Chapter 7
Its been 4 months since huli kaming nagkita ni Sir Tyler. Nandito ako ngayon sa Laguna, napagpasyahan kong dito na lang muna manirahan habang hindi pa ako nanganganak. Nag homeschool na lang ako dahil nawalan na ako ng gana pumasok ng school. Saka baka mahalata nila yung pag laki ng tiyan ko, wala pa kaseng ibang nakaka alam bukod sa amin nila Tristan tungkol sa pagbubuntis ko. Three times a week nila akong binibisita. Hindi at wala akong balak sabihin kay Sir Tyler yung tungkol sa magiging anak namin. Sana naman maayos pa sila ngayon nung GIRLFRIEND niyang mukang palaka. Nalaman kong naging ex pala siya ni Kian at pinerahan lang siya nung babaeng yun. Baka ganun lang din gagawin nun kay Sir Tyler. Teka bakit ko ba iniisip yung mga yun. Bawal ako ma stress yun ang sabi nang doctor.
Nasabi ko na rin kay Mama at Papa na buntis ako. Nung una gusto nilang ipaalam kay Tyler ang tungkol sa magiging baby namin, pero wala talaga akong balak na malaman niya ang tungkol sa magiging anak ko kaya pinilit ko sila. Kinalaunan ay nirespeto naman nila yung desisyon ko.
Akala ko na silang apat nalang ang makaka alam tungkol sa pagbubuntis ko ngunit hindi inaasahang nalaman ito ni Ate Tanya. Hindi inaasahang narinig niya ang pag uusap namin ni Tristan nung pumunta kami sa hospital. Wala naman akong nagawa kundi sabihin sa kaniya ang totoo. Gusto niya din na malaman ni Sir Tyler ang tungkol dito para mapanagutan niya daw ang magiging anak namin pero napilit ko siya na huwag sabihin sa kapatid niya ang tungkol sa amin ng anak ko. Maayos naman siyang pumayag sa desisyon ko at palagi niya akong pinapadalhan ng prutas para healthy daw si baby.
Binura ko na yung number ni Tyler sa cellphone ko at inunfriend ko na siya sa Facebook. Inunfollow ko na rin siya sa twitter at Instagram. Naaalala ko kase ang mga masasakit na ginawa niya sa akin noon. Saka baka lalo lang akong ma stress kapag lumabas sa news feed ng social media account ko na may picture silang dalawa ni Darcie.
Kasalukuyan akong naghahanda nang susuotin kong damit dahil ngayon na namin malalaman yung gender ng baby ko. Gusto ko ng lalaki pero gusto ko din ng babae. Kahit ano man ang maging gender ni baby ay ibibigay ko ang alaga at pagmamahal na kailangan niya. Natatawa naman ako dahil mas excited pa sila Tristan at Crystal na malaman yung gender. Nag pustahan pa nga sila kung ano ang magiging gender baby.
Nang matapos na akong magbihis, hinimas himas ko yung tiyan ko. Grabe five months nalang manganganak na ako. Palagi akong nagpapasalamat kay Lord dahil sa biyayang ibinigay niya sa akin. Excited na akong makita ka baby ko. Kaya kitang buhayin kahit wala yung tatay mo. Huwag naman sana dumating yung panahon na maghanap siya ng ama. Natatakot ako dahil baka magalit siya sa akin at mas piliin niyang sumama sa ama niya.
“Ano couzz tara na?” pag aaya ni Kian. Inalalayan niya akong makapasok sa kotse niya bago bigyan ng gatas at tinapay. Tahimik lang kami sa biyahe at nag cellphone nalang ako para hindi ako mainip. Hindi ko alam pero pakiramdam ko na lalaki yung magiging baby ko. Bukod sa mangga, pipino, sardinas, salad at ice cream pinaglilihian ko din yung amoy ni Tyler.
Nung una ay inuutusan ko si Tristan na kumuha ng damit ng Kuya niya. Pero nakahalata daw ito kaya bumili nalang si Tristan ng pabango na katulad nung kay Tyler.
Kaya ayun ibinili ako ni Tristan nang pabango na katulad nung sa Kuya niya. Palagi kong inaamoy ang damit niya bago matulog. It was weird but it makes me feel safe and the baby. Whenever na nababalisa ako, inaamoy ko lang yung damit niya at maya maya ay kumakalma na ako.
Ilang oras lang ang nakalipas ay nakarating na din kami sa hospital. Dahan dahan akong bumaba sa kotse at pumasok na din kami kaagad sa loob. Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa office ni Doc na handa nang sabihin yung gender ni baby. Kinakabahan ako na excited dahil finally, malalaman ko na kung ano ang magiging kasarian ng anak ko.
“Good Morning Ms Sevianna Kate. Ready ka na bang malaman ang gender ni baby?” tanong ni Doctora Kim habang sila Crystal at Tristan ay nagpupustahan pa habang ka video call namin sila.
“Medyo kinakabahan ako doctora. Pero ready na ako.” ani ko na ikinangiti ni Doctora.
“Ang gender ng baby mo ay....”
“Lalaki!” sigaw ni Doctora Kim na nagpahiyaw kay Tristan sa tuwa. Paano ba naman panalo siya sa pustahan.
“Oh diba sabi ko sayo lalaki yun ehh. Ang lakas talaga nang pakiramdam ko WOHHHH! MALAPIT NA AKONG MAGING TITO!” sigaw ni Tristan habang inaasar si Crystal. Habang ang babaita naman ay nakanguso sa video call.
“Edi kayo na nanalo Tristan. Besh gumawa na lang kayo ulit ni Sir Tyler, this time siguraduhin niyong babae na.” saad ni Crystal na nagpatawa sa aming lahat. Gagawa ng bago? Grabe ka naman Crystal.
“Wala kang magagawa Crystal kami nanalo ni Tristan. Ang galing ko talaga manghula saka sigurado akong ako ang magiging favorite Tito niyan.” pagmamalaki ni Kian. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Tristan. Mukang hindi sang ayon si Tristan sa sinabi ni Kian.
“Anong ikaw? Ako magiging favorite Tito niyan!” pagtanggi ni Tristan sa sinabi ni Kian. Natatawa naman ako dahil nag aaway pa silang dalawa kung sino ang magiging favorite Tito ni baby.
“Wag na kayong mag away dalawa. Parehas lang naman kayong maging favorite Tito ni baby. Saka hindi pa nga nalabas yung anak ko, grabe naman yung pagka excited niyo.” natatawang saad ko sa kanila.
“Kamusta na buhay jan Tristan.” tanong ko kay Tristan. Matagal na din akong walang balita kila Tyler, gusto ko lang malaman kung okay lang ba siya o sila pa ba ni Darcie.
“Eto okay naman kami. Sevy huwag kang mabibigla pero nabuntis ni Kuya si Darcie at handa siyang panagutan ang magiging anak nila.”
Aniya ni Tristan na nagpasakit sa dibdib ko. Nabuntis niya si Darcie? So magkaka anak nadin sila? Mukang wala na talaga kaming pag asa ni Baby sa kaniya. Magkakapamilya na siya, mas mabuti nga na huwag na lang niya malaman yung tungkol sa anak ko. Ayaw kong maka sira nang pamilya. Natigilan silang lahat nang makita nilang tumutulo na ang mga luha ko.
“Ano ba Tristan bakit mo pa sinabi kay Sevy!” galit na saad ni Crystal kay Tristan.
“Ms Sevianna yan po ang isa sa dapat niyong iwasan. Bawal po kayong ma-stress dahil maaaring maapektohan si baby” pag papaalala ni Doctora Kim. Agad kong pinunasan ang luha ko at pekeng ngumiti sa kanila.
“Masaya ako dahil nalaman ko na ang gender ng anak ko. Kian gusto ko nang umuwi, pagod na ako.” mahinang saad ko bago lumabas nang office ni Doctora Kim. Hindi na ako nagsalita habang nasa biyahe kami dahil sa lungkot na aking naramdaman. Nang maka uwi kami ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko at umiyak.
Bakit ang sakit?
Sobrang sakit na malaman mong may nabuntis na iba yung lalaking minamahal mo.
Paano naman yung anak namin?
Feeling ko magiging sagabal lang kami nang anak ko sa buhay niya.
Hinding hindi ko hahayaan na magkita sila.
Ilang oras din ata ako umiyak bago ako tuluyang nakatulog.
××
Apat na buwan na ang nakalipas simula nung malaman kong nabuntis ni Tyler si Darcie. Hindi ko nalang siya palaging iniisip dahil ayaw kong ma-stress. Sobrang laki na ng tiyan ko at masaya ako dahil ngayon na ang kabuwanan ko. Palagi na akong sinasamahan ni Kian kung saan ako pumupunta para hindi daw ako masktan.
Kasalukuyan akong nandito sa kusina ngayon habang umiinom ng tubig dahil bigla akong nauhaw. Naliligo si Kian kaya hindi na ako nagpasama. Habang umiinom ako ay biglang sumakit ang tiyan ko. Panandalian lang naman kaya hindi ko ito pinansin at itinuloy ang pag inom ng tubig.
Pero ilang minuto lang ang nakalipas mas lalo na itong sumakit hanggang sa hindi na ako makatayo ng maayos.
Mangangak na ata ako.
Kailangan kong tawagin si Kian.
“Kian! Manganganak na ata ako!” malakas na sigaw ko. Dahan dahan niya akong binuhat at ipinasok sa kotse. Nagmamadali siya habang nagmamaneho habang ako naman ay tinitiis yung sakit. Kagaya ng sabi ni Mama, hindi biro ang panganganak. Pilit kong ipinapakalma ang sarili habang hinihimas ang aking tiyan.
Maya maya lang ay nakarating na kami sa hospital at agad akong dinala sa ER. Dumating na din kaagad sila Mama, Crystal at Tristan at sinamahan nila ako sa loob ng ER. Grabe mas masakit pa ata sa break up at kagat nang dinosaur yung panganganak. Ramdam na ramdam ko yung sakit ng panganganak habang pinapakalma ako ni Crystal. Nagmamadaling pumasok ang mga doctor at nurse sa Emergency room at tinurukan na nila ako.
“AHHHHH” ire ko habang hawak hawak ni Crystal yung isa kong kamay at si Mama naman dun sa kabila. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanila dahil sa hirap at sakit na nararamdaman ko habang umiire. Natatakot nga ako dahil baka hindi ko mailabas ng maayos si baby. Pero nilakasan ko ang aking loob. Kailangan ko siyang mailabas ng maayos.
“Kaya mo yan anak. Mailalabas mo siya nang malusog.” pagpapakalma sa akin ni Mama habang mahigpit akong nakahawak sa kanilang dalawa ni Crystal.
“Ire pa Ms Sevianna. Konti na lang nakikita na po namin yung ulo niya.” ani nung doctor sa akin. Mas lalo kong nilakasan ang loob ko at umire nang malakas. Malapit na. Malapit ko na siyang ilabas. My little angel sa wakas makikita na din kita.
“AHHHHHHH SOBRANG SAKIT.” hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw na ako sa sobrang sakit.
“Ms Sevianna konti na lang lalabas na siya. Konting ire papo.” saad ni Doctora Kim. Buti na nga lang si Doctora Kim ang nagpa anak sa akin kaya hindi ako masyadong nahihiya.
“AHHHHHHHHH.” huling ire ko bago tuluyang lumabas yung little angel ko. Pinunasan na siya ni Doctora at maingat na pinutol yung pusod nito. Hingal na hingal ako pero worth it dahil makakasama ko na yung anak ko. Inilapit nila sa akin yung anak ko at pinagmamasdan ko ang muka nito. Sobrang gwapo niya, matangos ang ilong at kulay berde din ang mata niya. Kasing gwapo niya si Tyler. Nakakatampo lang dahil ako ang nagdala sa kaniya tapos si Tyler yung kamuka niya. Habang nagpapahinga ako ay biglang nagtanong si Crystal
“Besh masakit ba?” wala sa wisyong tanong ni Crystal.
T*ngina napakagandang tanong.
I try mo din dali.
Para malaman mo kung gaano kasakit.
“Gusto mo malaman? Try mo din dali.” naiinis na saad ko bago tumingin ulit sa anak ko. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kaniya dahil sa napaka gwapo niyang muka. Gustong gusto ko na siya hawakan ngunit hindi pa pwede.
“Zyler Calix, yun ang pangalan niya” hinihingal na saad ko bago hawakan ang mumunting kamay nito and everything went black.
××
Mag iisang buwan na din nung maipanganak ko si Zyler at ngayon nahihirapan pa din akong maglakad. Dito na muna tumira si Mama para matulungan niya akong mag alaga kay Zyler. Tuwang tuwa si Papa at gustong gusto nang umuwi para makita yung napaka cute niyang apo. Kasalukuyang naglilinis si Crystal at Tristan ngayon habang nagluluto si Mama dahil pupunta dito si Ate Tanya ngayon para makita na si baby. Nung nakaraang linggo pa sana siya uuwi kaso may emergency kaya ngayon lang siya makaka uwi.
“Sevy anak nagluto na ako ng sinigang na hipon. Ako na ang magpapatulog kay Zyler kumain ka na muna.” ani ni Mama kaya dahan dahan kong ibinigay sa kaniya si Zyler. Hindi pa kase ako nakakapag umagahan dahil umiiyak si Zyler kapag hawak hawak ni Tristan.
Umupo na ako sa may harap ng lamesa at nagsandok ng kanin. Magsisimula na sana akong kumain ng may marinig kaming sasakyan na tumigil sa harapan ng bahay. Ang bilis naman ni Ate Tanya, nandito agad siya. Lumabas na sila Tristan at Crystal upang salubungin si Ate Tanya. Nasa labas pa sila pero naririnig ko na ang boses ni Ate Tanya.
“Ayan naba ang napaka gwapo kong pamangkin? Napaka cute naman ng baby Zyler namin.” aniya niya nang makapasok siya sa pinyo at agad na lumapit kay Mama habang pinagmamasdan si Zyler.
“Ang gwapo diba? Ang lakas talaga ng dugo natin.” pagmamalaki ni Tristan. Kapag pinagmamasdan ko si Zyler, si Tyler talaga ang kamuka niya. Kulay berde din ang mata niya katulad nung kay Tyler. Kahit nga ata ilong at labi kay Tyler niya din naman. Napapaisip na lang ako na, bakit hindi ako yung kamuka? Ako yung nagdala ng nine months sa kaniya pero si Tyler ang kamuka.
“Ate Tanya kumain kana muna.” pag aaya ko sa kaniya. Sigurado akong napagod siya sa biyahe at nagutom.
“Mamaya na, busog pa naman ako. Saka nag biyahe ako ng 18 hours para makita ang napaka pogi kong pamangkin. Mamaya maya ako kakain.” natatawa ako dahil tuwang tuwa si Ate Tanya kay Zyler. Gusto nga hawakan ni Tristan si Zyler pero ayaw ibigay ni Ate Tanya. Masaya ako dahil kahit walang kaalam alam yung kapatid nila na ama ni Zyler ay nandito pa rin sila para suportahan kami. Sila din ang tumulong sa akin nung ipinagbubuntis ko pa lang si Zyler.
Itinuloy ko nalang ang pagkain habang pinapanood silang masayang nilalaro si Zyler. Akala ko hindi tatanggapin ni Mama si Zyler dahil unexpected ang pagbubuntis ko kay Zyler pero siya ang nagpalakas sa loob ko nung buntis pa ako.
To Be Continue×
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro