Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Wakas

Nandito ako ngayon sa kotse ni Hendrix habang nag didrive siya. Mugto parin ang aking mata dahil sa pag iyak ko kanina. Sino ba naman hindi iiyak, makita mo yung mahal mo may kasama nang iba. Akala ko pa naman nagbago na siya. Akala ko pa naman mahal na niya ako. Hindi ko napigilan at tumulo nanaman ang luba ko. Napansin ni Hendrix na umiiyak nanaman ako kaya agad niya akong inabutan ng tissue.

“Huwag kana umiyak Sevy. Sige ka papangit ka niyan.” pagbibiro niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Oo alam kong pangit na ako dahil ang taba kona pero hindi na niya kailangan pang paulit ulitin.

“Joke lang yun Sevy. Ang cute mo nga eh. Sa bahay ko muna ikaw matulog ngayong gabi. Ipagluluto kita ng chicken curry.” lumiwanag ang muka ko ng banggitin niya yung chicken curry. Paborito ko kase yung ulam. Naaalala kopa nung napasok pa ako ay laging ganun ang baon ko. Agad naman akong pumayag dahil kaibigan ko naman si Hendrix. Maya maya lang ay nakarating na kami sa bahay niya at pumasok doon.

“Good Afternoon po Sir Hendrix.” bati ng mga maids siguro ni Hendrix. Binati sila pabalik ni Hendrix bago niya ako dinala sa guest room. Sinabi niya na doon daw ako matulog at magpapalit ng damit. Iniwan niya muna ako doon at nagbihis na ako. Namangha ako dahil anlaki din ng bahay niya. Pero mas malaki padin yung bahay ni Tyler. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba dahil medyo nagugutom ako. Naabutan kong naka upo sa sofa si Hendrix habang nagbabalat ng mga prutas. Nginitian niya ako nang makita niya ako.

“Sevy nagbabalat ako ng prutas. Baka nagugutom na si Baby mo kain ka muna.” pag aalok niya kaya agad akong bumaba at kumuha ng ubas. Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan hanggang sa mag gabi. Hindi na ako nakakain dinner dahil inaantok na ako ng sobra.

_

Kinaumagahan ay nagpaalam na ako kay Hendrix dahil kukuhanin kolang yung gamit ko sa bahay ni Tyler. Napagpasyahan kong sa bahay muna ako ni Crystal tutuloy. Hindi ko kayang makita si Tyler. Masasaktan lang ako. Pinilit ako ni Hendrix na siya nadaw maghahatid sa akin para safe daw kami ni Baby.

Nang makarating ako sa bahay nasa gate palang ako ay nakakarinig na ako ng sigawan. Anong nangyayari dun sa loob? May kaaway ba si Tyler? Dahil sa curiosity aya nagmamadali akong pumasok at naabutan kong nagsisigawan si Tyler, Crystal at Tristan. Anong nangyari dito?

“Kuya calm down, baka may pinuntahan lang si Sevy. Walang masamang mangyayari sa kaniya.” pagpapakalma ni Tristan sa kapatid. Nagwawala si Tyler at dumudugo ang ulo niya. Anong nangyari sa kaniya?

“Paano ako kakalma Tristan. May kasama siyang lalaki nung huli ko siyang nakita. Paano kung may gawing masama yung lalaki kay Sevy at sa anak namin? F*ck i have to find her now!” aniya nito bago kuhanin ang kotse at akmang maglalakad na siya nang pigilan siya ni Tristan.

“Kami na ang hahanap kay Sevy Kuya. You have to go at the hospital. Dumudugo na ang ulo mo kuya.” aniya ni Tristan habang pinipigilan yung kapatid.

“Pwedeng makapag hintay ang hospital pero ako hindi. I'll have to find her now. I don't care if i d*e i just have to find her.” aniya ni Tyler bago kumalas sa pagkakahawak sa kaniya ni Tristan. Akmang pipigilan siya ni Tristan ng bilisan niya ang paglalakad. Nabigla siya nang makita niyang nakatayo ako sa may pinto. Natatakot akong lumalapit sa kaniya dahil baka saktan niya ako. Nagulat ako nang biglang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata bago siya tumakbo papalapit sa akin.

Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw nang yakapin niya ako. Hindi rin ako makapagsalita habang humahagulgol siya.

“Saan ka nagpunta Sevy? Sobra na akong nag aalala nang malaman kong hindi kapa umuuwi simula kahapon. Natatakot ako dahil baka may masamang mangyari sa inyong dalawa ni Baby.” humahagulgol na saad niya habang mahigpit na nakayakap sa akin. Mahigpit man ang yakap niya sa akin pero sinigurado niyang hidi maiipit si Baby.

“Natulog ako sa bahay ni Hendrix. Wala naman nangyaring masama sa anak mo kaya bitawan mo ako.” aniya ko bago kumalas sa yakapan namin.

“No ayoko.  Sevy naaalala na kita.” aniya niya nagpagulat sa akin. Naaalala na niya ako? Paano? Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi dahil baka niloloko niya lang ako. Alam kong ayaw mawala yung anak niya pero hindi niya ako maloloko.

“H—hindi mo ako maloloko Tyler. Pumunta kana sa hospital baka maubusan kana ng dugo. Ano ba kasing pinag gagagawa mo? Na aksidente kaba?” nag aalalang tanong ko sa kaniya pero niyakap niya lang ako muli. Nagpupumiglas ako pero ayaw niya akong bitawan. Ano bang trip nitong lalaking toh.

“Totoo yun Sevy. Patawarin mo ako sa mga nasabi ko at mga nagawa ko. Mahal na mahal kita. Huwag mo akong iiwan. Hindi ko kakayanin.” aniya niya habang patuloy padin siyang umiiyak.

“Mahal na mahal din kita Tyler.” hindi ko siya kayang tiisin. Sabi nga nila kapag mahal mo papatawarin mo kahit ilang beses payan magkamali.

_

Ilang buwan nadin ang nakalipas at masaya na ang buhay namin ni Tyler. Simula nung araw na iyun ay nagkapatawaran na kami. Pitong buwan na si baby sa tiyan ko at sobrang saya ni Tyler nang malaman niyang lalaki ang baby number 3 namin.

Kasalukuyan kaming naka sakay sa kotse papunta sa  bahay ni Tristan. Balak na kasing humingi ng tawad ni Tyler sa anak. Hindi parin kase umuuwi si Zyler sa bahay dahil galit parin siya sa ama niya. Nagdala nga si Tyler nang madaming laruan, libro saka mga chocolate. Gustong gusto na siyang makausap at mayakap ni Tyler. Maya maya lang ay nakarating nadin kami sa bahay ni Tristan. Agad kaming pumasok dito. Bumungad sa amin si Zyler na nagbabasa ng libro habang si Skylaire naman ay nanonood sa Ipad ng cocomelon. Nang makita ako ni Zyler agad itong tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako.

Niyakap ko ito pabalik at hinalikan sa noo. Napatigil siya nang makita niya sa may likuran ko si Tyler. Agad siyang umiwas ng tingin at akmang maglalakad na siya pabalik nang bigla siyang niyakap ni Tyler.

“I'm so sorry anak. Patawarin mo si Daddy, hindi ko sinasadyang sabihan ka nang masama anak.” paghingi nang tawad ni Tyler sa anak. Napansin kong lumuluha na si Tyler pati si Zyler.

“DADDY!! Sorry din po. Nalungkot lang po ako dahil nakalimutan niyo na kami nila Mommy. Miss na miss kona po kayo. Lagi po akong nag papray kay God na sana maalala niyo napo kami nila Mommy.” humahagulgol na saad ni Zyler. Binuhat siya ni Tyler habang yakap yakap. Natatawa ako dahil naiyak padin silang dalawa. Binigay na ni Tyler yung mga dala niyang laruan at libro pati narin yung mga chocolate para ibigay kay Zyler. Tuwang tuwa si Zyler at masaya kaming kumain.

Kumain kami ng mga seafood, nagkwentuhan at nagatawanan. Ngayon lang ulit kami naging masaya ng ganito. Kabuwanan na ni Crystal ngayon kaya maingat siya kapag naglalakad at tumatayo. Palagi din siyang inalalayan ni Andrew. Ako naman ay 2 months pa bago manganak. Napaka alaga ni Tyler at palagi niyang sinusunod ang utos ko. Natatakot siya kapag nagagalit ako at ang cute niya.

_

5 years have passed and now I'm happily married to Tyler. 10 years old na si Zyler at si Skylaire naman ay 6 tapos si Terrence naman ay 5 years old. Masaya na ang buhay namin, wala nang masyadong problema at hindi na nagloloko si Tyler. Lagi na siyang nag uupdate at malambing sa akin. Pinakasalan niya nadin ako kaagad nang maipanganak ko si Terrence. Baka daw agawin pa ako ng iba sa kaniya.

Si Crystal naman ay dalawa na ang anak. Si Kamila yung panganay at si Andrea yung bunso. Kasal nadin sila ni Andrew. Maayos na ang buhay nila, at sunod sunuran si Andrew sa kaniya. Mahal na mahal nila ang isa't isa kaya ayun buntis na ulit si Crystal sa ikatlong baby nila.

Kasalukuyan akong nagbibihis ngayon dahil nasa boracay kami ngayong pamilya. Si Tristan ay hindi sumama dahil buntis na yung girlfriend niya. Oo may girlfriend na siya. Binuntis niya agad dahil marami daw lumalapit na lalaki. Manang mana talaga siya dun sa kuya niya, kakaiba magselos. Habang nagsusuot ako ng bra naramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko. Haysss mabuti naman at gising na itong lalaking toh. Nabigla ako nang bigla niyang lamasin yung s*so ko. Juskooo kamanyakan nanaman ng lalaking toh. Hindi paba napagod yung kamay niya kakalamas dito kagabi?

“Tyler kagabi mopa yan nilalamas hindi kapa ba pagod?” naiinis na tanong ko rito.

“Hindi wifey eh. Sobrang lambot niya, hindi ako magsasawang lamasin yan. Sa akin molang ipapalamas yan at ako lang ang lalamas jan. Mamaya na tayo lumabas wifey. Hindi pa ako nag be-breakfast eh.” sus gusto niya lang akong kainin eh.

“Kung gutom ka kumain ka dun sa labas. May pagkain sa kusina.” aniya ko bago kumalas sa pagkakayakap niya. Nagulat ako ng isandal niya ako sa pader at hinawakan parehas kong kamay. Nginisian niya lang ako bago halikan sa labi.

“Ayoko nang pagkain wifey, mas gusto ko kung ikaw yung kakainin ko. Ikaw ang pinaka masarap sa lahat ng breakfast na natikman ko.” aniya niya bago sinimulan akong halikan sa leeg at nilalamas yung s*so ko. Mukang hindi ako pakakawalan nang lalaking toh kaya sumabay nalang ako sa gusto niyang gawin. Mapusok kaming naghahalikan bago niya ako inihiga sa kama. Huhubarin niya na sana yung panty ko nang biglang may kumatok sa kwarto namin. Agad kaming napatigil sa ginagawa namin dahil sa katok.

“Mommy hurry up. Mag swiswimming papo tayo.” sigaw ni Skylaire. Wala kaming nagawa kundi tumigil sa ginagawa namin at ipagpatuloy ang pagbibihis. Nakasimangot si Tyler at halatang nabitin. Kawawa naman asawa ko. Kailangan mong maghintay hanggang mamayang gabi.

Nagsuot ako ng black na swim suit at pinatungan ko muna ito nang white t-shirt. Si Tyler naman ay simpleng short lang ang suot at white t-shirt din. Gaya gaya ehh.

Masayang nagtampisaw sila Zyler, Skylaire at Terrence sa may dagat habang binabantayan namin sila ni Tyler. Naghubad ako ng t-shirt dahil gusto kona din maligo. Akmang lalapit na ako sa mga bata nang hapitin ni Tyler yung bewang ko.

“Bakit mo hinubad wifey. Andami tuloy nakatingin sayo, nagsisimula na akong magselos.” nakangusong saad niya kaya napatawa nalang ako. Ang cute niya talaga kapag nagseselos. Hinalikan konalang siya sa labi para hindi na siya magtampo.

“Kulang ang kiss sa akin wifey. Mamaya papagudin kita sa kwarto. Kakainin kita rawrr.” he said and i just chuckled.

Marami man kaming naging problema pero nalampasan namin iyong mag asawa. Kung mahal mo ang isang tao huwag mong sukuan. Pati kung kasing possessive ni Tyler ang jowa mo, huwag mong pagselosin. Baka magselos yun tapos malalaman mona lang buntis kana pala. Joke lang. Also i learned to forgive the people. Minsan hindi nila sinasadya yung mga nagawa nila.

Again I'm Sevianna Kate Valdez married to Tyler Clyde Valdez and were happy now with our three childrens. Thank you for reading our story, i hope you read the love story of Xander and Pearl. (Badboy's Obsession)

#End×

× Comment for the next Story (Badboy's Obsession)
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Queen Yeliah WP

Wattpad Acc: queen_yeliah


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro