The Enigma Of White
The Enigma Of White
By Spark_In_Light
Tandaan, isa akong napalaking misteryo,
Na hindi mo kailanman mabubuo,
Kung ikaw ay agad na susuko.
Halina't alamin ang aking tunay na pagkatao.
Hindi ako pangkaraniwang kulay na iyong nasisilayan.
Misteryong nakapaloob sa akin ay isang palaisipan,
Na hindi mo kailanman malalaman,
Kung ititigil mo ang pagi-isip ng kasagutan.
Big puzzle, iyan ako kung kanila'y tawagin.
Binibigyan kayo ng napakalaking suliranin,
Na kailangan ninyong resolbahin,
Upang malaman ang tunay na saloobin.
Para sa mga taong naninirahan sa mga probinsiya,
Sigurado akong nakarinig na kayo ng mga sabi-sabi mula sa mga matatanda.
Gusto niyo ba makarinig ng mga halimbawa?
Heto ang ilan sa mga narinig ko mula sa kanila.
Ayon sa kanila, may aswang daw na gumagala sa gabi.
Ibang mga magulang ay naniniwala sa tulad nitong mga sabi-sabi.
Nakita raw nilang kinakain ang mga baby.
Malusog man ang mga ito o hindi.
Sabi ng mga matatanda, sa dagat ay may sirena.
Isama mo pa ang mga shokoy na kanila raw nakita.
Ngunit sila ba'y may mapapakitang mga proweba?
May nakakitang tunay nga ba talaga sa kanila?
Sila ang mga katulad ko.
Isang malaking misteryo.
Na hindi naman alam kung totoo.
Dahil wala pang nakakaresolbang tao.
***
Hi, guys! Ito po ang aking entry para sa AgosTula. Ang aking huling nabasa ay "The Enigma of Erald" by AkoSiIbarra. Ang kulay ng aking damit ay white kaya iyan ang pamagat ng aking tula.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro