Chapter 4
Four days have passed at ngayon na ang araw na pupunta kami sa Laiya Batangas. Sa sobrang excited ko parang hindi ako makatulog kagabi. Kasalukuyan kaming nasa parking lot ng University namin habang inaantay yung iba pa naming kasama. Dalawang Van yung gagamitin namin dahil buong klase ang kasama. Maliban pa dun sa mga teacher at SSG Officer. Ina arrange namin ni Tristan yung mga kasama nang biglang dumating si Sir Tyler. Magkahawak kamay silang dalawa ni Darcie. Biglang sumikip ang dibdib ko sa aking nakita. Parang nung nakaraan lang bigla bigla niya akong hinalikan. Nagtama ang tingin naming dalawa pero agad akong umiwas at itinuloy ang ginagawa.
“Sevy kumpleto na yung Van 1 saka Van 2.” aniya ni Tristan habang may pinipirmahan. Finally, nahihirapan kase kami kanina dahil parang kulang.
“Mabuti naman kung ganon. Teka saan nga pala ako sasakay?” tanong ko sa kanila. Puno na yung dalawang Van tapos puno na din yung kotse ni Tristan. Puro SSG Officer ang nakasakay sa kotse ni Tristan. Ayaw ko naman sumakay sa kotse ni Sir Tyler dahil nandoon si Darcie. Napandin kong parang may gustong sabihin si Sir Tyler. Magsasalita na sana si Sir Tyler nang biglang magsalita si Sir Andrew.
“Sevy sa akin ka na lang sumabay. Solo lang ako sa kotse ko.” pag aalok ni Sir Andrew. Sakto, aantayin ko pa sana si Ate Tanya pero andito na si Sir Andrew. Bigla naman akong sinamaan ng tingin ni Sir Tyler. Para bang sinasabi niya na tumanggi ako sa alok ni Sir Andrew.
“S-sige po Sir” saad ko na mas lalong nagpadilim ng aura ni Sir Tyler. Kinuha niya yung mga gamit ko at inilagay sa likod ng kotse niya. Ramdam ko parin ang talim ng tingin ni Sir Tyler habang papasok ako sa kotse ni Sir Andrew.
“May relasyon ba kayo ni Tyler?” biglaang tanong ni Sir Andrew nang makapasok kami sa kotse. Relasyon? Bakit mo naman naitanong yun Sir? Nako mukang malabo pa sa patis labo.
“Wala po Sir” Tama wala naman talaga kaming relaayon ehh. Ako lang naman yung nagmamahal sa aming dalawa.
“Sigurado ka ba? Para kasing gusto na niya ako patayin kanina nung inaalok kitang sumabay sa akin. Ramdam ko ang talim ng tingin niya sa akin bago tayo pumasok sa loob ng kotse.” natatawang ani niya habang sinisimulan nang mag drive. Hindi nalang ako sumagot dahil wala ako sa mood. Tuwing naaalala ko kung paano hawakan ni Tyler yung kamay ni Darcie, parang gusto ko na lang mag wala.
“Uhh Sevy gusto mo donut??” pag aalok niya bago kunin yung box ng Dunkin Donut sa may upuan sa likuran namin. Kaagad niyang inabot sa akin yung box nito. Wow sakto may matcha flavor. Wait, matcha flavor? May kakaiba tuloy akong naaalala.
“Six piece's donut yan. Hindi pa kase ako nakakapag breakfast kaya bumili ako bago dumiretso sa waiting area. Feel free to eat some” saad niya habang umiinom ng coffee. Agad ko naman kumuha ng isa at kinain ito. Hindi pa din kase ako kumakain ng breakfast dahil sa pagmamadali ko kanina.
“Sevy..”
“Bakit Sir?” tanong ko sa kaniya.
“I-i kinda like your b-best friend.” nahihiyang aniya nito. Bestfriend? Si Crystal ba ang tinutukoy niya?
Huwhattttt??
Gusto niya si Crystal?
Malamang over the moon yung babaitang yun kapag nalaman niya toh!!
Ikaw ha Sir Andrew type mo pala yung kaibigan ko, don't worry type ka din niya..
“Talaga Sir?” hindi makapaniwalang ani ko sa kaniya habang kumakain ng strawberry donut. This is unexpected, pero hindi na ako magtataka kung bakit di Crystal ang nagustuhan niya. Maganda na sexy pa.
“Pero medyo nagseselos ako kapag lagi niyang kasama si Tristan” he said before looking away. Ha?
Juskoooooo!
Magpinsan sila Sir kaya lagi silang magkasama!!
Sa susunod naman Sir kilalanin mo muna yung pinagseselosan mo!!
“Magpinsan sila Sir.” hindi makapaniwalang saad ko sa kaniya. Sa dinami dami ng pwede niyang pagselosin bakit yung pinsan pa. Nakita ko namang napangiti si Sir habang nag da-drive. Seloso amp*ta. Swerte mo naman Crys! Sana all magkaka love life na. Patuloy pa rin ang paglantak ko dun sa donut ng biglang punasan ni Sir Andrew yung bibig ko gamit ang tissue.
“Your quite a messy eater.” aniya niya habang vini...VIDEOHAN AKO??
“Sir ano naman ang gagawin mo jan.” Ano namang gagawin niya dun sa videong yun? Naku Sir wag na wag mong ise-send kung kani-kanino yun hindi talaga kita tutulungang maging kayo ni Crystal. Medyo inaantok pa ako kaya naisipan kong umidlip muna. Pipikit na sana ako ng biglang mag chat si Crystal.
From: Cryshh.
Beshh. Baka naman.
Picturan mo si Sir tapos isend mo sa akin.
Pang wallpaper lang.
Natawa naman ako sa nabasa ko. Hahaha adik na adik na talaga siya kay Sir Andrew. Bagay na bagay silang dalawa. Isang makulit at isang tahimik.
“Sir mag focus ka sa pag da-drive pipicturan lang kita.” aniya ko habang pinipicturan siya. Taas kilay itong napatingin sa akin. Nagtataka siguro siya kung bakit ko siya pinipicturan.
“Para saan naman?” he asked in confusion.
“Nanghihingi si Crystal ng picture mo, pang wallpaper lang daw. Kaya dapat gwapo ka dali.” Agad namang umayos si Sir Andrew at pinicturan ko na ito. Sinend kona rin agad yung mga pics kay Crys at kilig na kilig naman ang babaita. Feeling niya daw mabubuntis siya nang wala sa oras dahil sa ka gwapuhan ni Sir Andrew. Pwede na palang makabuntis ang ka gwapuhan? Hay naku kalandian nanaman niya.
After kong isend kay Crystal yun ay umidlip na ako dahil inaantok ako.
••
“Sevy. Gising na nandito na tayo.” Nagising ako nang maramdaman kong tinatapik na ako ni Sir Andrew. Agad kong inayos yung white offshoulder dress ko at pinagbuksan ako ni Sir Andrew ng pinto. Nang makalabas ako ang unang bumungad sa akin ay ang masamang hilatsa ng muka ni Sir Tyler. Hanggang pag labas ko ba naman ng kotse masama pa din siyang nakatingin sa akin? Bakit ba lagi niya nalang ako tinitingnan ng masama. Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya.
“Tristan nakita moba yung sinend ko sayo kanina??” tanong ni Sir Andrew kay Tristan. Napatingin ako sa kanila dahil sa sinabi ni Sir Andrew. Hindi kaya sinend na ni Sir Andrew yung video ko habang kumakain?!
“Yeahh i see it. Someone is sleeping like a baby.” nakangising aniya ni Tristan sabay pisil sa tungki ng ilong ko. Natutulog? Akala ko naman yung video ko na kumakain yung sinend niya. Per parang alam ko na kung sino yung tinutukoy nila.
“Oh Tyler bakit parang wala dito si Darcie?” biglaang tanong ni Sir Andrew. Oo nga noh, napansin ko rin na hindi kasama ni Sir si Darcie. Nasaan na kaya yun?
“May emergency sa bahay nila. Kaya hindi na siya sumama.” he said coldly while staring at me. Teka bakit sa akin nanaman siya nakatingin?
“Yo! people I'm here!” sigaw ni Ate Tanya ng makababa siya sa kotse niya.
“Ngayong kumpleto na tayong lahat tara pasok na tayo. Kada isang tao isang kwarto, pero kung gusto niyo naman ng may kalapit pwede kayong lumapit sa akin.” Bigla namang nagtayuan yung iilang sa mga classmate namin at lumapit kay Tristan. Hindi na ako sumunod sa kanila dahil mas gusto kong solo lang at walang kalapit.
“Crystal.” nahihiyang pagtawag ni Sir Andrew kay Crystal na kasalukuyang umiinom ng Ice Coffee.
“Bakit Sir” Napangisi nalang ako dahil alam ko na ang dahilan kung bakit niya tinawag si Crystal. Go Sir Andrew kaya mo yan! Team CRYSDREW!!
“Gusto mo lapit t-tayo?” nauutal na saad ni Sir Andrew habang hindi makatingin ng diretso kay Crystal. Namula si Crystal at tumango nalang siya bilang pagtugon. Halos tumalon naman sa saya ang babaita habang si Ellina naman ay nakasimangot dun sa gilid. Haha bleee hindi ikaw gusto! Haysss kelan din kaya ako magkaka love life? May nagugustuhan ako pero ayaw sa akin. Malas ko naman!
“Lapit tayo Sevy?” pag aalok ni Tristan. Okay din naman siguro kung may makakalapit ako at para may makausap na din. Agad naman akong tumango at akmang lalakad na kami pa alis ng bigla akong higitin ni Sir Tyler. He was clenching his jaw while looking at the both of us. He was mad again? And for what reason?
“Tayo nalang maglalapit Sevianna.” madiin at malamig na aniya niya. Seryoso ba siya? Baka magalit sa akin yung GIRLFRIEND NIYA. Baka sabihan pa nila akong malandi. Saka okay naman na si Tristan yung kalapit ko.
“I'm so sorry Kuya pero ako kase yung naunang mag aya sa kaniya kaya sa akin siya tatabi.” nakangising aniya ni Tristan sabay hawak sa kamay ko. “Saka baka magalit pati yung GIRLFRIEND MO.” aniya ni Tristan bago ako higitin papunta sa kwarto namin.
“May dala kang swimsuit?” unang tanong ni Tristan nang makapasok kami sa kwarto. May dalawang kama at banyo dito sa loob.
“Wala ehh” Gusto ko sanang madala kaso nakalimutan ko. Nagulat kaming dalawa ng biglang may magbukas ng pinto.
“Sakto! At dahil good mood ako ngayon. Tara bili tayo ng swimsuit dun sa shop nila. Medyo malapit lang yun sa Cottage na gagamitin natin. Don't worry girl ililibre kita.” biglang sulpot ni Crystal. Nakaka gulat naman siya, bigla biglang lumilitaw. Good mood dahil magkasama sila ni Sir Andrew sa iisang kwarto.
“Ayoko mag t-tshirt nalang ako.” aniya ko habang patuloy paring nag aayos ng mga gamit. Bigla naman itong lumapit sa akin at hinigit ako papalabas ng kwarto.
“Bawal KJ Sevianna. Tara ako pipili ng susuotin mong swimsuit.” habang naglalakad kami ay nakita namin si Sir Tyler na masayang nakikipag usap sa isang babaeng naka one piece kaya naisipan ko na din mag swimsuit. Nakarating kami dito sa shop sa gilid ng Cottage. Madaming mga magagandang swimsuit ang mga nakahilera dito. Agad naman ako hinigit ni Crystal para makapili ng susuotin. Halos kalahating oras din ata kaming namimili ng swimsuit dahil hindi siya makapag decide dahil lahat daw bagay sa akin.
“Beshhy. Eto na ang pinili kong susuotin mo. Yan pakkk bagay na bagay sayo yan.” malakas na sigaw niya habang inaabot sa akin yung black na.. TWO PIECE? Seryoso ba tong babaitang toh. Alam kong maganda ang kurba ng katawan ko pero halos kita na dito ang buong katawan ko eh. Saka hindi ako sanay mag suot ng ganito.
Ayaw magpatalo ni Crystal kaya wala akong nagawa kung hindi pumunta sa fitting room at magpalit. Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin feeling ko tutulo na laway ko. Bagay na bagay nga sa akin tong swimsuit na pinili ni Crystal, kitang kita ang magandang hubog ng katawan ko. Agad naman akong lumabas sa fitting room at ipinakita ito kay Crystal.
“OMG girl para kang model! Ate magkano yun bibilhin ko na? Saka itong purple two piece kukuhanin kona din.” saad ni Crystal sa sales woman habang kumukuha ng pera.
“Bali 950 pesos po lahat. 500 po yung color Black at 450 yung Purple.” aniya nung sales woman habang nasa counter.
“Huwag mo na hubadin yan Sevy. Patungan mo na lang ng Over size t-shirt tapos dederetso na tayo sa Cottage malamang nandoon na silang lahat.” ani nito bago pumasok sa isang fitting room. Susuotin niya na din siguro yung binili niya.
Nang matapos na kami mamili napagpasyahan na naming dumiretso na sa cottage. Ang lahat siguro ay nandoon na ngayon dahil magtatanghalian na. Nasa malayo pa kami ng saktong lumanding ang paningin ko dun sa lalaking nag iihaw ng mga barbeque. Oh My he's shirtless. Feeling ko tuloy mag da-day dream nanaman ako. Goshhh stop yourself Sevianna!
Bigla naman akong nainis ng biglang may lumapit na babaeng naka one piece sa kaniya. Nilalagyan nung babaeng higad ng sunblock si Sir Tyler. Hindi ko kilala yung babae hindi naman namin siya kasama nung pumunta kami dito. Grabe hinahawakan niya yung katawan ni Sir Tyler. Ako nga hindi ko pa nahahawakan yun.
“Crysh pigilan mo ako. Parang may gusto akong saksakin ng barbeque stick sa mata.” seryosong aniya ko na nagpatawa sa kaniya.
“Hay na ko Sevy. Huwag mo na lang sila pansinin.” aniya niya bago kami pumasok sa cottage.
“Hoy saan kayo nagpunta? Halos libutin na namin ni Sir Andrew yung buong resort para lang mahanap kayo.” bungad ni Tristan nang makapasok kami sa cottage.
“Couzz sa bumili lang kami ng swimsuit. Napaka over protective mo pag dating kay Sevy.” Crystal said as we sat in the chair.
“Tara ligo na tayo” pag aaya ni Ms Secretary sa amin. Halos lahat kase ng mga classmates namin ay mga naliligo na. Kami nalang mga SSG Officer ang nandito sa cottage.
“Ako nalang maiiwan dito. Wala pa ako sa mood mag swimming” biglaang singit ni Mr PIO kay tumango kami. Hinubad na ni Crystal yung damit niya bago lumabas sa cottage habang ako naman ay naka over size t-shirt padin. Nasa tapat kami nila Sir Tyler ng biglang nagsalita si Crystal.
“Sevianna bumili tayo ng swimsuit para suotin. Hubadin mo na yang t-shirt mo.” hindi ako titigilan ng babaitang to kapag hindi kopa hinubad t-shirt ko. Kaya wala akong nagawa kundi hubarin ito. Inilagay ko yung t-shirt ko sa gilid ng lamesa kung saan nakalagay yung mga barbequeng niluto ni Sir Tyler. Nakita kong halos tumulo na ang laway ni Sir Tyler habang nakatingin sa katawan ko. Yan maglaway ka! Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta na kami ni Crystal kung nasaan sila Tristan at Sir Andrew.
To Be Continue×
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro