SIMULA
Shantall Mortex's POV
"Putangina Shantall! matulog ka na! Alas kwatro na ng umaga! Maawa ka naman sa mga mata mo!"
Iritang sita sa akin ni kuya nang madatnan niya pa kong nanonood.
"Kuya isang episode pa please. Kinikilig pa ko dito eh. Maya mo na ko istorbohin"
"Shantall isa!" Banta niya "Hindi ako nagbibiro. Kapag ako nairita sayo babaliin ko yang mga CD mo! Wag mo kong punuin! Kagabi pa kita pinagbigyan kala ko matutulog ka nang alas otso ng gabi pero heto ka nakatulog na ko lahat gising ka pa den! Patayin mo na yan! Matulog ka na! Parang awa mo na!"
Ngumuso ako kay kuya bago ibaling muli sa TV ang tingin ko. Kainis naman si kuya, nandun na ko sa part na magpo propose na yung bidang lalaki sa bidang babae.
"Kuya last episode pa please" pagmamakaawa ko "Sige naaa"
Sinamaan lang ako ng tingin ni kuya bilang tugon. Napabuntong hininga na lamang ako at labag sa loob na pinatay ang TV at DVD.
"Kuya naman eh!" Angal ko "Sabado naman bukas"
"Correction. Ngayon!"
Humaba ang nguso sa sinabi niya— Oo na naabutan na ko nang ngayon. Big deal?
"Yun na nga kuya, sabado na, dapat syesta day na. Wala namang pasok eh"
"Hep! Hep!" Aniya "Pasok sa kwarto! Tulog!"
"Pero kuya—!"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang kinuha ni kuya yung isang bala ng pinapanood ko na korean novela. Namutla ako.
"Kapag hindi kita maabutang tulog bali sa akin tong balang to"
Hindi na ko nag komento pa kay kuya at agad agad akong tumakbo diretso sa kwarto ko. Ni-locked ko na ang pinto baka silip silipin kasi ako ni kuya habang natutulog. Agad akong humiga sa kama at napatitig sa mga posters na nasa pader ng kwarto ko.
"Namjoong, Baekhyun, Kim Soo Hyun, Lee Min Ho, Chanyeol, Taehyung, Jungkook, Jimin, Chen, Joshua, Mark, mga oppa ko." I dreamy said, halos magningning pa ang mga mata ko habang nakatitig don "Mahal na mahal ko talaga kayo mga asawa ko— mamamatay ako kapag nawala kayo sa ak—"
"SHANTALL!"
Nagitla ako bigla sa sigaw ni kuya.
"Eto na nga matutulog na" bulong ko bago ipikit ang aking mga mata. "Si kuya masyadong gg. Ganyan ba ang epekto ng tumatanda?"
Pero ilang minuto lamang ang nakalilipas ay hindi na ko mapakali— Shit! Ano kayang mangyayari dun sa dalawang bida? Sasagutin kaya ng babae yung proposal ng lalaki? Baka hindi! Baka tanggihan niya! Shit! Shit! Shit! Kailangan ko malaman! Hindi ako makakatulog kapag hindi nalaman ang sunod na episode.
Dali dali akong tumayo sa pagkakahiga ko at agad agad na dumiretso sa pintuan ko. Sigurado naman na magja-jogging si kuya sa labas o baka natulog ulit.
Pero mali pala ako dahil pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng pintuan ang bumungad na sa akin ang masamang tingin ni kuya— Patay.
"Ano sabi ko?"
Natawa ako ng alanganin.
"Kuya iinom lang ako ng tubig. Eto naman oh"
"May isang pitchel sa table mo, Shantall. Wag mo kong gaguhin! Matulog ka na!"
Napapikit ako sa lakas ng boses ni kuya. Nakakatakot. Agad akong dumiretso sa kama and this time hindi ko na muna inisip yung palabas baka kasi mapuno na sa akin si kuya— Kaya mo yan, Shantall! Makakatulog ka den! Isang tupa. Dalawang tupa. Tatlong tupa. Apat na—
Napahikab ako hanggang sa dilim na lang ang aking nakita.
•••
"Kuya naman! Wag ganun!"
"Tama lang yan, Shantall, sumosobra ka na eh"
"Ate naman eh" lumabi ako "Wag naman kayong ganyan sa akin. Mamamatay ako kapag itinago niyo sila sa akin. I cannot live without them"
Napasintido sa akin sila ate at kuya dahil sa kunsumisyon.
"Sobra na yang humaling mo sa kpop kpop na yan, Shantall" gigil na sabi sa akin ni ate "Masyado ka nang naaadik dyan"
"Ate naman eh, mali bang mahalin ko ang mga asawa, syota at kabit ko? Ano mali ba?"
"Putangina! Walang kore-korean na nood ng isang buwan, Shantall! Napupuno na ko sayo! Lagi ka na lang napupuyat dahil sa kakanood mo nang mga ganyan! Buti sana kung mataas ang grade mo eh, hindi! Palakol pa!" Gigil na gantong pa ni kuya sa akin.
Napabuntong hininga naman ako.
"Kuya hindi ka ba masaya dun, atleast hindi bagsak. Yun na lang ang isipin mo"
Parang umusok ang ilong nila ate at kuya dahil sa sinabi ko. Natawa ako ng alanganin.
"Matuwa?! Sinong tao ang matutuwa sa grado na line of seven?!" Duldol ni kuya "Seven six, seventy seven, seventy eight, seventy nine! Tangina! Puro yan ang grade mo! Ni wala ka man lang naipakita sa aking maski eighty man lang!"
"Maaga akong tatanda sayo, Shantall!"
Mukhang stress na stress na sabi naman ni ate sa akin.
"— Basta! Period na ang desisyon namin ni Kuya Shawn, Shantall. Walang cellphone! Walang gala! At lalong lalo na walang kpop kpop o kore-korean na yan! Tama na! Maawa ka naman ka naman sa amin— puro kami kunsumisyon sayo!"
"Ate Shallie naman eh" halos maiyak kong pagmamaka awa "Don't do this naman to me, mahal niyo naman ako di ba? Hindi niyo ba alam ang kasabihan na bunso is life and bunso's life is lifer?"
Halos umusok na ang tenga at ilong nila ate at kuya sa sinabi kaya natawa na naman ako ng alanganin.
"Peace"
"SHANTALL!"
Sabay nilang sigaw kaya napatayo na ko sa kinakaupuan ko sabay takbo palayo.
"Balik na lang ako mamaya, ate, kuya pag di na kayo galit!"
"Shantall bumalik ka dito!"
Muli tawag sa akin ng aking mga kapatid pero hindi pa rin ako bumalik, maya paluin na ko ng mga yan eh.
Ulila na kami. Sila kuya Shawn at ate Shallie na ang nagpalaki sa akin mula ng mamatay si nanay sa pagkapanganak sa akin— Si tatay? Wala na den, inatake sa puso nang mamatay si nanay. Hindi kinayanan ng puso niya kaya sabay silang namatay.
"Putek!"
Nagitla ako— Gaig na kidlat yan! Tae! Mukhang uulan pa ata, di ako muna ako uuwi, hanger ang abot ko paguwi— Grabe pa naman mamalo mga kapatid ko. Lalo na si kuya!
Kahit highschool na ko pag sobra na silang magalit talagang palo kung palo ng hanger ang abot ko. Kaya nga takot lang ako sa mga yan kahit binibiro biro ko ang mga yan.
"Putek na yan! Wag naman po ganyan!"
Muli akong nagitla sa gulat— Taeng kidlat yan!
Ilang minuto lamang ang tinagal at bumuhos na ang malakas na ulan. Napatili ako at tumakbo para maghanap na masisilungan hanggang sa napatigil ako dahil sa kakaibang pakiramdam.
Napatingin ako sa paligid. Gubat. Hindi ko namalayan na nandito na pala ako. Namutla ako lalo na nang maalala ko ang kwento kwento na may namatay daw dito.
"Kilabot much"
Umiling na lamang ako at pinagwalang bahala na lamang yun sabay takbo. Palayo na ko nang palayo pero wala akong makitang silong maski kweba wala!
Muli na namang kumidlat ang napatili na naman ako sa takot. Hanggang sa napatigil ako sa aking pagtakbo dahil nadapa ako. Sa tanga ko.
"Jusko naman, na sprained pa ata ako"
Hindi kasi ako makatayo!
"Tulong! Hey! Is there a people there? Anyeong? Hey! Tulong here!"
Napangiwi ako— Taena. Anong ginagawa ko? Umuulan, kumikidlat at nasa gubat pa ko? Sinong tanga ang pupunta dito? Ako lang!
"Tangina naman!"
Hinayaan ko na lang na maupo ako sa maputik na sahig, wala rin kasi akong magagawa kung pipilitin kong tumayo dahil sprained ako kaya useless!
Nakiramdam ako sa paligid at mas namutla ako nang maalala ang mga kwento kwento dito. Panigurado na may multong gumagala dito.
"Im Seo-nam"
"Huh? Ano yun?"
"Seo-nam"
Tumingin tingin ako sa paligid at hinanap ang boses na yun.
"Im Seo-nam"
Namutla ako nang malaman kung ano yun. Isang lalaking walang mukhang lumulutang at umiiyak na binibigkas ang Im Seo-nam ang biglang humarap at lumipad papunta sa akin.
"Seo-nam"
"Shit!"
Sa takot ko ay bigla akong napatakbo kahit na sobrang sakit ng paa kong na-sprained ay hindi ko na ito naabala pang pansinin sa takot sa aking nakitang multo.
"— Tulong! Tulong! Tuloooo— Aaahh!"
At dun nahulog ako sa malalim na bangin na puno ng tubig at mula roon ay may lumapit sa aking matandang babae. Ngumiti pa ito sa akin at parang may binigkas na kung ano.
Lumiwanag siya at napapikit ako sa sobrang liwanag niya. Hanggang sa nagdilim na ang aking paningin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro