Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ika-anim na Kabanata: Ang Inang Reyna

Third Person's POV

"Seo-Nam?"
"Opo mahal na inang reyna"
"Yun ang ngalan ng babaeng pinakasalan ng aking nag-iisang apong prinsipe?"
"Opo mahal na inang reyna" Muli tugon ng reyna Ki won, ina ni prinsipe Min Hae. "Siya ang nakatakdang prinsesa sa aking mahal na prinsipe"

Inis na humalukipkip ang inang reyna. Hindi niya gusto ang ipinakasal sa kanya apo, nais niyang ang anak ng kabilang palasyo na tunay na prinsesa ang mapakasalan ng prinsipe pero ano ang kanyang magagawa, wala na dahil kasal na ang kanyang apo.

Hindi nga siya kasama sa kasalan na naganap sa sobrang sama ng kanyang loob.

"Anong klaseng babae ba yang Seo-Nam na yan?" Tanong ng inang reyna "Baka naman tulad lamang siya ng mga karaniwang babae dyan"

Magalang na yumuko si Reyna Ki won bago sinagot ang byenan.

"Hindi po mahal na inang reyna. Gaya nang inyong nababalitaan si Seo-Nam ay isang edukada, inosente, mahinhin, magalang at perpektong anak ng kapitan." Sagot ng reyna "Unang kita ko pa lamang sa kanya, mahal na inang reyna nabihag na niya ang tiwala ko na maaalagaan niya ang mahal na prinsipe. Magiging isa siyang perpektong asawa sa kanyang kabiyak"

Muling humalukipkip sa inis ang inang reyna.

"Wala pa rin akong tiwala sa Seo-Nam na iyan" aniya "Mas nais ko pa rin si Prinsesa Yuen ng kabilang baryo, napakalambing na bata. Bagay na bagay sa aking apong prinsipe. Siya ang magandang halimbawa na maging asawa, nakilala ko siya at unang kita ko lamang ay alam ko na. Naiinis ako sa aking anak, ang mahal na hari sa desisyon niyang ipakasal ang prinsipe sa anak nang kapitan, pero wala na rin akong magawa. Kasal na ang mahal na prinsipe"

Bahagyang natawa ang reyna sa inasal ng kanyang byenan.

"Magtiwala na lamang po tayo sa mahal na hari, inang reyna" nakangiting sabi ng reyna "Alam niya po ang lahat at tiwala po ang sa bawat hakbang na kanyang ginagawa"
"Alam ko" ani ng inang reyna "Hindi ko siya magiging anak kung hindi siya magaling dyan, ipinanganak siya para dyan. Ang maging isang magiting na hari"
"Siyang tunay, mahal na inang reyna"

Naging tahimik ang paligid, hanggang sa lumiwanag ang mukha nang inang reyna sa kaniyang naisip.

"May maganda akong ideya" nakangising ani ng inang reyna

Nagtatakang tumingin si Reyna Ki won sa inang Reyna.

"Ano po iyong mahal na inang reyna?"
"Nais kong papuntahin ang Seo-Nam na iyan dito mismo." Ani ng inang reyna "Nais kong makilatis ang kanyang pagkatao at mabigyan siya ng mga pagsubok kung tunay ngang siya ay nababagay na asawa nang aking apong prinsipe"

Nababahalang tumingin si Reyna Ki won sa byenan.

"N-Ngayon na po ba?"

Nakangising tumango ang inang reyna sa kanya. Wala namang nagawa si Reyna Ki won kung hindi sundin ang inang reyna, nagtawag ito ng isang tagapagsilbi upang ipatawag ang prinsesa Seo-Nam (ang asawa ng prinsipe).

Nababahala ang Reyna sa mga hakbang nagagawin ng inang reyna para sa itinakdang reyna. Alam na alam kasi niya ang takbo ng pag-iisip ng inang reyna.

Isa siya sa nakasaksi noon kapag ayaw ng inang reyna ang taong ito gagawin niya ang lahat para sumuko ito. Hindi naman siya kasali doon dahil noon pa lamang ay nais na siya ng inang reyna na ipakasal sa anak nitong prinsipe na ngayon ay hari na noo.

Ngunit hindi biro ang mga naging pagsasanay niya bilang isang indibiduwal na prinsesa. Naroon kasama sa pagsasanay ang pagsilbihan ang hari, pananahi, pag-aaral ng alpabeto, pag-aalaga sa katawan, pananatiling maganda, at marami pang iba.

Hindi man ito mukhang mahirap pero kapag ito ay mismo ay naranasan mo na. Ikaw sa sarili mo ay susuko na lamang. Ngunit sa mga araw na iyon ay nagpapasalamat siya at nagawa niya iyon.

"Reyna Ki won"
"Ano po iyon, Mahal na inang reyna?"
"Ipagutos mo na ihanda ang aking panligo" anito "Nais kong maging isang magandang halimbawa sa itinalagang prinsesa"

Yumukod siya.

"Opo, Inang reyna"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro