang," masayang wika ko at inabot ang supot ng ulam.
"Walang anuman, iha," sagot niya at ngumiti.
Ngayong araw, siya palang siguro ang hindi nagtaboy sa 'kin at walang sinabing kung ano-ano. Iyon ang pinagpapasalamat ko sa Diyos.
Matutuwa si mama nito sa dala ko. Mapapasarap na naman siya sa kakakain neto.
Excited akong naglakad pauwi at hindi na nag-abala pang sumakay sa tricycle dulot ng pagtitipid ng perang natira sa 'kin.
Kahit paano pala, kahit gaanonkasama ang araw ay palaging may bibiyang ibibigay ang Diyos. I'm really thankful for that, even the smallest thing is a blessing. Iyon na din ang natutunan ko sa pagdaan ng panahon.
Nang marating ang bahay na tinutuluyan namin ni mama ay mabilis akong kumatok sa pinto. "Ma! Ma!" excited na tawag ko.
Narinig ko ang yabag niya at bumungad siya sa pinto. Maayos pa rin ang buhok niyang nakatali at nakaduster na kulay itim, pero may mga kaunting butas iyon. Malayong-malayo sa dating maluho at sopistikadang nakasanayan ko.
"Parang sisirain mo naman ang pinto kakakatok, anak."
Inalsa ko ang supot na dala. "Tada! Masarap ang ulam natin ngayong gabi!" ngisi ko.
Ramdam ko ang sayang nararamdaman ni mama sa ngiti niya at agad na hinanda ang hapunan.
As I stare at my mother, pure happiness and contentment are evident in her eyes. Iyon ang bagay na nagbago rin sa kaniya. I know that I'm not the only one who learned a lesson, but she did too.
"How's papa kaya, 'ma? Nakakakain ba siya ng maayos sa kulungan? Nakakatulog ba siya ng mahimbing sa hinihigaan niya?" biglang tanong ko with a heavy heart.
Lumukob ang lungkot sa mukha ni mama. "Papa's alright, anak. Alam kong may awa ang Diyos at lilitaw ang katotohanan. Makalalabas din ang papa mo."
Napuno ang gabing 'yon ng mga isipin at kung paano namin mapapalabas si papa sa kulungan hanggang sa makatulog ako ng 'di ko namamalayan.
Kinaumagahan ay maaga akong naggayak para sa trabaho.
"Maayong adlaw, manang," bati ko.
Isang matamis at maliit na ngiti ang sumilay sa labi ni Manang Armenia. "Maayong adlaw. Ang aga mo naman, Shelsea."
"Naku po, eh maagang tumitilaok ang manok sa bakuran namin," I jokingly said na nagpahalakhak kay Manang Armenia.
Kahit na kalat sa lugar na 'to ang paninirang puri sa pamilya ko ay malaki pa rin ang pasasalamat ko kay Manang Armenia dahil tinanggap pa rin niya ako sa karinderya niya ng walang pamimintas na binabato sa pagkatao ko.
"Manang 'yung dati," biglang usal ng isang guwapong lalaki, ngumiti ito mg pagkatamis-tamis na naging dahilan para makalimutan ko ng panadalian ang pangalan ko.
"Ah 'yun ba? Sige iho." Bumaling si Manang sa direksyon ko. "Shelsea, pakilagyan ng itlog na malasado ang ibabaw ng kanin niya at dalawang pirasong hotdog at longganisa," utos niya ng may nagmamadaling tono dahil na rin sa sunod-sunod na nagsi-order ang mga mamimili.
"Sige po," usal ko at saglit na napatulala sa lalaking nakaupo.
Paramlng ngayon ko lang siya nakita. Judging by his looks, para siyang may kaya. Maputi ang balat at tila ang lambot-lambot ng katawan kapag pipisilin.
Bakit ko pipisilin?
Napailing ako sa naisip.
"Heto na po, s-s-sir. . ." nautal ako bigla ng ilalagay ko na ang plato sa mesa niya. Kamuntikan pang maglaglagan ang kanin at ulam kung hindi niya nahawakan ang plato.
My eyes darted to his hands. Nakahawak iyon sa kamay ko. Ang lambot!
Napakurap ako ng ilang beses dahil parang kami lang ang tao sa paligid tila biglang tumahimik. Tinalunton ng mata ko ang bawat anggulo ng mukha niya.
Sobrang kinis! Hindi 'gaya ng mukha ko, may pangilan-ngilang mga pimple at dark spot dulot na rin ng hindi pag-aalaga ko sa mukha dahil hindi ko na afford magpaderma hindi kagaya noon.
"S-sorry po, sir," utal ko at napayuko, nag-aabang na sigawan at murahin niya ako.
"It's okay, nothing to be afraid of. Kain tayo," ngiting aya niya.
"Ah. . . s-salamat po. May iba pa po kayong gusto? Malamig na tubig? Softdrinks, sir?"
Napailing siya at nagsimulang kumain. Nang tinawag ako ni Manang Armenia ay bigla niyang sinundot ang tagiliran ko kaya napaigtad ako sa gulat.
"Manang!"
"Ikaw, ha. Type mo 'no? Gwapo ba? Anak 'yan ng mayor dito," kwento niya ng pabulong, tunog nanunudyo.
Natatawa akong napailing pero napabaling naman ang tingin ko sa lalaking 'yon. Tuloy ay binuhay no'n ang natutulog na kuryusidad sa sistema ko.
"Ano ba ang pangalan niya, manang?" may interes na tanong ko at pinagmamasdan ang pagkain niya.
"Tristo. Tristo Delgehilno," sagot niya.
Tristo. . .
Ang pagbanggit ko sa pangalan niya sa isip ko ay tila ba narinig niya iyon kaya napatingin siya sa direksyon ko. My eyes widened and I turned my back to him, pilit na tinutuon ang atensyon sa kararating na costumer.
He's cute. Tristo. . . what a cute name.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro