Chapter 8
Apat na taon na ang nakalipas simula nung ipanganak ko si Zyler. Kagaya nga ng inaasahan namin, si Tyler ang kamuka niya. Para bang carbon copy siya ni Tyler. Parehas silang moody at laging seryoso. Mahilig din silang dalawa sa libro at ayaw nila parehas ng sardinas. Halos lahat ata kay Tyler niya nakuha. Habang ako paulit ulit na tinutukso ni Crystal dahil hindi ako yung kamuka nung anak ko.
Kasalukuyan akong nakaupo dito sa sofa habang nanonood kami ng movie. Nakangiti ako ngayon habang pinagmamasdan ang munti kong anghel habang tumatakbo papalapit sa akin.
“Mommy look, Tita Crystal gave me alot of chocolates today.” nakangiting aniya ng anak ko habang naglalaro ito sa ipad niya. Spoiled na spoiled talaga siya lalo na pagdating sa Tita Crystal at Tito Tristan niya. Kapag hindi mga pagkain minsan laruan tapos minsan pera din.
“Besh hindi talaga ako maka get over na ikaw ang nagluwal kay baby Zyler pero hindi ikaw yung kamuka.” natatawang ani ni Crystal habang kumakain ng chocolate. Talaga namang pinaalala pa ng babaitang ito. After kong manganak noon nagtatampo ako dahil ako yung nahirapan manganak pero hindi ako yung kamuka.
He was born with green eyes just like his father, even his lips, nose and whole face nakuha niya sa tatay niya. Wala nga siyang nakuha sa akin kase pati yung attitude niya kay Tyler din nangaling. Wala naman kaming balita tungkol kay Tyler dahil nang mabuntis niya kamo si Darcie ay lumipat na sila nang bahay. Baka kasal na sila ngayun nun. Hays bakit ko ba sila iniisip. Wala akong pakielam sa kanila, mag fofocus nalang ako kay Zyler.
“Naks pogi naman ng pamangkin ko. Eto na yung pasalubong ko sayo. Diba ito yung gusto mong bilhin sa mall diba?” aniya ni Tristan sabay abot sa anak ko nung laruan na nakita namin sa Mall nung nakaraang linggo. Teka 15,000 yun ah?
“Seryoso binili mo talaga? Kinse mil yun Tristan.” Alam kong gustong gusto ni Zyler ang laruan na yon. Hindi ko ito nabili sa kaniya nung nakaraan dahil sobrang mahal at kulang ang pera ko. Iba na talaga si Tristan pagdating sa pamangkin.
“So 15,000 lang naman yun ah. Saka kung para ba sa pamangkin kong pogi bakit hindi? Bigyan mo nga ng kiss si Tito Dad.” aniya nito kaya agad naman lumapit si Zyler at hinalikan ito sa pisnge.
“Eh kayo kelan niyo balak magkakaroon ng anak?” tanong ko kila Crystal at Sir Andrew. Hindi ko mapigilang matawa dahil biglang namula si Crystal.
“Ano kaba besh pagkatapos na ng kasal namin.” ani ni Crystal habang namumula pa rin. Mabuti pa si Crystal ikakasal na sa taong mahal niya, samantalang ako eto single Mom. Natatakot ako baka isang araw biglang maghanap nang tatay yung anak ko.
“Tito Dad can i ask you po something?” biglaang tanong ng anak ko habang nilalaro na yung mga laruan niya.
“Yes baby Zyler. Ano bang itatanong mo?” tanong ni Tristan habang kumakain ng chips.
“Tito Dad bakit wala po akong daddy?” tanong ni Zyler na nagpabuga sa iniinom kong juice. Agad akong inabutan ni Crystal ng tissue at nagpunas ako.
Hindi, hindi ito maaari.
Anong gagawin ko?
Anong isasagot ko sa kaniya?
“Bakit parang biglaan naman yang tanong mo Baby Zyler?” hindi mapakaling tanong ni Tristan sa anak ko. Hindi ako makapag salita dahil sa itinanong ng anak ko. Hindi ko napigilang mag alala nang makita kong yumuko ang aking anak na para bang nalulungkot siya.
“Kase halos lahat po ng classmates ko ay sinusundo nung daddy nila. Nalulungkot po ako dahil wala po akong daddy.” aniya ni Zyler habang tumutulo ang luha. Agad akong lumapit sa anak ko ata pinahidan ang luha nito.
“Hindi ko pa pwede sabihin sayo ang dahilan anak. Pero malalaman mo din yun kapag medyo lumaki kana.” aniya ko habang hinihimas ang likod nito. Patuloy pa din ang pagluha niya kaya kinalong ko ito habang patuloy pa din ang paghimas ko sa likod nito. Maya maya lang ay nakatulog na din ito at inihiga ko ito sa kama.
“Crystal hindi ko alam ang gagawin ko. Dumating na ang araw na ikinakatakot ko, ang maghanap siya ng ama.” naluluhang saad ko.
“Paano kung magalit siya sa akin kapag wala akong naipakilala sa kaniya. Hindi ko kakayanin kapag nagalit pa sa akin si Zyler. ” i added. Siya lang yung meron ako sa ngayon, hindi ko hahayaang magalit siya sa akin.
“Huwag kang mag alala Sevy. Tutulungan ka naming makaisip ng paraan.” pagpapakalma sa akin ni Crystal. Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong mag isip ng kung ano ano.
_
_
_
_
Nandito kami ngayon sa Mall para bumili ng libro na gustong bilhin ni Zyler. Kanina pa niya ako pinipilit pumunta dito para lang dun sa librong yun. Maunti lang daw kase ang stock ng ganung klaseng libro dito sa mall. Pero bago pa kami makapunta sa book store ay nag aya itong kumain. Medyo nagugutom na daw kase siya. Tinanong ko siya kung ano ang gusto niyang kainin at itinuro niya lang yung mochi stall.
“Mommy i want matcha mochi po.” saad niya habang umoorder kami. Bumili ako nang maraming flavor baka kase magustuhan niya din yung iba. I also buy coffee and croissant. In case na gusto niyang kumain ng tinapay.
“Baby your turning four on your birthday. What present do you want?” i asked while drinking coffee. May mga naipon na kase akong pera ngayon. Kung sakali man na may gusto siyang laruan ay mabibili ko na this time.
“I almost have everything napo eh. But there's something i want mommy.” he said and pouted. Aww my baby is so cute. I love the way he pouted, he looks just like his father.
“Mommy, why can't i meet my daddy? Is he a bad person?” inosenteng tanong niya. Kitang kita ko sa mata niya na gusto niya talagang malaman ang tungkol sa ama niya.
“Hindi naman bad person si daddy mo pero hindi pa rin kayo pwedeng magkita” pagpapaliwanag ko sa kaniya. Bumakas ang lungkot sa kaniyang muka pagkatapos kong sabihin yon.
“I just wanted to know po why I can't meet him. I just wanted to have my own dad like my others friend. But it looks like i can't have it po.” nakayukong saad niya. It hurts seeing my son being sad because he can't meet his father. Pero hindi ko hahayaan na magkita silang dalawa. Ayokong masaktan ang anak ko kapag nalaman niyang may ibang pamilya ang ama niya. I'm so sorry anak but kapag nakilala mo siya mas lalo kalang masasaktan. Hindi ko lang masabi sa kaniya na para sa ama niya ang nangyari sa amin noon ay pagkakamali lang.
“I'm so sorry anak.” paghingi ko ng tawad sa kaniya. Ito ang gusto niyang regalo ngayon pero hindi ko maibigay.
“It's okay Mommy i understand naman po. Punta na po tayo sa Books Store Mommy.” pag aaya nito bago tumakbo papalabas sa cafe. Tapos na din kase kaming kumain at mukang busog na siya. Agad naman akong sumunod sa kaniya at naabutan ko itong humihingi ng sorry sa matangkad na lalaki.
“I'm sorry po Sir. Hindi kobpo sinasadyang mabangga kayo.” paghingi nang paumanhin ni Zyler sa lalaki.
“Zyler what happened anak?” nag aalalang tanong ko sa kaniya nang makalapit ako sa kanila.
“Mommy don't worry I'm fine naman po. I'm just saying sorry to mister because i bump into him po.” pagpapaliwanag ng anak ko. Hihingi na sana ako nang paumanhin sa naka banggaan ng anak ko nang makita kong si Tyler ito. Agad lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ko siya. Hindi pa rin siya nagbabago, sobrang gwapo niya pa rin.
“Anong ginagawa mo dito.” malamig na tanong niya habang madiin na nakatingin sa amin ni Zyler.
“Ah wala tara na anak aalis na tayo.” hindi ko alam ang gagawin ko. Nasa harapan ko na siya. Nakita na niya si Zyler. Hindi ko napigilan ang sarili kong mag panic kaya agad kong binuhat si Zyler at akmang maglalakad na kami ng pigilan niya ako.
“And where do you think you're going?” malakas na sigaw niya. Nagulat naman ako ng bigla siyang sinigawan ni Zyler.
“And how dare you scream at my Mommy. I already said sorry na po diba?” sigaw ng anak ko sa ama niya na napatigil dito. Ito siguro ang unang pagkakataon na sinigawan siya ng bata.
“Anak tara aalis na tayo” Kinakabahan ako paano kapag nalaman niyang anak niya si Zyler? Paano kung agawin niya sa akin yung anak ko? Hindi ako makakapayag. Si Zyler ang buhay ko. Hinding hindi ko hahayaan na agawin niya sa akin si Zyler
××
“Crystal hindi ko na alam ang gagawin ko.” kinakabahang ani ko habang nag uusap kaming dalawa dito sa living room.
“Siguro ito na yung oras para makilala ni Zyler yung ama niya. Huwag kang maging selfish Sevy. Saka alam kong maniniwala si Sir Tyler jan, kamukang kamuka niya eh. Parehas pa sila ng kulay ng mata.” Me selfish? I'm not selfish natatakot lang ako na baka agawin nila sa akin si Zyler, natatakot ako na baka ilayo nila sa akin yung anak ko.
“Hindi pwede Crystal. Baka kapag nalaman ni Tyler na anak niya si Zyler baka kuhanin nila ni Darcie si Zyler sa akin.” Hindi ko alam pero nagsisimula nang tumulo ang mga luha ko.
“Kumalma ka Sevy, hindi nila kukuhanin si Zyler. Kung ayaw mong sabihin ay wala akong magagawa yan ang desisyon mo eh ikaw ang ina ng bata.” pagpapakalma niya sa akin. Kaming dalawa lang ang magkasama dito dahil nabili pa sila Tristan at Sir Andrew ng pagkain. Napag pasyahan kong si Crystal na lang muna ang makaalam dahil alam kong pipilitin nila ako na ipakilala si Zyler sa ama nito.
××
“Anak be a good boy ha. Mag oover time kase si Mommy today. But i promise that we'll go to the mall tomorrow.” pagpapaalam ko sa anak ko habang nagbabasa siya ng libro dito sa bahay nila Tristan. Yeah sa mismong bahay nila kung saan ako paulit ulit akong sinaktan nung tatay niya.
“Tristan ikaw na muna bahala sa anak ko ha.” pag papaalala ko kay Tristan. Kailangan kong magtrabaho para mapag ipunan ko yung trip namin sa Boracay. Gusto kasing makapunta ni Zyler doon kaya nag iipon muna ako. Agad ko itong hinalikan sa noo bago ako umalis.
Sobrang dami kong mga ginawa sa buong araw ko ngayon. Halos 8 oras palang ay namimiss ko na agad yung anak ko. Nasanay kase ako na lagi kaming magkasama. Simula nung iwan kami ng tatay niya ay siya na lang ang naging lakas ko. Hindi naman ako kinakapos sa pera dahil pinapadalhan naman ako ni Mama ng pera kada buwan pero mas gusto ko na sariling pera ko yung gagastusin ko para sa anak ko.
Time Check it's already 1:00 AM, ito na ang oras kapag nagtatapos na yung shift ko. Finally makakauwi na ako sa anak ko. Siguro tulog na yun ngayon. Naisipan kong dumaan muna sa 7/11 para bilhin yung paborito niyang ice cream bilang pasalubong, baka bukas niya na ito makain. Wala pa akong kotse kaya hinatid ako nung isa sa mga katrabaho ko na kasama ko sa overtime shift.
Nang makarating na ako sa tapat ng mansion nila Tristan agad akong pinagbuksan ni Kuyang Guard. Baka dito na lang din ako matulog ngayon dahil gabi na at hindi na kami makakauwi. Agad kong binuksan yung pinto at pumasok dito.
“Tristan gising paba yung an-” hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nang makita kong mahimbing na natutulog si Zyler habang kalong kalong siya ni Tyler. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng makita kong hinalikan ni Tyler si Zyler sa noo nito. Paano niya nalaman? Sinabi ba sa kaniya ni Tristan? Hindi, hindi ito maaari.
Nanatili akong nakatayo nang magtama ang mga mata naming dalawa bago niya maingat na inihiga sa sofa si Zyler. Agad ko siyang nilampasan at binuhat ko si Zyler papunta sa guest room. There's no way I'm gonna talk to him. Mabuti naman ay hindi niya na ako sinundan at nilock ko kaagad yung pinto. Bakit ba siya nandito? Nasaan ba si Tristan? Inaayos ko pa sa pagkakahiga si Zyler nang biglang may nag text sa akin.
_
From: Tristan🙂
Sevy iniwan ko muna si Tristan dun sa bahay.
Kasama niya naman si Aling Lina. May meeting kase ako bigla ngayon eh biglaan.
_
Ayun pala ang dahilan kung bakit wala siya. Isinawalang bahala ko nalang at humiga sa kama katabi ni Zyler. Habang pinagmamasdan ko siya naalala ko si Tyler. Aaminin ko mahal ko parin siya. Sadyang hindi na kami pwede dahil may pamilya na siya. Ayaw kong sabihin kay Zyler ang tungkol dito dahil sigurado akong gugustuhin niyang makasama si Tyler. Masasaktan lang si Zyler kapag nakilala niya si Tyler kaya huwag na. Agad akong nagpalit ng pantulog at humiga ulit sa tabi niya.
Tatlong oras na ang nakalipas ay hindi pa rin ako makatulog. Kanina pa ako nag ce-cellphone dito eh. Bigla naman akong naka ramdam ng uhaw kaya napag pasyahan kong uminom ng tubig.
Nang makababa na ako sa hagdan agad akong luminga linga dahil baka nandito pa din si Tyler. Mukang wala naman kaya agad akong nagtungo sa kusina at kumuha ng tubig.
Nang matapos akong uminom ng tubig ay lumabas na ako sa kusina at akmang papasok na sana ako sa kwarto namin ni Zyler nang may humigit sa akin papasok sa kabilang kwarto nito. Tinakpan niya ang bibig ko habang mahigpit siyang nakayakap sa akin.
“I m-miss you.” nauutal na saad niya bago niya isiniksik yung ulo niya sa leeg ko.
“Ano ba Tyler bitiwan mo ako.” aniya ko habang pinipilit siyang itulak papalayo pero mas hinigpitan niya pa yung pagkakayakap sa akin.
“Shhh don't make noises love. Baka magising yung anak natin.” he said and started kissing my neck. Anak natin? Alam niya na talaga ang tungkol kay Zyler?
“Ano bang pinag sasasabi mo Tyler hindi mo siya anak.” madiin na saad ko bago siya itulak at akmang lalabas na ako ng kwarto ng higitin niya muli ako sabay lock sa pinto.
“Talaga ba? Kaya pala kamukang kamuka ko siya. Look kahit anong sabihin mo anak ko pa rin siya. He has the same green eyes like me so you can't fool me love.” he said before kissing me torridly. I keep pushing him but he was so strong.
“We can't do this you have a family.” aniya ko habang itinataas niya yung dress na pantulog ko. His eyes widened when he see my breast.
“My babies got bigger.” he said while looking at them with starry eyes. But before he and i could get steamy someone knock on the door.
“Mommy are you here? I think i heard you scream.” Zyler said while knocking on the door. Agad kong sinuot yung dress ko at binuksan yung pinto. Kinukusot kusot niya ang mata niya bago tumingin sa akin at nagpakalong.
“Mommy i thought something bad had happened to you because you're screaming po.” saad ni Zyler bago lumabas si Tyler.
“Bakit magkasama po kayo ni Mommy.” tanong nito sa ama. Bago pa man masagot ni Tyler yung tanong ng anak niya biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito ay si Tristan.
“Oh may balikan na bang magaganap dito?” nang aasar na biro ni Tristan habang naglalakad papalapit sa amin.
“Wala Tristan. May sarili na siyang pamilya kaya wala.” aniya ko bago ibaba si Zyler dahil yayakapin daw niya si Tito Dad niya.
“Tito Dad i miss you po.” malambing na saad niya kay Tristan bago siya kalungin nito. Medyo dumilim naman ang aura ni Tyler habang nakatingin sa kapatid. Nagseselos siguro siya na mas close si Zyler kay Tristan kesa sa kaniya.
“Eto naman kuya don't worry hindi ko aagawin yung mag ina mo.” aniya niya bago ibaba si Zyler at inabutan ito ng Macha flavor mochi. Bigla ko tuloy naalala nung kumakain ako ng mochi dati. Teka ano ba itong iniisip ko, may pamilya na siya.
“Daddy Tyler diba sabi mo po lapit tayong matutulog bakit kayo po ni Mommy ang nasa iisang kwarto kanina. Narinig kopa pong sumisigaw si Mommy.” inosenteng saad ng anak ko na ikinapula ng muka ko. Anak naman bakit kailangan mopa sabihin yun. Nakita kong lumabas ang ngisi sa muka ni Tristan habang nakatingin sa akin. Teka tinawag ni Zyler si Tyler ng DADDY?
“Anak hindi mo siya daddy.” aniya ko na nagpakunot sa noo ni Tyler.
“But Mommy siya po yung kapatid ni Tito Dad right? I heard you and Tita Ninang talking about my Daddy. I heard Tita ninang say that my Daddy is Tito Dad's brother so i think Daddy Tyler is my Daddy.” pagpapaliwanag niya habang nakanguso habang si Tyler naman ay nakangisi.
“No baby, this man is not your father!” medyo malakas na sigaw ko. Nabigla ako dahil hindi pwedeng malaman ni Tyler kaya nasigawan ko si Zyler. Namuo ang luha sa kaniyang mata at nagsimula na siyang umiyak.
“I-i just wanted to have a d-dad but as always I can't. I don't want to celebrate my birthday if i don't have my dad” umiiyak na ani niya bago tumakbo papaakyat sa kwarto namin. Kaagad siyang sinundan ni Tyler at naiwan kami ni Tristan.
“You need to tell him the truth Sevy. If you keep denying it to Zyler he will hate you.” salita ni Tristan na nagpatulo sa luha ko. I don't him to be mad at me, he's my son he's my life. I just wanted him for myself. I was scared that Tyler will steal him away from me. I know I'm selfish. I don't want my relation with Zyler be gone so i decided to tell the truth. I immediately go upstairs to talk to him.
“Baby.” mahinang saad ko habang naka yakap siya kay Tyler.
“I'm so sorry baby i didn't mean to yelled at you. I'm sorry for keeping it a secret, yes he's your father i just don't want him to steal you away from me.” saad ko habang tumutulo ang luha. Agad itong lumapit sa akin at niyakap ako. Wala naman akong magagawa kung gusto niya talaga malaman ang totoo.
“I'm so sorry din po kase nasigawan kita. I just wanted to know about my Dad. I always feel jealous because all of my classmates have a Dad while i dont.” he said before kissing me on the cheeks. “I love you Mommy" he said before hugging me. Masaya ako dahil hindi na siya galit sa akin ngayon. Nagulat naman kami ng biglang umubo si Tyler kaya napatingin kami sa kaniya.
“Ako wala ba akong yakap saka halik.” nahihiyang aniya niya habang nakatingin sa amin ni Zyler. Agad namang tumakbo papalapit si Zyler sa ama niya, hinalikan niya ito sa pisnge bago yumakap. Masaya ako dahil nasabi ko na din kay Zyler ang tungkol sa ama niya. Pero kailangan din malaman ni Zyler na may pamilya na ang Daddy niya kaya medyo kailangan naming dumistansya.
“Mommy yakap kadin po sa amin.” nakangusong saad ng anak ko habang nakayakap padin kay Tyler. Lumapait naman ako sa kanila at yinakap sila.
“Mommy i feel sleepy na po. Let's sleep na po, lapit tayo nila Daddy if okay lang po sayo Mommy.” Hindi ko naman kayang tumanggi sa anak ko kaya humiga ako nalang ako sa kama. Hinalikan ko muna si Zyler sa ulo bago ito nakatulog. Papikit na ako nang maramdaman kong tumayo si Tyler sa higaan. Uuwi na siguro siya sa tunay na asawa at anak niya. Hindi ko na lang siya pinansin, nagulat naman ako nang bigla siyang humiga sa may likuran ko at yumakap sa akin.
“Ano bang ginagawa mo Tyler.” aniya ko habang pinipilit tanggalin yung kamay niya na nakayakap parin siya.
“I miss you.” maikling saad niya. Ano bang pinagsasasabi niya, may asawa at anak na siya. Mali toh, pinagtataksilan niya yung asawa niya.
“Ano bang pinagsasasabi mo Tyler. May asawa at anak kana.” saad ko habang tinatanggal yung kamay niya. Mahigpit pa rin siyang nakayakap sa akin.
“Ako may asawa na? Oo may asawa na ako.” saad niya na nagpasakit sa dibdib ko. Pero napansin kong hindi pa din siya bumibitaw.
“Ikaw ang magiging asawa ko, soon.” saad niya bago halikan yung leeg ko.
“Anong ako? Baka nakakalimutan mong si Darcie ang asawa mo.” pinagsasabi niya?
“Hindi naging kami at wala kaming anak ni Darcie.” malamig na aniya niya. Ano wala silang anak? Eh diba nabuntis niya si Darcie? Ano bang sinasabi niya? Agad niya akong pinaharap sa kaniya at tinitigan.
“I miss you baby. I love you my soon to be wifey.” saad niya bago ako halikan sa labi. And ofcourse i responded.
“Tara sa banyo na natin ituloy.” nakangising aniya niya bago ako hinigit papasok sa banyo. I have to admit that i still love him.
To Be Continue×
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro