Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER FIVE: BAKLA KA BA WOWIE? (Part 2)

"Wowie????"

"Hello Betchay, kasama mo si Saicy right?"

"Ahhh.... Oo."

Nakarinig si Maribeth na tila paghinga ng maluwag sa kabilang linya.

"Thanks God. Kanina ko pa siya hinahanap eh."

"Ah Wowie, nasa bahay namin natulog si Saicy kagabi. Nalasing eh."

"Loka-loka talaga ang babaeng yan." Hindi napigilan ni Wowie magreklamo.

"Eh kasi naman, ano ba ang problema niyong dalawa at nagngangangawa itong si Saicy kagabi. Break na daw kayo kamo."

"Break?" Nakarinig ng pagtawa si Maribeth galing kay Wowie.

"Sabi ko na nga ba na nag-iilusyon lang talaga ang kaibigan ko eh." Sabi ni Maribeth sa sarili.

"Hay nako, ang hirap espelengin ng kaibigan mo."

"So, ano totoo bang nagbreak nga kayo?"

"Hindi ah!"

"Eh, sa makatuwid eh kayo nga ni Saicy?"

"Ha??? Eh..."

"Eh ano nga?" Napalakas na ang boses ni Maribeth dahil sa antisipasyon sa gustong malaman.

"Ah basta ganun na yun siguro."

"Anong ganun na yun siguro. Pwede pakiklaro."

"Basta it's complicated Betchay. Anyway, just tell her na pagnahimasmasan na siya ay mag-usap kami."

"Ewan ko sa inyong dalawa. O siya sige sabihin ko mamaya. Sige bye na kasi umpisa na klase ko." Pagdadahilan ni Maribeth sa kausap.

Hindi na hinintay ni Maribeth na marinig ang pagpapaalam ni Wowie at pinindot na niya ang end button ng cellphone. Napabuntunghininga si Maribeth at wala sa loob na natampal ang noo sa kalituhan sa nangyayari sa kaibigan. Nasa ganung tagpo siya nung madaan ni Marc.

"Betchay, are you alright?"

"Huh? Marc! Nandyan ka pala. Kanina ka pa?"

"No kakarating ko lang. Something's bothering you?" Hindi na mapigilan ni Marc ang mag-alala sa possibleng problema ng kaibigan.

"Ok lang ako."

"So, ano nga ang problema kung ok ka lang. Hmmmnnn hulaan ko... si Tatay Botchog ulit?"

"Hindi ah! Pakialam ko dun!" Pero nag pang-abot bigla ang kilay ni Betchay pagkarinig ng pangalang iyon.

"So hindi si Tatay Botchog pero bakit nag ekis yang kilay mo?" Natatawang sambit ni Marc sabay hawak sa kilay ni Maribeth na kunyari pilit pinaghihiwalay ang mga iyon.

"Marc ano ba??? Hindi yung kangaroong yun ang problema ko noh. Pakialam ko dun. Basta magulo."

"So kung hindi si Tatay Kangaroo este si Tatay Botchog... hmmmmmnnnn si brother Bes ko ba?"

Hindi lingid sa kaalaman ni Marc na medyo may konting tampuhan ang magbes kay lagi niyang inaasar si Betchay.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Maribeth at tiningnan ng masama kaya muling humalakhak si Marc at inakbayan ni Maribeth.

"Hali ka na nga Ms. Sungit. Kain tayo ng ice cream para lumamig yang ulo mo. Tara, my treat."

"Hindi huwag na."

"Hindi pwede. Gutom na ako eh. Tara na!"

Napangiti na rin si Maribeth at naki-ayon na lang.

"So, ano nga ang problema?" Muling pangungulit ni Marc habang naglalakad sila sa kahabaan ng pasilyo ng paraalan papuntang canteen.

"Eh kasi kagabi pumunta si Saicy sa OO at ayun nagngangangawa. Break na daw sila ni Wowie."

"Break? Naging sila ba?"

"Ewan ko nga eh. Tinanong ko din si Wowie kanina kung break na ba sila at tumawa lang. Ewan ko, di ko rin magets yung sagot niya na parang silang parang hindi. Hay nako."

"Akalain mong naging sila pala talaga. Sa makatuwid ay nagbunga din pala ang pangungulit ni Saicy kay Wowie ha. Hmmmnnnn interesting. O tapos?"

"Tapos yun na tapos ang kwento."

"Hindi ah! Anong gagawin nila ngayon?"

"Hindi ko alam. Basta sabi lang ni Wowie pag ok na daw si Saicy, mag-uusap daw sila. Ewan ko. Bahala na nga sila sa buhay nila. Mga gulang na sila noh."

"Ano kaya yun?"

"Ah... sabi ko matatanda na sila kaya bahala na sila sa buhay nila. O bayad na." Sabay kinindatan ni Maribeth si Marc habang inuumpisahan ng papakin ang hawak na ube drumstick.

Naiiling na lang na nangiti si Marc at matapos bayaran ang kinuha nilang ice cream ay niyaya si Maribeth na umupo sa bench at dun nila pinagpapatuloy ang pag-uusap.

Nagulantang si Maribeth nung magring ang telepono at makitang si Saicy ang tumatawag.

"Teka lang Marc ha. Si Saicy tumatawag. Hello??? Saicy ok ka na?"

"Betchay, ang sakit ng ulo ko. Bakit di mo pala ako ginising. Lagot, di ako nakapasok."

"Anong hindi kita ginising, ang sabihin mo ayaw mo kamong gumising. Initin mo na lang yung pagkain diyan. Kumusta pakiramdam mo?"

Bumuntunghininga ang kausap ni Maribeth kaya ikot mata naman si Maribeth. Napangiti si Marc sa nakikita sabay iling at pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream.

"Nga pala, tumawag si Wowie kanina at hinanap ka. Tawagan mo daw siya pag nagising ka na. Tawagan mo yun kasi parang hindi mapakali eh."

Pero katahimikan ang naririnig ni Maribeth sa kausap kaya hello siya ng hello hanggang magsalita itong muli.

"Hindi na. Saka na lang pagready na akong kausapin siya. Salamat Betchay kagabi ha. Sige alis na rin ako."

"Hoy teka lang, tawagan mo si Wowie ha. Hello! Hello!" Pero busy tone na lang ang naririnig ni Maribeth.

"Anong nangyari?"

"Lukaret talaga ang babaeng yun. Iiyak-iyak kahapon dahil sa pambabalewala ni Wowie sa kanya, ngayon naman ay ayaw niyang kausapin."

"May gagawin ka ba ngayon?"

"Wala naman. Siguro pupunta lang akong OO. Bakit?"

"Nuod tayong sine."

"Ha??? Teka... o tara na!"

"Hindi ka pakipot ano?"

"Hindi talaga! Tsaka maganda palabas eh. Tara."

Naiiling na nakangiti si Marc pero hindi naman ito natinag sa kinauupuan. Nakasalampak ito sa ito ng upo sa bench.

"O ano, akala ko ba aalis na tayo? Bakit di ka pa tumayo diyan?"

Ngumiti lang si Marc at kinikindatkindatan si Maribeth kaya hinihila na ito ng huli para tumayo pero mas lalo itong nagpapabigat na kunyari walang lakas na tumayo.

"Marc ano ba! Tumayo ka na nga."

Sige pa rin sila sa ganung tagpo hanggang umabot sa puntong kinailangan ng parang buhatin ni Maribeth si Marc para itayo. Nasa ganun silang estado nung makarinig ng parang mga kinikilig na tawanan sa di kalayuan.

"Oi si Ms. Maribeth at Sir Marc, naglabing labing."

Naka alalay si Maribeth para makatayo si Marc at biglang natigilan at biglang itinulak si Marc na nawalan naman ng balanse at diretsong napa-upo sa damuhan.

"Oi LQ agad! Miss, baka naman masaktan si Sir!"

Muling tudyo ng mga estudyante nila na close sa kanilang dalawa. Namumula si Maribeth at tila nataranta at mabilis na aalis pero nahawakan ni Marc ang kanang kamay niya at hinila ito at pareho na silang napasalampak sa damuhan kaya sa halip na magalit ay natawa na lang din Maribeth habang pinapalo si Marc.

Mas lalong naghiyawan ang mga nandun. Naunang tumayo si Marc at nag bow at nag wave sa mga estudyante bago nito tinayo si Maribeth.

"O magbow ka na rin sa mga fans natin."

"Gago ka talaga!"

"Aray ko! Ang sakit ng siko mo! Tapos na ang palabas kaya tayo na."

Muling inakbayan ni Marc si Maribeth habang sige pa rin ito sa pagwave sa mga estudyante nilang kinikilig. Mahigpit nitong inakbayan ang pilit na kumakawalang si Maribeth. Sige pa rin ang kulitan nilang dalawa hanggang makarating sa parking lot at tuluyang sumakay sa sasakyan ni Marc.

Lingid sa kanilang kaalam ng dalawa ay may isang nilalang na biglang napalis ang mga ngiti sa labi sa nasaksihan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro