Chapter 14
SEVIANNA KATE POV:
_
_
3 MONTHS PASSED:
_
_
Kasalukuyan akong nagluluto ngayon nang kakaining umagahan ng mga mag aama ko. Nagluto ako ng spam, buttered shrimp, omelet, hotdog at kimchi rice. Yun kase ang request ni Tyler. Habang naghahanda ako nang mga pagkain narinig kong lumabas na ng kwarto si Tyler.
“Good Morning.” saad niya bago umupo sa upuan. Agad ko namang inilapag yung mga pagkain sa lamesa para makakain na at baka malate pa siya sa trabaho.
“Good Morning. Tulog paba si Zyler” tanong ko sa kaniya. Tumango tango nalang siya bago magsandok ng kanin. Napansin ko ding naka simangot siya nung lumabas sa kwarto. Bad mood ba siya? Hindi ba niya nagustuhan yung ginawa namin kagabi?
Umupo nadin ako at nagsimulang kumain. Nagtataka ako dahil hindi man lang siya nagsasalita. May problema ba siya? Tahimik lang kami habang kumakain dahil baka magalit pa siya kapag nagtanong ako. Maya maya ay tumayo na siya sa kinauupuan niya at naglakad patungo sa cr. Nagtataka ulit ako dahil routine na namin yung hahalikan niya ako bago pumasok sa banyo. Ni hindi nga manlang siya nag I love you. Galit ba siya sa akin? Medyo na curious ako kaya kaagad ko siyang sinundan sa banyo para sabayan siya maligo. Agad akong kumatok sa pinto nang makarating ako dun.
“Love sabay tayong maligo.” saad ko bago pihitin yung doorknob ngunit naka lock ito. Lagi naman kaming sabay naliligo sa umaga ah?
“Not now Sevianna.” he said in irritated voice. Nalungkot ako dahil hindi naman siya ganun. Tahimik akong naglakad papalayo sa kaniya at bumalik nalang sa kusina.
Nang matapos siyang maligo agad siyang nagbihis at umalis. Nalungkot ako dahil hindi niya man lang hinalikan yung mga anak niya at saka ako. Isinawalang bahala kona lang siya nung marinig ko yung pagiyak ni Skylaire at pinuntahan ito. Nagugutom na siguro siya. Habang pinapad*de ko ito napapaisip parin ako sa mga kinikilos ni Tyler. Nawawalan naba siya ng pagmamahal sa akin? Napa buntong hininga nalang ako dahil umiiyak nanaman si Skylaire.
_
_
Medyo mag gagabi na ngayon pero wala parin si Tyler. Hindi naman weekends ngayon kaya hindi siya mag oover time. Kanina padin ako hintay ng hintay sa reply niya sa message ko pero hindi man lang siya nagreply. Nakain kami ng mga nachos, burger, fries at milktea ngayon dito sa bahay. Kasama ko sila Tristan at Crystal ngayon na broken hearted. Yung daw kasing nurse sa hospital kung saan nagtatrabaho si Sir Andrew ay nakikipag landian sa jowa niya. Kahapon nahuli daw ni Crystal na naghahalikan yung dalawa kaya magka away sila ngayon. Ang nakakapag taka pa ay hindi man lang nag sosorry si Sir Andrew. Limang buwan nalang ikakasal na sila tapos ngayon pa sila nagka problema.
“Besh tara bar tayo. Maghahanap ako nang bagong jojowain. Ayaw na ata sa akin ni Andrew. May bago na siyang gusto.” lumuluhang saad niya. Kawawa naman itong kaibigan ko, pero alam kong loyal si Sir Andrew sa kaniya. Baka cool off muna silang dalawa ngayon.
“Besh huwag na. Hihintayin ko pati si Tyler para makilag usap ngayon. Bukas nalang kita sasamahan.” aniya ko bago sumubo ng nachos. Nagulat kaming lahat ng tumunog yung cellphone ko.
Agad ko itong kinuha at tiningnan, nag chat si James. Nang buksan ko ang message niya biglang gumuho ang mundo ko. Naluha ako nang makita ko yung mga picture at video na sinend niya. Paano niya nagawa sa akin toh? May babaeng naka upo sa hita ni Tyler at naka ngiti pa siya. Mas lalong nadurog ang puso ko nang panoodin ko yung video na sinend niya. Dahil nakikipaghalikan si Tyler dun sa babaeng naka upo sa hita niya at halatang nagugustuhan niya ito. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit ganoon niya ako tratuhin? Akala ko ba huli na yung sa secretary niya? Paano mo nagawa sa akin toh Tyler? Kung hindi pa sinend ni James sa akin hindi kopa malalaman na niloloko niya ako.
Napansin nila Crystal at Tristan na lumuluha ako kaya nag papanic silang nagtanong sa akin. Agad kong ipinakita sa kanila yung kahayupang ginagawa ni Tyler kasama yung panibagong babae niya.
“Paano niya nagawa sayo toh. I'm gonna punch him.” galit na saad ni Tristan habang papatayo ngunit pinigilan ko siya.
“Besh hahayaan mona lang ba na lokohin ka niya? Alam kong pinsan ko siya pero hindi ko matatanggap na niloloko kalang niya.” Hindi ko alam ang gagawin ko. Kapag nakipag hiwalay ako kay Tyler mawawalan ng ama sila Zyler at Skylaire. Kapag naman nag stay ako sa kaniya masasaktan lang ako. Gusto kong malaman ang totoo kaya agad kong sinend sa kaniya yung mga picture para komprontahin siya.
Me:
(Pic*)
(Pic*)
(Video*)
Ano toh Tyler? Nambababae ka? Bakit mo nagawa sa akin toh
_
From: Hubby
Not now Sevianna I'm busy. Mamaya nalang tayo mag usap. Ano naman kung nambabae ako? Bawal ba? Hindi naman tayo kasal ah?
_
His message shattered my heart into pieces. Nambabae siya dahil hindi pa kami kasal? Hindi naman kasi siya nag popropose sa akin. Napatawa ako ng mapait dahil sa sinabi niya. So you wanted to play huh? That's what you wanted. Don't come to me angry if i played better than you.
“Tara besh Bar. Kalimutan na natin yang mga lalaking yan. Wala silang kwenta, kakalimutan kona din si Andrew hanap nalang tayo ng bago. ” pag aaya niya ngunit nag dadalawang isip ako dahil walang mag aalaga sa ANAK KO!
“Ako na mag aalaga dun sa dalawang pamangkin ko. Magpa lamig muna kayong dalawa. Tawagan niyo nalang ako kapag lasing na kayo.” saad niya kaya agad akong nagtungo sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Napili kong suotin ay yung Black Silk Dress ko na backless at strapless. Si Crystal naman ay Red Silk Dress na plain. Ayw niya daw mag backless dahil baka lamigin siya. May confidence naman ako magsuot ng mga fitted dress dahil nagpapayat ako nung mga nakaraang linggo. Nang matapos na kami magbihis agad kaming nagpaalam kay Tristan bago sumakay sa sasakyan at umalis.
“Alam mo besh ngayon lang ulit ako makakapag bar. Ilang years nadin kami ni Andrew pero nagawa padin niya magloko. Dahil ba sa hindi pa ako handa ibigay yung virginity ko sa kaniya? Gusto kolang naman I reserve yun kapag ikakasal na kami. Ilang buwan nalang pero hindi pa siya nakapag antay.” malungkot na saad ni Crystal. Nalulungkot din ako para sa kaniya. Bakit kaya nagawa ni Sir Andrew yun sa kaniya.
“Nakakalungkot man pero kailangan nating tanggapin na hindi tayo magiging sapat para sa kanila. May anak na kami't lahat pero nagawa niya padin magloko.” aniya ko habang pinipilit hindi tumulo ang luha. Napansin ito ni Crystal kaya pinatatahan niya ako. Ngayong gabi iisipin ko na wala akong boyfriend at magpapakasaya lang.
Maya maya lang ay nakarating na kami sa Nelva Bar at pumasok. Sobrang daming tao at halos lahat ay nagsasayawan. Habang naglalakad kami nakakita ako ng pamilyar na muka. Parang si CZEDRICK yun ah? Czedrick is my cousin on my mother side, what was he doing here.
“Crysh samahan mo ako parang nakita ko kase si Czedrick.” paghigit ko sa kaniya habang patungo kami sa bartender. Nakita ko itong umiinom ng alak at mukang medyo lasing na.
“Si Czedrick? You mean yung pinsan mong adik kay Xiara Claire?” Kilala din Crystal si Czedrick dahil nung nagkita kami ni Czedrick dati ay kasama ko ito.
“Czedrick!” pag tawag ko sa kaniya. Agad naman itong lumingon at ngumisi.
“Hello sa pinakamaganda kong pinsan. Anong ginagawa niyo dito.” tanong ni Czedrick nang umupo kami sa tabi niya.
“Ikaw dapat ang tinatanong ko, anong ginagawa mo dito?” taas kilay kong tanong sa kaniya.
“Si Xiara kase eh may gusto nang iba. Iniwan niya ako kanina para makasama si Drake at mukang ansaya niya pa.” malungkot na saad niya. Sus yun lang pala, buntisin mo.
“Ganun ba. Gusto bigyan kita ng tip kung paano mapasayo yung babaeng gusto mo?” tanong ko sa kaniya. Agad naman itong tumango tango na parang tuta at masayang nakatingin sa akin.
“Paano Couzz? Para saakin nalang si Xiara. Baka agawin pa ni Drake eh.” lasing na saad niya habang patuloy padin ang pagtungga sa alak. Hayss sad boi ang p*ta. Agad akong umorder ng alak at kinausap siya.
“Simple lang. Buntisin mo para walang kawala, diba sabi mo may gusto din siya sayo dati? Malay mo bumalik feelings niya sayo.” Malay mo? Saka para magka pamangkin nadin ako. Ayaw pa mag anak ni Nyx kaya wala pa akong pamangkin.
“Sa tingin mo hindi siya magagalit sa gagawin ko?” inosenteng tanong niya.
“Oo minahal ka naman niya diba? Malay mo mahalin ka ulit niya.” pagkukumbinsi ko dito. Agad naman siyang napangiti.
“Eh ikaw bakit ka nandito Couzz? Let me guess nag away kayo nung jowa mong hindi kopa nakikilala.” Paano mo makikilala eh lagi kang busy. Saad ko sa sarili ko.
“Siguro hiwalayan na hindi lang away. Dun na siya sa panibagong babae niya.” aniya ko bago lumagok ng apat na baso ng alak. In fairness masarap toh, medyo nakakahilo nga lang. Malamang alak iniinom ko. Napatingin naman ako sa kabilang gawi ko at naabutan kong may kausap na gwapong lalaki si Crystal. Pero kung titingnan ay mas gwapo si Sir Andrew.
Kaya agad akong nakaisip ng kalokohan. Pinicturan ko silang dalawa, yung kitang kita na masayang nakikipag usap si Crystal dun sa lalaki at sinend ito kay Andrew. Wala pang isang minuto ay tinatadtad na ako ni Sir Andrew ng chat.
From: Jowabels ni Crysh
Where are you?
And who's that f*cking man?
Is she flirting with him?
F*ck I'm gonna k*ll that bastard!!
Tell me what bar are you both in?
_
Natawa lang ako kay Sir Andrew. Forda selos ang ferson. Wala akong balak replyan siya kaya sineen kona lang. Tumatawag panga ito pero hindi kona sinagot. Bahala na siyang isa isahin yung bar dito sa buong bayan. Kaya agad kong pinatay yung cellphone ko at ipinagpatuloy ang pag inom ng alak.
Halos nakaka sampung shot na ata ako nung alak na matapang at medyo nahihilo narin ako. Marami narin ang naiinom ni Crystal at nasayaw na siya kasama yung lalaki. Naalala ko tuloy si Sir Andrew, nagpapanic na kaya siya ngayon? Natatawa nalang ako habang iniisip ko yun. Patuloy nalang ang pag inom namin ni Czedrick ng alak habang panay ang tadtad ng chat kay Xiara. Natatakot at baka agawan pa siya ni Drake. Medyo naiilang ako dahil kanina pa may nakatingin sa akin mula sa gilid na lalaki. In fairness medyo gwapo siya. Hindi ba siya lalapit saakin? Hindi ako mag fifirst move noh! Gold ako duh! Maya maya lang ay naglakas loob itong lumapit sa akin.
“Hi Miss, anong ginagawa mag isa ng isang magandang binibining katulad mo dito?” tanong niya sabay lagok ng alak na hawak niya. Nginitian ko siya bago sumagot nang..
“Gusto kolang magsaya. Ikaw ba anong ginagawa ng gwapong katulad mo dito sa bar? Baka magalit girlfriend mo niyan. Nakikipag usap ka sa ibang babae.” saad ko sa kaniya. Baka kase rambolin ako ng jowa niyan kapag nakita kami.
“Don't worry Miss Beautiful, Im single. How about you Ms? and what's your name?” tanong niya.
“Single. Kaka break lang namin nung ex ko and hi I'm Sevianna Kate, you can call me Sevy ” Hayss naiinis nalang ako kapag naaalala ko si Tyler.
“Wow that's great and your name is beautiful just like you. Btw I'm Samuel nice to meet you and we're both single, how about we dance on the dance floor?” saad niya sabay lahad ng kamay sa akin. Agad ko naman itong tinanggap at sumama sa kaniya. Hinila niya ako sa dance floor at hinapit ang bewang ko. Inilagay ko ang kamay ko sa balikat niya at sumayaw kami. Inabot kami ng Limang minuto na ganun ang pwesto at sumayaw.
Naramdaman kong hinahalikan niya na ako sa leeg pero hinayaan kona lang siya. Naglalakbay nadin ang mga kamay niya sa katawan ko habang hinahalikan niya ang leeg ko. Nagulat ako nang bigla niyang ilapat niya yung labi niya sa labi ko. Nung una hindi ako tumugon dahil hindi ko naman siya kilala. Tutugon na sana ako nang makita ko sa gilid ang lalaking masama ang hilatsa ng muka. Galit itong nakatingin sa akin kasama si Sir Andrew na sa tingin palang ay halatang pap*tayin niya yung kayakap ni Crystal na lalaki.
Mukang mayayare kami ngayong dalawa....
To Be Continue×
× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)
By: Yeliah Writes
Wattpad Acc: queen_yeliah
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro