CHAPTER 4 - As Long As It Matters (Part II)
"O bakit ngayon ka lang?"
"Sorry Baby, too much school work and I am also working on something as an extra income in time for you to give birth."
"Ah ganun ba. Kumain ka na ba?"
Naawa si Ara dahil sa nakitang hitsura ni Gab na hapong-hapo.
"Yeah. I have eaten na. I'll just go to our room and sleep. I'm so tired."
Hinalikan na muna ni Gab sa noo si Ara bago ito umakyat. Bumuntunghininga naman si Ara at pumunta sa kusina at tiningnan ang mga pagkaing nakahain sa hapag-kainan. Hindi pa siya kumakain at diyes y' media na ng gabi dahil hinintay niya ang asawa pero yun pala tapos na itong kumain. Nawalan na rin ng ganang kumain si Ara kaya niligpit na lang niya ang mga ulam.
Sila lang ni Gab ang nasa bahay ng mga oras na iyon dahil si Mommy Charlene at Geleen ay nasa ibang bansa dahil sinamahan nito si Geleen sa pagsasanay bilang representante ng Pilipinas para sa Ms. International pageant.
Matapos ligpitin ang mga pagkain ay umakyat na rin si Ara. Pagdating niya sa kanilang kwarto ay nakita niya ang asawa na nakadapa na sa kanilang kama. Tulog na tulog ito. Maingat na nilapitan ni Ara si Gab at tiningnan ng maigi. Masuyong hinaplos ang makinis na mukha ng asawa at napabuntunghininga.
Binalikan niya muli kung paano sila naging sila. She was at her downest moment dahil sa problema sa pamilya at sa pagkabigo sa inaakalang pagtingin ni Marc sa kanya. Aaminin niya na medyo masyadong mabilis na naging sila ni Gab pero gayun pa man ay wala siyang kasing saya dahil nakagaanan niya agad ito ng loob. Pareho man silang rebound nina Marc at Maribeth, gayun pa man ay di namna matatawaran kung gaano sila kaligaya sa isa't-isa.
Nakangiting namuni-muni si Ara nung naputol iyon sa pag-riring ng cellphone ni Gab na nasa side table. Bagama't nakasilent ito ay nakavibrate naman so tumutunog pa rin ng malakas.
Mabilis na tumayo si Ara at nilapitan ang telepono para patahimikin ito. Dahil nakikita ang messages ni Gab ay tuksong binasa iyon ni Ara at napasinghap siya.
"Thanks for tonight Gab. See you tomorrow."
Galing iyon sa isang nagngangalang Fritz.
"Sino kaya ang Fritz na ito?" Ang paulit-ulit na gumugulo sa isipan ni Ara. Nawala bigla ang kanyang antok pero gayun pa man ay humiga pa rin siya pero hindi pa rin nawawala ang pag-iisip. Naramdaman niya ang pagpulupot ng mga bisig ng asawa sa kanyang katawan at ang paghila nito sa kanya para dumikit sa huli.
"Good night Baby. Love you." Sambit ni Gab na nakapikit at nakangiti.
Mabilis na napawi ang pag-aalala ni Ara dahil sa ginawa ng asawa. Pagkalipas lang ng ilang sandali ay ginupo na rin si Ara ng antok.
Nasa ika-walong buwan na siya ng kanyang pagbubuntis kaya kinakailangan niyang tumigil pansamantala sa pag-aaral. Habang nasa school si Gab ay tumutulong si Ara sa tindahan ni Ate Gracia ng mga UK o ukay-ukay. Dun siya namamalagi para hindi siya naiinip. Tumatangap din siya ng pagagawa ng mga invitations at kung ano ano pang paglalay-out at pagpiprint.
"Bakit di mo tinanong si Gab kung sino itong si Fritz Dyannarra kesa kanina ka pa nakatulala diyan sa pag-iisip."
"Eh Ate Gracia, nahihiya akong magtanong kay Gab kasi di ba parang nangingi-alam ako sa kanya niyan dahil binasa ko ang text niya sa cellphone?"
"Asawa ka naman niya so ok lang yun kesa naman isip ka ng isip."
"Eh Ate kasi..."
"Eh Ate kasi.. Hay nako sa'yo Dyannarra, tumigil ka na nga. Isip ka ng isip. Duda ka ng duda pero takot ka namang magtanong. Ewan!"
Muling nanahimik si Ara at gayun pa rin ang ekspresyon ng mukha, nag-aalala at malungkot.
"Hoy!" Pitik ni Ate Gracia ng daliri nito para matauhan siya.
"Huh!"
"Hay nako Ning, OA na yang ginagawa mo. Isipin mo na lang na lalaki si Fritz o di kaya'y bading. Panlalaking pangalan naman ang Fritz eh so lalaki yan. Baka isa sa mga natulungan lang yan ni Gab. Pwede ba... O ayan na pala ang halo-halo natin. Chibug na!"
Kahit papaano ay nawala ang pagdududa ni Ara sa sinabi ng pinsan at masayang kinain ang pinabili nitong halo-halo.
"Baby, I will be home late again. So sorry but I can't make to dinner. Can we just do it tomorrow? Promise. Sorry..."
Napabuntunghininga si Ara sa natanggap na text galing sa asawa. Patapos na siyang magbihis para sa lakad nila kaya napa-upo na lang siya sa kama napatingin sa kawalan. Maya-maya lang ay tumingala si Ara para pigilang tumulo ang mga luha pero hindi siya nagtagumpay sa pagkakataon iyon dahil bumalon na ang lahat ng kanyang luha.
Ika isang taon na nila simula ng naging sila ni Gab kaya niyaya niya ang huli na magdinner sila para magcelebrate pero gaya ng dati ay busy si Gab. Ayaw na niyang disturbohin ang pinsan dahil alam niyang may date din ito sa araw na iyon kaya sa halip na magmukmuk ay naisipang umalis ng bahay ni Ara.
"Betchay, sige na!"
"Ayoko sabi eh! Ang kulit mo Bes!"
"Para sasayaw lang eh. Sige na... ayaw mo bang supportahan ang Bes mo? Anong klaseng kaibigan ka?"
"Marc, ang kulit nyang kapatid mo ha!"
"Sige na Betchay, supportahan mo na ang kapatid ko. Ano pa't naging magbestfriend kayo tapos konting hiling lang niya ayaw mo pa pagbigyan."
"Ay nako kayong dalawa walang sing kulit sa totoo lang! Ewan ko sa inyo!"
Binirahan ng alis ni Maribeth ang dalawa at pumunta ito sa counter para ipaalam sa cook ang order ng dalawa.
Magkasama ang magkapatid na sina Marc at Troy na pumunta sa kanya dahil kinukumbisi siya ni Troy na maging isa sa mga back-up dancers nito sa sasalihang audition. Ayaw ni Maribeth dahil katwiran niya ay nahihiya siya at may trabaho pero hindi siya tinantanan ng magkapatid at kanina pa kinukulit.
"Betchay, bumalik ka nga muna dito. Sige na!" Muling sigaw ni Troy sa kanya.
"Ano ba naman yan, may trabaho ang tao."
"Sandali lang naman eh. Tsaka customers kami kaya kailangang bigyan ng atensyon di ba? Sige ka, isusumbong kita sa boss mo." Banta ni Troy sa kaibigan. Si Marc naman ay namumula na sa kakatawa.
Matulis na ang bibig na bumalik si Betchay sa mesa nina Troy at Marc at padabog na inilapag ang mga order nito.
"Aba'y nagdadabog ka ha... teka lang tawagin ko nga muna si Sir... Sir, sir..." Pero hindi na natuloy ni Troy ang sasabihin kasi mabilis na tinakpan ni Maribeth ang bibig nito.
At akmang si Marc naman ang magsasalita ay mabilis din tinakpan ni Maribeth ang bibig nito. Pero biglang tinangal ni Maribeth ang mga kamay at tumakbo at sinalubong ng yakap ang bagong dating sa may pintuan.
"Ara!!!!!!!"
Napalingon din ang magkapatid at nag-unahan sa pagtayo para salubungin din si Ara. Kahit papaano ay napawi ang lungkot na nadarama ni Ara dahil nahawa na rin siya sa bungisngis ng mga kaibigan.
"Anong gusto mong kainin? Anong gustong kainin ng inaanak ko ha?" Hinimas-himas pa ni Marc ang tiyan ni Ara habang nagtatanong.
Tawa lang ng tawa si Ara sa kakulitan ng mga kaibigan. Matapos ibigay ang order ay masaya na ring umupo si Ara sa mesa nina Marc at Troy.
Maya-maya lang ay dumating din sina Franco at Ate Carmi at nagulat nung makitang nandun din pala sila. Sumali na rin ang mga ito sa grupo. Mas lalong umingay ang grupo nung ang magkasamang sina Saicy at Wowie naman ang dumating. Day-off ni Saicy nung araw na iyon kaya libre itong nakikipagkulitan sa mga kasama sa Good Vibes Crew.
Napuno ng kantiyawan nung bumukas ang pinto at iniluwa si Spencer. Mabilis itong lumapit kay Maribeth at inakbayan ang kasintahan pero halata ang pag-iba ng mood ni Betchay at iwinaksi pa ang pag-akbay ng huli.
"Tampo tampo pa rin ba ang nanay ni Botchog? Sorry na..."
"Hmmp! Huwag kang magpacute kasi hindi ka na cute!"
"Abah may lover's quarrel na naman ang dalawa!!!!" Kantiyaw ni Troy sa kaibigan na tiningnan ng masama ni Betchay.
"Tantanan mo ako Bes ha kung ayaw mong makatikim nito!" Sabay mwestro ni Betchay sa kanyang kamao.
"Huwag ka ng magalit Nanay ni Botchog. Sorry na si Tatay ni Botchog kasi busy lang sa school. Sorry na Nanay ni Botchog..."
"Ngingiti na yan!" Paulit-ulit na sigaw ng magbarkada sa nanunulis na ngusong si Maribeth. Pati si Ara ay sa mga sandaling iyon ay tumatawa na talaga at di na naisip ang asawang no show na naman.
Muling naghiyawan ang mga ito nung tuluyan ng napangiti si Maribeth at yumakap na rin ito sa nakangiting si Spencer.
Tumunog na naman ang bell hudyat na may dumating at biglang lumapad ang ngiti ni Marc nung mapasino ang dumating. Dali-dali itong tumayo at sinabulong ang bagong dating.
"I'm glad you made it. Alam kong sobra kang abala. Thanks." Sabay halik sa pisngi nito.
"Ok lang Pedroza. I need a break too. Grabeh ang hirap ng pre-med!"
"Halika na Castillejo. Ano gusto mong kainin Niqs?"
Nakagawian na ng dalawa ang tawagang Pedroza at Castilliejo pagnagbibiruan. Muling nagsigawan ang lahat nung makitang hinalikan ni Marc si Monique.
"Wowie, akbayan mo rin ako!!! Gaya ni Spencer at ni Marc o! Dali na!!! Bilis!!!"
"Ano ba naman yan Saicy? Akbay na naman. Eh kanina ka pa nakahawak sa braso ko ah!" Di na maipinta ang mukha ni Wowie sa kakulitan ni Saicy.
"Ah basta. Sige na. Gusto ko akbay mo rin ako..."
At dahil hindi naman ginawa ni Wowie ay si Saicy na mismo ang naglagay ng kamay nito sa kanyang balikat at kinikilig ito pagkatapos at kahit tinatangal ni Wowie ang braso ay mahigpit naman itong hinawakan ni Saicy.
"Guys!!!! Guys!!! Teka lang. Tumahimik muna kayo kasi may tumatawag na unregistered number. Si Sweets ko na ito!" Ani Troy na pinapatahimik ang mga kaibigan na mas lalong gumulo.
"Tahimik!!! Hellow Sweets???? Miss na miss na kita! Kelan ka ba uuwi? Baka naman meron ka ng mga Braziliang nagustuhan diyan ha... gusto kong ipaalala sa'yo na mas pogi ako sa kanila at mahal na mahal kita."
Muling naghiyawan ang lahat pero pinapatahimik sila ni Troy kaso ayaw naman tumigil ang mga ito kaya umalis si Troy at lumabas para magkarinigan sila ni Geleen.
Si Ara, kahit nakangiti ay muling ginupo na naman ng kalungkutan nung maalala na naman ang asawa.
Muling pumasok si Troy sa loob kaya tuloy ang kulitan nilang lahat. Kanya-kanyang landas na kasi ang Good Vibes Crew dahil hindi na sila sa iisang kolehiyo nag-aaral pero paminsan-minsan ay nakikita pa rin sila sa paborito nilang tambayan kung saan nagtatrabaho si Maribeth at Saicy at dati si Ara na rin sa Fiestariffic.
Muling bumukas ang pinto at pumasok sina Jaime at Lea.
"My God, traffic is really bad! I hate it!" Complain ni Lea.
"How's school?" Tanong ni Marc na naka-akbay kay Monique.
"Terrible! I wish I could go shopping all day na lang!"
"Ako naman I had fun! Enjoy din mga classmates ko. Pero miss ko kayong lahat guys. Tsaka pala, sama niyo naman ako sa prayers niyo para makapasa ako sa audition sa isang dance group who will be competing abroad!" Nakangiting sambit ni Jaime.
Dahil din ay masayang binibigyan ng lakas ng loob ng grupo si Jaime at tinanong ang mga ito ang detalye ng pinagkakaabalahan nina Lea at Jaime.
Muling tumunug ang bell at this time around ay ang nakangiting Gab na ang pumasok na may bitbit na isang malaking teddy bear.
"Ara, nandyan na si Gab!"
Lumingon si Ara sa asawa at hindi na rin nito napigilang ngumiti pero napalis ang ngiti nito nung makitang may kasamang magandang babae si Gab na nasa likod nito.
Lumapit si Gab sa kanya at hinalikan siya sa pisngi at binigay sa kanya ang malaking teddy.
"Happy Anniversary Baby. Sorry kung nalate ako ha. I've been calling you but you were not answering. Buti na lang, Troy called me up and informed me that nandito pala kayo sa Fiestariffic."
"Oh by the way, I'd like you to meet my classmate and new found friend. She's also my new client. This is Fritz and Fritz, this is my wife Ara."
"Fritz!!!!! Babae si Fritz!" Sigaw ng isip ni Ara.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro