Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ika-sampung Kabanata: Kasiyahan nang Inang Reyna

Shantall Mortex's POV

"Inang reyna paumahin po, hindi po maaaring istorbohin ang prinsipe at prinsesa sa kanilang pagtulog"
"Nariyan ang prinsipe?"
"Opo kamahalan"

Nagising ako sa malakas na sigawan sa labas nang silid ko— tumingin ako sa prinsipe at gaya ko ay nagising rin siya sa mga taong nag-iingay sa labas— mga panira nang tulog!

"Anong ingay iyan?!" bulyaw nang prinsipe dahilan para tumahimik ang nasa labas
"Mahal kong Prinsipe, apo"

Bumukas ang pintuan nang aking silid mula ron ay pumasok ang ngiting ngiting si Inang reyna.

"— Hindi ko aakalaing narito ka, prinsipe"

Kinusot nang prinsipe ang sariling mga mata at tumingin sa kanyang Lola.

"Inang reyna naman, ang aga niyo naman po akong dalawin"
"Tinakot mo kasi ako kamahalan, akala ko may kung anong nangyari sayo nang wala akong naabutan sa iyong silid— pumunta ako rito at para tanungin sana si Seo-Nam pero heto ka pala kasama siyang natutulog"

Naramdaman ko naman ang pag-iinit nang pisngi ko dahil sa sinabi ni Inang Reyna sa prinsipe.

"Inang reyna talaga"

Humagikgik bilang tugon ang inang reyna sa kanyang apong prinsipe.

"Natutuwa ako ngayon prinsipe Min Hae, mukhang malapit na magkaroon nang bagong maliliit na prinsipe at prinsesa sa ating palasyo— mukhang naririnig ko na mga tawanan nila kahit hindi pa sila narito"
"Inang reyna" natatawang sabi ng prinsipe "Wala pa naman ang mga iyan, mag-antay pa muna kayo"

Ngumiti bilang tugon ang inang reyna.

"Hindi lang ako makapag-antay na magkaroon muli nang bata dito sa palasyo— aba'y bilisan niyo na ang paggawa nang sanggol. Naiinip na ko, gusto ko nang magkaroon nang laman ang tyan ni Seo-Nam"

Mas nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi ng Inang Reyna lalo pa at pilyong tumitingin pa sa akin si Prinsipe Min Hae.

"Dadating din tayo riyan, Inang reyna, darating den kami dyan"

Nagkatinginan kami ng Prinsipe sa aming mga mata na parang kami lamang ang nasa kwarto ito— nakaramdam naman ang inang reyna kaya agad itong umalis na hindi na nagawa pang magpaalam sa amin.

Nagkatawanan kaming dalawa at magkayakap na bumalik sa aming pagtulog.

Third Person's POV

"Nararamdaman ko na Reyna Ki Won, nararamdaman ko na"

Ngiting ngiting yumuko ang reyna Ki won sa inang reyna at agad sinalinan ang tasa nito nang tsaa— ipinatawag siya nito kanina lamang para masayang ibinalita nang inang reyna ang pagiging malapit ng prinsipe at ni Seo-Nam.

Tuwang tuwa ang Inang Reyna dahil sa pagiging malapit nang dalawa hindi imposible na mag-dalang tao na ang dalagang si Seo-Nam. Ngiti lamang ang naging tugon ng Reyna Ki won sa byenan na wala nang tigil sa kakasalita patungkol sa apo at asawa nito.

"Mabuti kung gayon, Inang reyna" ani ni Reyna Ki won "Nais ko na ring magkaroon nang maliit na supling ang ating palasyo— matutuwa ang hari kapag nakita na niya ang apo niya sa mahal na prinsipe"
"Siyang tunay, Reyna Ki won" ani nang Inang Reyna "Siya pong tunay"

Napatunog ang daliri nang Inang Reyna nang may isang ideya ang pumasok sa kanyang isipan.

"Reyna Ki won"
"Ano po iyong mahal na inang reyna?"
"Nasayo pa ba ang ginseng na iniinom nang mahal na hari nang kayo ay nagtatalik?"

Nag-init ang pisngi nang Reyna Ki won sa hiya nang itanong yun nang Inang Reyna.

"Inang Reyna naman" aniya at agad tumungo sa hiya
"Wag ka namang ganyan— hindi mo dapat ikinakahiya ang pagtatalik niyo nang mahal na hari dahil kung hindi niyo yun ginagawa bilang alinsunod sa ating batas hindi niyo mabubuong ang mahal na prinsipe Min Hae"

Mas tumungo at namula ang Reyna sa kabulagaran nang Inang Reyna— Napaka-straight forward talaga ng Inang Reyna.

"— Pero mabalik tayo sa aking tanong, ang ginseng?"
"Wala na po akong tinatabing ginseng, mahal na Inang Reyna— ubos na po iyon nang mahal na hari"

Bumuntong hininga naman ang Inang Reyna dahil sa sinagot ng Reyna Ki won.

"Sayang naman— nais ko pa namang gamitin nang mahal na prinsipe yun at ni Seo-Nam para ganahan sila sa kanilang pagtatalik at nang makabuo agad sila nang supling"

Naiilang na tumawa ang Reyna Ki won sa Inang Reyna.

"Mahal na Inang Reyna mas mabuti pong hayaan na lamang natin sila tungkol riyan— isa pa, bata pa si Seo-Nam para magdala nang isang supling sa kanyang sinapupunan, mahihirapan siya lalo na at sobra pa siyang bata"
"Sabagay tama ka" sagot ng Inang Reyna sa kanya "Natuwa lamang kasi ako nang makita sila laging magkadikit at isa pa matanda na ko, nais kong makita ang mga magiging anak nang mahal na prinsipe— pinangako ko sa kanya na hindi tagapaglingkod ang mag-aalaga sa magiging anak niya kung hindi ang ina nito at katulong ako pati na ikaw"

Ngumiti ang Reyna sa sinabi nang Inang Reyna.

"Huwag po tayong magmadali, Inang Reyna" ani ni Reyna Ki won sa byenan "Gaya nga nang iyong sinabi nagkakamabutihan na silang dalawa— sakali man ay mga ilang buwan mula ngayon maaari nang magkalaman ang sinapupunan ni Seo-Nam"

Nangiti sa tuwa ang Inang Reyna dahil dun— kinuha pa niya ang kamay nang kaniyang manugang at halos magningning ang mga mata nito na para bang pinapahiwatig nito na ito na ang pinaka the best na manugang sa lahat.

"Hindi ako nagkamali na ikaw ang maikasal sa aking anak na mahal na hari— lubos akong humahanga sayo Reyna Ki won, ang tulad mo ay dapat tularan nang lahat nang mga Reyna. Masaya akong naging manugang ka"

Ngumiti pabalik ang Reyna Ki won sa papuri sa kanya nang mahal na Inang Reyna.

"Marami pong salamat, Mahal na Inang Reyna— pero wag niyo na po akong purihin pa dahil ginagawa ko lamang ang tungkulin ko hindi bilang isang reyna lamang nang bayan kundi bilang isa ring ina sa prinsipe at inyong manugang"

Sinalinan naman ni Inang Reyna ang tasa nang Reyna Ki won.

"— Salamat po sa tsaa, mahal na Inang Reyna"

Tumango ang Inang Reyna sa kanya at sinalinan na rin agad ang sariling tasa na wala nang tsaa— nang malagyan niya ito ay muli siyang nakipag-kwentuhan sa kanyang manugang patungkol sa prinsipe at sa asawa nito nang mga nangyari sa mga ito nang nakaraan— hindi nila alintana ang lahat lalo pa ang babaeng nanggagalaiti na sa galit dahil sa nalamang impormasyon sa inang reyna.

"Hindi. Sa akin lang ang prinsipe Min Hae"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro