Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Unang Kabanata: Lady Seo-Nam

Shantall Mortex's POV

"Lady Seo-Nam, pakiusap po aking Lady, gumising na po kayo"

Napasapo ako sa sarili ulo— Ano ba yun? Ang sakit sakit ng ulo ko, pati ata katawan ko masakit na den. Ampota! Injured na ba ko?

"Malaki ang epekto nang pagkakabagok ni Lady Seo-Nam, Rime-oh. Ipainom mo sa kanya itong mga halamang gamot na ginawa ko"

"Salamat po, oh doktor"

"Ingatan mo ang Lady Seo-Nam, siya ang itinakdang papakasalan ng ating mahal na prinsipe"

"Opo oh doktor, salamat po"

"Mauuna na ko"

"Maraming salamat po ulit, doktor"

Hanggang sa narinig ko ang pagbukas sara ng pintuan dun ko na idinilat ang aking mga mata, bumungad sa akin ang isang babaeng halos kaedad ko lamang na naluluhang tumititig sa akin ngunit napalitan nang kagalakan nang makita akong gising?

Napailing ako— Weird. Sino ba to?

"Lady Seo-Nam! Gising na po kayo aking Lady Seo-Nam, ano po ang inyong nararamdaman? Nais niyo po ba na kumain? Ipaghahanda ko po kayo?"

"Ano daw?" Bigla ko na lang nasabi. Sino ba to? "Who you best?"

Nanlalaking mata naman itong tumitig sa akin.

"L-Lady Seo-Nam"

Napataas ang isang kilay ko dahil dun— Anong trip nang babaeng to? Pa lady lady pang nalalaman. Sapakin kita diyan eh!

"Ahh-aray!" Daing ko, sumakit bigla ang ulo ko, agad naman niya kong dinaluhan "Wag mo na kong hawakan, ayos lang ako"

"L-Lady Seo-Nam" halos maiyak niyang sabi "Ano po ang inyong nararamdaman aking Lady?"

Muntik na kong matawa— Lakas den ng trip ng babaitang to ah.

"Miss who you ba?!"

Nangusot ang mukha ko— Naiinis na ko sa totoo lang.

"— Lakas den ng trip mo sa life noh? Nasobrahan ka ba sa kakanood ng teleserye at dinamay mo pa ko sa trip mo to? Seriously?!"

Nanlalaking mata lamang siya sa akin habang buka ang bibig na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Sinamaan ko ito ng tingin, mukha naman siyang natakot sa akin dahil namutla siya patakbo palayo sa akin.

"Weird"

Tumayo na ko sa higaan ko, medyo nagtaka pa ko kung asan ako dahil hindi pamilyar sa akin ang buong lugar— Jusko! Baliw ata yung babaeng yun!

"Asan na ba ko? At shet! Ano to?!" Bahagya ko pang itinaas ang bestidang suot ko "Hanbok to ah! Gagi hanbok nga! Putsa!"

Napailing akong muli— Syete! Hayuuuup! Ba't ako nakasuot nito? I mean keri ko naman magsuot nito pero ang weird lang kung lalabas naman akong ganito. Muntanga lang! But I love it! Feel na feel ko, umikot ikot pa nga ako eh.

"Maniwala po kayo Maestro Narim, parang hindi po siya ang inyong anak. Kakaiba po ang kanyang mga ikinikilos"

Napalingon ako sa nagsalita.

"Huminahon ka, Rime-oh"

"Mahal na Lady Han-Mi, Maestro Narim, Si Lady Seo-Nam po. Nag-aalala na po ako"

"Wala dapat ikabahala. Siya pa rin ang aming pinakamamahal na Seo-Nam"

Nagitla pa ko ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa ang medyo may edad na babae at lalaki na mukha disente ang ayos at nasa likuran pa nila yung babae kanina at namumutlang nakayukod don.

Nangiwi ako.

"Aking Seo-Nam" nakangiting bati ng babae "Bigyan mo ang iyong ina nang isang matamis na yakap, aking mahal anak."

Ibinuka pa nito sa akin ang mga braso niya na para bang inaanyayahan akong yakapin ko siya.

"Sino ka po?"

Nawala ang ngiti sa labi ng mga babae kasabay ng pagsihap nilang lahat na para bang hindi nila inaasahan yun na sabihin ko.

"S-Seo-Nam" ani ng babae na nagpakilalang ina ko daw, biglang lumuha sa harapan ko.

Nagulat naman ako— Ba't naman niya ko iniiyakan?

"— Ako i-ito. Si Im Han-Mi, ang iyong ina. At siya naman si Im Narim, ang iyong ama" tukoy nito sa lalaking katabi "At ang iyong tagapagsilbi si Bo Rime-oh" tuluyan na itong humagulgol sa iyak ng umiling ako

Kumunot noo lamang ako habang pinagmamasdan ang babaeng umiiyak habang pinatatahan ng kanyang asawa.

Malungkot na lumapit sa akin ang lalaking pinakilalang ama ko daw.

"Seo-Nam" aniya sa akin "Anak, ano ang iyong nararamdaman? Anak hindi mo ba kami nakikilala?"

Ngumiwi ako sa kanya sabay iling. Natural na hindi ko sila nakikilala kasi hindi ko naman talaga sila kilala.

"Hindi niyo po ako anak, Shantall po ang pangalan ko. Opo, like ko po ang kpop at korean novelas kung jokijoki po to at pakana ng kuya ko well, aalis na ko di niyo ko maloloko sa mga paganito niyo. Chura niyo!"

Muli na naman silang napasinghap dahil sa sinabi ko na para bang ngayon lang nila narinig ang mga bagay na yun.

"Ang aking Seo-Nam! Ang aking Seo-Nam! Seo-Nam! anong nangyayari sayooooo! Oh aking anak!"

Mas lumakas ang hagulgol ng babae kesa kanina.

"Mahal ko huminahon ka!"

Pagpapatahan ng asawa nito sa kaniya.

"Mahal na Lady Han-Mi. Maestro Narim!"

Iyak naman nung babaeng nagngangalang Rime-oh na tagapagsilbi ko daw

Napangiwi ako sa ka-OAyan nila— God! Kung magkano man ang binayad ni kuya para sa kanila para umarte nang ganito ay talagang papalakpak ako. Grabeng effort para sa money! Galing!

"Hayy! Sige po nice acting po. Aalis na po ako, kitakits na lang"

Tumawa pa ko ng alanganin sabay takbo papalabas na kinagulat nila.

"Seo-Nam!"

"Lady Seo-Nam!"

"Anak! Seo-Nam!"

Nagulat ako sa sabay sabay nilang sigaw sa akin, hindi ko na pinansin at nagpatuloy pa rin sa pagtakbo papalabas.

"Sundan niyo ang aming anak! Hindi niya alam ang kanyang ginagawa!"

"Opo kapitan!"

Nangiwi ako ng marinig yun— Ibang klase! May hukbo eme pa pala! Anong trip ni Kuya at nagpaganito pa! Para namang ewan, halata namang fake lahat!

"Ang Lady!"

"Huminto po kayo aming lady!"

"Lady Seo-Nam!"

Nadaanan ko pa ang ilang mga tauhan dito na gumala gala now pati sila hinahabol ako.

Medyo hinihingal na ko kasi habulan kami ng habulan dito— Ano ba namang klaseng mansyon to?! Napakalaki! Asan ba ang exit?! Pukingina naman oh!

"Lady Seo-Nam!"

Napalingon ako sa likuran ko at dun nakita ko ang ilang kalalakihan na may suot na armor na hinahabol ako, nataranta naman ako kaya mas binilisan ko pa.

"Tangina naman oh." Mura ko "Pwede ba tigilan niyo na ko!"

Hindi naman nila ako sinunod hanggang sa bigla akong natapilok at nadapa— Dun na nila ako naabutan. Puta!

"Ano ba?! Bitawan niyo nga ako! Harassment to ah! Hindi niyo ba alam?! Pukingina!"

Nagtaka pa ko ng medyo nagulat ang mga lalaking humawak sa akin dahil sa sinabi ko. Oh anong bago dun?

"Ano ba bitawan niyo nga ako!"

Hindi pa rin nila ako binitawan kahit na palag na ko ng palag— Nakakainis lang! Lakas ng trip nilang lahat! Parang tanga!

Sa sobrang badtrip ko sa kanila ay hinayaan ko na lamang sila hanggang sa nakabalik ako sa silid kung san ako nakakita ng live drama. Bagot na bagot akong pinanood ang mga nangyayari.

"Maraming salamat aking mga tauhan, maaari na kayong umalis" ani ng lalaki

"Opo kapitan!"

Lumapit naman sa akin ang asawa nitong walang ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak sabay yakap sa akin.

"Ang ating anak! Ang sumpa! Ito na! Nagsisimula na, Narim!"

Umiling ang lalaki sa asawa kahit hindi naman nito nakikita dahil yakap yakap ako.

"Hindi ito sumpa, Han-Mi, aking mahal. Nabagok lamang ang ating anak sa batis kahapon, kaya hindi niya tayo maalala." Ani nito, nu daw? "Rime-oh!"

"Maestro?"

"Ipatawag muli si Doktor Lim"

"Opo!"

Dali daling umalis ang tagapagsilbi, ilang minuto lamang ay agarang dumating ang sinasabi nilang doktor lim.

"Kapitan. Lady Han-Mi"

Yumukod pa ang doktor sa amin.

"Pakisuri muli ang kalagayan ng aking anak, doktor. Iba ang kanyang kinikilos" ani ng lalaki sa doktor

"H-Hindi niya r-rin kami n-nakikilala" humihikbing sabi naman ng asawa nito.

Lumapit sa akin ang doktor at pinakatitigan ako. Naglabas pa ito ng munting karayom na pinatakan ng kung anong halamang gamot. Kala ko etchos lang yun pero hindi pala ng bigla nung itinurok sa kamay ko kaya napatili ako sa gulat.

Aalisin ko sana karayom sa kamay ko pero hindi na ko nakagalaw— Anong nangyayari?

"May ilan akong katanungan" ani ng doktor "Pakisagot na laman, Lady"

Tatango sana ako ng maalala kong hindi ako makagalaw.

"Ano yun?"

"Sino ka?"

Umikot na lamang ang aking mata sa kaniyang tanong— Gg ah! Ang tanga nang tanong.

"Shantall Mortex."

Napasinghap ang lahat maliban sa doktor na tumango naman at nagsulat ng kung ano sa scroll na papel gamit ang ink at panulat.

"Ilang taon ka na?"

"Labing anim."

"Sino ang mga magulang mo?"

"Sino pa eh di sila Mister at Misis Mortex" pamimilosopo ko "Kaya nga Mortex di ba?"

Iling iling naman doktor sa akin.

"San ka pinanganak?"

"Sa sampaloc, manila"

"Pang ilang anak ka?"

Bumuntong hininga na ko sa inis.

"Bunso ako, meron akong ate at kuya"

"Huling tanong"

Muling napaikot ang mga mata ko sa inis. Nagusot na den mukha ko— Ang dami kasing tanong!

"Sige lang"

"Sino ang iyong mapapangasawa?"

Parang umusok ang ilong ko sa tanong na yun.

"Wala! At hindi ako magkakaasawa agad bata pa ko!"

Muling tumango ang doktor bago humarap sa mag asawa.

"Nagkakaroon nang isang pantasya ang inyong anak. Sa ngayon pinaniniwalaan ng kanyang utak ang panaginip niya, hindi niya natatandaan ang lahat dulot nang pagkakabagok niya, ang payo ko lamang ay dalhin niyo siya sa mga bagay at tao na makakapagpaalala sa kanya at panigurado na babalik muli ang kanyang mga alaala"

Napangiwi ako— Luh? Pinagsasasabi nito? Parang tanga talagang pati siya sinakyan ang trip ng kuya ko? Adik lang?

"Maraming salamat doktor iaabot na lang namin ang pangalawang bayad sa iyong tahanan."

"Walang anuman po kapitan, mauna na po ako. Ipainom niyo rin po ang mga halamang gamot na inabot ko kay Rime-oh para sa kundisyon ng mahal na lady Seo-Nam. Nawa ay gumaling na siya at muling makaalala" sabay alis nito

Muli namang lumapit sa akin ang mag asawa sabay yakap ng babae sa akin habang lumuluha ang lalaki naman ay malukot akong hinagod hagod sa buhok kong mahaba.

"Ikaw si Im Seo-Nam, labing limang taong gulang, kami ang iyong mga magulang at ang aming ngalan ay Im Narim at Im Han-Mi, Sa Jeju ka pinanganak, nag-iisa ka naming anak at wala kang kapatid at higit sa lahat ay may mapapangasawa ka na. Ang mahal na prinsipe. Si prinsipe Go Min Hae." Ani ng lalaki "Lahat ng iyong sinagot kay doktor lim ay pantasya lamang, wag kang malungkot aming anak. Gagaling ka rin at maaalala mo kaming muli"

Binunot na nang babae ang karayom sa aking kamay kaya muli akong nakagalaw. Agad akong lumayo sa kanila.

"Teka lang po, waity waity lang. Hindi niyo po ako anak nakakapikon na. Ako po si Shantall Mortex. Bakit ba ang kulit niyo? Ilabas niyo na nga si kuya hindi na ko magpapasaway! Swear! Nakakatakot na to!"

Muli akong niyakap ng mag-asawa na para bang takot na takot silang mawala ako.

"Bitawan niyo ko! Bitawan niyo ko!"

Pumalag na ko at nang makawala ay tumakbo sa isang pinto muntik pa kong malaglag nang masilayan ko ang mahabang lupain na may ilang tauhan ang naglilibot libot at mula sa dulo ay kitang kita ko ang mga taong padaan daan at mukhang madumi— Jusko! Bangungot na to dahil sa pagkahumaling ko sa koreans! BANGUNGOT!

"A-Ano to?!"

"Ito ang pinamumunuan nating lupain anak"

Lumingon ako nang marinig ang boses na iyon at ang mag asawa kanina ang lumapit sa akin, na ngayon ay magkayakap na nakatingin sa akin.

"— Lahat nang iyong nakikita ay bunga ng ating angkan, mga regalo mula sa mga dugong bughaw at ikaw si Im Seo-Nam ang unang anak na babae sa ating angkan ay ang bagong prinsesa ng Joseon Dynasty ang hihirangin reyna at asawa ng itinakdang na si Prinsipe Go Min Hae panganay na anak ni Haring Go Min Jung na susunod na magiging hari"  ani ng lalaki "Ikaw ang handa ng ating angkan. Ikaw si Im Seo-Nam. Ikaw ang magiging asawa ng itinakdang prinsipe. Ikaw ang kabayaran ng lahat ng ito, anak"

Natanga na lang ako— What the hell?! Ano daw?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro