Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 4: AS LONG AS IT MATTERS (Part III)

"You're married?!?" Bagama't nakangiti din naman si Fritz ay halata ang pagkashock nito sa sinabi ni Gab.

"Yup and I'm going to become a father soon!"

Mayabang pang hinimas ni Gab ang puson ni Ara habang naka-akbay sa asawa. Somehow that gesture relieved the jealous wife. Napangiti na rin si Ara sa ginawa ni Gab.

"Wow!!!! You'll be a father before you turn 20. Cool!"

Masayang nagsalo-salo ang magbarkada kasama ang bagong kaibigan ni Gab. Dahil walang gaanong kakilala si Fritz ay si Gab pa rin ang lagi nitong nakaka-usap. Paminsan-minsan ay sumasali si Ara kaso hindi rin niya naintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa kaya mas minabuti niyang makihalo-bilo sa mga kaibigan.

"Ara, are you sure that nothing's going on between your husband and his friend?" Di na napigilang maging prangka ni Lea.

"Lea!"

"What? I just a question Jaimie? Bakit ikaw ba hindi mo naiisip ang naiisip ko?"

Biglang natameme si Jaimie.

"See! She's pretty but well kunswelo na lang is pinaalam ni Gab sa girl nay an that Ara is his wife... What?"

Naputol ang pagsasalita ni Lea nung untagin siya ni Jaimie dahil napanpansin nitong namumula na ang mga mata ni Ara at nagbabanta na ang mga luha nito.

"Oh crap! Stop crying Ara!"

Pero bago pa matapos ni Lea ang sasabihin ay tuluyan ng tumulo ang luha ni Ara. Dumalo agad si Jaimie dito.

"Excuse me."

Nagmamadaling tumayo si Ara at pumunta sa rest room. Nakasalubong nito si Maribeth na nagtataka nung biglang yumakap si Ara dito.

"Ara, anong nangyari sayo?"

Pero hindi sumagot si Ara at napahikbi na lang ito. Palapit na din sina Lea at Jaimie sa kanila kaya minarapat ni Maribeth na hilain si Ara sa likod at dun sila mag-uusap na apat.

"Ano bang nangyari kay Ara at umiiyak ito?"

"Eh kasi Betchay, Lea said something about Gab and Fritz..."

"What did I say? Sabi ko lang naman na... Ara stop crying!"

"Oo nga naman Ara, tumahan ka na. Baka mapapaano ang baby mo." Pag-aalala ni Maribeth sa kaibigan. Simula ng nagtrabaho si Ara sa Fiestarrific dati ay naging close sila ni Maribeth.

"Sorry guys. Hormones lang siguro ito. Ewan ko ba, lagi na lang akong naiiyak lately."

"Whatever!" Ikot-matang sambit ni Lea. "Tara na nga Jaimie. Alis na din ako coz I have truckload of assignments to do! Gosh I hate school! Grrrr!"

Dahil sa sinabi ni Lea ay napangiti na rin si Ara kasi alam niyang banas na banas si Lea at mas gugustuhin pa nitong mag-shopping na lang gaya ng kanilang nakagawian dati.

Bumalik na rin sila sa grupo nung mahimasmasan na si Ara. Muli itong tumabi sa asawa at ngumiti na parang wala namang nangyari kanina lang.

"Girl, ang ganda ng skin mo. Ano ba ang nightly rituals mo?"

"Wowie ano ba!" Yamot na sambit ni Saicy.

"Teka lang kasi. O di ba ang ganda ng skin niya. Ask natin ang beauty tips niya."

"You're funny Wowie. Simple lang nightly rituals ko. I just wash my face and put on toner and moisturizer before I go to sleep." Nakangiting sagot ni Fritz.

"Ay matry nga yan mamayang gabi. I try mo na rin para kuminis yang mukha mo." Sagot naman ni Wowie tapos si Saicy naman ang pinasaringan.

"Ewan ko sayo." Sambakol pa rin ang mukha ni Saicy pero hindi naman ito pinapansin ni Wowie na busy sa pakikinig sa kwento ni Fritz.

"How are you baby? Sorry ha, I'm so tied up with school kanina. I went home but wala ka sa bahay and I've been trying to call you but your phone just kept on ringing." Ani Gab.

"Ah nakasilent ata ang phone ko kanina."

"Buti na lang Troy called me and told me magkasama kayo kasi I called Ate Gracia too and she doesn't know where you are. You like my gift?"

Tumango lang si Ara at ngumiti. Hinalikan siya sa pisngi ni Gab at niyakap.

"Gab, I have to go. Nandyan na ang sundo ko. It was nice meeting all of you. Happy anniversary to both of you. See you in school Gab."

Tumango lang si Gab sa kaibigan pero hindi na ito tumayo para ihatid ang babae. Dahil dun ay parang nabunutan ng tinik si Ara. Masaya silang umuwi nung gabing iyon.

"Hello Baby!"

"Gab!!!!!!!"

Hindi magkanda-ugaga si Ara sa pagtakbo nung makita ang asawa na bungad ng boutique ni Ate Gracia. Ang dating ukay2x shop ni Ate Gracia ay isa ng magandang boutique ngayon. Tulong tulong sila ni Aras a pagpapatakbo niyon.

Nagkayakapan ang mag-asawa kasama ng panganay nilang si Inna.

"I miss you so much! How's my princess Inna?"

"Miss you too Daddy!" Nakangiting sambit naman ng bata matapos magpakarga sa amang matagal na di nakasama.

"Where's Ate Gracia?"

"Kasama ni Tito Gary. Titingnan daw nila yung lupang gusto nilang bilhin."

May asawa na si Ate Gracia. Isang foreigner na tinatawag ni Ara na Tito Gary. Ka penpal nito ng pinsan na taga Europe. Isang biyudong walang anak na mas matanda kay Ate Gracia ng labing-limang taon. Pero matikas pa rin ito at mukhang bata.

"So we can't leave yet?"

"Tawagan ko lang si Ate at sabihin ko alis na tayo."

Muli siyang niyakap ng asawa at napangiti si Ara.

"Baby, tumawag pala si Marc and magkakaroon daw ng reunion ang Good Vibes Crew kasi 10 years na pala tayo. Parang tayo lang ano?"

"Yeah he emailed me. I told him that pagdating ko pupuntahan ko siya."

"I'm so excited na of the reunion! Tara na Inna, let's go home na anak."

"Ay napakadupang mo talaga! Kanina ka pa eh. Ubos na ang ube ice cream ko!" Yamot na sambit ni Maribeth.

Nginitian lang siya ni Marc na sige pa rin sa pagkuha ng ice cream sa kanyang halo-halo.

"Hay nako ang epal talaga." Sabay layo dito sa kinakaing halo-halo pero sige pa rin ito sa pag-abot.

"Betchay, marami pa namang ice cream sa loob. Huwag mo namang pagdamutan si Marc." Sambit ni Nanay Anna sa anak.

"Ok lang Tita Anna. Ubusin ko lang po yung kinakain ni Betchay para huwag po siyang tumaba. Pati na rin yung leche flan."

"Ay ang kapal talaga."

"Oi nanunulis na ang labi. Galit na! Iiyak na yan! Iiyak na yan! Ouch!!!!"

Malimit na sina Marc at Maribeth na ang magkasama simula ng naging substitute PE teacher ang huli sa Northbridge. Dahil nasa harap lang din ng school ang snackbar ng mga Tamayo na pinangalanang OO Leche Flan at Iba Pa at malimit na iyon na rin ang tambayan ng dalawa.

Kagaya ng gabing iyon, kakagaling lang nila pareho sa eskwelahan. Nagtuturo si Maribeth ng sayaw dahil meron school program sa susunod na lingo at tinutulungan siya ni Marc sa pag-eensayo ng mag-aaral.

Napa-isip na rin si Maribeth na ipagpapatuloy ang pagtuturo ng part time sa Northbridge at sige pa rin siyang kinukumbinsi ni Marc sa mga bagay na iyon.

Sige pa rin ang kulitan ng dalawa nung may tumikhim sa kanila. Napasigaw ang dalawa nung makita ang nakangiting sina Ara at Gab sa harap.

"Gab!!! Kelan ka pa dumating? I thought you're coming next month pa?" Tanong ni Marc.

"I miss my wife and baby Marc kaya umuwi na agad ako."

"Upo kayo. Halo-halo ulit tapos doble ang leche flan?" Tanong ni Maribeth sa mga kaibigan.

"Yup yup!"

"So kumusta na? How's Geleen?"

"It's good. Actually Dad's coming home soon. Well, that's gonna be a bit of a challenge kasi you know my mom and her pride."

"Yeah right!"

"But well she has to face him really soon. Hey, what's up with the reunion? Com'mon tell me the details!"

Masayang nag-uusap ang magkaibigan at maya-maya lang ay napangiti si Gab na nakikinig sa asawa sa pinipresenta nitong plano kay Marc.

Who would ever thought na mapapalagpasan nila ni Ara yung unos na dumating sa kanilang batang relasyon.

"Here listen to this if this is the mix that you want." Sabay abot ng kabilang earpiece ng earphone sa katabi.

Nakangiti namang tinanggap din ito ng huli at nakinig. Magkadikit sila masyado habang magkatabing naka-upo sa isa sa mga benches sa eskwelahan. Nakatingin si Fritz sa isang papel at sinusundan ng kanta ang tugtug. Pareho silang tumango-tango habang nakikinig nung biglang liparin ang hawak na papel ni Fritz kaya nahulog iyon. Dali-daling yumuko silang dalawa at hindi inaasahang pagkakataon ay biglang napadapo ang bibig ni Gab sa gilid ng bibig din ni Fritz.

Parehong nanlaki ang mata nina Gab at Fritz at tila tumigil ang pag-ikot ng mundo nung biglang parang may narinig silang pareho na biglang pagbuhos ng tubig.

"Gab..."

Tumingin si Gab kung saan nangaling ang tinig at nagulantang siya nung makitang si Ara pala ang nasa harap at may tubig ang paanan nito.

"Aaagggg!!!!"

Biglang tumayo si Gab at inalalayan ang asawa.

"Bitiwan mo ako!"

"No! I'm taking you to the hospital. I think you're giving birth na!"

"Bitiwan mo ako! Aaagggghhh!!!!" Namimilipit na si Ara sa sakit kaya kinarga na ito ni Gab kahit pa nagwawala ito at mabilis na dinala sa kotse na nakaparada sa di kalayuan.

Naiwan si Fritz na nanlaki ang mga mata at nag-alala sa kalagayan ni Ara. Bumuntunghininga na lang ito at napahawak sa noo dahil alam nitong may susuinging malaking problema si Gab sa nakita ni Ara kanina.

Nairaos din ni Ara ng maayos ang panganganak at iniluwal niya ang maganda nilang princessa ni Gab na pinangalang Rhianna "Inna" Gonzales - Weiss.

Pero simula ng nanganak si Ara ay kibuin na nito hindi si Gab. Nag-uusap lang sila kapag kaharap nila ang mga kaibigan o mas tamang sabihin na kinikibo lang ni Ara si Gab pagnandiyan ang mga kaibigan at pamilya.

Nung oras na para umuwi si Ara ay ayaw nitong umuwi kina Gab at gustong magpahatid sa bahay ni Ate Gracia. Galit na galit na si Mommy Charlene pero sa kaartehan di umano ni Ara at kahit anong pilit nito ay ayaw magsalita ni Ara sa totoong dahilan nito kung bakit ayaw umuwi sa kanila.

Kay Ate Gracia sinabi ni Ara ang nakita at kahit anong paliwanag o pagkukumbinsi ni Ate Gracia sa huli na bumalik sa bahay ng mga Weiss ay matatag pa rin ito sa kanyang naging desisyon.

Isang araw habang pinapatulog ni Ara ang anak ay may narinig itong mahinang katok sa pintuan.

"Anong ati..." Biglang nag-iba ang expresyon ng mukha ni Ara nung mapasino ang bisita.

"Hi Ara, can I come in?"

Tumaas ang kilay ng bagong ina at kahit balak nitong huwag pakiharapan ang kausap ay pinatuloy pa rin ito at pina-upo.

"Anong kailangan mo?"

"Ara, I came here to tell you the truth. Walang namamagitan sa amin ni Gab. What you saw that day was nothing." Panimulang salaysay ni Fritz sa kanyan.

"Yeah right!" Pauyam na sambit ni Ara.

"Believe me. Pinapakinggan ko yung ginawang mix songs ni Gab that I will sing for my birthday. Lumipad yung lyrics na hawak ko at nagkataong sabay kaming yumuko and accidentally ay napalapit ang mukha namin. You may not believe that it was an accident but you have to believe it. Nothing is going on between me and Gab."

Pero hindi pa rin kumbinsido si Ara sa sinasabi ng babae.

"You know what Ara, Gab loves you so much. He can't help but talk about you all the time. He's excited sa baby niyo. You are so lucky that your husband adores you. Please give him a chance. I am not here to convince you but I'm to tell you the truth."

Nanatili pa ring tahimik si Ara kaya napabuntunghininga na lang si Fritz at nagpaalam. Nakita ni Ara na sinalubong si Fritz ng isang lalaking tisoy din at hinahaplos pa ang likod nito habang ang dalaga ay nagsasalita. Maya-maya lang ay umiiyak na ito at niyakap ng lalaking hula niya ay kasintahan nito bago ito pinapasok sa kotse at parehong umalis.

Kinuha ni Ara ang anak at niyakap. Maging siya ay napa-iyak na rin. Muling nakarinig ng pagkatok ng pintuan si Ara at bago pa niya ito mabukasan ay bumukas na ito at iniluwa ang malungkot na si Gab na may dalang maliit na teddy bear at isang bouquet ng mapupulang rosas.

Mabilis na nilapag ni Ara ang hawak na sanggol at tumakbong yumakap kay Gab at umiyak. Nag-iyakan silang dalawa habang mahigpit na nagyakapan.

"Baby, what do you think? Hey, saan ba lumilipad ang isip mo?" Pukaw ni Ara sa asawa na nakatingin sa kawalan.

"Huh?"

"Hay nako itong asawa ko talaga. Kung ano ano ang iniisip. Baka naman may nakilala na naman itong magandang babae sa plane." Kunyari nagtatampong sambit ni Ara.

Niyakap ito ni Gab ng mahigpit at hinalikan sa labi.

"You know I love you so much wife and no one can ever replace you."

"Ayiiiiiiii ang sweet naman!!! Maiingit si Betchay niyan!" Biro ni Marc sa dalawa.

"Heh! Ako lang ba ang maiingit? Ikaw din kaya!"

"Betchay, halika yakapin din kita para mawala ang ingit mo!"

"Gusto mong sapakin kita Marc!" At nagmwestro pa ito ng kamao.

Pero sige pa rin sa pangungulit si Marc na kunyaring yayakapin at hahalikan si Betchay pero bigla itong napa-aray nung bigyan ito ng mahinang jab sa tiyan ng dalaga.

"Aray ko naman. Daig mo talaga si Pacquiao!"

Magsasalita pa sana muli si Maribeth nung halos magkasabay na tumunog ang kanyang telepono.

"Abah mantikin mo naman ah. Si Bes at si Botchog Sr. ang tumatawag! Alin alin alin ang pipiliin? Sino kaya ang iyong kakausapin? Betchay, Betchay ang haba ng iyong hair na tunay. Sagutin mo na ang telepono para sumaya ka na ng tunay!" Kinanta pa ni Marc ang mga sinasabi.

"He! Tigilan mo ako Pedroza ha!"

Mabilis na tumayo si Betchay na bitbit ang dalawang telepono at lumayo sa kanila pero hindi pa rin nito alam kung sino ang kakausapin.

"That was crazy!" Natatawang sambit ni Gab.

"I know right? Pero malaki din problema ni Maribeth sa dalawang iyon."

"Why?"

Ikot-mata si Marc as he shrugged his shoulders. "It's just so complicated!"

"Whatever!"

"Baby, I think we have to go. Nagtetext na ang prinsesa mo at miss na daw niya ang daddy niya." Ani ng nakangiting si Ara.

"Ninong Marc, matagal mo ng di binibisita ang inaanak mo." Paalala ni Ara kay Marc.

Biglang natampal ni Marc ang noo sa sinabi ni Ara at nagsosorry dahil busy at di pa rin nahatid yung regalo sa inaanak.

"Sa Sunday pupuntahan ko kayo. But you know what guys, I'm glad ok na kayo."

"Me too! Me too Marc. We shall get going. See you on Sunday. Just tell Betchay we went ahead. She seems too busy with that two phones." Napahalakhak muli si Gab sa nakita kaguluhan sa pakikipag-usap ni Maribeth sa hawak na telepono.

Kinawayan na lang ng mag-asawa si Maribeth na nasa labas.

"Nakakainis talaga!"

"Bakit?"

"Ah basta. Sige na uwi ka na rin para makapagsara na kami."

"Tulungan ko na kayo."

"Huwag na Marc, nakakahiya naman."

"OA mo! Hala sige ligpit na at gumagabi na! Maribeth!" Sabay turo nito sa sahig at nanlaki ang mga mata nito.

"Bakit?" Gulat at pag-aalalang tanong naman ng huli.

"Buhok mo o, naapakan mo na dahil ang haba!" Sabay bungisngis nito at turo sa kunyari imaginary hair ni Maribeth.

"Sira! Halika na nga!" At hinila na ito ng dalaga papunta ng kusina.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro