Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 44

Chapter 44

Unti-unti kong pinag-aralan ang pakikisama sa kanila. Of course, I do a lot of adjustment. Lalo na kay Tito Gino. He's kind, gentleman, loving husband to my Mama, and sweet caring father to Cassie...and to me.

It was so hard for me to accept everything at first, pero habang nagtatagal na nakikilala ko sila ay unti-unti ko na ring natatanggap.

Bumabawi si Mama sa lahat ng pagkukulang niya sa akin, at hindi ko alam kung tama pa bang gawin niya iyon. Having her who protected me and fight for me to see this world is more than enough. Kung hindi siguro niya ako pinaglaban sa tatay ko noon ay wala ako sa mundong ito.

I chuckled while imagining how everything changed.

Pumasok na ako sa room matapos ang lunch break namin. Natigil ako sa kinatatayuan nang makita si Ishi na nakaupo sa arm chair ko habang kausap si Ferry at Gianne.

"Excuse me?" hindi ko maiwasang hindi magsuplada. Nagtatawanan pa sila at natigilan nang makita ako. "Kailan pa ako nagbigay ng permiso na pwedeng maupo sa upuan ko ang isang gago na tsunggo?"

Tumingin siya sa akin at ngumisi. "Ah, as far as I know this chair is owned by the school. So, your permission is indeed nonsense."

Namilog ang mga nguso ng dalawang nasa likod habang ako ay halos umusok na naman ang ilong sa gago na nasa harap ko. Nagcross legs pa siya at cross arm habang nakangising aso sa akin.

Halos manlisik ang mga mata ko sa kanya. Tumayo na siya at natatawang pinagpag ang upuan ko. Hahawakan pa niya sana ako sa siko para paupuin pero agad kong hinawi.

"Bwisit!" pabagsak akong naupo.

Araw-araw nalang siyang ganyan. Gusto niya talagang nakukuha ang atensyon ko ano? Para saan na naman kaya? Para ma-fall na naman ako sa kanya tapos sasabihin niya na sinadya niya iyon? Huh! I swear to God that I won't let that happen again.

--

"Boss, andito ka ulit?"

Nang makarating ako sa cafè ay nakita ko na naman si Nate na busy sa pagla-laptop. Ngumiti siya sa akin at pansamantalang isinara ang laptop.

"Yeah. You're too early huh?"

Ngumiti ako. "Maagang natapos ang klase boss, kaya dumeretso na ako dito. Sipag ko 'no?"

He chuckled. "Well said."

Mabuti nalang at mabait itong si Boss. Madaling pakisamahan, kaya hindi rin mahirap sa akin ang magtrabaho dito. Minsan ay dito pa ako nagre-review kapag may exam, at pinapayagan niya ako. Kapag may oras nga siya ay tinutulungan niya pa ako.

Ngumiti ako sa mga customers habang isa-isang dinadala ang orders nila. Napatingin ako sa isang lalaki sa dulo na naka-black cap at jacket, itinaas nito ang kamay kaya lumapit ako dito.

"Good evening, Sir. What's your order po? We have here--"

Natigil ako sa pagsasalita nang makilala ang nasa harap ko. Nagcross legs pa siya bago ng angat ng tingin sa akin. He smiled.

"Good evening too, baby."

Napakuyom ako ng kamao dahil sa itinawag niya sa akin. Tangina niya. Hindi na nakapagtataka kung sino itong nasa harap ko, sino pa nga ba? No other than the asshole jerk Hapones.

Saan ba ito kumukuha ng lakas ng loob na humarap sa akin?

Nagngitngit ako ng mga ngipin dahil sa inis. Kung wala lang ibang customer baka nahambalos ko na ito ng tadyak.

"Ah, wait...you're asking for my order, right?" umayos siya ng upo at inagaw sa akin ang menu na hawak ko. His brow arched. "Ginto ba ang kape dito? Masyadong mahal." kapal niyang magreklamo!

"Para namang ginto ang lahok ng coffee dito. Ikakagwapo ko ba 'to? Even the cakes, kasing tamis ba ng pagmamahal mo ang lasa nito para maging ganito kamahal?"

Nanggigil ako sa sinabi niya. Parang nagi-enjoy pa siya sa katangahan niya.

"What should I order, hm?" kumamot pa siya sa baba bago nag-angat ng tingin sa akin. "Pwede bang ikaw nalang? Mukhang mas nakakatanggal ka ng antok kaysa ginintuang kape dito."

Nanlisik ang mga mata ko sa kanya. Talagang sinusubukan niya ako ha. Ngumisi ako habang tiim bagang na nakatingin sa kanya.

"Alam mo ang dapat mong orderin? We have here kapeng barako. Bagay na bagay sayo. Para naman magkaroon ng tapang 'yang sa duwag mong pagkatao!"

Napaawang ang labi niya habang magkacross legs paring nakaharap sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Is there something wrong here, Cemie?" narinig ko nalang ang boses ni Nate. Nasa may likuran ko siya at nakatingin rin sa lalaking prenteng nakaupo sa harap namin. "Wait, you look familiar..." mukhang inaalala niya pa.

Tumikhim si Ishi. "Yeah." then he looked around. "You owned this..ah cafè?" sinamaan ko siya ng tingin dahil alam kong kung ano-ano na naman ang sasabihin niya. "Ang hina ng aircon, and the designs around are not that creative. Pati ang mga Coffee and Cakes niyo, ang mamahal. More of the customers here are students, laking pera ng magagastos isang order lang. Ano ba ang kape niyo? Gold?"

Nakita ko ang pag-awang ng labi ni Nate. Napatingin ito sa akin kaya nakaramdam ako ng hiya. Alam kong ginagawa ito ng lalaking gago dahil sa akin. Lakas niyang makaasar.

"The hell are you doing here?" humarang ako kay Nate nang akma itong lalapit kay Ishi. "Hindi kita pinilit na magpunta dito, kaya wala kang kaarapatang magreklamo. At hindi mahal ang mga kape namin dito, kuripot ka lang."

Napakagat ako sa labi dahil sa sinabi ni Nate. Gusto kong tumawa pero naiinis parin ako sa lalaking nasa harap ko. Nakangisi pa siya.

Humarap ako kay Nate na mukhang pikon na sa lalaking ito. "Ah boss, ako na ang bahala dito." I smiled at him. Humarap ako kay Ishi at sinamaan siya ng tingin. "Labas."

Nang hindi siya nakinig ay ako ang umuna. Napapapadyak pa akong lumabas dahil sa inis. Sumunod naman siya sa akin kaya hinila ko siya sa gilid ng cafè.

"Boss huh?" ngumisi pa siya.

"Pwede ba?! Oo boss ko! At dahil sa'yong gago ka! Nakakahiya sa kanya ang mga pinagsasabi mo! Kahit kailan ka talaga, arghh! Nakakainis ka!"

"You're working here every night, with your so-called boss, huh? Paano kung bastusin ka no'n?"

"Ano bang pake mo?!"

"I told you, I care for what is mine."

"Then I'm not yours anymore, Ishi. Tigilan mo na 'yang katangahan mo!" madiing sagot ko. He smirked.

"Pag binastos ka ng lalaking 'yon. Tingin mo ba may tutulong sayo dito?" sa halip ay tanong niya.

"Hindi ganung tao si Nate!"

"He owned this cafè, and you are working here. Tingin mo ba ay may maniniwala sayo kapag binastos ka niya sa loob ng cafè na 'yan? Wala. Kayang kaya ka niyang paikutin sa mga tao para hindi sila maniwala sayo."

Talagang ipinagpipilitan niya iyon? Napangisi ako. "Paikutin, Ishi? Diba ikaw ang magaling do'n? Anong karapatan mong husgahan si Nate? Anong karapatan mong itulad siya sa kagaya mo?"

He smirked. "And now you're mentioning him by his name."

Sinamaan ko siya ng tingin. Ano bang pake niya sa akin?

"Pwede ba? Tigilan mo ako. Tigilan mo na 'yang pagpapanggap mo na parang okay tayo. Hindi tayo maayos, Ishi. Pagod na pagod na ako d'yan sa katangahang ginagawa mo. Pagod na ako sa araw-araw mong pang-iinis sakin. Paano ako makakapag-move forward sa lahat kung paulit-ulit kong naaalala ang ginawa mo sakin kapag nasa harap kita? Ni gusto ko nang matahimik pero hindi ko magawa dahil palagi kang nand'yan."

Tumalikod ako sa kanya at natigilan ng matahimik siya. Doon ko lang napagtanto kung ano ang mga pinagsasabi ko. I slowly looked at him. Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya pero nagawa niya paring ngumiti sa akin. Para akong napako sa kinatatayuan ko nang humakbang siya papalapit sa akin. His just inches away from me.

"Yon ba ang gusto mo, Cemie?" he locked his eyes on me. "My inexistence on you? You know I can do everything and anything for you. Pagbibigyan kita, kung 'yan ang makakatulong para maging maayos ka."

Parang sumikip ang dibdib ko sa sinasabi niya. Bakit...

Napatungo ako sa mga paa ko. I heard his heavy sighed.

"Hahayaan kita na magmove forward dahil iyon din ang gusto ko para sayo. Hahayaan kitang matahimik at hanapin ang kapayapaan mo. Hahayaan kitang mahalin mo muna 'yang sarili mo."

He cupped my face that made me looked on him.

"At ako, mananatili akong nasa paligid mo. Papanoorin kita hanggang mahanap mo ulit ang sarili mo. At oras na nandoon kana sa puntong iyon, handa akong gawin ang lahat, maging akin ka lang ulit." I just felt his soft kiss on my forehead. "I love you, Cemie. This isn't the last time that I will say those words to you. Mahal na mahal kita, at mamahalin kita kahit hindi na ako humihinga."

Muli niyang hinalikan ang noo ko bago ang unti-unting pag-alis ng kamay niya sa akin. Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko. Ni walang salita ang namumutawi sa akin.

He slowly turned his back, and walked away.

For the nth time, humiling na naman ako ng bagay na alam kong ako rin ang masasaktan. Ako ang may gusto...pero ako ang nasasaktan.

I just felt my tears flowing down on my cheeks.

This is probably the last time that he will appear in front of me. But thanks that he let me find my peace.

--

Days and months past, ginawa niya nga. Hindi na siya nangungulit. Wala ng mapang-asar sa school. We're on the same room pero hindi ko na siya nakaka-interact.

Ginusto ko naman ito kaya paninindigan ko. Isa pa, I will focus on my studies muna. Sa pangarap ko, sa pamilya ko.

Naramdaman ko ang malambot at maliit na kamay na kumapit sa braso ko. Nakaupo ako dito sa duyan sa labas ng bahay namin at napangiti nang tumabi sa akin si Cassie. Malimit ay nandito siya dahil gusto niya daw akong makita.

"Are you sad, ate?" tanong niya. Napakagandang bata niya, mana sa ate. Her blushy cheeks, pinkish lips, at medyo makapal din ang kilay niya. Pwedeng pambato sa pageants.

I smiled at her. "Hindi, may iniisip lang ako." mabuti nalang at nakakaintindi siya ng tagalog. Pero medyo hirap siyang mag-tagalog. English speaking kase ang turo ni Tito Gino sa kaniya e.

She pouted her lips. "You know ate, Daddy kissed Mommy when she's sad. You need to find your own husband ate, so he can kiss you when you're sad."

"Haha napakagaling." hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa advice niya.

Tumayo siya sa harap ko at hinawakan ako sa mukha para pupugin ng halik. She's really this sweet. Mana talaga sa akin.

"Its okay if you don't have a husband yet, ate. I'm here naman. I can kiss you everytime and anytime you want."

I smiled. Niyakap ko siya at hinayaang maupo sa kandungan ko.

"Ate love you so much, Cassie."

Napakasarap pala sa pakiramdam na may kapatid. Lalo pa at ganitong ka-cute at ka-sweet. Sana lang hindi siya matuto ng katarantaduhan kapag malaki na siya. At dapat kasing inosente ko siya.

"Cemie," rinig kong tawag ni Mama. Nasa may teres siya ng bahay namin at may hawak na food tray, may lamang merienda.

Dahil hindi inalis ni Cassie ang kamay niya sa leeg ko ay napilitan na akong buhatin ito kahit ang bigat niya.

Ngumiti sa akin si Mama bago kami pinaghain ng merienda. Unti-unti na kaming nagiging okay, pero nandito parin ang paninibago ko sa kanya.

I sighed when Cassie put grilled hotdogs and boiled egg on my plate.

Buti pa 'yung hotdog, kapares palagi ang egg. Bakit sila may kapares tapos ako na tao wala? Unfair ng buhay. Sana all hotdog.

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro