Chapter 17
SEVIANNA KATE POV:
*BOOOGSHHHHHH*
Halos gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang pagbanggang iyun. Nawalan ng preno si Tyler at naaksidente siya. Ano nang gagawin ko? Agad kong kinuha ang cellphone ko at tumawag ng ambulasya bago lumabas sa kotse ko at tumakbo kung saan nabagga si Tyler. Kinabahan ako ng makita kong umuusok na yung sasakyan niya. Maya maya lang ay dumating nadin yung ambulansya at dinala na si Tyler sa ospital.
Hindi ako mapakali. Paano kung may masamang mangyari kay Tyler? Kasalanan ko toh eh. Hindi agad ako naniniwala sa kaniya. Nagalit lang naman ako dahil hindi ko kayang masaktan muli. Habang naka upo ako at umiiyak ay dumating na sila Crystal at Tristan kasama si Sir Andrew. Kaagad akong tumakbo papunta kay Crystal at umiyak.
“Crystal, paano kung may mangyaring masama kay Tyler? Hindi ko kakayaning mawala siya. Paano na yung mga anak namin? Crystal hindi ko kaya!” humahagulgol kong saad habang nakayakap sa kaniya. Agad naman ako nitong pinapakalma at hinihimas niya ang likod ko.
“Shh walang mangyayaring masama kay Kuya Tyler. Mag dasal tayo para maging maayos na siya.” pagpapakalma niya sa akin. Hindi ko mapigilang kabahan at matakot dahil sa nangyari. Ilang oras din ata ang nagtagal bago lumabas yung doctor mula sa operating room. Agad akong lumapit sa kaniya para malaman ang kalagayan ni Tyler.
“Hello Ms Sevianna. I just wanted to say that the patient is okay. Pero na coma po siya. Baka abutin ng linggo o buwan bago siya magising. Wala na naman problema dahil naayos na namin ang mga sugat na natamo niya.” pagpapaliwanag ni Doctora. Mas lalong tumulo ang luha ko. Salamat maayos na si Tyler. Kahit ilang linggo pa o buwan ang tumagal. Hihintayin kitang magising mahal ko.
As week's have passed by, hindi padin siya nagigising. Miss na miss kona siya at gustong gusto kona siya makausap para maayos namin ang relasyon namin. Sana mapatawad mopa ako mahal ko. Sila Skylaire at Zyler naman ay nasa Mansion nila Mama. Hindi sila pwede sa hospital kaya hindi ko sila sinasama. Hindi ako mawawalan ng pag asa, alam kong magigising si Tyler at mabubuo muli ang pamilya namin. Sana gumising kana, miss na miss kana namin ng anak mo.
Isang araw habang umiinom ako ng kape, hindi ako nakatulog dahil sa hinihintay ko siyang magising kahit wala pang kasiguraduhan. Lumabas muna ako ng hospital para bumili ng makakain sa 7/11 dahil hindi pa ako nakain ng tanghalian at dinner dahil nakatulog ako kanina kaka antay kay Tyler. Palagi akong nasa hospital at sila Tristan at Crystal muna ang nagbabantay sa mga bata. Kumuha ako ng noodles at tinapay saka kape. Agad din akong bumalik sa hospital para mabantayan kona ulit si Tyler. Mapayapa akong nag kakape habang naglalakad ng biglang may tumatakbong nurse ang lumapit sa akin. Hingal na hingal ito dahil sa pagtakbo.
“Ms Sevianna Kate, gising napo si Sir Tyler.” masayang saad nung nurse. Hindi ako makapaniwala. Gising na si Tyler? Sa wakas gising kana mahal ko. Biglang tumulo ang luha ko nang marinig ko ang sinabi ng nurse na yun. Miss na miss kona siya pati narin ang mga anak niya. Kaagad akong sumunod sa nurse patungo sa kwarto ni Tyler. Kagaya niya ng sabi ng nurse, nandoon si Tyler at gising na siya. Kaagad akong tumakbo papalapit sa kaniya at niyakap siya. Lalong nagbagsakan ang luha ko dahil gising na siya. Pero halos gumuho ang mundo ko ng itulak niya ako at dahil sa sinabi niya.
“Who are you? And why are you hugging me?” Ano bang pinagsasasabi niya?
“Tyler ako toh si Sevy. Huwag ka naman magbiro ng ganiyan mahal. Hindi kase nakakatuwa.” kinakabahan na saad ko habang pinipilit ngumiti. Hindi niya ako makakalimutan, hindi siya magkaka amnesia. Saad ko sa sarili ko habang pinapakalma.
“Mahal? Don't call me that, it's annoying. I don't even know you so stop.” malamig na saad niya. Hindi. Hindi ito maaari. Hindi niya ako pwedeng kalimutan. Alam kong may masakit akong nasabi sa kaniya pero. Huwag naman ganito mahal. Hindi ko kakayanin toh.
“Please Tyler huwag ka naman magbiro ng ganiyan. Ako nga toh si Sevy, may mga anak na tayo Tyler. Dalawa sila si Zyler at Skylaire.” pagmamakaawa ko. Huwag mo naman sana kami kalimutan.
“Never heard of that name before and i don't care about you and your children. I'm single and still waiting for Darcie. She's the only girl i love and she's the only girl i will mary. And I would never like someone like you. You look disgusting and your not even pretty. Don't be so desperate girl.” i stare at him shocked. Bakit ganito? Ano nang nangyayari. Biglang pumasok ang doctor at tinurukan siya ng papatulog para magpahinga. Agad akong pinasunod ng doctor sa kaniya at kinausap. Hindi padin ako makapaniwalang nakalimutan niya talaga ako. Hindi ako makapaniwalang masasabi niya sa akin ang mga bagay na iyun.
“I'm so sorry Ms Sevianna pero nagkaroon ng amnesia si Sir Tyler Clyde. Ang dahilan siguro nito ay ang pagkaka hampas ng ulo niya nang maaksidente siya kaya siya nagka ganun. Pero handa ho kaming gawin ang lahat para maibalik ang memorya niya.” pagpapaliwanag ng doctor. Napatulala nalang ako dahil sa sinabi niya. Kaagad kong tinawagan si Tristan at Crystal para sabihin ang balita at agad silang nagtungo sa hospital.
“Sevy what happened? Nasaan si Kuya.” agad na tanong ni Tristan habang tumatakbo papalapit sa akin. Hindi ko mapigilang umiyak at niyakap ko siya agad. Sobrang sakit, hindi ko matanggap na nakalimutan niya ako. Kaagad niya akong niyakap pabalik ang pinapakalma habang si Crystal naman ay nasa likod niya.
“Gising na si Tyler pero.. Hindi niya na ako maalala Tristan. Ano nang gagawin ko? Paano kung tuluyan niya na akong makalimutan? Hindi ko kakayanin yun Tristan.” humahagulgol kong saad sa kaniya habang hinihimas niya ang likod ko.
“What nakalimutan ka ni Kuya Tyler? Ganoon naba kalala ang pagkaka bangga niya?” nag aalalang tanong ni Crystal.
“Oo at sinabi niyang si Darcie lang ang babaeng mamahalin niya at pakakasalan. Ano nang gagawin ko? Baka iwanan niya kami ng mga anak niya. Paano na sila Zyler at Skylaire? Baka ipagtabuyan sila ni Tyler. Ayokong mangyari yun Tristan.” umiiyak padin ako. Baka masaktan sila Zyler kapag nalaman nilang hindi sila kilala ni Tyler.
Kaagad na naglakad papasok si Tristan sa kwarto ni Tyler at naabutan namin itong nakaupo.
“Oh bro why are you here?” tanong ni Tyler sa kapatid. Wait naaalala niya si Tristan?
“Crystal nandito karin pala.” dagdag pa nito. I was stunned. Nakikilala niya sila Tristan at Crystal pero ako hindi. Ano nang nangyayari? Biglang pumasok si Doc at sinabing kakausapin niya daw ako. Lumabas kami sa kwarto ni Tyler at kinausap niya ako.
“Sir Tyler Clyde's memories of you has vanished. Ikaw lang ang nakalimutan niya. Marami na akong naging pasyenteng katulad ng nangyari sa kaniya and i should say na sobrang tagal bago sila naka alala. There's no cure for this and kailangan nalang talaga nating hintayin ang pagbalik ng alaala niya.” malungkot na balita ni Doc. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Ako lang? Ako lang ang nakalimutan niya? Bakit ba nangyayari sa akin toh? Bakit kailangan ako pa ang makalimutan niya. Before i knew it bigla nalang akong nahimatay dahil sa stress at pagod
_
_
5 months na ang nakakalipas pero hindi parin ako maalala ni Tyler. Akala ko pagkatapos ng isang linggo ay maaalala niya na kami, pero mali pala ang akala ko. Magkasama padin kami sa bahay pero hindi kami nag uusap o nagpapansinan man. Pansin ko na araw araw malungkot si Zyler. Palagi niya kaseng inaayaang maglaro si Tyler pero hindi siya nito pinapansin. Kasalukuyan akong naglalaba ngayon nang marinig kong sumisigaw si Tyler. Kaagad akong tumakbo papunta sa sala at nakita kong umiiyak si Zyler habang basag yung paboritong vase ni Tyler. Umiiyak si Zyler habang nagsosorry pero galit padin di Tyler.
“Your so f*cking annoying. Palagi kana lang nangungulit. Diba sinabi ko sayong tigilan mo ang pagtawag ng Daddy sa akin dahil hindi naman kita anak.” galit na sigaw ni Tyler sa anak habang patuloy padin ang paghingi nang tawad ni Zyler sa ama.
“Your so pathetic. You broke my favorite vase and that vase is from Darcie. It's so important to me you f*cking brat. Go away brat before i hurt you.” he said angrily. Hindi kona napigilan ang sarili ko at sinampal ko siya. How could he say that to our son! Hindi porket kinalimutan niya na kami ay pwede niya nang sabihan ng ganun si Zyler!
“What is wrong with you.” naiinis na saad niya nang sampalin ko siya. Masama ko siyang tiningnan bago magsalita.
“Ang kapal ng muka mong sabihin sa anak natin ang mga bagay na yun.” galit na saad ko pero tinawanan niya lang ako.
“I already told you that he's not my son. I don't have a son, and I'm still waiting for Darcie. Your all annoying, i don't know why i have to stay with you. You all are getting on my nerves. And i will never loved you. Your so desperate woman.” bumalik nanaman yung mga alala ko na sinasabi niyang hindi niya ako magugustuhan. Sobrang sakit. Huli na ng malaman kong tumutulo na pala ang mga luha ako. Nabigla ako nang biglang sumigaw si Zyler.
“I thought after you wake up our family will be okay again. But you always hurt Mom and your cheating on her. I saw it, Mom was crying while you were kissing another woman. I think it's not a good idea to forgive you. I don't want to see you again. I'm gonna live with Tito Dad. Your so selfish i hate you. Hindi na ikaw ang Daddy ko and i hope Mom finds a better man, yung magiging Daddy ko na mabait at hindi lolokohin si Mommy.” galit na saad ng anak ko bago tumakbo papasok sa kwarto niya. Nagulat ako sa sinabi ni Zyler. Paano niya nalaman yung nangyari ng gabing yun? Pag kakaalam ko ay tulog na siya. Wala naman akong magawa kundi hayaan si Tyler na magdala ng babae dahil sa kaniya itong bahay at wala siyang pakielam sa akin. Masama kong tiningnan si Tyler bago sundan si Zyler. Nasaktan niya ng sobra si Zyler, hindi ko alam kung mapapatawad pa siya nito. Malamig padin ang tingin niya sa akin.Hindi niya na siguro kami maaalala. Kailangan kona siguro sumuko. Baka hindi talaga kami para sa isa't isa. Kailangan kona siyang kalimutan para sa mga anak ko, sobra na akong nasasaktan sa ginagawa mo Tyler eh. Mahal kita pero, kailangan ko munang unahin yung mga anak.
To Be Continue×
× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)
By: Queen Yeliah WP
Wattpad Acc: queen_yeliah
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro