Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

BWAACHHH Suka ko habang nakahawak sa toilet bowl. Hindi kona kaya palagi nalang ako nasusuka. Wala naman akong kinakain na panis eh. Nung nakaraang linggo pa ako nagsimulang maging ganito.

“Mommy are you sick po again?” nag aalalang tanong ng anak ko habang malungkot na nakatingin sa akin. Hinimas himas niya yung likod ko habang patuloy padin ang pag suka ko.

Isang buwan na din kaming hindi nagkikita ni Tyler. Pagkatapos nung nangyari sa amin ay tinakasan kona lang siya. Akala ko pa nga na hahanapin niya ako at hihingi siya nang tawad sa amin nang anak niya pero hindi. Baka nandun na siya sa GIRLFRIEND niyang si Darcie. Naiinis ako dahil bakit ako pa yung tinawagan niya imbis na si Darcie. May pasabi sabi pa siyang don't leave me your my life. Tskk!!

“Mommy gusto niyo poba tawagan kona si Tita Crystal??” tanong niya.

“Hindi na anak Mommy is totally fine.” That was a lie, ayaw kolang mag alala siya nang sobra sobra. Nakatira kami ngayon ni Zyler sa condo ko. Nakakahiya naman kung mag sta-stay pa kami sa bahay nila Mama. Maayos nadin ang pakiramdam ni Papa at kakalabas niya lang ng hospital kahapon. Hindi ko sinasabi kahit kay Tristan at Crystal yung nangyayari sa akin dahil alam kong mag papanic nanaman yung dalawa.

I always feel sleepy, tired even though I'm not doing anything.

“Anak tutulog muna si Mommy ha. Be a good boy and just play on your iPad while I'm asleep.” aniya ko at tumango nalang siya. Agad akong nahiga sa kama ko at ipinikit na ang mga mata.

_

_

_

Nagising ako sa sobrang init, pinapawisan ako nang sobra sobra at nababalisa. Ano bang nangyayari sa akin. Gusto ko.. Gusto kong maamoy yung scent ni Tyler. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko pero hindi ko talaga kaya. Agad kong tinawagan si Tristan.

-

*On Call*

[Ohh napatawag ka Sevy?]— Tristan.

“Tristan may—roon kabang damit nang kuya mo jan?” nauutal na aniya ko habang paikot ikot sa sala. Hindi ako mapakali.

[Meron naman. Teka saan mo naman gagamitin yun?]— Tristan.

“Basta dalhin mona lang dito. Kailangan ko talaga please.”aniya ko bago patayin yung tawag.

Nagtalukbong na muna ako nang kumot habang inaantay si Tristan. I want to smell his scent, i don't know why. Dahil ba sa namimiss kona siya? Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang mayakap, gusto ko siyang halikan.

Maya maya lang ay may narinig na kaming kumakatok sa pintuan namin.

“Ako napo magbubukas Mommy pahinga kana lang po jan.” saad ni Zyler bago ako halikan sa pisnge at lumabas na siya sa kwarto. Nagulat nalang ako nang biglang pumasok sa kwarto ko si....TYLER???

“What happened Sevy? Is there something wrong?” kinakabahan na aniya niya bago ako yakapin. Hindi ko alam pero nagsimula na akong umiyak. I really miss him.

“Shh everything will be okay.” aniya niya bago bumitaw sa yakapan namin.

“Do you want to eat something? Or do you want me to buy you something??”

“I m—miss your scent.” nahihiyang aniya ko habang yung anak namin ay nakatayo sa gilid at nakatingin sa amin.

“Hmm really? I miss you too love. Bakit mo kase ako iniwan nung araw na yun. Akala ko ayaw mona sa akin.” saad niya bago ako halikan sa labi. I miss his scent, i miss his smile, i miss everything about him.

“Nandito po ako Mommy, mamaya nalang po kayo mag kiss.” tinaasan kami ng kilay nang anak namin habang naka pamewang dun sa gilid. Agad naman kaming tumigil at humarap si Tyler sa anak niya.

“Give your Daddy a hug.” aniya ni Tyler kay Zyler. Nag dadalawang isip na lumapit si Zyler sa ama at niyakap ito.

“Anak sorry, daddy didn't cheated on your Mommy. That girl wants to break my relationship with your Mommy. Sorry again anak i hope you forgive your Daddy.” aniya ni habang mahigpit na nakayakap sa anak.

“I promise I'll make it up to you anak just forgive me. I can't sleep thinking that you and your Mommy is mad at me.” lumuluhang saad ni Tyler habang nakayakap parin kay Zyler.

“I forgive you Daddy. But promise me that you won't hurt Mommy again and you'll have to buy me 20 books.” 20 books? Parang andami naman ata non anak.

“Okay i promise baby and if you want books i will give you my black card.” he said na nagpalaki nang ngiti ni Zyler. Sobrang hilig niya talaga sa libro parehas sila nung ama niya.

“Daddy i think Mommy is sick. Palagi po siyang sumusuka tuwing umaga, naghahanap ng cucumber at lagi din po siyang tulog. Kahapon nga po kumain siya ng cucumber at vanilla ice cream.” aniya ni Zyler bago bumitaw sa yakapan nila.

“You're pregnant?” biglaang tanong niya. Ako buntis? Pero parang pareho kase yung nangyayari sa akin ngayon at nung nagbubuntis ako kay Zyler. Hindi kaya buntis nanaman ako???

“H—hindi ko alam.” nauutal na sagot ko. Paano kapag buntis nanaman ako. Naalala kong may nangyari nga pala sa amin ni Tyler nung nakaraan. Agad siyang may tinext at paglipas nang wala pang halos 15 minuto ay may kumatok sa pintuan namin.

“I'll open it.” aniya bago umalis at pumunta para buksan yung pinto. Agad din siyang bumalik na may hawak hawak na Pregnancy Test.

“Try this Love.” he said before handing me the PT. Agad ko naman itong kinuha at nagtungo na ako sa banyo. Ewan koba parang kinakabahan ako. Nang matapos na ako nagulat ako dahil dalawang linya ang lumabas. Buntis ako?? Masaya akong lumabas nang banyo, ano kaya ang magiging reaksyon ni Zyler kapag nalaman niyang magiging Kuya na siya.

“Positive buntis ako.” masayang aniya ko sa kanilang dalawa. Agad na nagtatalon si Zyler.

“Magiging Kuya napo ako Mommy.” masayang aniya ni Zyler sabay halik sa pisnge ko. Pero nagtaka ako dahil malungkot at parang nagulat si Tyler.

“Hindi kaba masaya?” tanong ko sa kaniya. Nagulat nalang ako nang biglang tumulo ang luha niya.

“Buntis ka? Sino ama niyan? Bakit mopa sinabing mahal mo ako kung may iba kana pala. Huhuhuhu akala ko pa naman mahal mo ako.” humahagulgol na aniya niya. Para siyang bata na inagawan nang candy. Natawa naman ako dahil akala niya ibang lalaki ang ama nung pinagbubuntis ko.

“Bakit ka natatawa? Sabi na eh hindi mo ako mahal. Pinagpalit mona talaga ako huhuhu.” Agad ko siyang binatukan, parang t*nga eh.

“T*nga kaba? Ikaw ang tatay, nakalimutan mona bang may nangyari sa atin nung kakauwi palang namin dito?”

“Ayy oonga noh. So ibig sabihin wala kang ibang lalaki? At ako ang ama niyan?” tanong niya. Aba malamang kahi mang mabuntis ako nang walang nangyaring kababalaghan.

“Malamang.” masungit na aniya ko rito. Maya maya lang ay may kumatok nanaman sa pintuan namin. Ano nanaman? Agad akong nagtungo doon at pagbukas ko nandoon si Tristan at Crystal na mukang excited na excited.

Nabalitaan ko buntis ka ulit. Sino ama? Ano gender? Omg magiging tita na ulit ako.” Ang OA talaga nang kaibigan kong ito. Gender agad hindi kopa nga alam kung ilang weeks o months na akong buntis eh.

“Congrats Kuya.” pagbati ni Tristan sa kapatid sabay yakap.

“Thank you Tristan. I'm so happy I'm gonna be a father again.” he said as he wipe his tears.

“Mabuti naman at kasama kana niyan Kuya. Kung alam molang ang hirap naming apat nung nagbubuntis yan dati.” saad ni Tristan kaya napanguso nalang ako.

“Tama saka dapat lagi kang handa sa midnight cravings niyan. Tanda kopa dati nag crave yan nang ice cream at sardinas. And worst pinakain ba naman kami. Grabe sobrang pangit nang lasa nun.” Pangit ang lasa? Sobrang sarap kaya nun, naka isang tub ako nang ice cream noon saka dalawang lata nang sardinas.

“Tama at saka yung pipino at ice cream ang pangit din nang lasa nun.” saad ni Tristan habang inaalala yung nangyari.

“Okay lang sakin yun. Kahit ano pang ipakain niya sa akin kakainin ko.” Wow ang confident ni Tyler ah. Umorder nang mga pagkain si Tristan at nagkainan kami. Sobrang saya ko dahil balik na ulit kami sa personal.

_

_

*5 MONTHS LATER*

Kasalukuyan akong nag bibihis ngayon dahil pupunta ako sa office ni Tyler. Offshoulder na Dress ang isinuot ko. Medyo malaki nadin ang tiyan ko dahil limang buwan na akong buntis. Sobrang saya nga ni Crystal nung nalaman niyang babae na yung gender nung baby namin. Natalo sa pustahan si Tristan. Si Zyler naman ay kasama ni Tristan, nag lalaro sila nang video games kaya makaka alis ako. Parang gusto ko kase kumain nang japanese food ngayon kaya aayain kona lang si Tyler. Abot nang langit ang saya ni Mama at Papa nung malaman nilang magkakaroon nanaman sila nang panibagong apo.

Nagpahatid ako sa driver sa Company ni Tyler. Nang makarating ako doon agad akong sumakay sa elevator. Nagugutom nadin kase ako, ngunit nag init ang dugo ko nang makita ko siyang may kayakapan na babae. Niloloko nanaman ba niya ako? Akala koba mahal niya ako. Humanda sila sa akin, kahit malaki itong tiyan ko mananapak talaga ako. Kaagad kong binuksan yung pinto at hinigit yung buhok nang babae

“Ang kapal nang muka mong babae ka!!! Sino toh Tyler? Panibagong babae mo nanaman?” galit na saad ko habang hila hila padin yung buhok nung babae. Ang kapal nang muka nilang dalawa!!

Aray aray!” sigaw nung babae habang pinipigilan ako ni Tyler.

“STOP SEVIANNA!!! SHE'S MY COUSIN. Hindi mo dapat siya sinasaktan.” malakas na sigaw niya kay nabitawan ko yung babae. Dahil doon ay napa atras ako, pinsan niya?? Galit siya, masama parin ang tingin niya sa akin habang tinutulungan yung pinsan niya. Dahil sa masamang tingin niya sa akin hindi ko napigilang umiyak.

I'm so sorry couz. My girlfriend is pregnant and she always get jealous whenever she saw me with another girl.” pag hingi nang paumanhin ni Tyler sa pinsan niya. Agad naman akong yumuko bilang paghingi nang sorry.

“It's okay Couz naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Ganiyan din ako kay Gio nung pinagbubuntis koyung anak namin. Una na ako at may gagawin pa ako.” pag papaalam niya bago umalis sa office ni Tyler. Nang mapatingin ako sa kaniya ay galit parin ang hilatsa nang muka niya.

“I'm sorr—”

“SEVY NAMAN. HINDI SA LAHAT NANG ORAS KAILANGAN MONG MANAKIT.” sigaw niya na mas lalo pang nagpatulo sa luha ko. Galit siya.

“Sorry *sniff* hindi ko sinasadya *sniff*. Hindi ko mapigilan mag selos.” lumuluhang aniya ko. Natatakot lang naman ako na baka iwan nanaman niya ako. Siguro nagsasawa na siya sa akin. Hindi niya na siguro ako mahal. Pagod na siguro siya sa ugali ko.

“Kahit na Sevy. Controlin mo naman sana. I'm getting tired of everything about you!!” Pagod na nga siya. Sana hindi nalang ako nagpunta dito.

“Pagod kana sa akin? Ayaw kolang naman na may umagaw sayo sa akin ah. Bakit ba hindi mo kayang intindihin? Gusto lang naman kitang makasama ah. Kung masasawa kalang pala sa akin sana hindi mona lang ako minahal. Ganoon ba ako kahirap pakisamahan?  Pasensya na sa istorbo uuwi nalang ako.”aniya ko habang umiiyak. Bakit ba siya ganun? Agad kong kinuha yung bag ko at umalis. Hindi kona siya nilingon nung tinawag niya yung pangalan ko. Agad akong sumakay sa kotse at umalis. Bahala na siya sa buhay niya!

To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro