Ika-limang Kabanata: Dalagang Pilipina
Shantall Mortex's POV
"Mahal na prinsesa, wag po kayong malikot" ani ng isang tagapagsilbi bago ako hubaran.
Naiiling akong pinigilan sila pero makulit pa ata sila sa unggoy. Pilit pa rin nila akong hinuhubaran para daw sa pulot gata namin ng prinsipe— HINDI PA KO HANDA SA HONEYMOON! AYAW KO PANG ISUKO ANG BATAAN. HINDI PA TO ANG ORAS!
"— Mahal na prinsesa" aniya "Pakiusap hayaan niyo na po kami"
Hindi pa ko rin sila inintindi at hinawakan ang damit na huhubarin nila kaya nagtawag pa sila ng tagapagsilbi para lang hubaran ako— Nagtagumpay naman sila.
Hiyang hiya akong nakahubad sa kanilang lahat kahit na mga babae kaming lahat medyo naaasiwa ako hindi sa kanila kung hindi sa taong nasa hot spring at prenteng nakaupo habang umiinom ng alak. Ang prinsipe.
Nang matapos nila akong lagyan ng roba at ilang pampabango at pampaganda ay inihatid nila ako don sa likod kung nasaan daw nag-aantay ang prinsipe.
Nakapikit silang hinubaran ako at inilagay sa hot spring. Medyo ang awkward na lalo nang iwan nila kami dun na nakababad at nakahubad. Napayakap ako sa aking sarili baka kasi manyak pala tong prinsipe.
"Ikaw pala si Seo-Nam"
Namumula akong tumingin sa prinsipe na madilim na nakatingin sa akin.
"O-Opo, mahal na p-prinsipe"
Nilalamig na ko kahit mainit yung tubig!— AYAW KO DITO! GUSTO KO NANG UMALIS!
"May mga batas ako sayo bilang aking asawa"
Napatingin ako sa kanya.
"A-Ano po y-yun?"
Ngumisi siya sa akin.
"Una, dapat napupunan mo ang pangangailan ko bilang isang lalaki at iyong asawa"
Naramdaman kong nag-init ang aking mukha sa sinabi niya. Alam kong namumula na ko sa hiya— hayup na lalaking to! Gusto pa ata akong maging sex slave.
Huminga ka nang malalim— Shantall! MAGPIGIL KA! Behave. Behave. Alalahanin mong prinsipe yan!— PWEDE NIYANG IPAPUTOL ANG ULO MO KAPAG NAINIS SIYA SAYO!
"A-Ano po iyon, mahal na prinsipe?"
Ngumisi lamang siya sa aking pagkatapos ay humalakhak.
"Kaysiya siya ko ngayon" aniya sa akin "Napaka-inosente mo aking asawa"
KUNG ALAM MO LANG TUKMOL KA!— Pasalamatan mo ang sarili mo na prinsipe ka kung hindi nasampal na kita ng kaliwa't kanan!
"— At kung maaari pala ay kapag tayong dalawa ay tawagin mo ako sa aking ngalan"
Napakagat labi ako dahil dun—PATAY! Hindi ko maalala ang pangalan ng gagong to.
"P-Po?"
Muli na naman siyang tumawa dahil sa aking sinabi.
"Tawagin mo ko sa aking ngalan" aniya muli sa akin.
Napangiwi ako—Ako lang ba o talagang malagket tumingin sa akin ang prinsipe?! Geez! Gwapo pero gag— este manyak.
"P-Pero mahal n p-prinsipe, hindi po iyon maaari" ani ko.
Trulaloo naman. Ang alam ko kahit mag-asawa ang isang royal ay hindi nila binibigyan ito ng pirmiso para banggitin ang pangalan ng pares. Isa itong batas para lahat ng tao sa palasyo ay gumalang gaya ng kanilang asawa sa kaniya— Weird right?
Tumawa sa akin ang prinsipe na para bang isang malaking biro ang sinabi ko. Napangiwi ako pero saglit lang, buti at hindi niya rin ako napansin.
"Kapag tayo lang naman" aniya, nakangisi pa siya! "Wag kang matakot. Nais kong banggitin mo ang aking ngalan."
EH HINDI KO NGA MAALALA PANGALAN MO EH. Kainis!— Gustong gusto ko na yang isigaw sa totoo lang.
Hindi ko na lamang siya sinagot at nanatiling tahimik. Tumalikod na den ako habang yakap yakap ang sarili upang takpan na rin ang dapat na hindi niya makita— Oo asawa ko na siya pero pero hindi para sa akin. Basta! Single pa rin ako! Period!
"— Nakakatuwa ang iyong kainosentehan" narinig kong banggit niya "Lingunin mo naman ako aking asawa"
AYAW KO NGA! MANIGAS KA DYAN!— Muli na namang tuwa ang prinsipe kaya namula ako sa hiya!— GUSTO KO NANG UMALIS DITO!
Mas nagulantang ako ng may humawak sa magkabila kong balikat— JUSKO! MANYAAAAK!
I wanna screamed pero hindi ko magawa.
"P-Prinsipe" sige na! Bitawan mo na ko!
Natawa sa akin ang lalaki at god! Inilapit niya ang katawan niya sa likod ko kaya ramdam na ramdam ko na si junjun— Yaaaah! Ang laki ng kargada ng prinsipe!
Mas napayakap ako sa sarili ko ng dibdib ay bahagyang lumayo sa kanya and again, tumawa lamang siya.
"Totoo nga ang kanila sabi na ikaw ay tunay na inosente at mahinhin na binibini." Aniya. Nakinig lamang ako sa kanya habang nakatalikod "Natutuwa akong maging iyong asawa Seo-Nam"
Naramdaman ko na namang lumapit siya sa akin at this time niyakap niya ako mula sa aking likod— Puta! Tangina mong prinsipe ka! Pakyu! Pakyuuuu!
Muli akong napayakap sa sarili ko kasi ang lapit na nang kamay niya sa dibdib ko, namula sa hiya— Kuyaaaa! Ateeee! Help me! Ididivirginized na ata ako ng prinsipeng itoooo.
"— Seo-Nam" natutuwang niyan sabi "Sige na aking mahal na asawa banggit mo ang aking ngalan. Banggitin mo ang Min Hae."
Bahagya akong napangiti— Naaalala ko na. Go Min Hae nga pala. Yas! Thank you sa paalala, prinsipe. I almost forgot kasi.
"M-Min Hae"
Napangiwi ako— Puta! Kelan pa ko nagtunog pabebe?! Shit! Ayusin mo teh! Hindi bagay sayo. Dalagang pilipina dapat hindi pabebeng pinay! Wag mo gayahin yung mga pabebe gurls like eww!
"Oh hindi ba, napakaganda pakinggan." Aniya "Pero mas magandang pakinggan ang iyong nakakahalinang mga tinig. Kantahan mo naman ako"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya— The hell?! Ako kakanta? Puta! Gusto mo bang bumagyo dito sa palasyo ha! Gusto mo yon! Sagoot!
Pero syempre hindi ko yun sinabi. Ayaw ko kayang maputulan ng ulo. Dahan dahan akong humarap sa gagong prinsipeng ito at— hayun! Nakangisi ang oppa! Bwisit!
"Prinsi—"
"Min Hae." Pagputol niya sa sasabihin ko "Kapag tayo lamang dalawa nais kong tawagin mo kong Min Hae hindi prinsipe, naiintindihan mo?"
Tumango ako.
"Opo prinsipe este Min Hae"
"Magaling" aniya "Pakiusap aking asawa pakatitigan mo ako at iyong handugan ng magandang awitin"
Putanginaaaaa!
"M-Min Hae, medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam ko paa umawit, maaari bang sa susunod na lamang?"
Nakangisi siyang umiling sa akin.
"Hindi maaari, handugan mo na ang iyong asawa, sumumpa ka kay bathala na pagsisilbihan mo ang iyong asawa at ibibigay ang kanyang pangagailangan at kanyang nanaisin kaya gawin mo ang aking inuutos"
Namula naman ako sa hiya. Bahala na. Pumikit ako at bumuntong hininga at kinanta ang unang lyrics na pumasok sa isip ko.
"♫ Dalagang yeah, isang dalagang pilipina, dalagang pilipina, yeah. Isang dalagang pilipina. May nakita kong isang babae, di ko malimutan ang kanyang imahe, anu— ♬"
Natigilan ako ng tumawa ang prinsipe hindi humagalpak ng tawa— Puta! Dun lang nag-sink in sa akin yung kinanta ko.
Namula ako sa hiya— Tangina this!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro