Chapter Three: Good Boy Na Ako, Dati Pa
CHAPTER THREE:
Good Boy Na Ako, Dati Pa
“Brawh, galit pa rin ba si Carmi?”
“Malamang kasi kanina pa yun umiiyak at ayaw ka daw makita. Franco, you are my bestfriend but if may gagawin kang ikasasakit ng pamilya ko ay mag-isip isip ka na.” Seryoso si Marc nung sambitin iyon sa matalik na kaibigan.
“Brawh, naman ako pa. Di ba nangako ako sayo nung bago kami ikasal ni Carmi na aalagaan ko siya.”
“So kung nangako ka, bakit umiiyak si Ate Carmi at nag-alsa balutan?”
“Hindi ko nga maintindihan eh. Ewan ko dun kasi laging nagseselos. Hindi lang ako makauwi sa tamang oras ay nagagalit na at kung ano-ano ang sinasabi. Na kesyo may kasama daw akong babae.”
“Baka naman meron talaga siyang basihan para maging ganun?”
“Brawh naman! Good boy na ako… dati pa… nung naging kami na ni Carmi. Alam mo yun Marc. Nakikita mo ang pagpapatino ko di ba?”
Napa-isip si Marc. Tama nga naman si Franco dahil simula nga nung naging magkasintahan na ito at ang kapatid ay umiiwas na din ito sa mga babae.
Bumuntunghininga si Franco pero laglag pa rin ang balikat dahil sa hindi maintindihan kung anong nangyayari sa asawa.
Nung matuklasan ng mga Pedroza ang lihim na relasyon nina Franco at Carmi ay gumulo ang lahat para sa magkaibigang Marc at Franco. Pero naging maayos ito muli nung pumayag na ang mga Pedroza sa relasyong FranMi.
Simula nung naging sila ay tinotoo naman ni Franco ang pangako sa matalik na kaibigan na magpapakatino na ito sa pag-aaral at higit sa lahat ay maging faithful kay Carmi.
Napagpasyahan na rin Franco na sa pinapasukang unibersidad ni Carmi na rin ito pumasok para laging makasama ang dalaga.
Dahil sa hilig ni Carmi sa pagluluto ay nag-aral na rin ito sa ng culinary para sa paghahanda nito sa gustong buksang maliit na catering service pagkatapos mag-aral. Si Franco naman ay kumukuha ng Marketing.
They were able to keep their relationship solid until nung ika-apat na taon nilang magkasintahan ay wala nagawa ang dalawa kundi ipagtapat sa mga magulang na nagdadalantao si Carmi.
Gaya ng inaasahan ay nagsilakbo na naman sa galit si Daddy Nestor dahil gagraduate pa lang ni Franco nun nung mangyari iyon.
“Carmi, ano ba ang iniisip niyo? Gagraduate pa lang si Franco at ikaw nag-uumpisa pa lang sa itatayo mong negosyo.”
“I’m so sorry Dad!” Hilam na sa luha ang mga mata ni Carmi sa kaka-iyak.
“So anong plano niyong dalawa? Ilang buwan pa ba bago matapos si Franco?”
“Dad, pagkagraduate po sana ni Franco saka kami magpapakasal.”
“What? Nasaan ba ang lalaking iyon at bakit hindi siya humarap sa akin. I’m so disappoint in you lalo ka na.”
“Nestor, tama na. Pwede naman itong pag-usapan ng maayos eh.”
“Hindi Amanda, kaya namimihasa ang mga yan dahil sa pagngungunsinti mo.”
“At bakit sa akin nabuntun ang sisi ha?” Di napigilan ni Amanda ang magalit din dahil sa sinabi ng asawa.
Walang tigil sa pag-iyak si Carmi at lahat ng iyon ay nasaksihan ni Marc na kanina pa tahimik at nagtitimpi.
“Dad, Mom tama na. Can we all talk about this sensively? Hindi natin kailangang mag-away-away. Nandito na ito so panindigan na nila. Dad, if you want them to get married right away, pag-usapan natin yan hindi yun pati kayo ni Mommy ay nag-aaway. Can’t you see, Ate Carmi is pregnant and the last thing that she needs right now is stress. Ate, tara akyat ka na muna para ka makapagpahinga.”
Hindi na hinintay na magsalita pa muli ang mga magulang at hinatid na ang kapatid sa taas para ito’y makapagpahinga.
“Marc, sorry ha.”
“For what Ate?”
“For disappointing you too.”
“No Ate. I am just shocked but I am not disappointed. Pero kung ano man ang magiging desisyon niyo ni Franco ay sana econsider niyo rin yung kina Dad.”
Muling umiyak si Ate Carmi na nakahiga na sa kama kaya niyakap ito ni Marc para tumahan. Nasa ganun silang ayos nung may kumatok at sumungaw sa pintuan ng kwarto ni Carmi.
“Troy, pasok ka.”
“Ate, kumusta ang pakiramdam mo. Ito na pala yung Indian Mango na pinapabili mo.”
Napatawa si Carmi sa itsura ni Troy na seryoso pero may bitbit na indian mango. Maging si Marc at hindi na rin napigilang makitawa. Pero gayun pa man ay parehong dinamayan ng magkapatid ang kanilang Ate Carmi.
Samantala ay tahimik sina Nestor at Amanda na naka-upo sa may sala. Bagama’t naka on naman ang tv pero wala dun ang konsentrasyon ng dalawa. Akmang magsasalita sana si Nestor pero nakarinig sila ng nagdoorbell kaya tumayo si Amanda para malaman kung sino ang nasa pintuan.
Si Franco pala kasama ng tita nito. May mga bitbit ang mga ito na pagkain. Tumayo si Nestor para tingnan kung sino ang nasa may pintuan at natigilan ito pagkakita kay Franco.
“Good evening Tito Nestor, Tita Amanda. Pumunta kami dito para hingin sana ang kamay ni Carmi. Gusto ko pong panagutan ang nagawa naming dalawa. Tinawagan ko na po sina Mommy at Daddy at sa makalawa po ang dating nila para pormal po kaming mamanhikan.
“Tuloy kayo.”
Nakangiting sambit ni Amanda habang pinatuloy sina Franco at ang tiyahin nito. Nanatiling tahimik at seryoso lang si Nestor habang naka-upo ito sa sofa at tila binabantayan si Franco.
“Mag juice muna kayo.”
Tyempong lumabas naman si Troy sa kwarto ni Carmi bitbit ang pinamiling mangga at bigla itong natigilan sa nasaksihan. Nataranta tuloy ito kung babalik ba sa kwarto para ipaalam kay Ate Carmi ang pagdating ni Franco o bumaba.
“Troy, pakitawag naman si Ate Carmi at pababain dito sandali.”
“Opo Tita Amanda.” At muli itong pumasok sa kwarto para ipagbigay alam sa kapatid ang sinabi ng madrasta.
Pagkalipas ng ilang minuto ay maingat na bumaba si Carmi at tumabi kay Franco.
“Mr. and Mrs. Pedroza, nandirito kami para pormal ng yayain ni Franco na magpakasal sila ni Carmi. It might be untimely yet for Franco dahil nag-aaral pa ito pero nandito na ito eh. Ang importante ngayon ay maging maayos ang lahat bago pa manganak si Carmi.” Ani ng tita ni Franco.
“Ano ba ang desisyon niyong dalawa Franco at Carmi?” Sa wakas ay nagsalita na rin si Nestor.
“Tito Nestor, magpapakasal kami ni Carmi ng civil na muna tapos pagkapanganak niya ay saka kami magpakasal sa simbahan.”
Halatang ninerbyos si Franco habang kausap si Nestor. Si Amanda ay tahimik lang nakikinig sa mga pinag-uusap ng dalawang lalaki. Samantala, ang magkapatid na Marc at Troy ay bumaba din kasama ni Ate Carmi kanina at nanatili sa kusina. Sa dalawa, si Troy talaga ang halatang ninerbyos dahil kanina pa ito nakakasagi ng mga upuan at mesa.
“Bro, ano bang nangyari sayo?”
“Ninerbyos ako para kay Franco.” Tumawa pa ito ng payak.
Kibit-balikat lang si Marc.
“Bakit binili mo ng mangga si Ate Carmi? Ibig sabihin ba ay alam mong buntis siya?”
“Hindi. Sabi niya gusto niya ng mangga eh pumunta ako kina Betchay kaya dumaan na lang ako. Oo nga ano, hilaw na mangga pala para sa naglilihi. Bakit di ko naisip yun!” Tampal ni Troy sa noo na ikinangiti ni Marc.
Nakangiting naglalakad si Marc at ang gwapo nitong tingnan sa suot na itim na suit. Siya ang bestman sa kasal nina Franco at Carmi. Sunod namang naglakad si Franco na naka-abresyete sa lumuha bagama’t naka ngiti namang ina at ang nakangiting ama. Hindi magkandahumayaw sa pag ngiti ang halatang kinakabahang si Franco.
Pagdating ni Franco sa altar ay nagyakapan ang magbestfriend at matiyagang naghihintay sa pagdating ng bride. Nagsisipag lakad na rin ang mga principal sponsors at kabilang dun si Ms. Torres na hindi pa rin mawala-wala ang isang malaking bulaklak sa buhok.
Ang mga secondary sponsors ay ang mga kaibigan ni Carmi at kasamahan sa dance troupe. Sumunod naman ang mga bridesmaids and groomsmen na walang iba kundi ang mga kasamahan ni Franco sa GoodVibes Crew.
Naunang naglakad si Troy na kapartner si Geleen. Bagama’t on-off ang relasyon ng dalawa pero nanatiling maganda pa rin ang pakikitungo nila sa isa’t-isa.
Nagbow pa muna si Spencer bago kinuha ang kamay ni Maribeth at nagsimulang maglakad papuntang altar. Kakarating lang ni Spencer nung isang araw galing sa Australia. Long distance relationship ang sinusuong nina Maribeth at Spencer pero so far ok naman silang dalawa.
Yung dalawang sumunod ay sina Jaimie at Lea na mga pinsang galing Australia ni Franco ang mga partners. Ang pinakahuling naglakad ay sina Wowie at Saicy. Parang kulang na lang magpakarga si Saicy kay Wowie sa sobra dikit nito sa huli.
Sumunod na naglakad ang mga bearers at flower girls. May isang flower girl na umagaw ng pansin ng lahat dahil sa lakas ng iyak nito. Inaakay ito ng batang ina pero sige pa rin sa pag-iyak ang bata at ayaw maglakad. Kinarga na lang ito ng ina na hindi mangkandahumayaw sa paghingi ng paumanhin sa mga nandun.
Anak ni Ara ang cute na bata na malakas umiyak.
“Sorry po. Sorry po…”
Uminit ang bunbunan ng isa sa mga ninang sa kasal dahil sa nangyari kaya pinandidilatan nito si Ara na hindi magkanda-ugaga sa pagpapatahan ng anak. Sinenyasan nito na ilabas ang bata kaya nung makarating sina Ara sa altar ay mabilis din itong lumihis paalis.
“Grabe makatingin yung biyanan mo Ara ah. Para kang kakainin ng buhay.” Puna ni Ate Gracia sa kanya nung makalabas sila ng simbahan.
“Kasi naman Ate itong si Inna eh iyak ng iyak. Kulang kasi ito sa tulog eh.” Pilit na pinaghehehele ni Ara ang dalawang taong anak pero hindi pa rin ito tuluyang tumahan. Tagaktak na ang pawis sa mukha ni Ara sa ginagawa. Nahihirapan siya sa ginagawa dahil halatang hindi ito sanay sa pagka-ina.
“Akin na nga muna ang inaanak ko. Nasaan ba kasi ang tatay nito?”
“May binalikan sa bahay Ate. Naiwan kasi ang bag ni Inna sa pagmamadali. Si Mommy kasi laging nagmamadali eh.”
“Speaking of the devil. Ayan na ang mahadera mong madir-in-law. Humanda ka na sa bunganga nito.”
“Ara, ano ba naman yang batang yan. Ang ingay-ingay. Bakit ka kasi pumayag na isama ang bata sa entourage eh ang liit-liit pa niyan. Di ka talaga nag-iisip.”
“Eh Ma, kasi gustong po nina Franco na isama si Inna. Kulang lang po ito sa tulog kaya po…”
“Hay nako. Nasaan ba ang asawa mo… O ayan na pala si Gab. Gab, where have you been?”
“I went back home Ma to get this.” Pakita nito sa baby bag na binalikan.
“Kasi naman next time pwede ba Ara paki-ayos lahat ng gamit para makakalimutan. Patahanin mo na yung bata at nakakahiya sa mga Pedroza. Gab, you go inside na rin.” At walang pasabi itong bumalik sa loob ng simbahan.
“Gab, akin na yung gatas ni Inna para makatulog na ang bata.”
Sumunod naman si Gab sa sinabi ng asawa.
“Hay nako, dun na nga muna tayo sa kotse niyo para makatulog ng maayos ang bagets na ito. Akin na yung bata Ara para makapagpahinga ka naman.”
“Salamat Ate Gracia.”
“Pagpasensyahan mo na lang si Mommy ha.”
“Ano pa nga ba.”
Pinunasan ni Gab ang mukha ni Ara na punong-puno ng pawis at nginitian nito.
“Ang ganda-ganda pa rin talaga ng misis ko.”
“Hay nako Gab, huwag mo na nga akong bolahin.” Pero namumula naman ito sa komplimento ng asawa at yumakap dito nung ibinuka nito ang mga braso.
Tumayo ang lahat nung nagsimulang maglakad ang magandang bride na si Carmi papuntang altar. Lumuluhang pareho sina Nestor at Amanda Pedroza. Mas lalong bumalon ng luha nung makitang lumuluha din ang groom habang hinihintay ang mapapangasawa.
Masayang nairaos ang kasal at sa reception ay nagkaroon ng special presentation ang Good Vibes Crew para sa mag-asawa. Pero pinaka touching na intermission number nung gabing iyon ay ang pagkanta ni Marc ng sariling komposisyon na ginawa nito para sa kasal ng kapatid at matalik na kaibigan. Si Gab ang nag-ayos ng arrangement at si Spencer ang tumugtug ng gitara bilang accompaniment.
“Brawh, ok ka lang?” Untag ni Marc sa bayaw na bigla na lang nag daydream. Nakangiti ito habang nakatingin sa kawalan.
“Ha? Wala Brawh. Binalikan ko lang panahong kinasal kami ni Carmi. Ang saya-saya natin nun.”
“Oo nga. Si Saicy nalasing at naalala ko tuloy yung tanong niya kay Wowie…”
“Bakla ka ba?” Nagchorus ang magbayaw sa pagbigkas ng tanong na iyon at naghigh-five!
“Pulang-pula si Wowie nun sa galit and the next thing we know ay hinalikan nito ang gulat na gulat na si Saicy!”
Nagpatuloy sa kwentuhan sina Marc at Franco. Kahit papaano ay naibsan ang lungkot na nadarama ng dalawa.
Masaya namang namumuhay sina Franco at Carmi pagkatapos ng kasal. Bago pa makapanganak si Carmi ay nakagraduate na si Franco at dahil mayaman ang mga magulang ay binigyan sila nito ng bahay. Pinagliban muna ni Carmi ang pagnenegosyo hanggang naging isang taon na ang kanilang baby na si Princess.
Franco despite his young age became a very responsible husband and a father. Although hindi maiiwasan na magdududa si Carmi lalo na’t nasa sales si Franco pero makailang beses naman itong inaassure ni Franco na ni tumingin sa mga babae ay di na nito ginawa.
Kung dati ay nadadala ni Franco sa lambing ang asawa at mabilis na napapalis ang galit nito pero nagtataka siya sa pagkakataon iyon dahil ilang araw na siyang inaaway ni Carmi ng walang dahilan. Palaging mainit ang ulo nito at sobrang selosa at ubod na matampuhin.
Dahan-dahang pumasok si Franco sa kwarto. Tulog na ang asawa at katabi nito ang natutulog ding anak. Nagtanggal ng kurbata at nagpalit ng damit pantulog bago tumabi sa asawa.
Niyakap ni Franco si Carmi at hinahalik-halikan ang pisngi. Naalimpungatan si Carmi at sandaling nagtaka kung nasaan siya. At nagpang-abot ang kilay nung makitang katabi ang ayaw makitang asawa.
“What do you think you’re doing? Bakit nandito ka?” Mababa ang boses nito para hindi magising ang katabing anak.
Pero hindi sumagot si Franco bagkus ay kinuyumus nito ng halik ang asawa hanggang matangay ito at rumisponde. Nakatulog ang mag-asawa na magkayakap at mapayapa.
“Franco… Hon, gising…”
Unti-unting dumilat si Franco at tiningnan ang orasan na nasa tabi at napakunot ang noo nito nung makitang ala sais pa lang.
“It’s still too early. Go back to bed.” At muli itong pumikit pero muli namang ginising ni Carmi.
“Ano bang problema Hon?”
“Hon, I think I’m pregnant.”
“Ah ganun ba. Ok.” At muli itong natulog pero biglang dumilat at mabilis na umupo.
“You’re what?”
“I’m pregnant!” Nakangiti na si Carmi sa mga oras na iyon habang ipinakita sa kanya ang resulta ng EPT nito.
Biglang nagising si Franco at muling hinalikan ang asawa dahil sa nadaramang kaligayahan. Naging maingay silang dalawa kaya nagising si Princess at palibhasa kulang pa sa tulog ay umiyak ito.
Pinapatahan ni Carmi ang bata pero sige pa rin ito sa pag-iyak. Maya-maya lang ay may mahinang katok na silang naririnig galing sa pintuan.
“Carmi, bakit umiiyak si Princess?”
“Ma, nagising po eh. Ang ingay kasi ng isa rito eh.” Natatawang sambit ni Carmi.
Bumukas yung pintuan at karga ni Franco ang umiiyak na si Princess na pilit nitong pinapatahan. Hindi nakatiis ang lola at kinuha ang bata kay Franco at ito na nagpatahan.
“Dalhin ko muna ito sa kwarto namin ha. Pahiram lang.”
“Ma, baka madistorbo si Daddy.”
“Ok lang yun. Paminsan-minsan lang tsaka hindi yun magagalit dahil sabik kay Princess yun. Teka, so ok na kayong dalawa? Tapos na ang drama?”
“Sana tapos na Ma.” Ani Franco.
“Ah Ma, I’m pregnant pala.”
“Well that explains bakit temperamental ka these days. Congratulations Iha. I’m so happy for you.”
“Thanks God yun lang pala yun Ma. Para na akong mababaliw sa kakaisip kung ano ang nagawa ko.”
“Sorry Hon. Malay ko ba na ganun pala yun.” Nakalabing sambit ni Carmi kaya muli itong nilambing ng asawa.
“O cya sige. Pahiram na muna kay bagets ha.”
Pakanta-kanta si Amanda na binitbit ang apo papunta ng kanilang kwarto. Biglang iniluwa si Marc nahalatang bagong gising pa.
“Good morning Ma. Anyare?”
“Ok na yung dalawa. Ate Carmi is just pregnant kaya temperamental yun. Hay nako buti na lang di ko sinabi sa Daddy mo. Sabi ko lang kasi na inimbita ko silang dito matulog.”
Humikab si Marc at kinakamot-kamot pa ang tiyan. “Hay salamat at tapos na ang drama. Good morning Princess.” At pinupog ng halik ang cute na pamangkin.
Humakagikhik naman ang bata at dinala na ito ni Amanda sa kwarto nila at gaya ng inaasahan ay pinangigilan ito ni Nestor.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro