CHAPTER 5
Chapter 5
"Tomorrow will be our P.E class. At maglalaro kayo ng volleyball kasama ang ABM 1201. So bring extra shirt. That's all for today. You may have your lunch."
Pagkaalis ni Ma'am ay sunod na agad ang mga kaklase namin. Akala mo naman mga gutom na gutom.
Napabuntong hininga ako bago tumingin kay Ishi. Napansin ko agad ang paggalaw ng panga niya.
"Uy, problema mo?" beast mood pa ata si Papa Ishi ah. Napaka-aga naman.
Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Did you heard the section mentioned by Ma'am Senya? That's their section."
Ah, iyon naman pala. "Oh, anong ikina-iigting ng panga mo 'don? Diba mas okay nga dahil mas makikita ni Aria ang actingan natin. Mas magseselos 'yon."
Nang tumayo na siya sa upuan ay tumayo na rin ako. Like what he's normally doing, he hold my hand while we're walking.
"Remember that there is a Miguel. That stupid jerk, sarap basagin ng mukha."
"Oh, ba't di mo gawin?"
He arched his brows on me. Nagkakalalaki ang taray ng kilay. Hmp, para siyang japanese doll.
"Ang layo-layo talaga ng ugali mo kay Aria." walang ganang sabi niya. "Pag siya ayaw ng gulo, tapos ikaw parang chinicheer mo pa ako."
I pouted. "Can you please stop comparing me to her? Magkaiba kami ng katauhan, magkaiba kami ng kinalakihan, magkaiba kami ng pamilyang pinanggalingan, magkaiba kami sa lahat. Dahil siya si Aria Hung, at ako lang naman ang pinakamagandang artista here Cessiana Marie Vasquez." I rolled my eyes on him.
Pansin ko ang ngisi na pinipigilan lang niya. Hawak niya parin ang kamay ko nang makapasok kami sa canteen.
"What do you want to eat?" tanong niya.
"Ah, hindi ako magkakanin. Sandwich nalang at softdrinks ang sakin." ngumiti ako sa kaniya. Wag kayo, libre niya 'yon.
"You sure?" tanong niya na tinanguan ko.
Mukhang wala ang magjowa dito sa canteen. Hindi na ako umupo sa may table at hinintay nalang siya na maka-order.
"Hindi ka rin kakain?" dalawang sandwich, cheese crackers at softdrinks lang ang binili niya. Inabot niya ang akin kaya kinuha ko nalang din.
"Hindi ka dito kakain?"
Umiling ako.
Lumabas kami at nagtunggo sa may garden ng school, katabi lang ng gym. May ilang metal bench kaya doon kami naupo.
"Naalala mo kahapon?" basag ko sa katahimikan. Masyado niyang ini-enjoy ang pagkain ng sandwich, parang hindi ako kasama dito ah.
"What about yesterday?" he asked.
"Diba nasa likod natin si Aria? At nakatitig sa atin. Tingin mo effective ang ginagawa mong pagselosin siya?"
Tumigil siya sa pagkain at tumingin lang sa akin.
"At...sigurado ka bang babalik siya sayo kung magselos nga siya?"
He took out a deep breathe. "When she felt jealous, it means she still has a feelings for me."
"Paano mo nasasabi? Matagal tagal na rin kaya ang dalawang 'yon."
"Hindi na naman siguro siya maaapektuhan kung wala na talaga diba? And once she felt jealous, alam kong babalik siya sa akin."
"Umasa ka lang.." bulong ko.
"What?"
"Wala."
May iba't iba talagang paraan ang mga tao sa bagay-bagay 'no? Pwede naman niyang tanungin nalang ang babae, o kaya, magmove on nalang siya at hayaan ang babae sa kung saan niya mas gusto.
Hayst. Parang ako lang naman. Ayoko sa pagpapanggap ko na ito, pero dahil ito ang paraan para makita ko ulit si Papa, tinanggap ko.
It's just that..everything we're doing has a reason.
"Cemie, eat your sandwich. You're spacing out." sabi niya.
Napatungo ako sa hawak kong sandwich. Parang nawalan bigla ako ng gana nang maalala si Papa. Kamusta na kaya 'yon? Naaalala pa kaya niya na may anak siya? Ano kayang dahilan kung bakit bigla nalang siyang nawala?
Tumingin ako sa kanya. "Paano mo nalaman na hinahanap ko ang Papa ko? Do you know him?" I asked but he did not give me an answer. "At..totoo ba na dadalhin mo ako kung nasaan siya oras na mangyari na ang gusto mo? Ayaw ko ng dinadaya ako, Ishi."
He just nod and looked away. Ni hindi niya na sinagot ang nauna kong tanong. Gusto kong itanong sa kanya kung nasaan talaga si Papa pero alam ko namang hindi niya rin iyon sasagutin. Ang nasa usapan ay kapag naging successful ang plano niya. Pero paano kapag hindi? Edi lugi ako? Hayst.
Nang makarating sa room ay nagkakagulo pa ang tatlo. Pati ang ilan naming kaklase ay busy sa kanya-kaniyang usapan. Nakakapanibago din pala kapag hindi nag-iingay ang mga bubuyog sa paaralang ito.
"Ishi the dancerist, come here. We have something to tell you." nakangising sabi ni Troy.
Lumapit ito sa amin at inakbayan si Ishi. "Whatever it is, I'm not interested. Put your hands off jerk." inis nitong inalis ang kamay ng kaibigan na nasa balikat niya.
"Kung ayaw mo, edi si Cemie nalang. Come here, Cemie." hinila niya ako pero agad tinabig ni Ishi ang kamay niyang humawak sa akin.
"Tss, bahala nga kayo. Kung ayaw niyo ba namang mainform e. It's your lost, not mine." bumalik na siya sa upuan pagkasabi 'non.
Akala mo naman kung anong sasabihin. Pihado naman na isa lang 'yon sa kalokohan nila. May bago pa ba sa mga tsunggo na 'yan?
I sighed before sitting on my chair. Mabilis din na natapos ang araw at kibaukasan nga ay P.E class kaya suot ko ang uniform namin na p.e shirt at pants.
Pinatakbo pa kami sa may gym bago kami iayos ng coach daw sa volleyball. Medyo may alam naman ako sa larong 'to.
"Okay, section 3 we'll having a two group." sabi niya sa section namin at inayos nga niya ang klase namin sa dalawang group.
Member namin si Troy, pero 'yung tatlo. Magkakagrupo. And for the first time, nasaksihan ko ang pagnguso ni Ishi. Damn, I find it cute. Ngumiti ako sa kanya.
Inayos din ni Coach ang section 1 'yung section nina Aria. Dalawang grupo din. Habang hindi pa naman nagsisimula ang laro ay lumapit sa akin si Ishi.
"Hey, look at me." tawag niya sa atensyon ko. Hindi ko kase mapigilang mapatingin kabilang section. Naghahanap ako ng pogi. Chos.
"Hmm?" I smiled at him. Nakakalimutan ko ang actingan. Damn. He put his hands on my waist, so I throw my hands on his nape to pulled him even closer.
Napangiti siya sa ginawa ko. "That's my Cemie." pinagpatong niya ang aming noo at pinaglaro ang ilong namin, parang bata.
I heard gasped from section 1. Siguro ay mga nakatingin sa amin. Tangina, nakaramdam din ako ng hiya kahit papaano. Masyado kaming pa-center of attraction.
Ngumiti lang kami sa isa't isa bago siya lumayo. Unang maglalaro ay ang group A mula sa section namin, sina Ishi. At kalaban naman nila ay group A din mula sa section 1, and damn, si Miguel!
Napatingin ako kay Ishi na nakangising pumwesto sa may gitna. Ganun din si Miguel. Nagsimula ang laban na halatang nagkakainitan ang dalawa. Bahala sila kapag ang volleyball na 'to biglang naging boxing. Basta suportado ko ang manok ko.
"Section 3! Section 3!" nagsisigaw ang mga kaklase naming babae nang manalo sa unang laro ang group A mula sa section namin.
Nakangiti akong pumalakpak nang tumingin sa akin si Ishi at kumaway. Akala mo naman totoo, ano?
"The next player will be group B from section 1 and 3." sabi ni Coach at pinapwesto na kami.
Kung si Miguel at Ishi ang nagkalaban kanina. Ito naman at isa sa myembro ng kalaban namin si Aria. Paano ko makakainitan 'to? She looks so nice, ngumiti pa siya sa lahat ng ka-group ko at pati sa akin. Damn, parang nakokonsensya ako sa pinaggagagawa namin ni Ishi para pagselosin siya.
Nag-umpisa ang laro at maayos naman na kalaban ang kabilang grupo. Nakailang mintis man ay marami din akong naging maayos na palo. Rinig ko ang 'pag cheer nina Braille at Dairo lalo na nang manalo na naman kami. What a great fight.
Nakakatouch naman na ngumiti ulit sa amin si Aria na parang walang bahid na hinanakit dahil kami ang nanalo kaya ngumiti din ako. Papunta na sana ako sa pwesto nina Braille nang may nagbato ng bola at tumama sa ulo ko.
Tangina. Parang nagimbal ang utak ko.
"Cemie!" rinig kong tawag ng apat. Napahawak ako sa ulo at naramdaman ko nalang ang pagsalo sa akin ni.. "Are you okay?" si Troy. Hindi ko na maimulat ng ayos ang mga mata ko dahil sa hilo. E sa ulo ka ba naman patamaan.
"S-Si Ishi?..." yon nalang ang naitanong ko bago ako tuluyang nawalan ng pandinig at nagblangko ang paningin.
--
Troy Anilov Quintos
"S-Si Ishi?"
Sinubukan kong gisingin siya, but she's already unconscious. At si Ishigara pa ang hinanap, hindi pa ako na nasa harap niya.
Sa bagay, bakit pa nga ba ako hahanapin kung nasa harap na niya ako? Psh.
"I didn't meant that. Akala ko hindi pa tapos ang laro." sabi ni Miguel na nakangisi. Tangina mo gago ka!
Agad namang sapak ni Ishi ang nakapagpatigil sa kaniya. Sinundan niya pa iyon na nakapagpatumba na sa gago.
"Sorry, I didn't meant that too. Pero ito pang isa." muli niya itong sinapak. At takte walang nagawa ang pag-awat ni Coach at ng ibang student. Masaya 'to. He punched him hard on his face. Panay din ang sapak sa kanya ni Miguel pero pasensyahan, ibang magalit ang kaibigan ko.
"Fuck you bastard for hurting my girl!" mas malakas na sapak ang muling tumama dito.
Napangisi ako. Ibang klase. I thought he was just using this beautiful lady, but I smell something different from his plans.
"Miguel..." that's the scared but still sweet voice of Aria calling that jerk. "Stop, please. Miguel."
Kusang lumayo si Miguel kay Ishigara. Lumingon si Ishi sa amin at nang makita ang babaeng walang malay na salo ko ay mabilis itong tumakbo.
"The fuck?! Hindi mo man lang dinala sa clinic?!" galit na sabi nito.
"She's looking for you, baka ikaw ang gustong magdala." ngumisi ako nang mabilis niyang binuhat si Cemie at halos manakbo na papunta sa may clinic.
I just looked on their way. What's with that girl? At bakit ba siya pumayag sa planong iyon ni Takashi? What condition did he gave on her to deal with it?
Why did she choose to be used by him, kahit andito naman ako. Kaya ko siyang ituring na reyna, at hindi laruan.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro