Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ika-pitong Kabanata: Ang Pagsasanay ng Inang Reyna sa Itinakdang Prinsesa

Shantall Mortex's POV

"Tumingala ka" utos niya na may paghampas pa ng pamatpat pang kasama "Ituwid mo ang likuran mo!"

Naiiyak akong tumuwid ng tayo sabay bahagyang tumingala. Naiirita na den ako actually pero tiis tiis muna ang ganda ko— Ang sungit lang kasi ng Lola niyo este ni Inang Reyna.

"— ang prinsesa ay hindi dapat yumuyuko dahil ikaw ang niyuyukuan. Ibigay mo ang tindig nang awtoridad dahil meron kang katayuan bilang isang prinsesa at asawa ng prinsipe"
"Opo, inang reyna" ani ko.
"Lumakad ka padiretso" muli niyang utos sa akin "Ipakita mo ang iyong eleganteng galaw"

Napapikit ako nang mariin sa sinabi niya. Nagtitimpi na talaga ako dahil kanina pa niya ko inuutus-utusan, alam kong wala akong karapatan na magreklamo pero ano nga ba ang magagawa ko kung hindi sumunod.

Dahan dahan akong naglakad sa mahabang Hardin ng inang reyna, dito niya ako pinagsanay mula nang ipatawag niya ako kanina lamang. Dalawang oras ko na din ito ginagawa at sa totoo lang nakakainis na at the same time nakakabagooooooot gawin.

"Dadaan sayo ang iyong asawa, ang prinsipe, ano ang iyong dapat gawin?"

Tumigil ako at bahagyang yumuko sa punong tagapagsilbi ng inang Reyna, siya kunwari ang prinsipe— Ang saya saya talaga gawin nito. Note the sarcasm. Putangenaaaaa!

"Mahal kong prinsipe—"
"Mali!"

Nagitla ako nang sumigaw sa akin ang inang Reyna— ano na namang Mali?!

"Magbigay galang ka muna dapat" Aniya "Hindi mo dapat siya tawag in sa katayuan niya, galangin mo muna siya"

Natanga na lang ako dahil dun— What the heck?! Lolo na pala ang prinsipe ngayon, kailangan galangin puta.

"Ginagawa ko naman po" ani ko
"Hindi! Mali ang iyong ginawa" Ani sa akin ng inang Reyna "Ilang beses ko nang itinuro sayo ito dapat ay alam mo na. Pagkayukod mo sa iyong asawa, dapat magbigay galang ka muna"

Lihim akong napangiwi.

"— Ipapakita ko sayo" Aniya at siya ang pumalit sa pwesto ko, yumuko siya sa kanyang punong tagapagsilbi "Kamahalan, Mahal na prinsipe, natutuwa po ako na iyong dinalaw"
"Tumayo ka" mahinang sabi ng punong tagapagsilbi

Agad namang tumayo ang inang Reyna na may malaking ngiti sa labi, tumingin pa ito sa akin na parang nagyayabang— Okay! Ang galing niyo! Yuhoooo! Pang Grammy award! Awit kung awit! Note the sarcasm!

Napailing na lang ako sa mga arte nila the heck!— Nagmumukha silang tanga.

"Ngayon ay ikaw naman"

Napabuntong hininga naman ako at ginawa ang inuutos niya.

"Dagdagan ang Libro" Utos ng inang reyna "Bilis!"

Agad namang yumukod ang dalawang aliping tagapagsilbi at nilagyan ang dalawa pang libro ang nasa ulo ko— Great! Anim na ang nasa ulo ko. Balance Lang girl! Keribells mo yan.

Dahan dahan akong lumakad padiretso nang dumaan muli sa harapan ko ang punong tagapagsilbi, bahagya akong yumukod sa kanya at nanatili lamang ganun.

"Kamahalan, mahal na prinsipe, Kay siya siya ko na dinalaw niyo po ako"

Tumango lamang ako punong tagapagsilbi— Ano na?! Patayuin mo na ko! Kingina mo ka ah! Nangangawit na ko teh!

"Tumayo ka"

Dun na ko bahagyang tumayo at humarap sa kanya nang bigla akong makaramdam nang hapdi sa braso ko na ikinagulat ko kaya nahulog ang mga libro sa ulo ko, agad naman itong dinampot nang mga tagapagsilbi.

"Ayaw ko nang pagkakamali, Seo-Nam, Ayaw na ayaw ko"

Humarap ako kay Inang Reyna na may hawak na mahabang patpat, yun siguro ang pinampalo niya sa akin— ANO NA NAMAN BANG MALI SA GINAWA KO?!

"Inang Reyna" yan na lang nasabi ko sa gulat "Ano pong—"
"Huwag na huwag kang tumingin sa Kamahalan hangga't hindi ka niya pinahihintulutan. Kabastusan ang tumingin sa mukha nang nakakataas sayo nang pahintulot!"

Muli na naman niya akong hinampas nang dalawang ulit sa braso ko na kinadaing ko— Feeling ko inaapi na niya ko. BAKIT BA KASI KAILANGAN KONG GAWIN TO?!

"P-Patawad po, Inang Reyna" diretso kong sabi sa kanya

At nakatanggap lang ako sa kanyang nang anim pang palo sa braso— What the?!

"Inulit mo na naman!" Nanggagalaiti niya sabi sa akin "Tumingin ka na naman sa mukha ng walang pahintulot"

Napangiwi ako— Tae naman! Ano bang alam ko dyan, putcha naman oh! Gusto ko na talagang magmura!

"Pero inang Reyna—-"

And again nakatanggap na naman ako ng palo sa braso— What the?! Ano na naman?!

"Bastos kang bata ka!" Nanggagalaiti niyang sabi sa akin "Kabastusan ang sumagot sa mas nakakataas sayo at sinagot mo ako!"

Bahagyang bumuka ang bibig ko sa inang reyna— IBANG KLASE! Lahat na lang nang gawin ko bastos na. Tae ano na lang gagawin ko baka pati paghinga kabastusan na den.

"Inang reyna"
"At sinagot mo na naman ako" parang atatakehin na sabi ng inang reyna "Gawin mo pa yan at paparusahan kita nang isang daang paglatigo sa iyong binti nang ikaw ay magtanda!"

Nagimbal ako dahil dun— Dun na ko nanginig sa takot, putspa! Kaya nga ako nagpapaka-good girl para Hindu ko yun maranasan eh tapos ang ending ganun den pala.

"— Hindi yan gawain nang isang disiplinado at eleganteng prinsesa."

Yumukod ako at hindi na nagsalita. Mabuti na din ito at baka mamura ko lang tong si inang reyna, hindi man balata pero pumapatol po ako sa nakakatanda.

"— Ang mga alituntunin, aralin at kung ano ano mang aspeto ay dapat alam mo dahil ikaw ang susunod sa hakbang na maging reyna"

Nakayuko akong tumango sa inang reyna.

Muli na naman naming ginawa ang hakbang na iyon hanggang sa umabot pa sa flower arrangement, poetry, singing portion, decision making, good mannerism, tea serving, dining etiquette, smile exercise, proper care, inspiration at kung ano ano pang kaartehan sa buhay.

Nahilo na lamang ako sa dami nun at hindi ko alam kung may silbi pa ata ako sa buhay dahil sa pinapagawa sa akin, feeling ko kasi habang ginagawa ko tong mga to made-depressed ako sa hindi malamang dahilan.

Ito kasing si Inang Reyna eh, stress sa buhay at dinamay pa ko sa kaistress-an niya— Hayuuup! Wala naman na akong magawa kung hindi sumunod. Siya na din ang nagsabi na mas mataas ang pusisyon niya kesa sa akin at kapag sumuway ako o bumali sa salita niya, goodbye shinny legs na.

"Hanggang dito na lamang ang ating aralin" ani ni Inang Reyna bago niya isara ang librong hawak "Sa nakikita ko ay hindi ka pa matuto sa mga binigay kong leksyon ngunit madali lamang iyan sapagka't pagnagdaan ang mga taon ay masasanay ka den. Sa ngayon inuutos ko na basahin mo ang libro ni Haring Quo, ang lolo nang lolo nang aking anak na hari, dun nakasaad ang batas ng palasyo at nais kong imemorya mo ang bawat batas na naron"

Lihim akong napangiwi habang nakayuko— Batas as in Law?! Kingina! Mas napangiwi pa ako lalo na nang ibagsak niya ang sobrang kapal na libro, ay medyo nanlumo din kasi Hangul ang mga letra. Tanginaaaaaa.

"Ito ang libro"

Inabot niya iyon sa Amin at nakayuko ko itong kinuha.

"— Basahin at ingatan mo ang librong iyan"
"Opo, inang Reyna"

Nakita kong ngumiti siya sa akin.

"Sige na at humayo ka na. Bukas na bukas alam siyete ng image ay ipapatawag kita kaya maghanda ka para sa leksyon na ating gagawin, pag aaralan mo ang sining ng kama, para alam mo kung pano maibigay ang pangangailan ng iyong asawa"

Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa sinabi niya, bahagya akong napatingin sa inang reyna.

"Po?"

Ngumisi siya sa akin.

"Hindi ka na dapat pa magtaka, Seo-Nam" Aniya "Ikaw ang itinakdang sumunod na maging reyna, ang kasalukuyang prinsesa at ang asawa nang akong pinakamamahal na apong prinsipe kaya dapat hindi ka na mabahala, tungkulin mo ito dahil ikaw ang magdadala nang susunod na hari ng Joseon Dynasty Empire"

Dun na ko namutla— Shet! Ano tong pinasok ko?!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro