Chapter 4: AS LONG AS IT MATTERS (Part 1)
CHAPTER FOUR:
As Long As It Matters (Part 1)
“Mom, we are getting married!”
“What? Are you crazy Gab? You’re only 18 and she’s barely legal at gusto niyo ng magpakasal? What is this all about?” nangagalaiti na sa galit si Mommy Charlene sa binalita ni Gab dito.
Humagulgul na si Ara na natatakpan ng mahabang buhok nito ang magandang mukha. Inakbayan ito ni Gab at muling sinagot ang ina.
“We are getting married and that is final Mom.”
“Gabriel, don’t you dare give me that attitude. You are still under my custody.”
“Mom, I’m 18 which makes me legal so I can do whatever I want and that includes getting married.”
Tumutulo na ang luha ni Mommy Charlene sa galit at mabilis nitong pinahiram ang pisngi pero hindi pa rin ito lumambot.
Tumabi si Geleen kay Ara at hinawakan ang kamay nito habang ang isang kamay ay hinihimas sa likod nito.
“Give me one good reason why you are getting married this early Gab?” Halatang kinakabahan na si Mommy Charlene sa alam niyang isasagot ni Gab sa kanya.
“Because Ara is pregnant and I love her.”
Parang may bombang sumabog sa harap ni Mommy Charlene dahil sa narinig nito. Mas lalo itong napa-iyak at maging si Ara ay mas lumakas ang hagulgul.
“My God Gab, I have been telling both of you to be careful! Oh my God, you just repeated what happened to me before.”
Napa-upo si Mommy Charlene sa isang bakanteng upuan dahil parang bibigay na ang mga tuhod nito sa natanggap na balita.
Tumabi si Gab sa ina at hinawakan ang kamay bago nagsalita.
“Mom, I’m sorry. Please forgive me.”
Gustong iwaksi ni Mommy Charlene ang kamay ni Gab pero ayaw iyon bitawan ni Gab at nung makita ang mukha ng anak na may mga luha na rin ay tuluyan ng natibag ang yelo sa puso nito at niyakap ang anak at muling umiyak.
Matagal na nagyakapan ang mag-ina at si Geleen ay niyakap na din si Ara na sige pa rin sa pag-iyak. Suminghot si Mommy Charlene at tumingala pagkabitaw kay Gab at pinahiran ang mukha na punong-puno ng luha. Huminga muna ito ng malalim bago muling nagsalita.
“Ara, alam na ba ng parents mo?”
Umiling lang si Ara at muling napahagulgul.
Napabuntunghininga si Mommy Charlene dahil alam niyang mapahanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin bumabalik ang mga magulang ni Ara.
“If you want to get married then we might have to wait until Ara will turn 18 atleast. Unless when can get her parents to sign the parents consent. Ara, kelan mo sasabihin sa mga magulang mo ang nangyayari?” Bagama’t kalmado ang pagkakasabi ni Mommy Charlene pero halata pa rin itong nagtitimpi ng galit.
“Hindi ko po alam Tita. Magagalit sila Mommy at Daddy sa akin.”
“You should have thought of that bago niyo ginawang dalawa ito. My God!” muling sumiklab ang galit ni Mommy Charlene sa naging sagot ni Ara.
“Mom, can we let Ate Gracia sign the consent?”
“That is not possible. It should be from her parents. Ara, you have to talk to your parents the soonest. Kelan ka ba mag 18?”
“Five months from now po.”
Muling huminga ng malalim si Mommy Charlene sa nalaman. Kung hindi makontak ni Ara ang mga magulang ay hindi ito pwedeng ikasal kay Gab.
“Kontakin mo ang parents mo Ara at ipagtapat mo na nangyari sayo. If you want to get married then ask them to send you their parent’s consent. For the meantime, you can stay with us.
“Anong nangyari? Is something burning?”
Nagmamadaling bumaba si Mommy Charlene at namangha sa nasaksihan.
“What are you doing?” Sigaw nito nung makitang umuusok ang buong kusina.
Bigla ding bumaba sina Gab at Geleen galing sa kani-kanilang kwarto pagkarinig ng sigaw ng ina at pagkaamoy din sa tila may nasusunog sa baba.
“Mommy, sorry po. Nasunog po yung niluluto kong itlog.” Natatakot na paghingi ng paumanhin ni Ara.
“Bakit ka kasi nagluluto? Hindi ka naman marunong sa kusina di ba?”
“Sorry po Mommy. Gusto ko lang po sana kayong tulungan.” Na-iiyak na si Ara dahil sa takot.
“My God, instead of helping me, you’re giving me more problem. Gab, pwede ba pagsabihan mo yung asawa mo.” Nagdadabog si Mommy Charlene habang nilalagay ang mga nasunog na kalan sa lababo at pinadaanan ng tubig.
Inakbayan ni Gab ang umiiyak na si Ara at hindi sinasadyang napalandas nito ang kamay sa braso ni Ara kaya napa-aray ang huli.
Mabilis na tiningnan ni Gab ang braso ni Ara at nakita nitong namula iyon marahil dahil sa mga talsik ng mantika.
“What happend Baby?”
“Ah wala. Natalsikan lang kanina ng mantika. Ok lang yan Gab.”
Hinarap ni Gab si Ara at nginitian. Hinaplos ang mukha nitong basang-basa sa pawis at luha.
“You actually tried to cook for me Baby. That’s so nice of you. Halika, akyat na muna tayo and I’ll nurse your burns.”
“Hay nako Gabriel. Pagsabihan mo yang asawa mo ha. Baka one of these days ay wala na tayong matirahan because she burned our house down.”
“Pasensyahan mo na lang si Mom ok. She’s really nice naman if she get to know you.” Bulong ni Gab sa asawa habang umaakyat sila.
Matapos ipaalam ni Gab sa ina ang kalagayan ni Ara at habang hinihintay nilang maipagtapat ni Ara sa magulang ang nangyayari sa kanyan ay pumisan na si Ara bahay ng mga Weiss. Dahil sa kailangan talaga ang personal appearance ng mga magulang ni Ara para maikasal silang dalawa ni Gab ay ipinagpaliban na muna ang kasal ng dalawa hanggang mag 18 si Ara dahil hindi pa rin makakauwi ang mga magulang ni Ara.
Nagpatuloy pa rin sa pag-aaral sina Gab at Ara at bagama’t nahihirapan din si Ara sa kanyang paglilihi ay hindi naman ito nawawalan ng pag-asang tapusin ang pag-aaral.
“Dayannara, nasaan ka?” Sambit ni Ate Gracia sa kabilang linya.
“Nasa school pa Ate Gracia. Pauwi na po ako.”
“Birthday mo ngayon ah. Asan ang asawa mo?”
“Nasa school din po. Busy kasi si Gab ngayon sa project niya.” Hindi maiikakaila sa boses ni Ara ang lungkot.
“O bakit malungkot ka?”
“Hindi naman Ate Gracia.”
“Weeeehhhh. Sige antayin mo ako diyan at tayo na lang magcelebrate ng debut mo.”
Biglang nalungkot si Ara sa sinabi ng pinsan. Matagal niyang pinagplanuhan ang magdebut pero hindi na nangyayari yun dahil sa kanyang pagbubuntis at dahil na rin sa estado ng buhay ng pamilya niya.
“Hoy Dayannara, umiiyak ka ano?”
“Hindi Ate.” Pero halata sa boses nito na gumaragal.
“Asus! Bistado ka na nagdeny ka pa! Happy Birthday!!!!” nakangiting sambit ng nasa kabilang linya na nakatayo na pala sa kanyang harap.
Biglang napa-iyak at tumakbo si Ara sa pinsan at yumakap ng mahigpit dito. Six months pregnant na si Ara at maliit ang kanyang tiyan dahil panganay at maliit siyang babae.
“Huwag ka ng umiyak. Baka papangit ang baby. Halika, magpaparlor muna tayo bago tayo rumampa. Meron din akong dalang damit mo.”
“Huwag na Ate. Sa bahay na lang tayo. Gastos lang yan.”
“Ano ka ba. Debut mo kaya ngayon kaya magcelebrate tayo. Hayaan mo na, ako naman gagastos eh.”
Napangiti na lang si Aras sa sinabi ng pinsan at sumama na rin dito.
Dinala siya ni Ate Gracia sa paborito nitong parlor at pina-ayusan kahit todo tanggi si Ara. Ang katuwiran ni Ate Gracia ay dadalhin siya nito sa isang photo studio at papipicturan bilang remembrance naman para naman macelebrate nila kahit papaano ang debut nito.
Gaya nga ng sabi ni Ate Gracia ay dinala nito si Ara sa isang photostudio at kahit papaano ay napangiti na rin ito. Sunod itong dinala sa isang magandang restaurant pero biglang hinawakan ni Ara ang pinsan at pinigilan.
“Ate, huwag na tayo dito. Ang mahal dito eh.”
“Ito naman eh. Ako na nga sabi ang magbabayad di ba? Hayaan mo na kasi paminsan-minsan lang naman ito eh. Tsaka special ang araw na ito dahil birthday mo. Halika na, pasok na tayo sa loob.”
Muling napangiti si Ara at biglang namuong maliliit na butil ng luha sa mga mata nito na mabilis naman pinahiran ni Ate Gracia.
“Dayannara, pwede bang umayos ka. Masisira ang make-up mo ning sa kakaiyak mo. Hay nako, nakakasira ng kagandahan yan iyak ka ng iyak eh. Tama na kasi. Halika na nga.”
Nagtataka si Ara dahil sa halip na sa maraming tao siya dinala ni Ate Gracia ay inakay siya nito sa isang parang function room.
“Ate, bakit dito tayo?”
“Kasi puno ang restaurant kaya yung iba dito nila pina-upo. Halika na, huwag ka na nga masyadong maraming tanong.” At hinila na nito ang matanong na pinsan sa loob ng kwarto.
“SURPRISE!!!!”
May mga confetti at maiingay na torotot ang bumungad kay Ara at nandun ang lahat ang mga kaibigan niya sa school at ilang piling kaklase. Maya-maya lang ay lumapit ang sobrang simpatikong si Gab bitbit ang isang bouquet ng flower at ibinigay sa kanya matapos siya nitong halikan sa labi.
“Happy birthday Baby.”
Nangilid na ang mga luha ni Ara habang inaakay siya ni Gab papuntang gitna at isinayaw. Hindi magkandahumayaw ang ngiti nito habang tumutulo ang mga luha.
Ara has always planned to have a debut since she was 15 years old. Excited siyang laging sinasabi ito sa mga kaibigan na sina Lea at Jaimie. Ito din ang tumulong kay Gab sa pag-oorganiza sa birthday party ni Ara at kinunstaba pa nito nito si Ate Gracia para sa drama.
Lihim na nagpaplano ang apat kaya laging wala late umuuwi si Gab kada gabi. At si Ate Gracia naman ay laging kinukulit at kunyari pinupuna nito kung bakit wala si Gab pero yun pala ay magkasama silang apat.
Hindi rin binati ni Gab si Ara nung umagang iyon at nagkataon namang wala si Mommy Charlene dahil sinamahan nito si Geleen sa isang audition.
Naputol ang pagmuni-muni ni Ara nung mapansing may kumalabit kay Gab.
“May I dance with the debutant?” Nakangiting sambit ni Marc na may hawak na isang tangkay na roses.
Napangiti si Gab at muling hinalikan si Ara bago ibinigay kay Marc. Niyakap muna ni Marc si Ara bago ito sinayaw. Sumunod na rin ang iba pang kasamahan nila sa Good Vibes Crew.
Sumunod din ang 18 treasures na ang mga kaibigan naman niyang babae ang nagsalita.
Natapos ang gabing iyon na nakatanggap si Ara ng isang video message galing sa kanyang mga magulang na nangangakong uuwi sa susunod na buwan para sa kasal nila ni Gab.
Nakatulog si Ara ng gabing iyon na may ngiti sa labi dahil tatlo ang nakamtan niya nung gabing iyon: Nakapagdebut siya at ang lahat ng gusto niyang mangyari sa debut ay nagkatotoo. Nakatanggap siya ng balita at nakikita niya ang mga magulang at ang higit sa lahat ay naramdamang pagmamahal galing kay Gab at sa mga kaibigan nila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro