CHAPTER FIVE: BAKLA KA BA? (Part I)
CHAPTER FIVE:
Bakla ka ba?
“Sarado na po kami.” Sigaw ni Maribeth pagkarinig ng chimes ng pinto pero gayun pa man ay pumasok pa rin yun bagong dating kaya napabutunghininga na lang si Maribeth at lumabas sa counter para puntahan ang bagong dating.
“Sarado na po… Saicy!” Nanlaki ang mata ni Maribeth sa nasaksihang itsura ng kaibigan. Hilam sa luha ang magandang mukha ni Saicy at sige pa rin ito sa pag-iyak kaya mabilis na tinakbo ni Maribeth ang pagitan nila at dinaluhan ang kaibigan.
“Anong nangyari?”
Pero sa halip na sumagot si Saicy ay mas humagulgul pa ito na yumakap kay Maribeth. Hinayaan na muna ng huli ang kaibigan bago muling tinanong.
“Break na kami ni Wowie!” At mas bumulahaw ng iyak si Saicy pagkasabi niyon sa kaibigan.
“Break lang pala eh…. BREAK? Teka, kelan pa naging kayo ha?”
“Nakakainis ka naman Betchay eh!”
“Hindi nga. Naging kayo ba ni Wowie? Seryoso?”
“Betchay ha! Hindi ka na nakakatuwa!” Nagmamaktol na si Saicy na parang bata pero tumutulo pa rin ang mga luha nito.
“Biro lang. Ikaw talaga. O sige kwento na. Gusto mo ice cream?”
“Ayoko ng ice cream. Gusto ko ng beer.”
“Beer? Eh wala kami niyan. Alam mo namang wholesome itong kainan namin.”
“Tara alis tayo at mag-inuman. Huwag kang tumangi at kailangan mo akong damayan ngayon. Sa bahay niyo na lang tayo at bili na lang tayo ng beer dun.”
“Hay nako!!!! O cya, tapusin ko lang ang pagsasara tapos sabay na tayong umuwi. Ewan ko sa’yo. Ang drama mo.”
“Buti na lang wala sina Mama’t Papa ngayon kundi pingot ang aabutin natin nito. Ay ay ano ba yan! Hindi ba nauubos ang tubig mo sa katawan? Bumabalon na naman ang mga luha mo Friend!”
Mas lalong lumakas ang hagulhul ni Saicy pero sige pa rin ito sa paglagok ng beer habang ngumangawa!
“Letche siya Betchay! Sinaktan niya ang puso ko…”
“Sinaksak mo ng kutsilyo. Binuhusan mo ng asido, pinukpok ng martilyo! Sinaktan mo ang puso ko. Ngayon ako’y naghihingalo. Mauubusan na ‘ko ng dugo. Sinaktan mo ang puso ko!” Dinugtungan ni Maribeth ang tinuran ng kaibigan sa kanta ni Michael V. na sinaktan mo ang puso ko.
“Aray! Aray! Tama na. Biro lang! Tama na sabi. Saicy ha masakit na yang hampas mo! Si Wowie may kasalanan sayo at hindi ako noh!”
“Eh nakakainis ka kasi eh. Nagawa mo pa akong biruin. Bakit di ka umiinom?”
“Eh wala naman akong balak maglasing at may klase pa ako bukas no.”
Muling umiyak si Saicy.
“Hay nako po!” Natampal na lang ni Maribeth ang kanyang noo.
“Paabot ng ng pambukas tsaka bili pa tayo ng beer. Ubos na eh.”
Naka tatlong bote na si Saicy at magbubukas pa muli ng isa. Si Maribeth ay hindi pa maubos ubos ang isang bote.
“Huwag na Friend. Kahit naman kasi lunurin mo ng alak yang mga luha mo ay tutulo pa rin yan. Magkwentuhan na lang tayo.”
Binuksan pa rin ni Saicy ang huling bote at tumungga. Nangalahati ulit yun kaya napabuntunghininga na lang talaga si Maribeth. Alam niyang matindi talaga ang pinagdadaanan ng kaibigan dahil ngayon lang niya itong nagkitang nagkakaganito. Likas kasi itong masiyahin at palangiti na siyang taliwas sa itsura nito ngayon.
“Ano ba ang nangyari?” Panimula ni Maribeth.
Muling tumingala si Saicy para pigilan ang pagtulo muli ng luha pero gayon pa man ay hindi na niya maampat ang pagtulo ng mga iyon.
“Buwang talaga ako Betchay ano? Tigas talaga ng ulo ko. Paano kasi tinamaan talaga ako kay Wowie eh.”
“Friend, di ba kinausap na kita tungkol sa pagtingin mo kay Wowie. Baka naman kasi iba lang talaga ang preference niya. Nagkaliwanagan na ba kayo tungkol sa inyong dalawa? Ano ba ang napag-usapan nyo? Matagal tagal na rin kayong magkasama ah. Akala ko nga altar na ang hahantungan ng lahat ng ito.”
Matinding katahimikan ang sumunod kaya muling nagpatuloy si Maribeth sa pagsasalita. Pero nagtataka siya at nanahimik ang kausap at nung lingon niya ay nakatulog na pala ito. Tumayo kasi kanina si Maribeth at kumuha ng tubig sa kusina habang nagsasalita pero nung muling datnan ang kaibigan ay nakatulog na ito sa mesa.
“Ang galing! Ako pa ang tinulugan ng kausap ko!” Ikot-matang sambit ni Maribeth at kahit may kabigatan ang kaibigan ay dahan dahan niya itong hiniga sa sofa at dinamayan na rin niya ang kaibigan at dun na din siya nagpalipas ng magdamag.
“Ano ba! Kanina ka pa dikit ng dikit sa akin eh!” Reklamo ni Wowie kay Saicy habang pinipilit tanggalin ang mga kamay nitong nakapulupot sa kanyang braso.
“Bakit ba? Eh ang bango-bango mo kasi eh!” Sagot naman ni Saicy habang sinasamyo ang iritadong si Wowie.
They have been like this since the day na nakita ni Saicy si Wowie. Nagkaroon siya ng matinding crush sa lalaki na mas interesado pa atang pag-usapan ang tungkol sa mga beauty tips kaysa makipaglandian sa kanya.
“Eh baka maubos na ako sa kaka-amoy mo eh. Pwede ba bitawan mo muna ako. Ang init init eh tapos dikit ka pa ng dikit. O ayan umayos ka na kasi maglalakad na tayo.”
Kahit iritado na si Wowie ay napalitan pa rin ng ngiti ang nung magsimula na silang maglakad sa kasal nina Franco at Carmi.
“Umayos ka nga.”
“Eh maayos naman ako eh. Di ba sabi ng coordinator na hahawak daw ako sa braso mo di ba kaya nakahawak ako sa braso mo.”
“Hawak sa braso at isang kamay lang dapat gaya nila o. Eh ikaw dalawang kamay tapos sobrang dikit mo pa sa akin.”
“Eh sa gusto ko ganito eh.” Kinikilig na sambit pa rin ni Saicy na ikinabuntunghininga na lang ni Wowie.
Laking pasalamat ng huli nung dumating sila sa altar dahil hiwalay ang upuan ng mga lalaki’t babae kaya nakawala ito kay Saicy.
Pero panandalian lang yun dahil nung nasa reception ay parang tuko ulit na nakadikit si Saicy kay Wowie. Naging tampulan tuloy sila ng tukso ng mga kasamahan. Nung mag catch the boquet and garter game na ang bagong kasal ay nangunguna talaga si Saicy sa harap at nakikipag-agawan sa bulaklak.
Ayaw sumali ni Wowie sa garter toss pero binitbit siya ng mga kasamahan sa Good Vibes Crew at siya lang tuloy ang namumukod tanging nasa gitna at hindi na kinakailangan pang itapon ni Franco ang garter bagkus at binigay na agad ito kaya Wowie na tila nandidiri naman at binitawan pa iyon.
Mabilis na yumakap si Saicy kay Wowie at nagmwestra pa ng kiss agad.
“Pwede ba. Umayos ka nga!”
“Kiss mo na ako!”
“Yuck!”
“Anong yuck ka dyan. Kiss mo na ako dali!”
“Ayoko!”
“Bakit ayaw mo?”
“Basta ayoko!”
Ngitngit na si Saicy at di na napigilan ang sunod na sinabi.
“BAKLA KA BA?”
Malakas ang pagkakasambit ni Saicy nun kaya rinig na rinig ng mga kasamahan nila na biglang kinantyawan si Wowie.
Natigilan si Wowie sa prangkang sambit ni Saicy. Tila nabibingi siya sa mga sigaw at sa mga tunog ng mga baso at kubyertos.
“Kiss! Kiss! Kiss!”
Halos mabasag na ang mga baso sa kakapatunog ng mga guest na nandun para bigyan sila ng hudyat na maghalikan na kahit pa hindi pa nailagay ang garter sa binti ni Saicy.
Namalayan na lang muli ni Wowie na naka-usli na ang nguso ni Saicy at hinihintay siyang halikan ito.
Ngumiti si Wowie at hinalikan si Saicy sa pisngi. Napadilat ang isang mata ni Saicy nung namalayan ito at sumimangot.
“Ayoko sa cheeks. Gusto ko dito.” Sabay turo sa kanyang labi.
“Ano? Nakakahiya!”
“Bakit nakakahiya eh parang tayo ang sunod na ikakasal dahil tayo nakakuha ng boquet at garter. Sige na bilis. Kiss na!” Muling ngumuso si Saicy.
Biglang nagpanic ang kalooban ni Wowie pero binubuyo siya ng mga kaibigan na kulang na lang ay halos idikit ang mukha niya kay Saicy.
Huminga muna ng malalim Wowie at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Saicy at itingala ng konti ang mukha nito. Nakapikit na nakausli pa rin ang nguso ni Saicy pero halatang excited at kinikilig na ito.
Isang masuyong dampi sa mga labi ang ginawad ni Wowie sa naghihintay na si Saicy. And the next thing he knew ay nakapulupot na ang mga kamay ni Saicy sa kanyang batok at niyakap siya ng mahigpit.
The night ended that Wowie experienced his first kiss and he liked it!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro