Ikatlong Kabanata: Op-pakyu!
Shantall Mortex's POV
"May masasarap na pagkain sa bandang pamilihan, Seo-Nam" bulong sa akin ni Mian pagkalabas na pagkalabas namin.
Medyo nakakatakot pa nang lumabas kami kasi parang magnanakaw lang ang peg namin. Pero hindi naman mukhang takot si Mian kaya napanatag ako, except lang dun sa kanal kami lumabas. Creepy at ang baho! Ang akala ko sa likod ng sapa lang ang labasan yun pala sa may ibaba dun sa tamabakan. Naloka ako dun ah.
"— Parang gusto ko bumili ng bagong mga palamuti" ngising aso pang sabi ni Mian "Yung mga bagong bato na dala dala ng manlalakbay galing ibang baryo"
"Hindi ba tayo maliligaw rito, Mian" ani ko "Medyo nababahala kasi ako eh"
Napakarami kasing tao sa paligid, mamaya may manhatak sa akin dito at ibenta kami bilang babaeng bayaran o alipin. Yun yung mga napapanood ko sa drama.
"Hindi yan" natatawa niyang sabi "Tara na"
Hinatak niya ako sa mas mataong parte na may mga naglalako ng kung ano ano. Pero ingat pa den kami sa pagtakip ng aming mukha baka daw kasi may makakilala sa amin. Mahirap na.
"Ang gandang bato naman nito" halos magningning ang mga mata ni Mian sa hawak na batong ruby. Mukhang mahal. "Magkano to?"
"Tatlongpung pilak at limang ginto, binibini"
Napangiwi ako— Huh? Anong klaseng pera yun?! Manong baka naman. Isang daan na lang oh.
"Kukunin ko"
Ngising aso naman yung lalaking manlalakbay sa sinagot ni Mian. Napakunot noo ako lalo na ng tignan ko ang bato. Parang hindi totoo. Fake kumbaga kasi mukhang gawa sa makapal na salamin.
"Sandali"
Pagpigil ko sa pagkuha ni Mian nang kanyang pera.
"Bakit?" Aniya. Nang bigla ay para siyang natauhan at may naalala kaya tumawa siya "Kung inaalala mo ang salapi wag kang mag-alala, marami tayo nun."
"Hindi" bulong ko sa kanya "Wag kang magbayad"
Muli niya akong tinignan at muking natawa.
"Ikaw talaga pagdating sa salapi, napakatipid mo. Wag kang manghinayang sa salapi"
Umiling ako sa kanya bilang tugon.
"Hindi yun ako ibig kong sabihin" bulong kong muli sa kanya
Aba ang gasta ko kaya sa pera, galit ako diyan eh. Isang bigay lang ng pera sa akin nila Kuya at Ate ng allowance ko winawaldas ko na para sa mga luho ko.
Hindi bale nang mapalo ni kuya o ate basta mabili ko ang gusto kong CD ng korean novela at posters ng nga asawa ko.
"— Hindi ka ba nagtataka diyan sa batong yan?"
Nagtatakang napatingin siya sa batong hawak hawak.
"Oh, anong meron dito?"
Napabuntong hininga ako sa kanya sabay lapit nun sa mukha niya.
"Pekeng bato" ani ko "Hindi yan tunay"
Nanlalaking mata niya ako tinignan pati ang bato. Parang hindi siya makapaniwala dahil dun.
"Seryoso ka ba riyan, Seo-Nam?" Bulong niya sa akin "Mahigpit na pinagbabawal na maglako ng pekeng bato. Pagpugot sa ulo ang parusa sa lalabag sa batas"
Namutla naman ako sa sinabi niyang iyon— What?! Napaka naman ng batas na yan!
"— Dapat natin itong isuplong. Baka may makalusot pang ibang Pekeng bato"
Agad akong umiling sa kanya bilang pagtutol.
"U-Uy hindi na dapat"
Nagtataka niya akong tinignan.
"Labag sa batas ito, Seo-Nam" bulong niya sa akin.
Kahit na labag. Labag naman sa batas ng diyos ang pagpatay— Jusko. Para lang sa pagbebenta ng pekeng bato pugot ulo agad? Hindi ba pwede kulong na lang?
"Ano mga binibini kukunin niyo ba o hindi?"
Napatingin naman kami sa naglalako. Mukhang naiinip na ito sa amin.
"Hindi na po" ani ko, "Nagbago po ang kanyang isip, marami pong salamat"
Mukhang nagalit si manong sa ginawa ko kaya binalik ko na ang bato at hinila si Mian palayo baka kung ano pa kasi ang gawin nun sa amin.
"Nakakainis!" Himutok ni Mian "Nakakainis talaga, Seo-Nam"
Napatingin naman ako sa kanya.
"Bakit naman?"
"Dapat kinompronta natin ang manlalakbay na yun. Naglalako siya ng pekeng bato. Kailangan to malaman ni ama pati ng iyong ama para mapugutan siya ng ulo pati na ang iba pa."
"Hindi na dapat, Mian" ani ko "Isipin mo kung magsumbong tayo, hindi ba parang sinabi na rin natin na pumuslit tayo ng alis?"
Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi, parang dun niya lang din narealized. Napailing ako— Abili strikes!
"— Magdududa sila pano natin nalaman at wala tayong lusot kung hindi sabihin ang totoo at ang malala pa riyan ay mapaparusahan tayo pati na ang mga tagapagsilbi natin"
Napalabi siya at dahan dahang tumango.
"Sabagay totoo iyan." Aniya "Ayaw ko namang maparusahan tayo. Mahigpit pa naman si inay sa latay ng palo sa aking binti"
Dun na ko namutla— Shit! Nilalatigo nga pala ang binti ng mga anak dito kapag paparusahan. Jusko! Kailangan kong magpa-good girl dito.
"Oo" ani ko "Kaya hayaan na lang natin sila ang makaalam"
Tumango tango siya na parang nanghihinayang.
"Matanong ko nga pala, Seo-Nam"
"Ano yun?"
"Pano mo nalamang peke ang batong iyon?"
Gusto ko siya irapan sa tanong niyang iyan— Kahit kinder malalamang peke yun.
"Ang mga tunay kasi kumikinang at hindi madaling masira," paliwanag ko "ang peke naman ay kabaligtaran nun"
"Hindi ko pa rin maintindihan"
Napabuntong hininga na lamang ako ng malalim.
"Ganito kasi habang pinagmamasdan mo ang batong iyon napansin kong may gasgas siya, at bahagyang may maliit na butas. Hindi mo siya mapapansin maliban na lamang kung pakakatignan mo ito ng maige"
Nakanganga lamang siya sa akin nang makabawi ay ngumuti ng pagkalaki laki at sabay palakpak.
"Magaling. Hindi ko alam ang bagay na iyan, Seo-Nam. Mabuti na lamang at napag-aralan mo iyan. Iba pala talaga kapag matalino hindi nalilinlang sa mga bagay bagay"
Napangiwi ako dahil dun—What the fuck?! Ako matalino?! Baka lumipag pa ang baboy hindi yun mangyari pero fuck! Matalino pala si Seo-Nam?! Pano na lang kung may math na itanong sa akin at hindi ko nasagot ano ang lusot ko? Ano sasabihin ko na hindi ko maalala ang sagot?! Shit na malagkit!
"Hindi naman"
Ngumisi naman siya sa akin.
"Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil kung hindi mo ko napigilan panigurado malaking salapi ang aking nawala." Aniya, tumango na lamang ako "At baka yun pa ang dahilan para maparusahan tayo. Ayaw naman nating mangyari iyon"
Muli ay tumango ako sa kanya.
"— Nawalan na ko ng interes sa pamimili ng palamuti. Mamili na lamang tayo ng masasarap na pagkain, ano sa tingin mo?"
"Mas mabuti pa nga" pagsang ayon ko "May alam ka bang kainan dito?"
Napatingin naman siya sa akin na parang hindi makapaniwala.
"Seryoso nalimutan mo na ang kainan ni Ginang Kiseok?"
Ako naman ang tumitig sa kanya na parang hindi makapaniwala— Aba! Baka nalilimutan niya ang sitwasyon ko!
Mukha naman narealized niya nang bigla siyang nayuko pagkatapos mamula ng kanyang dalawang pisngi.
"— Patawad nalimutan ko ang itong kondisyon." Aniya bago ako yakapin "Nalimutan ko na nawalan ka ng memorya"
Ngumiwi ako sa kanya este ngumiti pala— Medyo weird siya ah.
"Ayos lamang iy—"
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang tumunog nang pagkalakas lakas ang tiyan ko.
Natawa si Mian ng marealized niyang tyan ko yun, napayuko na lamang ako at namula sa hiya!— Grabeeee! Kakakain ko lang kanina tapos ginutom pa ko! Shet! Lupa lamunin mo na ko.
"Hoo! Grabe ang aking halakhak, Seo-Nam" sabi niya "Mabuti pa at humayo na tayo para makakain. Mukhang ang munti mong kaibigan sa iyong tyan ay nagaalburoto na" pang aasar niya pa.
Papatawarin ko pa sana siya kung hindi lang siya muling tumawa— Grabe! Kahihiyan overload!
"— Dito ka muna. Tatawag lang ako ng ating masasakyan"
Pipigilan ko pa sana siya umalis ng kumaripas ito ng takbo papalayo kaya no choice ako kung hindi maghintay— Ano bayaaaan!
"Badtrip naman oh" sabi ko sa sarili "Boring dito walang cellphone, walang drama-rama na korean novela"
Napanguso pa ako.
"— Hindi, Shantall, malay mo imagination mo lang pal—"
"Mas kasama ka ba binibini?"
Napaangat ang ulo ko sa taon--este mga taong nasa harapan ko. Anim silang lalaking mukhang mandirigma at base sa mga amoy nito mukhang delikado ako.
They are all drunk— I'm dead.
Hinawakan ko ang balabal na tumatakip sa mukha ko at binalot itong maige para hindi agad matanggal. Mahirap na at baka ako ay kanilang makilala.
"O-Oo" sige girl! Magmatapang ka! "K-Kasama ko ang a-aking nobyo"
Napakagat ako nang ibabang labi dahil dun—Shet! Sana kumagat kayo dun! Napanood ko kasi to sa drama na kapag nasa panganib si girl dapat ang defense sa sarili at magpanggap na may boyfriend.
"Nobyo?" Tanong ng nasa gitna "Asan siya binibini?"
"Ah" isip isip "Kumuha lang siya ng aming tubig ay! Ibig ko sabihin bumili"
Nagtawanan naman sila ng dahil dun— Great! Napakagaling ng palusot mo Shantall. Note the sarcasm. Pwe! Best actress na ba? Shet! Asan na ba si Mian?!
"Wag na tayo maglokohan dito, binibini" sabi naman ng isa na may peklat sa pisngi "Magkano ka ng isang gabi?"
Dun na ako napasinghap sa gulat sa pambabastos nila sa akin— Mga walang galang sa babae! Ano tingin nila sa akin pokpok?! Mga Gago to ah!
"Hindi ako bayarang babae" sige lang magmatapang ka, Shantall! "Napaka bastos niyo naman!"
Muli ay nagsitawanan na lamang sila sa inis ko ay magwo-walk out na dapat ako kung hindi lang ako hinarangan ng isa pa sa kanila.
Namutla na ko lalo pa ng ikutan nila ako— Nasaan na ba kasi si Mian?! Ang tagal naman niya dapat nandito na siya! O dapat pala sumama na lang ako.
"Napakagandang katawan" ani ng isa sa kanila "Hindi tayo magsasawa sa munting babaeng ito"
Sa galit ko ay nasampal ko ito. I never been degraded by others until now! At gagawin at gagawin ko ulit ang pagsampal kung babastusin nila akong muli!
"Ikaw—!!"
Nagalit sa akin yung sinampal ko at akmang gagantihan din ako ng sampal mg may panang bumaon sa kamay nito.
Napahiyaw siya sa sakit. Habang ako naman ay napaupo sa takot. Naalerto ang mga kasamahan niya at napatingin tingin sa paligid.
Ilang minuto naging tahimik hanggang sa may panang tumama sa bato at isa isang lumukso ito sa bawat braso at hita ng mga kalaban— Wow! Isang pana lang yun ah!
Akala ko gaganti yun mga lalaki pero hindi pala ng magsitakbuhan ito na parang mga takot na takot na aso— God! Mga bakla ata yung mga yun eh.
"Tatayo ka ba riyan o sisipan na lamang kita patayo. Mamili ka binibini"
Agad akong napatingin sa taong nagsalita at dun nagniningning ang aking mga mata nang makita ko ang isang poker face na lalaki na nakasuot nang kawal. By the look of his handsome face masasabi mong isa talaga siyang
"Oppa"
Kunot noo niya akong tinignan dahil sa sinabi ko.
"Ano ang iyong sinabi, binibini?" Tanong niya, halata sa itsura niya na naiirita siya "At maaari bang tumayo ka riyan! Ang panget mo tignan diyan. Mukha kang baliw sa itsura mong yan"
Napataas ang aking kilay dahil dun. Sasabihin niya kong mukhang bakiw eh hindi pa nga niya nakikita ang beautiful face ko dahil sa balabal— Hayup to ah! Binabawe ko na palang gwapo siya na oppa.
"Pakyu!"
"Ano iyon?"
Napangisi ako.
"Wala. Ang sabi ko lamang ay pakyu oppa!" Hindi naman niya alam ang ibig sabihin eh, might as well curse him more "Op-pakyu ka!"
That made him more confused.
"Ano ang ibig mong ipahiwatig dyan, binibini?"
"Wala naman"
Magsasalita pa sana siya ng putulin yun ng isang matinis na tawag.
"Seo-Nam!"
Napalingon ako at nakita ko ang atat at aligagang si Mian.
"Bakit?"
Hinila niya ako.
"Wala nang oras baka makahalata ang iyong ama na wala tayo sa iyong silid. Mahigit isang oras na din tayong nasa bayan. Umuwi na tayo"
"Teka pano pal—"
Lumingon ako sa gawi nang lalaki— Teka?! Asan na yung lalaki?! Whuuuut?! Multo ba yun?! Ay! Nevermind!
"Ano?"
"Wala wala" ani ko "Tara na umuwi na tayo"
"Mabuti pa" sagot niya "Heto gun mandu para naman hindi ka gutumin"
Ngumiti naman ako at kinain yun at ang sarap, buti at marami siyang nabili.
"Sakay na mga binibini"
Agad sumakay si Mian kaya sumakay na den ako. Ayaw ko naman na maparusahan ng latigo kaya dapat good girl ako.
Tumingin ako sa labas ng aming sinasakyan and there I saw the man na nagligtas sa akin. Yung mayabang.
"Tsk. Damn that handsome oppa" bulong ko "Pa mysterious ang putek"
"Ano?"
Agad bumaling ang tingin ko kay Mian at natawa ng alanganin buti at maingay kaya di niya ako narinig— Bunganga ko talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro