Chapter 1
Nakabusangot akong naglalakad ngayon papunta sa next class namin. Hayss napaka malas ng araw ko ngayon, una nakalimutan kong magdala ng pamalit na napkin. Kinailangan ko pa tuloy pumunta sa clinic para humingi. Pangalawa sinungitan nanaman ako ni Sir Tyler, gusto ko lang naman magpatulong sa mga tanong na hindi ko masyadong maintindihan sa lesson niya.
Ang nakakainis tinanggihan ba naman ako? Kapag si Darcie ang nagpapaturo pumapayag tapos ako bawal. Sino ba namang hindi maiinis dun? Kung ayaw niya akong turuan edi wag. Palagi na lang si Darcie! Nasasaktan ako dahil feeling ko may gusto na ata siya dun eh. Nandito naman ako, maganda din naman ako, maganda ang hubog ng katawan ko at isa pa mabait ako at malapit sa akin ang pamilya niya. Naka nguso akong naglalakad ng may biglang umakbay sa akin.
“Mukang badtrip nanaman girl best friend ko ah. Libre na lang kita sa cafeteria mamaya.” ani ng boy best friend kong si Tristan/ bunsong kapatid ni Sir Tyler.
Kung si Sir Tyler ay ubod ng sungit ay kabaliktaran niya si Tristan. Napaka bait niya at maaalahanin. Lagi niya akong hinahatid at sundo papuntang school. Samantalang yung Kuya niya walang pakielam sa akin. Siguro kung may kikidn*p sa akin ay hindi niya ako tutulungan. Nabalik ako sa wisyo ng pisilin ni Tristan ang pisnge ko. Hindi na lang ako nagsalita at nagpatuloy na sa paglalakad.
“Let me guess, hindi ka nanaman ba pinansin ni Kuya?” tanong niya sa akin kaya malungkot akong napatingin sa kanya. Bakit naman sinabi niya pa? Kuya niya lang naman nakakapag palungkot ng ganito sa akin eh. Hindi muli ako sumagot at nag lakad papalayo.
“Don't worry ako na lang tutulong sayo sa mga hindi mo ma gets na gawain. Tulungan na din kita sa project mo. Pumunta ka mamaya sa bahay namin.” ani niya na nag pasaya agad sa akin. So ibig sabihin kapag pumunta ako sa bahay nila makikita ko yung kuya niya. Dahil sa kagustuhan kong masilayan si Sir Tyler ay agad akong pumayag at masaya akong nag lakad habang kasama siya. Papunta na kami sa canteen dahil lunch time na at as always kasabay kong kumain si Tristan.
Si Tristan ang 4 years ko nang boy best friend. Matagal niya na din alam na sinisinta ko ang kanyang nakakatandang kapatid. Si Sir Tyler Clyde Valdez ang matagal nang tinitibok ng malandi kong atay. Chariz puso pala yun. Ang kaso nga lang ay hindi ako ang itinitibok ng puso niya. May iba atang nagugustuhan si Sir pero hindi ako susuko. Sabi nga nila huwag kang susuko hangga't hindi mo pa nakukuha ang gusto mo.
Habang nag lalakad kaming dalawa, napatingin kami sa gawi nila Sir Tyler at Darcie na mukang masayang nag uusap. Kumirot naman ang puso ko ng makita ko siyang may kasamang ibang babae. Alam ko naman na ako lang ang may gusto sa kaniya pero, masakit talaga eh. Oh how i wish na ganiyan niya din ako titigan kapag magka usap kami. Yun lang ay mukang imposibleng mangyari ang bagay na iyon. Agad naman silang napatingin sa gawi namin nang inakbayan ako ni Tristan bago halikan sa noo.
“Tara huwag ka nang pumasok sa klase niya mamaya. Dun na lang tayo sa office ko.” nakangiting pag aaya niya. Agad naman akong pumayag kase nawalan na ako ng ganang pumasok dahil sa nasaksihan ko. Kaya hindi na kami dumiretso sa klase ni Sir Tyler. Gusto ko sanang makita si Sir pero medyo nasasaktan ako eh. Alam ni Tristan na tuwing may dalaw ako mababaw damdamin ko. Kaya nagsimula na kaming maglakad pa punta sa office niya. May sariling office si Tristan dahil siya ang SSG President ng school namin.
Nang makapasok na kami sa Office niya kaagad niya akong tinanong..
“Ano gusto mong kainin or inumin Sevy? Milktea? Ice cream? Cake? o Chocolate?” tanong niya habang nag lalakad patungo sa swivel chair niya. Alam kong gusto niya lang ako pasayahin kaya niya ako inaakit kumain pero wala ako sa mood.
“Wala ako sa mood ngayon eh, pwedeng mamaya na lang? Matutulog na lang muna ako sa ngayon” walang emosyong saad ko bago humiga doon sa sofa bed na nasa gilid ng lamesa niya. Agad siyang lumapit sa akin at kinumutan ako bago haplusin ang buhok ko.
“Papabili na lang ako kay Ms. Secretary ng panty at saka napkin para may pamalit ka mamaya yung sakaling matagusan ka.” aniya niya bago siya nag simulang mag tipa sa cellphone niya. Hindi na lang ako nagsalita at nagsimula nang pumikit.
.
Nagising ako ingay ng isang cellphone. Ano ba yan!Natutulog yung tao eh. Bumangon na ako agad at tiningnan kung kanino ito at kay Tristan lang pala. Tumatawag si Tita Celina. Agad ko naman itong sinagot. Matagal na akong kilala nila Tita Celina dahil nga sa matagal na kaming magkaibigan ni Tristan. Paboritong paborito niya pati ako, lagi niya akong binibigyan ng chocolate nung mga bata pa kami.
“Hello po Tita.” ani ko habang humihikab. Inaantok pa ako dahil nagpuyat ako kagabi.
“Oh Sevy ikaw pala yan. Nasaan ba si Tristan?” tanong ni Tita Celina. Nagtataka siguro siya kung bakit hindi si Tristan ang sumagot.
“Nasa labas po ata nakain” sagot ko sa rito habang umiinom ng tubig.
“Ganun ba ija? Mamaya na lang ulit ako tatawag.”— pagpapa alam niya. May importante siguro siyang sasabihin kay Tristan. Wait speaking of Tristan, nasaan kaya yung lalaking yun?
“Sige po Tita bye.” pamamaalam ko bago ko patayin yung tawag. Nanlalambot ako ngayon, parang gusto kong kumain na ewan. Umupo ako sa sofa para magpahinga at napa baling naman yung tingin ko dun sa may lamesa dahil may nakalagay na napkin at panty doon kasama ang isang sulat.
“Pinabili ko yan kanina kay Ms Secretary. If ever na nagugutom ka, nasa labas lang ako ibibili kita ng gusto mo. Gamitin mo yung napkin ha baka matagusan ka. Hahaha joke lang ily”— Boy best friend mong pogi
Napangiti naman ako dahil sobrang sweet niya sa akin. Hindi siya katulad nung kuya niyang pinaglihi ata sa sama ng loob. Kaagad kong kinuha yung napkin at pumasok sa banyo para makapag palit.
Nang makapag palit na ako agad akong lumabas para kumain dahil nakaramdam na din ako ng gutom. Kanina pa ako palinga linga dito habang hinahanap si Tristan pero hindi ko siya makita. Akala ko ba nasa labas lang siya? Hindi ko naman siya matatawagan dahil nasa office niya yung cellphone niya. Kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa garden. Habang naglalakad ako bigla akong napatigil nang mahagip ng mata ko si Sir Tyler. Para bang may hinahanap siya. Anong ginagawa niya dito? Diba may klase siya ngayon? Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin.
“Bakit hindi ka pumasok sa klase ko kanina.” malamig na saad niya habang nakatingin sa akin. As usual naka poker face nanaman siya. Lagi naman ganito ekspresyon ng muka niya kapag ako kausap niya eh. Pero kapag si Darcie ngiting ngiti.
“A—ah kas—e.” nauutal na saad ko. Hindi ko maayos yung salita ko dahil kung tingnan niya ako ay parang papatay*n ata ako neto ng wala sa oras. I didn't get to finish my words ng biglang sumulpot si Tristan.
"Oh gising ka na pala Sevy. Bumili ako ng milktea, ice cream, cake at saka chocolate na din. Hindi ko kase alam kung ano pag lilihian mo ngayon eh.” aniya niya, agad naman siyang napatingin kay Sir Tyler na seryosong nakatingin sa amin. “Oh Kuya ikaw pala yan.” aniya niya sabay akbay sa akin. Masama namang nakatingin si Sir Tyler sa kamay ni Tristan na naka akbay sa akin ngayon. Bakit siya nakatingin sa kamay ni Tristan? Ayaw niya bang maging sweet sa akin yung kapatid niya? Dahil sa ayaw kong maging awkward yung sitwasyon namin kaya hinawakan ko ang kamay ni Tristan.
“A—ah ano tara kain na tayo Tristan.” pag aaya ko kay Tristan at akmang hihigitin ko na sana si Tristan ng bigla naman akong higitin ni Sir Tyler sa braso. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya. Nasasaktan na ako! Gosh he should be gentle!
“Hindi pa tayo tapos mag usap Sevianna. Umalis ka na muna Tristan mag uusap muna kami ni Sevy.” malamig na saad niya sa kapatid kaya walang nagawa si Tristan kundi umalis. Iiwan talaga niya ako dito? Ayaw kong makausap tong lalaking ito noh! Nang maka alis na si Tristan, agad niya naman ako tiningnan ng masama. Ano nanaman ginawa ko? Lagi na lang siyang galit!
“Anong ginawa niyo ng kapatid ko dun sa Office niya? Gumawa ba kayo ng hindi maganda? Answer my god damn it question Sevy!” galit na sigaw niya sa akin. Huh ginawa namin ni Tristan? Bakit galit siya? Wala naman kaming ginawa kase nang makapasok ako dun natulog na agad ako. At saka ano ba pake niya? Wala naman siyang pakielam sa akin diba?
“Ano bang sinasabi mo Sir? Natulog lang ako sa office ni Tristan kanina. Masakit kase puson ko. At saka ano bang pakielam mo?” inis na saad ko sa kaniya ng biglang kumirot ang puson ko. Agad naman akong napadaing sa sakit. Hihingi na sana ako ng tulong sa kaniya ng...
“Tsk. I don't care. Get lost.” malamig na saad niya bago naglakad papa alis. Hindi niya ba nakita na masakit yung puson ko? Hindi niya man lang ako tinulungan? Nagtungo na lang ulit ako sa Office ni Tristan para matulog na lang ulit at makapag pahinga. Pinilit kong makapag lakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng office ni Tristan. Agad akong pumasok dun at naabutan kong nag lalaptop si Tristan. Napansin naman agad ako ni Tristan kaya agad siya tumayo at nag lakad papalapit sa akin.
“Nandyan ka na pala. Kuhanin mo na lang dun sa ref kung ano gusto mong kainin dun sa mga binili ko sa iyo kanina.” aniya niya sabay turo dun sa Refrigerator sa gilid. Agad naman akong lumapit doon at kinuha yung isang tub ng ice cream. Sakto dahil cookie's and cream ang flavor nito. Alam niya na talaga lahat ng paborito kong pagkain.
“Ano nga pala pinag usapan niyo ni Kuya?” biglaang tanong niya habang kumukuha ako ng dalawang maliit na bowl. “Wala tinanong niya lang kung bakit hindi ako pumasok sa klase niya. At kung ano daw ginawa natin dito. Ang weird ng ikinikilos niya” aniya ko sa kaniya habang nagsasandok ng ice cream.
“Ah ganon ba.”
“Alam moba kung bakit laging sweet si Kuya kay Darcie?” tanong niya na nag pasikip sa dibdib ko. Ayaw kong malaman pero nakuha ng atensyon ko ang tanong niya. Bakit nga ba? Mayroon ba si Darcie na wala ako?
“Bakit?” tanong ko sa kaniya habang kumakain kami parehas ng ice cream. Hindi ko alam pero parang maiiyak ako. Pinipigilan ko namang tumulo yung luha ako, ayaw kong makita ako ni Tristan na umiiyak.
“Because she was his first love.” aniya niya na nagpakirot sa puso ko. First love? So siya pala yung ex ni Tyler na hindi nito makalimutan?
Yun pala ang dahilan kung bakit ayaw niya sa akin.
Dahil mahal niya pa yung ex niya.
Tapos ngayon magbabalikan na sila?
“She was 16 nung makilala siya ni Kuya. After 2 months of knowing each other, they started dating. Pero after 5 months ay nag hiwalay sila dahil nag che-cheat pala si Darcie sa kaniya. Mahal na mahal siya ni Kuya kaya may posibilidad na mag kabalikan silang dalawa. Hindi ko sinabi sayo yun dati dahil ayaw kong masaktan ka.” saad niya na mas lalong nag paiyak sa akin. Hindi na ba niya talaga ako magugustuhan? Wala ba talaga akong laban kay Darcie?
“Ayos kalang ba?” tanong niya kaya agad naman akong sumagot na “ O—oo naman a—ayos lang ako.” pag sisinungaling ko habang nagpupunas ng luha. Agad akong pumunta sa couch at umupo dun sabay open ng cellphone ko para i distract ang sarili. Agad naman siyang lumapit sa akin saka niyakap ako mula sa likuran. Hindi ko alam pero bigla na lang ulit tumulo yung mga luha ko. Hindi ko na napigilan eh. Nasaktan ako.
“Shh wag ka nang umiyak. Hindi lang naman si Kuya ang lalaking mamahalin mo eh. Marami pa namang ibang lalaki jan” aniya ni Tristan. Oo nga naman, may makikila pa naman akong ibang lalaki eh. Hindi lang naman siya ang lalaking magugustuhan ko noh! Malay mo may mas pogi pang dumating sa buhay ko. Simula ngayon pipilitin ko nang mawala yung nararamdaman ko sa kaniya. Hindi na dapat ako maging marupok!
Nag uusap pa kami ng may biglang kumatok sa pintuan. “Come in” saad ni Tristan kaya agad namang pumasok.
*Pres and Vice Pres nakolekta ko na yung bayad nang buong klase natin para sa Beach Trip natin sa Laiya Batangas next week.”aniya ni Crystal / best friend kong may toyo.
“Mabuti naman kung ganon Ms Treasurer. Paki lagay na lang dun sa lamesa ko lahat.” aniya ni Tristan sabay turo dun sa lamesa niya. Agad naman siyang nagtungo doon at inilapag sa lamesa yung pera.
“Mukang broken hearted ka na naman besh ah. Sabi ko naman sayo maghanap ka na lang ng iba, marami namang pogi dito sa school natin eh. Naku yun si Kuya Tyler, hindi ka niya deserve. Gayahin mo ako maraming kilalang pogi. Wait speaking of pogi, yung bago nating Doctor sa clinic sobrang gwapo. Sobrang laki ng biceps niya kaya sigurado akong may abs yun. Yun na lang kaya landiin mo mukang single naman si kuyang pogi eh.” sunod sunod na saad niya habang kinukwenta niya yung mga pera na gagamitin namin para sa beach. Hays umariba nanaman ang pagiging malandi nitong babaeng toh. Lahat ata ng pogi ay kilala na niya eh.
“Charles Andrew daw yung name nung pogi nating Doctor. Nag mala detective conan ako kanina para malaman pangalan nun, thank me later. Couzz maghanap kapa ng pwedeng ireto kay Sevy. Malay mo hindi niya magustuhan si Sir Andrew. Pero kung ayaw mo sa kaniya akin na lang. Sayang naman kung sa iba lang mapupunta.” aniya niya. Kahit naman sino ireto nila sa akin ay si Sir Tyler pa din ang gusto ko. Ewan koba kung bakit yung lalaking yun pa ang nagustuhan ko. Walang tigil kakausap si Crystal nang bigla namang sumakit yung puson ko kaya napa daing ako. “OUCHH!”
“Anong nangyayari besh? May sakit ka ba? Tatawag na ba ako ng ambulansya?” nagpapanic na tanong ni Crystal. Sh*ta nasakit lang naman yung puson ko pero bakit ngayon pa?
“Masakit lang yung puson ko besh. Grabe ko naman makapag react akala mo mamamat*y na ako eh.” saad ko kaya napatawa si Tristan. Iba talaga ang pagka OA nung babaitang ito eh. Wagas!
“Kagaya nang dati over acting kapa din couzzz.” saad ni Tristan agad naman akong napa sang ayon doon. Parehas pala kami ng iniisip.
“Ito naman, hindi ba pwedeng nag aalala lang ako kay Sevy?” nakangusong aniya ni Crystal.
“Kailangan mo ng hot compress Sevy. Tara punta tayong Clinic. Para makita mo na rin yung bagong fafa na sinasabi ko sayo. Sigurado akong magugustuhan mo yun.” kinikilig na saad niya habang pinapatayo ako. Agad naman akong sumunod sa kanya dahil sobrang sakit na talaga ng puson ko, kailangan ko na talaga ng hot compress.
Ayy sus gusto mo lang makita yung gwapong Doctor eh.
Talaga itong kaibigan ko ang dami pang palusot.
“Couzz pupunta kayo sa clinic para sa hot compress ni Sevy hindi makipag landian dun sa bagong Doctor.” pagpapaalala ni Tristan bago kami tuluyang nakalabas. Akay akay naman ako ni Crystal habang naglalakad kami, hanggang sa makarating kami sa clinic. May lalaking naka suot ng puting coat ang nandoon habang nag aayos ng mga gamit. Ito na ba yung poging sinasabi ni Crystal?
“Good Morning po sir. Mayroon po ba kayong hot compress dito? Meseket po keshe yung puson ni Sevy ehh.” kinikilig na aniya ni Crystal nang makarating kami sa clinic, sakto namang nakaupo yung bagong Doctor. Muntik na akong matawa dahil sa tono ng pag sasalita ni Crystal. Beh anong nangyari sayo? Nakakita lang ng pogi naging iba na yung boses.
Eyy tama nga si Crystal.
Gwapo nga siya.
Feeling ko mapapakanta ako na lang ako ng wala sa oras ng “Would you mind if I steal a kiss sir? A little souvenir can i steal it from you.” Hahaha charot lang dahil loyal ako kay Tyler.
“Oh ikaw pala yan Ms Treasurer. Ako nga pala ang bagong Doctor dito sa Clinic. My name is Charles Andrew nice to meet you.” aniya niya habang nag aayos ng mga gamit. Kagaya nga ng sinabi ni Crystal yun ang pangalan ng doctor. Nagiging detective kase yan lalo na kapag may gwapo eh.
“Crystal po ang pangalan ko at siya naman po si Sevy. Masakit po kase yung puson niya, kailangan niya ng hot compress..” aniya ni Crystal habang hawak hawak niya ang braso ko.
“Ahh ganun ba? Sige pumasok na kayo dun sa isang kwarto susunod na lang ako dun. Kukuha lang ako ng hot compress.” aniya ni Sir Andrew kaya agad na kaming pumasok dun sa kwartong sinabi niya at humiga na agad ako habang nag ce-cellphone si Crystal. Sa wakas makakapag pahinga nadin.
To Be Continue×
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro