Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ika-siyam na Kabanata: Ang Mahabang Gabi

Shantall Mortex's POV

Ngumiwi ako at nanlalait ang tumingin sa kisame nang silid ko— mag alas onse na nang gabi pero ito ako nakahiga at nakadilat na tumititig sa kisame.

Inis akong napa-upo mula sa higaan ko at na mariing napapikit nang maalala ang nangyari kani kanina lamang.

"Shit!"

Hindi pa rin ako makapaniwalang nangyari yun kanina— yung magkadikit ang mga katawan namin, nang mahuli kami ni inang reyna sa ganun posisyon at yung— yung makita ko ang Junjun niya at yung puta! Yung kiss!

"—Shit!"

Napatili ako sa unan ko kasabay nun ang biglang pagbukas nang pintuan nang kwarto ko na ikinatili ko— naihagis ko pa nga ako unan sa gulat.

"Seo-Nam!"

Namutla ako nang makita ang madilim na itsura ni prinsipe Min Hae— agad akong tumayo at yumuko sa kanya bilang paggalang.

"Prinsipe a-ano pong g-ginagawa niyo sa akin silid?"

Nakitang kong tumaas naman ang isang kilay niya sa akin dahil dun.

"Hindi na ba ako maaaring dumalaw sa silid nang aking asawa?"

Hindi na ko nakasagot dun at nanatili na lamang na tumungo sa kanya— tumingin naman siya sa akin biglang tugon at agad isinara ang pintuan nang kwarto ko.

"— Matulog na tayo"

Napataas ang ulo ko sa sinabi niya at nanlalaking mga mata ko siyang tinignan— ano sabi niya? Tama ba narinig ko? Matutulog na daw kami? Hindi ba English nun ay sleep with me at code para sa sex with me? Shit!

Napalunok ako nang sariling laway at alanganing tumawa sa kaniya.

"Naku prins—"
"Min Hae." He cut me off "Sinabi ko naman sayo aking prinsesa na kapag tayong dalawa lamang ang mag-kasama dapat at obligado mo kong tawagin sa aking pangalan"

Nakangiti naman akong tumango sa kanya. Humikab naman siya.

"— Ako'y inaantok na Seo-Nam paki tawag ang ilang tagapagsilbi para ayusan nang isang higaan dito. Gusto kong makatabi ka sa pagtulog"
"Po?!"
"Paumanhin asawa ko, nagulat ba kita?"
"Hindi naman Min Hae" sagot ko, ngumiti ako sa kanya "Pero baka hindi po kayo maging komportable sa silid ko"

Tago akong napangisi— ANG GALING MONG MAGPALUSOT SHANTALL! BEST ACTRESS!

"Komportable ako sayo, aking Seo-Nam"

Nawala ang pagkakangiti ko— Shit! Into na into na sa akin ang prinsipe! Ang ganda ko naman!

"S-sige Min Hae" bahagya akong ngumiti sa prinsipe at niyukuan siya "Magpapatawag na po ako nang tagapagsilbi"

Tumango naman siya at umupo sa gilid. Bumuntong hininga naman ako at agad binuksan itong sliding door ko— nakita naman ako nang mga ilang tagapagsilbi at yunuko na dumungaw kaya agad silang yumuko sa akin at nagbigay galang.

"Mahal na prinsesa"

Bahagya pa kong napangiwi pero ngumiti na rin sa kanila.

"Ah pinauutos nang prinsipe Min Hae na dito siya matutulog at ipaghanda ang mahihigaan niya"

Nagkatinginan ang lahat bago sabay sabay na ngumiti nang panunuyam, bumalik ang tingin nila sa akin at sabay sabay na nakayukong umalis sa aking harapan.

"Seo-Nam!"

Napalingon naman ako nang tawagin ako nang prinsipe.

"Bakit po?"

Ngumiti siya sa akin at ikinumpas ang kamay para lumapit ako sa kanya— na agad ko namang ginawa.

"Seo-Nam" aniya, naramdaman ko pa ang braso niyang dumantay sa balikat ko. "Pakatitigan natin ang mga bituin nang sabay, hindi ba't kay ganda nilang tignan"

Napatingin naman ako sa bukas na bintana nang kwarto ko at hindi ko na napigilan pang mapasinghap sa tuwa nang makita ko ang libo libong mga bituin sa langit na nagkikislapan.

"Ang ganda"

Hindi ko na napigilan pa na bumuhos ang emosyon ko— bihira na kasi ako makakita nang stars sa gabi kasi tutok na tutok na ko sa hit Korean Movies at Series eh, dagdag mo pa yung mga polusyon nang syudad kaya natatakpan na nila ang mga ganitong tanawin.

"Oo mga kay gandang pagmasdan"

Napatingin naman ako sa prinsipe nang sabihin niya yun at hindi na napigilan pang uminit nang mga pisngi ko nang makitang titig na titig siya sa aking tumitingin.

"M-Min Hae"

Ngumiti naman siya sa akin bilang tugon.

"Aking Seo-Nam"

Tumungo ako at sakto nun ang pagkatok sa pintuan nang kwarto ko.

"Mga Kamahalan narito na po ang ilang tagapagsilbi para ayusin ang inyong matutulugan"
"Maaari na kayong pumasok" sagot nang prinsipe

Bumukas naman ang pintuan nang kwarto at mula dun ay pumasok ang anim na nakatungong mga tagapagsilbi na babae para ayusin ang mga kamang pantulog namin— naa-maze pa ko sa kanila kasi parang walang kahirap hirap lang nila yun gawin samantalang ako nga ni hindi ko maaayos lagi ang hinihigaan ko— kaya lagi sermon ang bungad sa akin ni Kuya Shawn at Ate Shallie eh.

"Tapos na po kami kamahalan" nakayukong sabi nang matandang tagapagsilbi "Kung may pag-uutos pa po kayong iba, tawagin niyo na lamang po kami diyan sa labas"

Tumango naman ang prinsipe sa kanya.

"Makakaalis na kayo"

Napataas naman ang isa kong kilay na makitang isa isa silang lumabas na nakayuko sa anim— umiling na lamang ako— Ang weird kasi nila sa totoo lang.

Narinig ko ang pagtikhim nang prinsipe kaya napatingin ako dito, nakangiti lamang siya tumingin sa akin pagkuwan ay agad hinawakan ang isa kong kamay na halos ikagitla ko sa gulat— shit naman kamahalan!

"Matulog na tayo aking asawa"

Napakagat ako nang aking ibabang labi bago tumango.

"Opo kamahal—"
"Sinabi ko naman sayo na Min Hae. Sanayin mo ang iyong sarili na tawagin ako sa aking pangalan kapag tayo lamang dalawa"

Tumungo ako bago humarap sa prinsipe at buong tapang na tinignan siya sa mata. Malakas na dumagunggong ang pagtibok nang puso dahil ron, napakagat na lamang ako nang ibabang labi para mapigilan ang emosyon ko— umayos ka heart! Wag malande!

"M-Min Hae" ani ko— Shit! Ang landi nang pagkakasabi ko! "Min Hae matulog na tayo"

Nakangiti naman siyang tumango sa akin bago halikan ang hawak hawak niyang kamay ko— Another shit!

Iginaya niya ako patungo sa aming tulungan kasabay nun ang pagihip niya sa dalawang kandila para mamatay— sabay kaming humiga sa kama na magkahawak kamay. Napatitig ako sa kisame— bumalik na naman ako sa pakikipag-face to face dito.

Sa hindi malamang dahilan ay bumilis nang doble doble ang pagtibok nang puso ko— Malandi na ba ko sa lagay kong to?

"Seo-Nam"
"Po?"
"Ang gaan na"

Nagtatakang napatitig ako sa prinsipe na ngayon ay nakapikit na— mas bumilis ang pagtibok nang puso ko nang makita siya.

"Min Hae"

Dumilat siya at tumingin sa akin.

"Nahihirapan ako matulog mula nang nasa silid kita kanina, Seo-Nam" ngumiti siya sa akin "Kaya pinuntahan kita para malaman kung bakit pero mukhang nasagot ko na ang tanong nang madaon ako sa kwartong ito kasama ka"

Napalunok ako nang sariling laway sa sinabi niya— Oh my god! Same! Hindi rin ako makatulog dahil sayo kamahalan! What did you do to me?!

"— Ang makatabi ka sa matulog sa silid na ito ay sadyang kasiya siya na para sa akin. Hindi ko alam kung ano na ba ito pero isa lang ang sinisigurado ko, Seo-Nam"
"A-Ano yun?"

Lumawak ang pagngiti niya sa akin.

"Na gusto kita"

Nanlaki ang mga mata ko sa pinagtapat nang prinsipe kasabay nun ang bigla niyang pag-angat at pagsunggab niya nang halik sa akin na mas lalo pang ikinalaki nang mga mata ko— Shit!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro