CHAPTER 45
Chapter 45
Its been a month since the last time I went here at City jail. Napabuntong hininga ako sa mga alaala nang pagpunta ko dito noon.
But I'm here again. Pumasok ako sa loob at nagpunta sa visitors area. Kasunod ng lumabas na pulis si Papa.
"Kung mga Takashi ang dalaw, ayoko nang lumabas! Ipasok niyo na ako sa loob!"
"Manahimik ka, Vasquez. Anak mo ang bisita mo!"
Tila natulala si Papa ng marinig ang salitang 'anak'. Nagmadali siyang lumabas at nang makita ako ay parang sabik na sabik siya sa akin. Naupo siya sa tabi ko at hinawakan ako sa mukha.
"A-Anak, kamusta kana? Akala ko ay hindi kana babalik dito, akala ko ay kinalimutan mo na rin ako." ang dalawa niyang kamay ay lumakad sa mukha ko. "Dalagang dalaga kana anak. Hindi kana galit kay Papa? Hindi ka ba galit sa akin?"
Nagsikip ang dibdib ko habang nakatingin sa kanya. He's caressing my face. "P-Pa.." hindi ko alam kung paano magsisimula. "Totoo ba na ginusto mo akong ipalaglag kay Mama noon? A-Ayaw mo sakin?"
Mukhang natigilan siya at halos ilang segundo rin bago natauhan. "Mali ang iniisip mo, Cemie. Ikaw ang pinakamahalaga sakin ngayon. Oo, nagkamali ako noon, marami akong pagkakamali. Pero noong naisilang kana, naging ikaw ang lahat sa akin. Minahal kita bilang anak ko, Cemie."
"Pero iniwan mo parin ako, Pa. S-Sinaktan mo si Mama. Kung mahalaga ako sayo, bakit hindi mo ako inisip noong mga oras na gumagawa ka ng mali?"
He heaved a sigh. "Pasensya na. Pangako, pagbabayaran ko ang lahat. Kahit dito na ako sa kulungan mamatay, mapagbayaran ko lang ang lahat. Pati ang kagustuhan ko noon na ipalaglag ka ng Mama mo, pagbabayaran ko iyon. Nararapat sa akin na parusahan ng kamatayan."
Natigilan ako sa sinabi niya. My eyes welled with tears. Hinawakan ko ang kamay niya at ang isang kamay ko ay sa kanyang pisngi.
"H-Hindi, Papa. Alam kong darating parin ang panahon na lalabas ka dito, at mapapatunayan mo na isa kanang mabuting tao. Ramdam ko Pa na nagsisisi kana sa lahat, at alam kong gagawin mo 'yon hanggang dulo."
He looked at me na parang hindi makapaniwala. "Anong ibig mong sabihin?...p-pinapatawad mo na ba ako agad? Anak?"
I slowly nodded on him. "K-Kahit meron parin akong kunting sama ng loob sayo dito sa puso ko, handa akong patawarin ka...Basta makita ko na nagbabago ka dito. 'Yong kasalanan mo, alam nating labag sa batas ng Diyos at ng tao iyon, kaya dapat pagsisihan mo, dapat bumawi ka sa Diyos at sa mga taong inagrabyado mo."
"Pangako...pangako, gagawin ko iyon, Cemie."
I smiled at him. "At isa pa...ayoko na ring mabuhay sa galit. Nakakapagod rin pala, Papa. Hindi ko inasahan na ganito pala kabigat ang buhay dito sa mundo. Kailangan pang masaktan para matuto." I sighed. "Pa, kapag..mahal mo ba ang isang tao patatawarin mo parin siya sa lahat ng ginawa niyang mali?"
He chuckled. "Nak...mukhang hindi ko masasagot 'yan, ako ang gumawa ng mali e, ako ang nagkamali." he sighed and patted my hands. "Cemie, nasa iyo ang desisyon sa pagpapatawad. Kung nararamdaman mo na nagsisisi at bumabawi na ang tao sa mga mali niya, kusa ka nalang darating sa punto na maiisip mo na patawarin siya."
Malungkot akong ngumiti sa kanya. Ilang minuto pa akong nanatili habang pinakikinggan ang paliwanag ni Papa. Oo, nasaktan ako sa nalaman tungkol sa kanya, sa lahat ng ginawa niya. Pero siya parin ang Tatay ko e, at nakikita ko naman na bumabawi siya.
--
Three years had past, lahat ng oras ko ay ginugol ko sa pag-aaral. Last year ay umalis na rin ako sa cafè dahil masyado na akong naging abala sa mga school papers. At isa pa, nakaipon rin ako dahil sa part time job ko noon.
Now, I am a fourth year college. Aaminin ko na hindi rin naging madali para sakin na sa loob ng tatlong taon, nasa iisa kaming room, pero ni hindi kami nagtatagpo. Sometimes, I caught him from afar, watching me.
Tinupad niya ang sinabi niya. At ginawa ko naman ang gusto ko. Pero ang kapayapaan ko? Hindi ko alam kung nahanap ko ba talaga. Palaging may kulang, palaging parang may parteng nawawala sa akin.
I sighed and continue typing my thesis. Nasa chapter one palang kaming lahat. Katabi ko si Gianne na busy rin sa ginagawa. Andito kami sa computer room ng school dahil dito kami gumagawa. Mayamaya lang ay dumating si Ferry at may inilapag na paper bag sa tabi ko bago siya naupo sa upuan niya.
"May nagpapabigay sayo, girl!" kinikilig na sabi niya. "Hoy, ano na? Lunch muna tayo." sabi niya kay Gianne.
"Oo na! Let's go. How about you, Cemie? Tara na."
Tumingin ako sa kanila para umiling. "Hindi na. Tatapusin ko nalang 'to."
"Edi ikaw na ang masipag! Mukhang pwede namang pang lunch 'yang bigay ni papa ackkk"
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Ferry. Nang makaalis sila ay nagtype nalang ulit ako. Panay ang sulyap ko sa paper bag na nasa gilid ko. It's not the first na may nagpadala sa akin ng mga kung ano-ano, pero hindi mawala ang kaba ko t'wing nakikita ko ito.
Siya ba ang may pakana nito?
I sighed and looked around. Kapag tinatanong ko naman ang mga nagdadala sakin, wala silang sinasabi kung sino ang may pakana.
Napatingin muli ako sa paper bag at sinilip ang laman nito. Muli akong napalingon sa pintuan dahil baka mamaya may nakasilip pala doon. Dahil mukhang wala naman ay tuluyan ko ng binuksan ang paper bag.
Natakam agad ako sa amoy. Napaawang ang labi ko sa isang tupperware na siomai! Aminado naman akong ubos ko ito pero bakit ang dami?
Meron ring kasamang...lollipop na heart shape...strawberry flavor.
This is his way of giving me a hint. Pero hindi ko na kailangan. Nagtatanong ako sa mga kaibigan, kaklase ko kung sino ang nagpapabigay sa akin. But from the very start, ramdam ko na siya talaga ang may pakana. Dahil sino pa ba ang gagawa nito bukod sa kanya? Imposibleng ang tatlong papables. At isa pa hindi ako nagpapaligaw 'no!
Inilagay ko sa bag ko ang lollipop at kinain ko na rin ang siomai. Hindi ko alam kung anong lason na naman ang ginamit mo sa akin, hapones. At hindi ako handa sakaling lumala na naman ang epekto ng lason na ito sa akin.
Lumipas ang mga araw na puro school papers ang ginagawa namin. I enjoy it naman dahil hindi ako masyadong nahihirapan sa mga ganun. Minsan nga ay nagagawa ko pang sumali sa theatre performing act, minsan ay ako ang nagsusulat ng script para sa mga theater.
Ewan ko. Aminado akong hindi naman ako ganoong katalinuhan pero once na writing ang usapan. Sabak lang ako ng sabak.
Nasa hallway ako nang humarang sa akin si Adi.
"Hoy gaga, manlibre ka naman! Nangunguna pa ah." pinagsusundot niya ako sa tagiliran. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko gets kung anong sinasabi niya.
"B-Bakit naman ako manlilibre? Birthday ko ba?"
"Gaga! Palibhasa nood ka lang ng nood ng theatre act Romeo Romeoo, ayan! Wala kang kaalaam-alam hmp!" hinampas niya ako sa braso. Sadista ang puta.
Hinampas ko rin siya. "Ano ba 'yon?"
"Isa ka sa Dean's lister! Nakapost kaya sa page ng school, at nangunguna ang name mo sa list! Gaga ka! Bahala ka nga d'yan." naglakad na siya palayo.
Napangiti ako sa sinabi niya. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko para tignan ang post. Tama siya, nangunguna ang name ko sa list!
Naglaho ang ngiti ko nang makita si Ishi sa may dulo ng hallway, nakatitig sa akin. Mabilis kong itinago ang cellphone ko at pumasok na sa room.
Uupo palang ako ay napansin ko na agad ang note na nakakapit sa arm rest ko. 'Congrats' meron pang heart shape na lollipop ulit. At tatlo! Na may nakasulat pa na I love you.
Napahinga ako ng malalim.
God, why do I feel this happy this time huh?
I felt my heart beating too loudly inside my chest. Kinakabahan ako na ewan sa nararamdaman ko dahil...natatakot na ako. Natatakot na akong bumigay na naman ng husto ang puso ko sa kanya.
Napag-usapan namin nina Ferry at Gianne na samasama kaming gagawa ng thesis. Kailangan na ring matapos. Ang usapan ay sa bahay ni Ferry. Kasama rin namin ang boyfriend ni Gianne na si Kurt. Nang makarating kami sa bahay ay hindi ko inaasahan na andito rin si Ishi! Kasama niya ang isa naming classmate na si Michael.
Akala ko kami lang. What is he doing here?
Nang mapatingin siya sa akin ay ngumiti siya. Hindi ko siya pinansin at sumunod nalang sa mga kaibigan ko.
Sinimulan namin ang thesis paper namin. Ramdam ko na may nakatitig sa akin pero hindi na ako nag-abalang tumingin. Damn. Mabuti at nagawa parin naming tapusin ang papers.
"Sleep over tayo dito!" suggestion ni Gianne.
"Ayos lang sa akin." sabi ng bf niya.
"Sakin din." si Michael.
Napatingin sila sa amin ni Ishi. Sa akin naman nakatingin ang lalaki. Anong hinihintay niya? Sagot ko?
I sighed. "Sige. Ayos lang."
"Ayos na ayos." sagot niya matapos kong sumagot. Tumili ang mga kasama namin kaya napairap nalang ako.
"Full moon ngayon, doon tayo sa may veranda! Ang ganda ng view!" sabi ni Ferry.
Sumunod lang kami sa kanya at sina Michael at Kurt naman ay agawan pa sa chitchiryang dadalhin. Nakaupo kami sa may sahig ng veranda dito sa kwarto niya at kitang kita nga ang buwan.
There's a star beside the moon. Magkalapit, pero sa totoo ay magkalayo ang dalawa.
Nagkwentuhan lang sila at asaran. Paminsan minsan ay sumasabat ako pero hindi gaano. Malungkot lang akong napatitig sa buwan.
Yung taong palagi kong kasama sa pagtitig sa bituin at buwan. Ngayon, malayo na sa akin. Wala na sa tabi ko para yakapin ako.
I smiled bitterly. Gugustuhin ko pa bang magpayakap sa taong nanakit sa akin?
"Let's sleep na. I need a beauty rest." si Ferry.
Nagsilabasan na sila at ako ay nagpaiwan dito sa veranda. Nakatitig sa buwan.
Sumandal ako sa pader at mayamaya lang ay naramdaman ko ang paglapit ni Ishi sa akin. Nagpunta siya sa may harap ko at naupo sa sahig. Magkaharapan kami at nakatitig sa isa't isa.
"Hi," he said. Isinandal niya ang batok sa may railings habang nakatitig parin sa akin. "H-How should I start?" he whispered.
Napahinga ako ng malalim. Parang may bumabara sa lalamunan ko. Nakatitig siya sa akin at para akong nilulunod ng mapupungay niyang mata.
"I-I'm..sorry." 'yon palang ang nasasabi niya pero parang unti-unti ng bumibigat ang loob ko. "I know that sorry isn't enough for everything I've done, but I still want to say sorry. D-Dahil nasaktan kita."
I took out a deep breathe. "Tama ka, sorry isn't enough. Hanggang salita lang 'yan. At wala akong tiwala sa salita mo, Ishi."
His eyes were in fraction. Ngumiti parin siya sa akin. "I know. Because I am the one who broke your trust. Kasalanan ko."
Mabuti alam mo. Niyakap ko ang mga tuhod ko.
"But believe me, Cemie. Lahat ng ipinapakita ko sayo ngayon totoo. Lahat ng sasabihin ko totoo. Handa parin akong sabihin sayo kahit paulit-ulit na mahal kita. I know you don't trust me, but I will prove it."
"H-Hindi ko alam kung paniniwalaan pa kita."
He sighed. "Believe me, Cemie. Una palang minahal na kita."
Umiling ako. "Hindi, Ishi. Hindi mo ako minahal dahil ginamit mo lang ako!"
He shook his head. "Minahal kita Cemie, una palang. At 'yung ipinaramdam ko sayo totoo lahat 'yon!"
Napangisi ako. "Tanga ka ba? H-Harap-harapan mong sinabi sakin na nasa plano mo lang na paibigin ako! P-Plano mo na saktan ako Ishi, kaya 'wag mo na akong lokohin!"
Tumayo ako at aalis na sana sa veranda nang magsalita ulit siya. Nakatayo na rin siya nang humarap ako.
"Nagsinungaling ako, Cemie. Totoong mahal kita-"
"Tanginang pagmamahal 'yan Ishi! Kailan ba 'yan magiging totoo? H-Hanggang kelan ako aasa na maging totoo 'yan? Tangina! A-Ang hirap mong mahalin."
"Cemie, maniwala ka.."
Umiling ako. "Paano pa akong maniniwala? Ikaw na mismo ang nagsabi na lahat ng iyon para lang sa plano mo! A-Ano? Masaya kana ba ngayon? Did you get the satisfactions you want?" halos pumiyok na sabi ko. "At kung talagang mahal mo ako, edi sana una palang itinigil mo na ang plano. Edi sana hindi mo na ako sinaktan, edi sana nagpakatotoo kana sakin, pero hindi! H-Hindi mo ginawa dahil sarili mo ang iniisip mo! D-Dahil sa kagustuhan mong maghiganti naging duwag ka!"
Tumalikod ako sa kanya nang muling umagos ang luha sa aking mga mata.
"Oo na! Oo na duwag ako!!" napahikbi ako nang marinig ang sigaw niya. Now, he's raising his voice on me. "Duwag ako! And I f-fucking hate myself for being coward! Naduwag ako, at hinayaan lang kitang masaktan para maggawa ko ang gusto ko."
He sighed. "I'm too selfish, para lang hindi ako masabihang duwag ginawa ko parin ang plano kahit..kahit alam kong mahal na kita. And I hate myself na mas pinili kong ituloy ang plano..na naging kapalit ay ang paglayo mo sakin. Naging matapang ako p-para lang ipaghiganti ko ang pamilya ko! But I didn't even realized that I still become coward for us, for you. A-Akala ko magiging masaya ako sa naging plano ko. Pero hindi, nagkamali ako."
Humikbi lang ako habang nakatalikod sa kanya. Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya. May luhang tumulo mula sa isa niyang mata nang mapatingin sa akin.
"Pagkakamali lahat ng ginawa ko. Pagkakamali ko na sinaktan kita. At ang hindi lang pagkakamali ay itong nararamdaman ko, mahal kita. Loving you is the only right decision I made."
Hinyaan ko ang luhang pumatak sa mga mata ko. Humihikbi akong nakaharap sa kanya. He brushed my cheeks and I saw how his tears streamed down on his cheeks. This is the first time that I saw him crying.
"Baby, I'm sorry..." he whispered.
He pulled me into a hugged. Hinawakan niya ang ulo ko para mas yakapin. I sobbed on his shoulder. Habang siya ay panay ang hagpos sa buhok ko, rinig ko rin ang mahina niyang paghikbi. Para akong sinasaksak no'n.
"I'm sorry...sorry." paulit-ulit na sabi niya. "I'm sorry for my nonsense revenge. I'm sorry for hurting you. I'm sorry for being weak and coward. I'm sorry for everything."
Napatingala ako sa kalangitan para makita ang buwan at ang bituin.
Saksi na naman sila sa aming dalawa.
He kissed my head before looking at me. Wala akong naging galaw nang pinahid niya ang luha ko sa pisngi. He looked at me, too lovingly this time.
"I love you, Cemie. The moon and stars knews it."
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro