Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17 Journal Entry

Time: 6:00 pm

“Ano kayang ginawa ni Chester ngayon?” sabi ko sa sarili ko habang tinitingnan yung text niya sa akin.

Muli kong tinawagan yung number niya.

Krrriiiinnnnngggggg… Krrriiiinnnnngggggg…
The number you have dialed is either now unattended or out of coverage area please…

Again? Nasaan kaya siya? Iniisip ko yung mga nangyari kaninang umaga.

Ano kayang gagawin ni Jay at Julia bukas? Parang may masama silang pinaplano. Ayaw kong malaman nila ang totoo tungkol sa buhok ko.

Nanatili ako sa loob ng isipan ko ng ilang minuto hanggang hindi ko namalayang nag-black out na pala yun isip ko.

Tama na munang pag-iisp yan Irene, marahan kong sinampal ang mga pisngi ko. Bababa na sana ako noong bigla kong naalala yung binigay na picture sa akin ni Ms. Ramos.

“Siguro dapat tanungin ko si Lola kung totoo ba talaga ito,” sabi ko habang tinitingnan yung litrato.

Time: 7:56 pm

Nailigpit ko na yung pingkainan namin at nakapaghugas na ako ng mga pinggan at mga kawali't kaldero.

Lumapit ako sa rocking chair ni Lola Mary. Hawak ko ang litrato sa kamay ko.

“Lola, kilala niyo po ba kung sino itong mga nasa litrato?” binigay ko sa kanya ang lumang litrato. Maiging tiningnan ni Lola yung litrato at halos mahulog na nga yung suot niyang salamin.

“Hmmm…” halatang inaalala niya kung sino nga ba talaga yung nasa litrato. “Itong nasa kaliwa ay si Andrei, itong nasa ginta naman si Irina at itong nasa kanan naman si Eve.”

“Eh yung iba pong kasama nila? Kilala po ba?" Nasasabik kong tanong ko kay Lola Mary.

Tumango si Lola at sinabing, “Kilala ko yung mga itsura nila pero pangalan lang ni Eve ang natatandaan ko."

"Ganoon po ba?" Hindi ko namalayang nahawa na pala ako ng ngiti ni Lola.

"Ang tatalino ng mga batang ito," kaya ang gaganda na ng mga buhay nila ngayon," sabi ni Lola habang inaalala ang mga nangyari noon. “Pero maiba ako apo, saan mo ba nakuha itong litratong ito?”

“Ha? Ah? Eh? Binigay po 'yan ni Ms. Eve Ramos, siya po ngayon yung homeroom teacher namin,” sabi ko kay Lola.

“Naging guro na pala si Eve ngayon, mabuti naman," nakangiting sabi ni Lola.

“Bakit po?” nagtataka kong tanong.

“Eh kasi noong bata pa iyang si Eve na iyan, hindi siya masayahing bata kaya natutuwa lang ako dahil naging guro na pala siya ngayon,” sabi ni Lola habang inaabot sa akin yung litrato.

“Ganoon po ba?” malungkot kong sabi habang kinuha ko yung picture. “Sige po Lola aakyat na ako sa kuwarto ko, ‘wag po kayong masyadong magpagabi.”

“Sige apo. Good night,” pagbati ni Lola.

“Good night din po," sabi ko. "Good night din Manny," umupo ako binigyan ng isang halik yung aso. Talagang alagang-alaga ni Lola si Manny.

Umakyat ako sa kuwarto ko habang hawak sa kanang kamay ko ang litrato ng mga magulang ko, guro ko at ibang kakilala pa nila.

Sinubukan ko ulit na tawagan si Chester pero hindi parin siya sumasagot. Maiging kong tiningnan yung cellphone ko ng ilang minuto pero alam kong hindi na tatawag si Chester kaya nilagay ko nalang ito sa gilid ng desk ko. 

Magsusulat na sana ako sa Journal ko noong biglang tumunog ang cell phone ko. Tiningnan ko yung number at nakita kong tumawag ulit si Anne.

“Hello Ate Irene?” sabi ni Anne sa kabilang linya.

“Bakit ka napatawag Anne?” sabi ko sa kanya.

“Tatanungin ko lang po sana kung nasagutan niyo na po ba yung binigay ko?” mahinang sabi ni Anne.

“Ha? Ah? Eh? Wala pa nga eh, aayusin ko pa sana yung mga sagot ko kaya wala pa akong nasulat na sagot sa questionnaires,” nahihiya kong sabi. Walang nagsalita ng ilang sigundo. “Sasagutan ko na ngayon, kung gusto mo-”

Biglang pinutol ni Anne yung sasabihin ko, “Wait lang po, may sasabihin po sana ako sa iyo tungkol sa questionnaires na iyan.”

“Huh? Ano iyon?” nagtataka kong sabi.

“Suggestion po kasi ng programmer ko na medyo ibahin niyo daw po yung handwriting niyo,” sabi ni Anne. “Kung gusto niyo lang naman pong mas lalong maging anonymous.”

“Hmmm… Alam mo Anne madaming magandang suggestions 'yang programmer mo,” sabi ko.

“Kaya nga po eh, pinipilit ko nga po siya na magpakilala sa media pero ayaw niya po talaga,” may halong inis ang pananalita ni Anne.

“Sabihin mo nalang sa kanya na sinasabihan ko siya ng Thank You,” sabi ko na may halong pasasalamat.

“Makakarating po sa kanya Ate Irene,” masayang sabi ni Anne.

“Thank you Anne, may maitutulong pa ba ako sayo?” tanong ko.

“Yun lang naman po yung sasabihin ko,” dinig ang ginhawa sa boses ni Anne. “Thank you for your time Ate Irene.”

“You’re welcome Anne, Bye.”

“Bye po.”

Sino kaya yung programmer ni Anne? Pag-iisipan ko pa sana ng mabuti pero sa sobrang dami ng laman ng isip ko, wala na akong lugar para problemahin pa 'yong hindi ko naman problema.

Napahdesisyunan ko na mamaya nalang ako susulat sa Journal ko. Hinalungkat ko sa bag yung questionnaires. Sasagutan ko na sana ang mga ito pero nagulat ako dahil may sagot na lahat ng questions.

Wait… Sino yung sumulat nito?

Mas nagulat ako dahil alam kong ito yung isasagot ko sa mga tanong pero bakit naka-cursive? Hindi ako cursive kung sumulat kaya ibang iba ito sa normal kong handwriting. 

Sino yung sumagot sa mga ito Nagdadalawang isip pa ako kung ibibigay ko ba ito kay Anne o hindi.

It is technically my answer pero hindi ko matandaan kung ako ba talaga yung sumulat nito. Gusto ko sanang tanungin si Chester pero alam kong hindi siya sasagot. Baka siya yung sumagot nito? Kayang manggaya ni Chester ng kahit kaninong handwriting. Isa pa, mas maganda pa yung sulat niya na parang diyamante kumpara sa sulat ko na parang gawa ng isang batang ngayon lang nakahawak ng ballpen.

Nagdesisyon nalang akong magsulat muna sa Journal ko para mabawasan na lahat ng mga iniisip ko. Kinuha ko ang Journal at magsisimula na sanang sumulat noong may nakita akong mas nakakagulat pa sa biglaang pagputok ng isang lobo.

May sumulat sa Journal ko? Hindi lang iyon iisang tao lang yung sumulat dito sa Journal ko at yung sumagot sa questionnaires ni Anne dahil pareho yung style ng handwriting, naka-cursive. 

Nilunok ko yung kaba ko at binasa sa isang mahinang boses yung nakasulat sa Journal.

-----Journal Entry -----

September 13, 2018
Dear Irene,

I know that I probably shouldn’t have written this pero alam kung maraming kang tanong kaya I hope na masasagot ng entry na ito yung ibang mga tanong mo.

I’m sorry but you've been unconciously avoiding strawberries for a reason. Let's just say that the reason is you having those black-outs. So unless you want to have a black-out, don't ever eat strawberries. Okay? Napilitan tuloy si Chester na ihatid ka pauwi.

So sorry talaga, for what happened but all I know is that if matutulog ako ngayon, IKAW ang magigising sa umaga.

I also have a feeling that you’ll meet me soon, it has been five years since that accident.

Wag mong sabihin kay Chester na sumulat ako dito dahil alam ko na hindi sasagutin ni Chester yung mga tanong mo at naniniwala ako na may tamang panahon para sa lahat.

Please trust me.

---Your_Other_Self

-----End of Journal Entry-----

Pagkatapos kong basahin ang entry na iyon ay wala na akong maalala at noong dinilat ko ang mga mata ko ay Biyernes na ng umaga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro