Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Two: Good Morning Mam Maribeth

CHAPTER TWO:

Good Morning Mam Maribeth

"Welcome to Northbridge Ms. Tamayo. We're glad that you accepted the job even if it's just temporary." Nakangitng sambit ni Mr. Nestor Pedroza na siya pa ring principal ng paaralang iyon.

"Thank you Tito Nestor. Magaling lang mangumbinsi si Professor Pedroza."

Mayabang namang ngumiti si Marc at kinindatan ang ama.

"Oh, if it isn't my teacher Maribeth! It's nice to see you here. I'm sure your students will love your class!" Excited na sambit ni Ms. Torres nung makita si Maribeth.

Dahil dun sa pagtuturo nina Maribeth at Troy ng sayaw sa grupo ni Ms. Torres ay naging regular na yung ginagawa nilang klase at tulong-tulong silang magkaibigan sa pagmamalakad ng pagtuturong iyon. Iyon ang naging part time job nila habang nag-aaral sa kolehiyo.

"Bakit hindi mo gawing regular ang pagtuturo dito sa Northbridge Iha? Alam mo maganda dito at magiging masaya ka rin dito. Medyo may mag students ka lang na maarte pero hay nako knowing you, kayang-kaya mo yan. Kumusta na kaya si Troy? Namimiss ko ng kasayaw yun."

"Sikat na po eh." Di napigilang sabihin ni Maribeth.

Hindi nakalagpas sa lahat ang proud na ngiti ng isang ama sa narating ng anak. Maging si Marc ay hindi nababahiran ng pagka-ingit sa narating na kapatid.

"Oo nga. O ayan bell na pala. Nestor, ikaw na ba ang magpapakilala kay Maribeth sa klase ni Ms. Santos?"

"Yes Ms. Torres. Maribeth, let's go."

"Dad, I'll get going. Betchay, sabay tayong maglunch mamaya ha."

Tumango't nginitian ni Betchay si Marc at sumunod na ito sa principal.

"Kumusta ang klase mo kanina?" ani Marc habang nakapila sila sa cafeteria.

"Ok naman. Tama nga Si Ms. Torres, may mga estudyante ngang medyo maarte pero keri naman. Ako pa!"

"Oo naman. Pero mapapasubo ata ako sa klaseng ito. Maraming magaling na dancers. Sama ka nga minsan dun Marc."

"Oo ba. Minsan pupuntahan kita sa class mo and let's show them our Good Vibes Crew moves."

Hindi alintana ni Marc ang pagiging propesor sa ginawa nitong aksyon na paborito nilang sayawin dati ang "Teach Me How to Dougie". Maging ang Maribeth ay nahawa na rin at gyun din ang ginawa. Nanlaki ang mata nilang pareho nung biglang may nagpatugtug niyon.

"Sasayaw na yan! Sasayaw na yan!" Paulit-ulit na pagsigaw ng mga estudyante sa kanilang dalawa at mas nilakasan pa ang tugtug.

May nagclear ng mga mesa't upuan para bigyan sila ng pwedeng dancefloor. May ilang grupo ng estudyante ang lumapit sa kanilang dalawa at pinatayo sila para akayin papunta sa gitna. Nagkatinginan silang dalawa ni Marc at tumango sa isa't-isa at nagsimulang gumiling. May mga estudyante din naging back-up dancers nila.

Ang simpleng lunchbreak na iyon ay naging ubod ng saya para sa bagong guro ng PE at sa pinakapaboritong professor nila ng Science. Papasok din sina Principal Pedroza kasama sina Ms. Torres na hindi rin mawala ang ngiti sa mga labi sa nasaksihan. It was the breaktime of the students kaya hinahayaan nila ang mga ito. Sa isang sulok ay biglang inilapag ni Ms. Torres ang kanyang bitbit na bag at sinundan sina Marc at Maribeth sa pagsasayaw.

Si Mr. Pedroza ay napangiti sa nasaksihan. Alam niyang paborito talaga ng anak ang pagsasayaw pero sa halip na sundan ang yapak ng kapatid na si Troy ay pinili nitong maging isang guro dahil sobra nitong mahal ang Northbridge. He is grooming Marc to be the future principal of the school.

Patapos na ang tugtug nung namataan ni Maribeth na nandun pala ang mga senior teachers kaya namula itong tinakpan ang bibig pero nag thumb up sign naman si Ms. Torres na hindi pa rin maawat sa pagsasayaw with the big flower on her hair.

Lumapit si Principal Pedroza kina Marc at Maribeth nung matapos ang tugtug at nagsalita.

"You must have enjoyed the show students. May I formally introduced your subsititute PE - Dance class teacher. Ms. Maribeth Tamayo!"

Mas dumadagung-dung ang palakpakan sa loob ng canteen at tiyak na nina Principal Nestor na tanggap na tanggap ng mga estudyante si Maribeth at tuluyan na niya itong kumbinsihing maging regular member na ng kanilang faculty and staff.

"I told you they will love you!" Bulong ni Marc kay Maribeth nung yakapin siya nito matapos pormal na pinakilala ito ng ama.

"Thanks to you! I love it!!!! Galing! Wooohhhh!!!!"

Nagkatawanan ang dalawa at muling nagyakapan at bumalik sa mesa at ipinagpatuloy ang naudlot na pananghalian.

"Ma??? Ma!!!"

Lumabas si Amanda at may karga-kargang batang babae na nasa apat na taong gulang. Biglang lumapad ang ngiti ni Marc at mabilis na nilapitan ang dalawa at matapos halikan ang ina ay kinuha ang bata at mahigpit na niyakap at pinangigilan.

"Buti naman dumalaw ang little princess natin."

"Hindi dumalaw yan. Dito na muna yan."

"Ha? Bakit?"

Bumuntunghininga si Amanda at halatang malungkot ito.

"Nag-alsa balutan ang kapatid mo."

"Ha!!! Bakit daw?"

"Princess, you go to yaya muna ha. Lala and Tito Marc will just talk ok. Love you baby ko!" at pinugpug muna ng halik ang apo bago binigay ito sa yaya at inakay si Marc na sa may garden sila mag-uusap.

"Dumating dito ang kapatid mo kaninang umiiyak. Gusto na daw nitong hiwalayan si Franco."

"Bakit daw po?"

"Ayaw ngang sabihin eh. Hinahayaan ko muna dahil mainit pa ang ulo."

"Alam na ba ni Dad?"

"Sinabi ko nandito ang Ate Carmi mo but di ko pa sinabi ang totoong nangyari dahil baka maging balisa yun eh. Marc, kausapin mo na si Franco. I think kailangan na nating makialam kung ano talaga ang puno't dulo ng problema nilang mag-asawa."

"Kausapin ko muna si Ate Carmi Ma."

"Sige anak, akyatin mo yun sa kwarto niya. Nandun nag-eemote."

Hinalikan ni Marc ang noo ng ina bago muling pumasok sa loob ng bahay.

"Sabi ko ayaw kong magpaistorbo." Halatang galit ang boses at umiiyak si Ate Carmi nung makarinig ito ng katok sa pintuan.

"Kahit ba ako ayaw mo ring maka-usap?" Nakangiting sambit ni Marc sa kapatid.

Paglingon nito ay bigla na naman nag-uunahang tumulo ang mga luha nito at patakbong yumakap sa kapatid at humagulgul.

Niyakap ni Marc si Ate Carmi at hinayaang umiyak sa kanyang balikat. Pagkaraan ng ilang saglit ay medyo nahimasmasan na ito ay napangiti itong nagpahid ng luha.

"Sorry Marc ha, nabasa tuloy ang polo mo." Sabi nito sabay singhot.

"Oo nga napansin ko nga. Labhan mo ito ha. Paboritong polo ko ito he."

"Ang sama mo talaga. Umalis ka na nga."

Muling niyakap ni Marc ang kapatid at sinabihang nagbibiro lang siya. Umupo muli si Ate Carmi sa kama at muling bumalik sa lungkot ang mukha nito.

Tumabi si Marc at inakbayan ang kapatid.

"Ate, gusto mong pag-usapan natin ang problema nyo?"

Huminga ng malalim si Ate Carmi at umiling.

"Huwag na muna Marc. Masakit na kasi mata ko sa kaka-iyak. Gusto ko munang mag-isip kaya umuwi ako dito sa bahay. Si Princess pala nasaan?" Biglang naalala ni Carmi ang anak.

"Na kay Yaya pero malamang na kaya Mommy na yun. Sige saka na tayo mag-usap tungkol diyan. Pero sa ngayon, ito na muna."

Tumayo si Marc at may kinuha sa labas.

"Tadaah!"

Napangiti si Ate Carmi at muling tumulo ang mga luha kahit nakangiti.

"Ate naman eh. Nakangiti ka na nga pero umiiyak ka naman. Ice cream?"

Muling yumakap at humagulgul si Carmi sa kapatid.

"Namimiss ko kayong lahat. Hay nako ano ba yan! Ikaw kasi eh. Pengeng teaspoon."

Nakangiting binigay ni Marc sa kapatid ang bitbit na isa sa mga kutsaritang dala at binuksan ang ice cream at sabay na silang kumain. Paborito nilang bonding na magkapatid iyon at kung sino man ang may problema ay malaki ang ikakagaan ng kalooban pag may ganitong eksena.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang 4 years old na si Princess at yumakap sa ina.

"You want ice cream Princess?"

"Marc, huwag muna. Mamaya na lang pagkatapos kumain. Baka mawalan ng gana yan eh."

"Eh milk din naman ang ice cream Ate. Hayaan mo na, paminsan minsan lang naman di ba Princess?" pero sinubuan na ito ni Marc kaya ikot-mata na lang si Ate Carmi.

"Eh Mam, nasa baba po si Sir Franco. Gusto daw po kayong maka-usap." Ani ng yaya ni Princess.

"Ok lang Ate. Ako na muna kakausap kay Franco?"

Kibit-balikat lang si Ate Carmi pero halatang ayaw pa kausapin ang asawa kaya si Marc na lang ang bumaba at karga nito si Princess.

Pagkakita ng bata sa ama ay bigla itong sumigaw ng "DaDa!" at nagpupumiglas para pumunta sa ama. Halatang problemado din si Franco at hitsura nitong lalag-balikat at nanlalalim ang mga mata. Pagkahawak sa anak ay niyakap agad ito ng mahigpit ni Franco. Si Princess naman ay naglalambing sa ama ay yumakap na rin ito ng mahigpit sa huli.

Kahit ba may problema ang kapatid niya at bayaw ay hindi pa rin naman nag-iiba ang pakikitungo ni Marc sa matalik na kaibigan. Nagkamay at brotherly ritual pa rin sila gaya ng nakagawian.

"Brawh, tara dinner tayo sa labas." Yaya ni Marc dito.

"Nakakahiya kay Mommy."

"Ok lang Franco. You can go with Marc. Ako na muna bahala sa mag-ina mo."

"Thank you Ma." At hinalikan ni Franco ito matapos ibigay dito ang anak at sumama na kay Marc palabas.

Lihim pa lang nakamasid lang si Ate Carmi sa taas at bumaba lang ito nung umalis na ang asawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro